Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

WEEK 3(4 YRS OLD)

Pangalan:_____________________________________
Activity 1: Different Kinds of Houses?
Panuto: Iguhit ang inyong bahay at kulayan ito.
Pangalan:_____________________________________
Activity 2: Where is the House?
1. Guguhit ng mapa ng mga bahay na nakapaligid sa kanilang bahay ang
magulang. Kahit simpleng mapa lamang na nagpapakita ng mga kapitbahay.
2. Sa mapang ginuhit ituturo ng magulang ang kanilang bahay. Sasabihin
nilang: “Ito ang bahay natin.” At tatanunging “Kaninong bahay ang nasa
kanan? Nasa kaliwa? Nasa harap? Nasa likod?”
Pangalan:_____________________________________
Activity 3: A Family Needs a Shelter
1. Ipakita sa bata ang mga bahay na nakapaligid sa inyo. Hilingin sa
kaniyang ilarawan ang bawat bahay.
2. Tanungin ang bata kung sino ang nakatira sa bahay na iyon.
3. Ipakita sa bata ang mga nasa larawan, pagkatapos tanungin siya kung
anong ginagawa ng nasa larawan at bakit nakatira ang isang pamilya sa
isang bahay.
Pangalan:_____________________________________
Activity 4: Saying a Poem
1. Ipresenta sa bata ang tula sa pamamagitan ng pagbigkas ng pamagat.
2. Basahin ang buong tula at pagkatapos ay basahin ito bawat linya at akayin
ang bata na ulitin pagkatapos mo.
3. Basahin ang buong tula ng kasabay ang bata.

Tahanan

Sari-saring anyo, ang mga tahanan.


May malaki, may maliit lamang.

Dito nakatira, aking ama’t ina.


Pati na rin ako, si ate at si kuya.
Pangalan:_____________________________________
Activity 5: Shapes in Homes
1. Ibigay sa bata ang bondpaper na may nakaguhit na iba’t ibang mga hugis.
Squares (parisukat), rectangle (parihaba), triangle (tatsulok), and circle
(bilog). Kasama na ang gunting at pandikit.
2. Paalalahanan ang mga bata na sundan lang ang mga linya sa paggugupit.
3. Alalayan sila sa paggamit ng gunting.
4. Hayaan ang bata na bumuo ng isang bahay gamit ang mga nagunting na
hugis.
WEEK 4(4 YRS OLD)

Pangalan:_____________________________________
Activity 6: Parts of the House
1. Tanungin ang bata kung anong parte ng bahay ang nasa larawan.
2. Basahin ang mga salita at pagkatapos akayin ang bata na ulitin pagkatapos
mo. Tanungin ang bata kung ilang pantig ang salita, halimbawa “ba-hay”
ilang pantig iyon. Gawin iyon hanggang sa tatlo at higit pang pantig.

sa-la hag-dan

ban-yo kwar-to
ku-si-na bin-ta-na
Pangalan:_____________________________________
Activity 7: Make up a story: Chores we do in our house
1. Babasahin ng magulang ang kwento at papakinggan ng mga bata.
2. Hayaan ang bata na magtanong habang nagkukwento ang magulang.
3. Pagkatapos ay subukin kung may natandaan ang bata tungkol sa kwento.

Ang Bayanihan sa Aming Bahay

Ako si Lily, ako ang bunso sa aming pamilya. Mayroon


kaming munting tahanan. Kahit na ito’y maliit malinis
naman. Lahat kami ay may kaniya kaniyang bahaging
ginagampanan upang mapanatiling malinis ang aming munting
tahanan.

Si nanay ang naglilinis ng aming kusina at kainan.


Pinupunasan niya ang mesa at sinisiguradong walang maiiwan
na hugasin sa aming lababo.

Si tatay naman ang naglilinis ng aming bakuran.


Makikita sa aming bakuran ang iba’t ibang halamang
namumulaklak at ang isang punong nagbibigay lilim sa aming
tahanan.

Si kuya ang siyang bahalang maglinis at magpabango sa


aming banyo. Mayroon itong isang maliit na lababo at
maputing inidoro.
Si ate naman ang nagpapaganda at nagpapanatiling
malinis sa aming sala.
Ako kahit bunso ay tumutulong ako sa mga gawain. Ako
ang nagliligpit sa aming higaan at nagpapanatiling malinis ng
aming kwarto.

Sa aming pagtutulong-tulong at pagsasama-sama,


masaya at payapa kaming bawat kasapi ng pamilya
bayanihan kung tawagin sa ating kultura.

Maituturing itong tahanan kung saan naroroon ang


pagmamahalan.
Pangalan:_____________________________________
Activity 8: Things in the House
1. Ipakita ang larawan sa bata, tanungin kung anong bagay ang nasa sala,
kusina, at kwarto.
2. Guguntingin ito saka ididikit sa bondpaper at igugrupo base sa kung
aling parte ng bahay iyon naaayon. Alalayan ang bata sa paggamit ng
gunting.
3. Pagkatapos itong gawin, tanungin ang bata kung alin ang mga bagay na
magkakapareho at bakit niya nasabing parepareho. Alin ang
magkakaiba at ano ang pagkakaiba.

Dito ididikit ang mga larawan kapag nagrupo na.


Pangalan:_____________________________________
Activity 9: Counting Things for the Rooms in the House
1. Ituro sa bata ang mga gamit sa bawat parte ng bahay.
2. Ipabilang sa bata ang mga bagay na nasa sala, kwarto, banyo at kusina.
3. Pagkatapos tanungin ang bata kung aling parte ng bahay ang may
pinakamaraming gamit at alin ang may pinakakaunti.
Pangalan:_____________________________________
Activity 10: Writing Numbers 2 & 3
Panuto: Ipabakat sa bata ang numerong 2 at 3.

You might also like