Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

BSE FILIPINO 2-A

BLUE TEAM
Agustin Norilyn, Carba Ronalyn, Caluya Christine Anna Mei, Dagdagan
Ariston Jay, Flores Stephanie, Garcia Kathleen, Manibog Beverly, Manuel
Ian, Narciso Melanie, Pornela Claudine.
I. Ano ang mga katangiang
ipinamalas ng mga
bayaning Pilipino sa
panahon ng propaganda at
himagsikan?
A. Maalab na damdaming makabayan
B. Panunuligsang Pampulitika
A. Paksa
Isang akdang sanaysay na may sarkastikong tema at katawa-tawang impormasyon
na naglalayong magtuligsa sa mga prayleng mapanlinlang at mapagsamantala sa mga
Pilipino sa panahon ng Kastila. Sinasalamin dito ang mga maling gawain ng mga
prayle katulad ng pagiging ganid, mapang-api, mga katiwalian at kasakiman sa kabila
ng kanilang maamo o "banal" na imahe sa mamamayang Pilipino.
B. Pamamaraan
Ipinahayag ni Marcelo del Pilar ang mga katiwalian at pagkadismaya sa mga
prayleng pilit inabuso ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino. Ginawang
instrumento ito para ipamulat sa mga Pilipino ang pagsasamantala ng mga prayle sa
bansa. Animo'y hinimay-himay ang buong paglalarawan sa mga prayle upang
mailabas ang baho at mamulat na sa katotohanan.
C. Istilo
Ang istilong ginamit ni Marcelo del Pilar ay kakaiba sa pangkaraniwang pagsusulat
sapagkat idinaan niya ito sa masining na pamamaraan, ang parody. Ginamit niyang
lunsaran ang mga sinaunang dasal at kasulatan at nilapatan ng mga matatalim at
mapangahas na salitang dahasang paglalarawan sa mga prayle. Ginamitan ng mga
nakakatuwang kaganapan upang maakit at makapukaw ng atensiyon sa mga mambabasa.
D. Mga Reaksiyon o pananaw ng mga kasapi
Ang akdang ito ay salamin ng matinding kalupitan at kasakiman ng mga prayleng kastila noon.
Katapat nga nang masamang gawa ay ang mga matatalim na salita. At para kagiliwan at madaling
maihain ito sa mga Pilipino noon, ginamit ni Marcelo H. Del Pilar ang mga dasal at paniniwala na
itinuro ng mga prayle.
Dagdagan, Ariston Jay
D. Mga Reaksiyon o pananaw ng mga kasapi
Makikita kung paano nalinlang ng mga prayle ang maraming Pilipino noon. Ang kanilang mga kilos
ay lubhang kabaligtaran sa kanilang itinuro at ito ay nailarawan sa Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H.
del Pilar. Minulat ni Del Pilar ang mga Pilipinong alipin ng simbahan at bulag sa katotohanan. Na
ang bawat gawa, sakripisyo at bigay ay hindi na napupunta sa Diyos at sinasamsam na ito ng mga
Prayleng kastila.
Caluya, Christine Anna Mei
D. Mga Reaksiyon o pananaw ng mga kasapi
Kung ating babasahin ang akdang ito, marahil ay kawili-wili ito subalit kung ating naasimila ang
bawat salitang ginamit ay masasabi kong mapupukaw sa ating isipan ang damdaming
mapanghimagsik na binigyang-diin ni Del Pilar. Nakakalungkot kung isipin ang mga naranasan ng
mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga prayle. Kahabag-habag ang mga dinanas na
panlilinlang at pagsasamantala sa mga Pilipino noon sapagkat hindi nila magawang ipaglaban ang
kanilang karapatan.
Manibog, Beverly
A. Paksa
Sa akdang ito ay sumasalamin sa malupit na karanasan ng mga mamamayang
Pilipino mula sa kamay ng mga Español at tinalakay ang mga tunay na adhikain ng
mga Kastila kung bakit sila naparito sa bansang Pilipinas at ang mga adhikain ng
mga nasabing mananakop. Ibinahagi rin dito ang mga pang-aalipusta at hindi
makatarungang gawain ng mga dayuhang mananakop sa mga mamamayan.
B. Pamamaraan
Ang pagtingin ng may-akda ay isang karanasang dapat nang baguhin o labanan ng
mga Pilipino. Ito’y isinulat upang magsilbing tagapag-mulat sa katotohanan sa mga
Katagalugan upang sila ay magising sa mga maling pamamalakad at tunay na agenda
ng mga kastila sa kanilang pagpunta sa Pilipinas. Nagsilbi ang akdang ito upang
himukin ang mga mamamayan upang mag-alsa sa mga kamalian at kahuwarang
pamamalakad at pagmamalabis ng mga Kastila.
C. Istilo
Ang istilo na ginamit sa akda ay sa anyong pasalaysay kung saan ito ay waring
nagsasalaysay ng mga pangyayari at mga bagay na pinapaksa. Ito rin ay gumamit ng
matatalinghaga at malalalim na salitang tagalog na may himig na pangangaral sa mga
mambabasa.
D. Mga Reaksiyon o pananaw ng mga kasapi
