Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

S.

Y 2020 - 2021

IN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Week : 2

GRADE: 10

Name Of Student: ________________________________


I.D Number: ________________________________
Contact Number: ________________________________
Address: ________________________________
Purok: ________________________________
Facebook Account: ________________________________
Gmail Account: ________________________________

Name of Teacher: ________________________________


Contact No: ________________________________
Gmail: ________________________________
FB Account: ________________________________
School FB Page: www.facebook.com/OfficialFRVCollege
School Website: FRVCollege.com
FB Group: FRV College Basic Education Group
PAUNANG MENSAHE

SA MGA MAG-AARAL:

Maligayang pagdating sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 !

Habang nagpapatuloy ang banta ng pandemya, ang mga tagapagturo mula sa FRV College ay gumawa ng iba't
ibang hakbang upang matugunan ang kasalukuyang sitwasyon. Ang mga guro ay gumawa ng Alternative
Learning Booklet (ALB) upang masiguro ang patuloy kaalamanan ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya.

Sa modyul na ito, matututunan ng mga mag-aaral ang mga bagong aralin at karanasan, mapupunan ang mga
bagay na hindi nila alam, at malalaman ang mga bagay na nalaman na nila ngunit nakalimutan na. Sa pagamit
ng modyul na ito, masusuri ng mga mag-aaral ang tungkol sa nauna nilang kaalaman sa aralin at sa susunod ay
ang pagpapakilala sa aralin mismo. Pagkaraan nito, mayroong iba't ibang mga aktibidad para sa paghahasa sa
aralin na naunawaan at susundan ng mga tanong upang masukat kung naiintindihan o nauunawaan ng
natutunang paksang aralin.

Ang mga mag-aaral ay maaaring magtanong sa kanilang mga magulang / tagapag-alaga tuwing may mga
pagkalito o maaaring makipag-ugnay sakani-kanilang mga guro para sa mga paglilinaw.

SA MGA MAGULANG:

Nais naming iparating ang aming taos pusong pasasalamat!

Kami, mula sa FRV College ay tunay na nagpapasalamat sa pagkakaroon ng mga magulang / tagapag-alaga
bilang bahagi ng bagong pamamaraan na ito dahil hindi rin ito magagawa nang walang kooperasyon at
pakikipag-ugnayan. Gagawin naming ang aming makakaya upang maihatid parin ang kalidad ng edukasyon
para sa aming mga mag-aaral. Makakaya natin ito lahat!

Kapangyarihang Kaloob sa Atin ng Diyos

MGA KASANAYANG PAGKATUTO:


EsP10MP-Ia-1.1
Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob

EsP10MP-Ia-1.2
Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga konkretong hakbang upang
malagpasan ang mga ito

EsP10MP-Ib-1.3
Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at
sapaglilingkod/pagmamahal

EsP10MP-Ib-1.4
Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal

Mga Layunin
Sa moduyul na ito inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag
unawa :
 Natutukoy ang mataas na gamit at tungohin ang isip at kilos-loob
 Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasiya at nakagagawa ng mga kongkritong hakbang
upang malampasan ang mga ito.
 Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod o pagmamahal.
 Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipakita ang kakahayang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal.

PAGPUKAW

A. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at lagyan ng angkop na tsek (☑) ang sagot na
naaayon sa iyo.
Oo Hindi
1. Sa pagpili ng track sa Senior High School, mahalaga sa akin
kung saang track nag-enrol ang mga kaibigan ko.
2. Madali akong yayain sa mga lakaran at gimikan .
3. Gumagawa ako ng listahan ng mga kailangan kung gawin sa
isang araw..
4. Iniisip ko muna ang maaring kahihinatnan ng aking gagawin
bago ko ito simulan.
5. Nagbibigay ako ng limos sa mga batang palaboy sa daan.
6. Ginigawa ko lamang ang mga proyekto ko kapag malapit na
ang araw pagpapasa nito.
7. Walang masama sa pakikipagnobyo/nobya sa edad ko dahil
nagsisilbi lamang ito inspirasyon sa aking pag-aaral.
8. Kung bagsak ako sa aking asignatura, sa pasokan ko nalang
ito ulit kukunin bilang back subject dahil nakakatamad
pumasok kapag bakasyun..

