Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MODYUL 1: ANG KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU 3

SESSION 3
STATTION ID: HIMPILAN SA SUGBO!
“Kay sa SUGBO, Bata ang Sentro sa Panerbisyo!” Dasig
Sugbo!

PROGRAM TITLE: Kaalam sa Kahanginan


“Mga gipasayon nga giya sa pagkat-on sa modyul, nga
gibasi sa Kurikulum sa K to 12, nga gi hatud kaninyo
sa Deped Cebu Province Division”

SLOGAN: “Basta JUGAN, sa Kaalam, Kasaligan!”


HOST: Ginoong Eldie Matbagon Jr.
TOPIC: Baitang Sampu – Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
OBJECTIVE: Napahahalagahan ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu
ayon sa kasanayang natalakay.
Nakapagbibigay ng sariling mungkahi sa paglutas ng mga
kontemporaryong isyu na kinakaharap ng kinabibilangang
komunidad.

TRT: 30 MINUTO
MUSIC:
HOST: Maayong adlaw Sugbo! Sa ating mga masisipag na mag-aaral sa
baitang sampu na naka antabay sa ating programa, kumusta kayo
diyan? Nagagalak akong makasama kayong muli sa ating pag-aaral sa
himpapawid.
MUSIC:
HOST: Narito po akong muli, ang inyong Teacher DJ, Ginoong Eldie
Matbagon Jr, at kayo ay nakikinig ngayon sa HIMPILAN SA SUGBO!
At nagsasabing “Basta Jugan, sa Kaalam, Kasaligan!”

MUSIC:
HOST: Sa araw na ito ay ihanda ang inyong mga sarili, kailangang
komportable kayo sa inyong pwesto at siguraduhing walang
gagambala sa inyong pakikinig. Mas mabuti ring tapos na kayong
kumain upang nasa pokus ang inyong ispan sa paggawa ng mga
gawain.
MUSIC:
HOST: Bago tayo dumako sa aralin ngayong araw na ito ay atin
munang balikan ang tinalakay kahapon. Ano-anong mga isyu ang
nabasa mo sa teksto?(PAUSE) Bakit kaya nagpapatuloy ang mga
isyu o mga usaping ito? (PAUSE) Paano mo mabibigyang solusyon
ang mga isyung nabasa? (PAUSE) Mahusay! Handa ka na sa
pagpapatuloy ng pagtalakay sa paksa.
MUSIC:
HOST: Sa pagpapatuloy ng aralin ngayon, salubungin natin sa
masigabong palakpakan ang inyong radio teacher for the day.
Walang iba kundi si Teacher ________.
SFX: Appluase
RADIO TEACHER: Maraming salamat sa palakpakan. Magandang araw sa
inyong lahat mga tagapakinig lalo na sa mga mag-aaral natin sa
Jugan National High School. Narito na naman ako upang tapusin ang
paksang tinalakay natin sa nagdaang araw.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Ngayon pa lamang ay binabati ko kayo dahil ito na
ang panghuling bahagi ng aralin natin. Ihanda ang inyong modyul
at samahan akong tapusin ang ating sinimulan.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Sa araw na ito ay ating tatalakayin ang
Kahalagahan ng Pag- aaral sa mga Kontemporaryong Isyu. Isa-isahin
nating talakayin ang mga kahalagahan at inyong pansinin kung
ang mga ito ba ay humahawig sa inyong karanasan.
1. Una, bilang isang mag-aaral ang kaalaman mo sa mga
kontemporaryong isyu ang magiging daan upang maging mulat
sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.Isang paraan din
ito upang iyong matanto na may bahagi kang dapat gampanan
sa lipunang iyong kinabibilangan.
2. Ikalawa, sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu,matuto kang
tumimbang ng mga sitwasyon.Natutukoy ang kabutihan at di
kabutihan nito.
3. Ikatlo, ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ang lilinang
sa iyong kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang
iba’t ibang
paraan ng pamamahayag.Nahahasa rin ang iyong kasanayang
pangwika,panggramatika,at iba pang mabisang kasanayang
magpabatid ng kaisipan.
4. Ikaapat, napapaunlad din ang iyong kakayahang mag-isip sa
mga hakbangin,kakayahang magplano,at magsagawa ng mga
programang makalulutas sa mga suliranin.
5. Ikalima, napapalawak ang kaisipan kapag maalam sa mga
impormasyon,ideolohiya,kasaysayan,pagkakaiba ng kultura,
at iba pang mahalagang kaganapang may kinalaman sa
partisipasyon at pagpapasya.
6. Ikaanim, ang mga pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu ay
nagpapatalas ng kaisipan at matanto ang angkop, handa, at
agarang pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon.
7. Ikapito, napapalawak din ang kakayahang pagpapahalaga sa
mga tuwiran at di tuwirang ambag ng pangyayari, suliranin
, o anumang isyu.
8. Panghuli, potensyal na pagkakataon ito upang maging
mapanuri at mapagtugon na kabahagi sa pagbuo ng lipunang
mulat at matalinong tumutugon sa mga hamon ng
kontemporaryong isyu.

