Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN ANG PANAHON NG

TAHASANG PAGHIHIMAGSIK KALIGIRANG KASAYSAYAN


Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng
mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-
aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang
pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang
Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari
rito. Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Himagsikan ==maalab na
damdaming makabayan ==panunuligsang pampulitika ANDRES
BONIFACIO kilalang-kilala bilang AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO at
AMA NG KATIPUNAN hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay,
kayat sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay pawang galing sa
paaralan ng karanasan umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose
Rizal-ang LA LIGA FILIPINA lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma
kaysa manunulat MGA AKDA NI A. BONIFACIO1. KATUNGKULANG
GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN nahahalintulad sa Sampung Utos
ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito 2. HULING PAALAM salin sa
Tagalog ng Mi Ultimo Adios 3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA isang
tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar 4. ANG
DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG bumabanggit sa kasaysayan ng
Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa bago dumating ang mga
Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila
KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa
bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa tulang napasimulan
ni Herminigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang
Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang
SAGOT SA HIBIK NG PILIPINAS Katapusang Hibik ng Pilipinas Ikaw nga, O
Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan, ihanda
mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. Sa
sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na
magpapamook. Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang
kuhila, paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y
madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang
tawag. EMILIO JACINTO-isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila
noong Disyembre 15,1875 -gumamit ng sagisag-panulat na DIMASILAW -
Kinikilala bilang UTAK NG KATIPUNAN -Siya ang tumatayong punong-
sanggunian ni Andres Bonifacio -Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag
ng kilusang KATIPUNAN -Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-
ang KALAYAAN MGA AKDA NI E.JACINTO= KARTILYA NG KATIPUNAN mga
kautusan para sa mga kasapi ng Katipunan = LIWANAG AT DILIM
katipunan ng mga sanaysay na may ibat ibang paksa tulad ng pag-ibig sa
bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantaypantay, kalayaan at
paniniwala = A MI MADRE (Sa Aking Ina) isang tulang handog sa kanyang
ina = A LA PATRIA (Sa Bayang Tinubuan)ang ipinalalagay na kanyang
obra-maestra Ibigin mo ang Diyos nang buong puso Laging isaisp na ang
tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pag-ibig sa bayan at sa kapwa tao.
Ikintal mo sa puso na ang tunay na karangalan at kaligayahan ay
natatamo sa iyong pagkamatay sa pakikilaban sa ngalan ng iyong bayan.
Ang lahat ng mabuti mong hangarin ay makakamtan kung ikaw ay
mahinahon, matyaga, makatwiran, may pag-asa sa iyong gawain.
Pangalagaang katulad ng iyong karangalan ang mga kautusan at mga
hangarin ng K.K.K. Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib
sa pagmamalupit na matupad ang isang marangal na hangarin, kahit
mapilitang ihandog ang sariling buhay at yaman. Bayaang ang ating
sariling pag-uugali at pangingilos sa pagtupad ng ating tungkulin ay
maging uliran ng iba. Bahaginan mo ng iyong yaman ang bawat dukha at
taong kulangpalad sa loob ng iyong makakaya. Ang pagsusumikap at
pagpipilit na kumita ng ikabubuhay ay nagpapahayag ng tunay na
pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid, at kababayan. May
parusa sa bawat salarin at taksil, at gantimpala sa lahat ng mabuting
gawa. Panaligang ang mga puntahin ng K.K.K. na kaloob ng Diyos at ang
hangarin hinggil sa iyong bayan ay hangarin din ng Diyos. APOLINARIO
MABINI= nagmula sa maralitang angkan = isinilang noong Hulyo 22, 1864
sa Tanauan, Batangas = nagtapos ng pagka-manananggol = tinaguriang
UTAK NG HIMAGSIKAN = ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano
sapagkat ayaw niyang manumpa sa bandilang Amerikano = namatay sa
sariling bayan sa sakit na kolera MGA AKDA NI A. MABINI= ANG
HIMAGSIKANG PILIPINO isang sanaysay nanaglalarawan ng kabayanihan
ng mga Pilipino sa pakikipaglaban = SA BAYANG PILIPINO isang tulang
handog sa bayan = ANG PAHAYAG = hinango sa kanyang manipesto = EL
DESAROLLO Y CAIDA DELA REPUBLICA FILIPINAAng Pagtaas at Pagbagsak
ng Republikang Pilipino = PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG
PILIPINO = EL VERDADERO DECALOGO- Ang Tunay na Sampung Utos.

You might also like