Ako ay humanga sa pamamaraan ng pagkakasulat ng akda at maging ang mensahe na nais iparating nito. Maging
ang pagkakalahad ng mga pangyayari ay mistulang mayroong pattern na sinusunod sapagkat maayos ang daloy
ng mga impormasyon maging ang pagkakapili ng mga salita at pariralang ginamit sa pagbuo ng sanaysay. Tunay
ngang hindi lamang ang mga tabak o mga baril ang maaaring gamitin upang makipaglaban sa mga panahong
iyon sapagkat sa tingin ko ay ang sanaysay na ito ay lubhang makapangyarihan upang mabuhay ang masidhing
damdamin ng katagalugan na inapi at yinurakan ng pagkatao ng mga dayuhang sakim sa yaman ng Perlas ng
silangan. -Agustin, Norilyn
D. Mga Reaksiyon o pananaw ng mga kasapi
Ang layunin ng may akda ay gisingin ang natutulog na damdaming makabayan ng bawat Pilipino, noon man at
ngayon. Kusang loob na ipagtanggol ang kalayaan ng ating mahal na tinubuang bansa.
-Carba, Ronalyn
Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng pananaw ng may akda sa kasaysayan ng Pilipinas at hinikayat ang mga
Pilipino na ipaglaban ang kalayaan. Sa pamamagitan ng sanaysay na ito ay binigyang linaw nito ang aking
kaalaman patungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at dito ko napagtanto na huwag matakot na ipaglaban ang
karapatan o kalayaan. -Flores, Stephanie
A. Paksa
Ang akdang ito ay sumasalamin sa mga kaugaliang panlipunan na inihambing ng
may-akda sa liwanag at dilim. Ito ay pumapaksa sa kalagayan ng lipunan sa panahon
ng mga Kastila at kinapupulutan ng aral na huwag magpapalinlang sa nakikita
lamang ng ating mga mata sapagkat hindi lahat ng makinang ay maganda o mabuti.
B. Pamamaraan
Ang akdang ito ay naging daan o tulay upang maisiwalat ni Jacinto ang masalimuot
na estado ng lipunan na kinahaharap ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng
Kastila at sa panahon ng himagsikan. Gumamit ng nakakaakit at mabubulaklak na
mga salita ang may akda ngunit sa likod nito ay ang makabagbag-damdaming
kahulugan na siyang nagpamulat sa kaibahan ng estado ng mga maralita at dukha sa
panahong ito.
C. Istilo
Ito ay ginamitan ng simbolo sa pamulaan at sa pamamaraang deskriptibo ang
kanyang pagsisiwalat ng mga datos at pangyayari. Naging malikhain ang kaniyang
pagsasalaysay kung kaya’t naging mas mainam itong basahin at mas madaling
unawain. Bagama’t kinagagamitan ng matatalinhagang mga salita ay mababatid mo
agad ang nais nitong ipahayag na mensahe sa kanyang mga mambabasa.
D. Mga Reaksiyon o pananaw ng mga kasapi
“Malikhain ang pagkakagawa ng sanaysay sapagkat gumamit siya ng mga simbolo at masasabi ko
na ang sanaysay na ito ay napapanahon parin kahit matagal nang naisulat.”
-Garcia, Kathleen
“Masining ang pagkagawa sa sanaysay. Mas umangat ang diwa ng akda dahil sa paghahambing nito sa
isang bagay o pangyayari patungkol sa lipunan.”
-Manuel, Ian Fercival
D. Mga Reaksiyon o pananaw ng mga kasapi
“Napakahusay ang ginawang sanaysay dahil buhat sa pamulaan na ginamit ay maeengganyo ang bawat mambabasa na
alamin ang nilalaman nito. Ipinakita dito na ang mga Pilipino ay madaling mapukaw sa sinag na ibinibigay ng liwanag
na hanggang sa kasalukuyan ay nangyayari sa ating bansa.”
-Pornela, Claudine
“Ang akdang ito ay tunay na napakaganda ,sapagkat nakapagbibigay ito ng interes sa mga mambabasa sapagkat
magpahanggang ngayon ay tunay na nararanasan parin ang mga ganitong kaganapan sa ating buhay. Hindi pa rin
maiiwasan ang mga mapanlinlang na mga tao.”
-Narciso, Melanie
Sa aming pagsusuri, ang Panahon ng Himagsikan ay nagpapakita ng maalab na
damdaming pagkamakabayan at pagtutuligsang pampulitika. Katulad ng
pamumuhay sa panahong ito ang mga panitikan ay naging isang mahalagang
papel para sa paghihimagsik hindi lamang ng mga bayani kasama na rin ang
mga manunulat. Patunay lamang na ang panitikan ay kaakbay ang kasaysayan
hindi lamang sa pagkukuwento kundi para sa malayang pagpapahayag ng
saloobin at damdaming angkop sa partikular na panahon.
Get in Touch
With Us
Send us a message or
visit us
City of Batac, Ilocos Norte,
Philippines
(63) 77-600-0459
op@mmsu.edu.ph

Follow us for updates


facebook.com/MMSUofficial
www.mmsu.edu.ph

You might also like