Garcia, Kathleen-Pagsasanay I-III

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education

Garcia, Kathleen L. Pagsasanay I-III


BSE FILIPINO II-A FILED 128

PAGSASANAY I. Basahin ang mga tala na nasa ibaba. Sumulat ng pamatnubay batay
sa mga detalye. Kailangang mangibabaw ang pinakamahalagang tala.

1. Sa loob ng inyong paaralan, natagpuan sa may bodega ang isang malaking ahas na
may anim na talampakan ang laki. Nangyari ito kahapon, Hulyo 30. Napag-alaman na
nakita ito ng diyanitor ng eskuwelahan habang naglilinis nang may maaninag siyang
parang makislap sa ilalim ng mesa na nakapulupot. Mabuti na lamang at hindi siya
nito natuklaw. Ipinagbigay-alam kaagad ang nakita sa pamunuan ng paaralan at
matagumpay na nahuli ang ahas sa pagtutulungan ng mga awtoridad.

Nahuli ang isang malaking ahas na may 6 na talampakan ang laki sa may bodega
matapos itong pinagtulungan ng mga awtoridad ng paaralan kahapon, Hulyo 30.
Napag-alaman na nakita ito ng diyanitor ng eskwelahan habang naglilinis nang
may naaninag siyang parang makislap sa ilalim ng mesa na nakapulupot.

2. Isinusulong ng pamahalaan ang pederalismo ngunit marami ang tutol dito kabilang
na ang ilang mambabatas. Mas marami pa raw ang kailangang tutukang problema
kaysa sa charter change o pagbabago sa saligang batas. Ito ay ayon kay Senate
President Vicente Sotto III.

“Mas marami pa ang kailangang tutukang problema kaysa sa charter o


pagbabago sa saligang batas.”Ito ay binanggit ni Senate President Vicente Sotto III,
isa sa mga mambabatas na tutol sa pederalismo na isinusulong ng pamahalaan.

3. Nagdaos ng isang special voters’ registration para sa persons with disabilities


(PWDs) sa ilang lugar sa Rehiyon 1. Nangyari ito noong Biyernes, Hulyo 20, 2018.
Sinabi ito ng Commission on Elections (COMELEC). Gagawin ito sa covered court sa
Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte. Ayon sa Comelec, ang mga tanggapan ng
election officer ay magsasagawa ng sabay-sabay na rehistrasyon para sa mga PWDs
mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

Nagdaos ang Commission on Elections (COMELEC) sa ilang lugar sa Rehiyon 1 ng


isang special voters’ registration para sa persons with dabilities (PWDs) sa covered
court sa Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte nooong Biyernes, Hulyo 20, 2018 .
Ayon sa Comelec, ang mga tanggapan ng election officer ay magsasagawa ng
sabay-sabay na rehistrasyon para sa mga PWDs mula alas-otso ng umaga hanggang
alas-singko ng hapon.

4. Sa datos ng Department of Health (WHO), 30 katao ang nasawi dahil sa HIV/AIDS


infection noong Mayo. Sa bilang na 950 bagong kaso ng HIV, ang 30 na nasawi ay
kabilang dito. Ito ang naitala sa bansa sa buwan ng Mayo.

Aabot sa 30 na katao ang iniulat ng Department of Health (DOH) na nasawi dahil


sa HIV/AIDS infection noong Mayo.
Ayon sa DOH, ang naturang bilang ng mga nasawi ay kabilang sa 950 na bagong
kaso ng HIV/Aids na naitala sa bansa sa buwan ng Mayo.

5. Sa inyong barangay, naglunsad ang mga nanalo ng Sangguniang Kabataan (SK) ng


“Kapwa Ko, Sagip Ko Program” para sa mga kabataang nalululong sa ipinagbabawal
na gamot. Ang programang ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng programa na mailayo ang mga kabataan sa mapanirang epekto sa
kalusugan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ilan sa mga gawain ay
pagtatanim ng mga puno, pakikisali sa mga isports at pagsasali sa mga outreach
programs. Ginawa ito noong 31 Hulyo 2018 sa Barangay Hall ng barangay.

Dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang programa ng mga nanalo ng


Sangguniang Kabataan (SK) na “Kapwa Ko, Sagip Ko Program” para sa mga kabataang
nalululong sa ipinagbabawal na gamot sa Barangay Hall, noong 31 Hulyo.
Ayon sa mga SK, layunin ng programa na mailayo ang mga kabataan sa
mapanirang epekto sa kalusugan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ilan sa
mga ginawa nila ay pagtatanim ng mga puno, pakikisali sa mga isports at pagsasali sa
mga outreach programs.
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

PAGSASANAY II. Sumulat ng balita batay sa mga sumusunod na tala.