MUSIC:
RADIO TEACHER: Naunawaan ba ninyo ang kahalagahan ng pag- aaral
ng kontemporaryong isyu? Sa oras na ito,inyo namang sasagutan ang
Gawain 10: Mahalaga Ito! Pansinin Mo! Ipaliwanag ang iyong sagot
at gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa Gawain.Alam ko
magagawa ninyo ang gawaing ito. Sige, simulan mo ng magsagot.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Maliwanag na tinalakay sa modyul na ito ang
katuturan,mga uri at kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu. Maliwanag ba sa iyo ang lahat ng
natalakay?(PAUSE) Kung oo ang sagot mo, patunayan ito sa
pamamagitan ng pagtupad sa mga Gawain sa ibaba. Ang mga
gawaing ito ay makatutulong sa iyo upang lalo pang mapagyaman
ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Sa puntong ito ay sagutin mo ang mga sumusunod na
tanong sa Gawain 11: Pangatwiranan Mo!.Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Isunod mo na rin sagutan ang Gawain 12: KAHON-
ANALYSIS,basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag at
ipaliwanag ang iyong sariling opinyon kung sumasang ayon ka
ba o hindi.Kopyahin ang kahon ng tanong sa hiwalay na papel at
isulat ang sagot sa loob nito.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Ngayon ay iyo naman gawin ang Gawain 13: S-E-S
Graph, maging mapanuri,magbigay ng mga isyu na iyong nakikita sa
inyong komunidad ibigay ang iyong sariling opinyon gamit ang
graph sa ibaba.Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
Gawain.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Sa gawaing ito Gawain 14: Mula sa Media ay kumuha
ka ng kontemporaryong isyu mula sa iba’t ibang uri ng media
at sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong gamit ang
sariling sagutang papel.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Binabati kita.Narating mo na ang bahaging ito ng
modyul.Ibig sabihin malapit mo na itong matapos.Sa bahaging
ito, kailangan mong patunayan na naunawaan mo na ang mga ng
konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa isipan mo na
layunin ng modyul na ito.Tapusin ang mga nakalaang
Gawain.Kayang-kaya mo ito!
MUSIC:
RADIO TEACHER: Dumako na tayo sa Gawain 15: Tandaan Mo!, inyong
dugtungan ang mga sumusunod na kaisipan.Ilagay ang sagot sa
hiwalay na papel.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Sa bahaging ito,ay iyong isagawa ang mga natutuhan
sa pang-araw- araw na buhay.Ano nga ba ang kahalagahan ng mga
paksang iyong natutuhan sa iyong buhay?Bilang isang mag-aaral,
may bahagi kang ginagampanan sa pagharap sa mga kinakaharap
na kontemporaryong isyu at kung papaano ito
masosolusyonan.Inaasahan kong magagawa mo ng maayos ang susunod
na Gawain.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Sa ngayon sa Gawain 16: Mulat sa Katotohanan! ay
magbigay ka ng kontemporaryong isyu na kinakaharap ng ating
bansa sa ngayon at ibigay ang kahalagahan nito sa iyong buhay
bilang isang mag-aaral na mulat sa katotohanan.Ilagay ang sagot
sa hiwalay na papel.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Sa gawaing ito Gawain 17: Ipahayag sa Bawat Letra!
Ay may kinalaman sa kung paano mo magagamit ang iyong kaalaman
sa iyong buhay.Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo
ng akrostik gamit ang salitang KONTEMPORARYO.Gumamit ng
sariling sagutang papel.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa
mga Gawain sa modyul na ito.Dahil diyan kailangan mong sagutin
ang panghuling pagtataya upang higit mong mapatunayan ang
iyong pag-uanawa sa lahat ng paksa na napapaloob sa modyul
na ito.Kayang-kaya di ba?
MUSIC:
RADIO TEACHER: Para sa karagdagang Gawain gawin ang Gawain 19:
Ako ay Kabahagi maging mapagmasid sa iyong komunidad na
kinabibilangan,alamin ang mga isyung kinakaharap ninyo sa
ngayon at magbigay ng sariling mungkahi kung papaano ito
masosolusyonan.Itala ang mga sagot sa sariling sagutang papel.
MUSIC:
RADIO TEACHER: Magaling! Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at
pag-unawa tungkol sa mga konsepto ng kontemporaryong isyu
pati na rin ang kahalagahan nito sayo bilang isang mag-aaral.
Maaari ka ng tumungo sa susunod na aralin upang mapalalim at
mapalawak pa ang iyong kaaalaman. Binabati kita! Matagumpay
mong natapos ang Modyul 1.
SFX: (CHILDREN CHEERS)
HOST: Ayan mga mag-aaral! Ako ay lubos na nagagalak dahil
matagumpay ninyong natapos ang unang modyul. Ang mga impormasyon
nakalap ninyo sa talakayang ito ay magagamit ninyo sa realidad ng
buhay. Bilang isang mamamayan ng ating bansa, makialam sa mga
isyung kinakaharap, huwag magbulag-bulagan dahil mahirap itanggi
ang katotohanan. Kung may magagawa ka, gumawa ka ng solusyon
dahil ang maliit na bagay na iyong maiaambag ay maaaring magdulot
ng malaking pagbabago sa hinaharap.
MUSIC:
HOST: Ito pong muli ang inyong Teacher DJ, Ginoong Eldie Matbagon
Jr. na nagsasabing Basta JUGAN, sa Kaalam, Kasaligan!, taos-
pusong nagpapasalamat sa inyong pakikinig at pag-antabay. Bye-
bye!
MUSIC:

You might also like