Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SCRIPTWRITING FOR RBI IMPLUWENSYANG HATID NG PAMILYA 1

SESSION 2

STATTION ID: HIMPILAN SA SUGBO!

“Kay sa SUGBO, Bata ang Sentro sa Panerbisyo!” Dasig


Sugbo!

PROGRAM TITLE: Kaalam sa Kahanginan

“Mga gipasayon nga giya sa pagkat-on sa modyul,


nga gibasi sa Kurikulum sa K to 12, nga gi hatud
kaninyo sa Deped Cebu Province Division”

SLOGAN: “Basta JUGAN, sa Kaalam, Kasaligan!”

HOST: Princess Suico

TOPIC: Baitang Walo – Impluwensyang Hatid ng Pamilya

OBJECTIVE: Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling


pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya
sa sarili

TRT: 30 MINUTES

HOST: Maayong adlaw, Sugbo! Maayong adlaw, Consolacion!


Kumusta mga higala! Sa mga tagapakinig natin sa Baitang
Walo ng Jugan National High School, magandang araw!

MUSIC:
HOST: Nagbabalik ang inyong Teacher DJ sa araw na ito, ang
inyong lingkod, Princess Suico. Handang maglingkod at
magserbisyo, lubos na naniniwala sa katagang “Basta Jugan,
sa Kaalam -- Kasaligan!”

MUSIC:

HOST: Kaunting paalala lamang para sa ating tagapakinig:


tiyaking komportable kayo sa inyong pwesto ngayon, mas
mabuting tapos na kayong kumain upang ganado ang inyong
isipan sa pakikinig, at, ihanda ang inyong mga kagamitan at
iang inyong sarili para sa talakayan.

MUSIC:

HOST: Sa araw na ito ay ipagpapatuloy natin ang leskyon sa


ESP 8, pero bago iyan ay magbalik-aral muna tayo sa
nakaraang sesyon. Batay sa inyong mga sagot kahapon, bakit
mahalaga ang positibong impluwensiyang hatid ng pamilya?

MUSIC:

HOST: Mahusay! Sa wari ko’y handa na kayo sa pagpapatuloy


ng talakayan sa araw na ito. Ang paksa tungkol sa
impluwensiyang hatid ng pamilya sa buhay ng tao.

MUSIC:

HOST: Sabi nga nila, Ang edukasyon ay nagsisimula sa


tahanan. Ito ay tinuturo nga ating mga magulang at sila ang
kauna-unahang guro ng kabataan.

MUSIC:

HOST: Kaya ngayon ay ipapasa ko na sa ating respetadong


guro sa ESP 8 ang mikropono. Naritong muli si Teacher Mine
upang ibahagi ang dagdag kaalaman at palalimin pa ang
inyong pag-unawa tungkol sa impluwensiyang hatid ng
pamilya.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Isang mainit na pagbati para sa inyo mga


mababait at masisipag kong mag-aaral, pati na rin sa mga
magulang na nakaantabay sa programa natin ngayon. Magandang
araw!

MUSIC:
RADIO TEACHER: Narito akong muli upang ipagpatuloy ang
nasimulang talakayan kahapon.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Wala nang patumpik-tumpik pa. Handa na ba


kayo?

MUSIC:
RADIO TEACHER: Matanong ko lang, may talino ba kayo sa
verbal/linguistic? Kung oo, ang gawaing ito ay para sa
inyo. Pero kung hindi naman, huwag mawalan ng pag-asa,
pagbutihan, pagsumikapan upang mahasa ang inyong kakayahan.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Kung natatandaan ninyo ay huminto tayo sa


pahina 10 ng inyong modyul. Ngayon, pansinin ang nasa
pahina 11. Gamit ang akrostik, bigyan ng pagpapakahulugan
ang salitang PAMILYA sa kahalagahan nito sa paghubog ng
positibong impluwensiya sa bawat kasapi.