A.
Ano : Isang seminar-palihan ang ginanap para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Kailan : Agosto 17, 2019
Saan : MMSU-College of Teacher Education Social Hall
Sino : Dinaluhan ng 200 mag-aaral at guro mula sa elementarya at kolehiyo ng
MMSU
Bakit : Bilang pagpapahalaga sa buwan ng wikang pambansa

Seminar-palihan, ginanap sa MMSU-CTE

Dumalo sa isang seminar-palihan ang 200 na mag-aaral at guro mula sa


Elementarya at Kolehiyo ng Mariano Marcos State University (MMSU) para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa MMSU-College of Teacher Education Social Hall ,
31 Hulyo.
Bilang parte ng pagdidiriwang, hinimok ng mga taga-pagsalita ang mga dumalo na
gamitin ang Wikang Pambansa upang maipakita at maipadama ang pagpapahalaga
sa wikang pambansa.

B.
Ano : Tertulyang pangwika, isang seminar para sa mga guro sa Filipino upang pag-
usapan ang lagay ng wikang Filipino sa larangan ng saliksik. Ito ay alinsunod sa paksa
ng pagdiriwang ng buwan ng wika na Filipino: Wika ng Saliksik. Tiponin ang mga guro
at mag-aaral na nagsasagawa ng mga saliksik, at maitampok ang mga saliksik sa wika
at gramatika.
Kailan : Agosto 24, 2018
Saan : Mariano Marcos State University Social Hall
Sino : Dinaluhan ng mga guro at mag-aaral na ang wikang gamit sa pagtuturo ay
Filipino
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

Saliksik gamit ang Wikang Filipino, tinampok sa isang seminar

Ginanap ang Tertulyang pangwika para sa mga guro sa Filipino bilang bahagi ng
pagdiriwang ng buwan ng wika na may paksang Filipino: Wika ng Saliksik sa Mariano
Marcos State University Social Hall, Agosto 24.
Ito ay dinaluhan ng mga guro at mag-aaral na ang wikang gamit sa pagtuturo ay
Filipino.
Layunin ng seminar na ito na t iponin ang mga guro at mag-aaral na nagsasagawa
ng mga saliksik, at maitampok ang mga saliksik sa wika at gramatika at upang pag-
usapan ang lagay ng wikang Filipino sa larangan ng saliksik .
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

PAGSASANAY III. Sumulat ng tuwirang balita batay sa mga tala sa ibaba.

1. Balita sa krimen
 Sa imbestigasyon, sumuko ang kasapi ng New Peoples’ Army na si Flores at
naging bahagi ng Citizen Armed Forced Georgaphical Unit o CAFGU pero nag-
resign din.
 Si Marvin Flores ay binaril ng tatlong lalaki sa iba’t ibang bahagi ng katawan
 Namatay si Flores, 35 anyos
 San Narciso, Quezon, Barangay San Juan
 Hulyo 19, 2018, Huwebes ng umaga

Binata pinagbabaril, patay

Patay ang isang binata matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang


lalaki sa Barangay San Juan,San Narciso Quezon, Huwebes ng umaga, Hulyo 19.
Kinilala ang biktima na si Marvin Flores, 35 anyos. Nagtamo si Flores ng
maraming tama ng baril sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.
Ayon sa imbestigasyon, sumuko ang kasapi ng New Peoples’ Army na si Flores at
naging bahagi ng Citizen Armed Forced Georgaphical Unit o CAFGU pero nag-resign
din.

2. Balita hinggil sa hayop


 Pinakamalaking uri ng pawikan, leatherback sea turtle
 Planong gumawa ng necropsy ang DENR para malaman ang sanhi ng
pagkamatay
 Ito ay may lapad na 2.8 feet at habang 7.2 feet
 Nakita sa barangay luluwasan Balatan, Camarines Sur
 Hulyo 19, 2018, Huwebes ng umaga

Pawikan, natagpuang patay sa Camarines Sur

Patay na nang matagpuan ang isang leatherback sea turtle sa Barangay


luluwasan Balatan, Camarines Sur, Huwebes ng umaga, Hulyo 19.
Ang pawikan ay may lapad na 2.8 feet at habang 7.2 feet.
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

Planong gumawa ng necropsy ang Department of Environment and Natural


Resources (DENR) para malaman ang sanhi ng pagkamatay

You might also like