B. Panuto: Balikan ang bawat aytem na sinagutan mo at suriin ang positbo or negatibong maaaring idulot saiyo
ng iyong piniling sagot.
1. Ano ang maaaring idulot ng pagpili ng senior highschool track batay lamang kung saan nag-enrol ang
mga kaibigan?
Positibo Negatibo

2. Ano ang maaaring idulot kung madali kang yayain sa mga lakaran at gimikan?
Positibo Negatibo

3. Ano ang maaaring idulot ng paggawa ng listahan ng mga kailangang gawin sa isang araw.
Positibo Negatibo

4. Ano ang maaaring idulot kung iisipin mo muna ang maaring kahihinatnan ng isang Gawain bago mo ito
simulant?
Positibo Negatibo

5. Ano ang maaaring idulot ng pagbibigay mo ng limos sa mga batang palaboy?


Positibo Negatibo

6. Ano ang maaaring idulot kung gagawin mo lamang ang iyong proyekto kapag malapit na ang araw
ng pagpapasa nito?
Positibo Negatibo

7. Ano ang maaaring idulot ng pakikipagnobyo/nobya sa iyong edad ngayon sa paniniwalang


inspirasyon lamang ito sa pag-aaral?
Positibo Negatibo

8. Ano ang maaaring idulot kung hindi mo kukunin sa bakasyon ang isang bagsag na asignatura at sa
pasokan mo nalang ito kukunin ang back subject?
Positibo Negatibo
Matapos mong suriin ang iyong mga sagot at ang maaaring idulot nito sa iyo, positibo o negatibo man,
anong mga kahinaan sa pagpapasya ang natuklasan mo sa iyong sarili?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

PAG-ALAM
Sa Anatomiya ng tao, ang utak ay matatagpuan sa ating ulo. Ito ang nakapagbibigay sa atin ng kakayahang mag
isip at gawin ang isang bagay. Ang isip naman ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na maging bukas sa mga
pangyayari at karanasan sa ating mundo. Ito rin ay maaaring ihambing sa talino na mayroong likas ang mga tao.

Ang tao ay may kakayahang mag isip o pag isipan ang isang bagay. Ang isip ay bunga ng pandama na mayroon
ang isang tao, na kadalasan ay bunga ng kanyang mga nakikita, naririnig, nararamdaman, sinasalita, at
nalalasahan. Kung ang ating pandama ay hindi tama, hindi rin magiging tama ang ating pag iisip, dahil
magkaugnay ang dalawang bagay na ito. Bukod dito, ang isip ay bunga rin ng mga obserbasyon na isinasagawa
ng isang tao patungkol sa kanyang sarili, kapwa, kapaligiran, at iba pa. Ang isip ay may kakayahan ding
manghusga, mangatwiran, at umunawa ng mga pangyayari sa kanya. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
sumusunod:
*Ang tao ay nag-iisip sa tuwing siya ay gumagawa ng desisyon
*Ang tao ay nag-iisip sa umaga kung ano ang gagawin niya sa kanyang paggising
*Ang tao ay nag-iisip sa tuwina ng pagkain na kanyang kakainin
*Ang tao ay nag iisip sa tuwing siya ay nagsasagot ng mga bagay o hindi naman kaya ay sa kanyang
pakikipagtalastasan sa kapwa.
Kilos-loob
Ang katawan ay may kakayahang gawin ang isang bagay. Ang paggawa na ito ay tinatawag na kilos loob o
pagkilos. Ang kilos loob o pagkilos ay tumutukoy sa paggawa ng isang bagay ayon sa nais ng ating isipan. Sa
madaling salita, ang ating isipan ang siyang nagkokontrol sa ating kilos loob. Kung ano ang ating iniisip ang
siyang nagbibigay direksyon at katwiran sa ating katawan upang gawin ang isang bagay. Ang mga sumusunod
ay halimbawa ng kilos- loob:
* Pagbangon sa umaga
* Pagkain
* Pag inom
* Pagligo
Bilang karagdagang alaman, ang konsepto ng isip at kilos- loob ay ayon o hango sa sinasabing dalawang
kakayahan ng tao. Ang mga kakayahang ito ay ang sumusunod:
(a.)Pangkaalamang Pagkultad – ay ang kakayahan ng tao na gamitin ang kanyang isipan upang gumawa ng
mga pang huhusga, pang katwiran, at pang unawang mga desisyon. Ito ay nagmumula sa mga pandama na
mayroon ang isang tao, kabilang na ang panbalas at panloob na pandama.
(b.)Pagkagustong Pakultad – ay tumutukoy sa naman sa kakayahan ng tao na gawin ang isang bagay dahil
sa emosyon o kilo loob.  
Upang magkaroon tayo ng wastong pag iisip at kilos loob, mahalagang gawin ang mga sumusunod:
* Maging mapanuri sa kapaligiran
* Gamitin ang mga karanasan upang hanapin at matukoy ang layunin sa buhay.
* Sanayin ang isip na magpasya at magbigay ng panghuhusga base sa mga moral na batayan mayroon ang
simbahan at ang lipunan
* Kumilos tayo sa pamamagitan ng malayang pagpapasya at hindi dahil tayo ay napipilitan lamang.