SFX:

RADIO TEACHER: Halimbawa, P - Pagmamalasakit para sa


kapakanan ng pamilya, A - Abalang mga kamay at paa mapakain
lang sila, M - … ayun, halimbawa lamang po ito mga mag-
aaral. Ipakita ang inyong pagiging malikhain sa pagbuo ng
akrostik.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Dahil bawal sulatan ang modyul, muli, isulat


ito sa inyong sagutang papel. Sa mga ganitong gawain, huwag
kalimutang basahin ng mabuti ang rubrik.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Tapos na ba kayo? Kung hindi pa ay tapusin


niyo yan mamaya at ibahagi ang inyoong nagawa sa inyong
pamilya. Sa pamamagitan nito ay mas lalong mapapalapit kayo
sa kanila.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Ngayon ay dumako na tayo sa susunod na


gawain.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Gawain 6: Napulot na Kaalaman. Sige nga,


tingnan natin kung talagang naunawaan ninyo ang paksang
tinalakay ngayong araw sa pamamagitan ng pagdugtong sa mga
sumusunod na pahayag upang makabuo ng isang diwa.

MUSIC:
RADIO TEACHER: Para sa unang pahayag, ano ang iyong
natuklasan ukol sa impluwensiya ng pamilya sa sarili? Ang
natuklasan ko ay …

MUSIC:

RADIO TEACHER: Ikalawang pahayag, bakit mahalagang bigyan


ng tuon ang mga mabubuting karanasan sa loob ng pamilya?
Mahalaga ang mga ito upang … Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Ikatlo, sa iyong palagay, may magandang


naidudulot ba ang pamilyang nagbibigay ng positibong
impluwensiya sa paghubog ng sarili? Sa aking pananaw, …

MUSIC:

RADIO TEACHER: Magaling! Pinakita niyong may natutunan


talaga kayo sa paksa natin.

SFX: (CHILDREN CHEERS)

RADIO TEACHER: Ngayon, kunin ninyo ang sobrang larawan na


hinanda ninyo kahapon at idikit ito sa sagutang papel.
Ipaliwanang ang bawat larawan gamit ang mga gabay na tanong
na makikita sa pahina 13 ng inyong modyul. Maaaring tatlo
hanggang apat na larawan lamang ang gamitin ninyo. Huwag
kalimutang basahin ang rubrik!

MUSIC:

RADIO TEACHER: Mahusay! Binabati ko kayo dahil malapit na


ninyong matapos ang modyul. Sa pagpapatuloy ay tayahin
natin ang inyong mga natutunan sa buong aralin. Sagutan ang
pahina 14-16, isulat ang titik lamang ng tamang sagot sa
sagutang papel.

MUSIC:

RADIO TEACHER: Bilang pagtatapos, masisiyahan ang mga


artist nito dahil kinakailangan ninyo ang mga sumusunod na
kagamitan: long size bond paper, lapis, pentel pen,
krayola/pastel, at ruler.

MUSIC:
RADIO TEACHER: Iguhit mo! Gumuhit kayo ng poster at sumulat
ng islogan sa kahalagahan ng mga aral at positibong
impluwensiya na nakuha sa sariling pamilya. Ang rubrik,
basahin!

MUSIC:

RADIO TEACHER: Magaling! Napagtagumpayan ninyo ang araling


ito. Nawa’y may napulot kayong mga aral sa pagpapahalaga ng
pamilya at ang impluwensiyang hatid nito sa inyong buhay.
Bigyan ang inyong sarili ng isang masigabong palakpakan.

SFX: Aplause

HOST: Mga mag-aaral sa baitang walo ng Jugan National High


School, ngayon ay nalaman na ninyo kung gaano kahalaga ang
impluwensiya ng inyong pamilya sa inyong buhay.

MUSIC:

HOST: Kung hindi tamang ehemplo ang nakikita mong ginagawa


ni tatay, nanay, kuya o kaya ng ate mo, susundin mo pa rin
ba ito? Tulad nga nang nabanggit ni Teacher Mine kahapon,
anumang ginagawa ng mga nakatatanda ay nagiging tama sa
paningin ng bata. Pero kung may sapat kang kamalayan sa
nangyayari sa iyong paligid at alam mo kung ano ang tama at
mali, nasa sa’yo na ang huling hatol sa kung ano at kung
sino ang susundin mo.

MUSIC:

HOST: Natapos na naman muli ang ating oras Juganians! Ako’y


mamamaalam uli sa inyo. Muli ako si Teacher Princess na
naniniwalang “Basta Jugan, sa Kaalam -- Kasaligan!”

MUSIC:

CBB:

You might also like