PAGSUBOK
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung ang pahayag ay wasto, kung mali isulat
ang salitang nagpamali sa pahayag.
_________1. Ang mataas na gamit ng isip ay ang gawin ang mabuti.
_________2. Mapanuring pag-iisip ang maingat nap ag-aaral sa sitwasyon bago gumawa ng pasiya
_________3. Ang kilos-loob ang nagdidikta sa taong hanapin ang katotohanan.
_________4. Ang mga taong hindi marunong sumunod ay hindi marunong umunawa.
_________5. Ang isip at kilos-loob ay dalawang kapangyarihang taglay ng tao.
_________6. Tao lamang ang nilikhang may isip.
_________7. Ang isip ang umaakay at nagsisilbing gabay ng kilos-loob
_________8. Nananaig ang naisin ng isip sa mga taong may bisyo.
_________9. Maiiwasan ang maraming pagkakamali kung magiging mapanuri ang isip.
________10. Lahat ng naisin ng kilos-loob ay mabuti.

PAGTATAYA
Panuto: Itala ang mga gawaing dapat mong iwasan o talikdan dahil maaari lamang itong madulot sa iyo ng:
a. Kamangmangan –

b. Kahirapan –

c. Kayabangan –

d. Katamaran –

e. Kaaway -

Panuto: Gamit ang mapanuring pag-iisip , anong payo ang ibibigay mo sa isang kaibigan upang hindi sya
mabiktima ng:
1. Pambobola ng isang manliligaw –

2. Pagsunod sa uso na hindi naman niya kailangan –

3. Mga pekeng pulubi –

4. Tsismis –

5. Bisyo –

6. Mga pekeng produkto –

7. Mga manloloko sa social media –

8. Pyramiding at mga networking scam –

9. Mga kawatan o manloloko –

SANGGUNIAN
Asuan, Ma. Elvira A. and Nenita I. de Vega. Edukasyon sa Pagpapakatao 10. Manila,
Philippines: Vibal Group, Inc., 2018.

Brenan, R. (1948). The Image of His Maker. Milwaukee: The Bruce Publishing Company.

De Torre, J. (1980) Christian Philosophy. Sinag-Tala Publishers. Manila.

Dy, M. Kaisipan, Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilisopiya (ISIP). Vol. No. 1

Esteban, E. (1989). Education in Values: What, Why and For Whom. Manila: Sinag-Tala
Publishers
“Ang Mapanuring Pag-iisip dapat ginagamit upang
sa pasiya at kilos ay hindi magkamali.”

You might also like