Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lesson Plan in Araling Panlipunan 2

Date: February. 18, 2020


I. Objectives
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono,
antala at ekspresyon F2TA-0a-j-3
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita (paggamit ng
pormal na depinisyon ng salita)F2PT-IVf-i-1.10
Nilalaman:
Aralin 6 Ang Diyos ay Pasalamatan Iba’t Ibang Antas ng Wika
Kagamitan sa Pagtuturo:
A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: p. 168
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral: pp. 456-457
3. Curriculumn Guide: p. 31-33
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource: Google.com/Pictures
B. Iba pang Kagamitang Panturo:
Laptop, Smart T.V., Activity Sheets

II. Pamamaraan:
A. Balik-aral:
Ipagawaang Tukoy Alam sa T.G pahina
Alamin ang nalalaman ng mga bata sa jejemon.
Ipagamit ito sa usapan

B. Pagganyak:
Magpakita ng isang larawan ng isang masayang pamilya.
Itanong: Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Itanong: Ganiyan din ba kayo sa inyong sariling pamilya?
Sabihin: Magbigay nga kayo ng isang pangyayari sa inyong pamilya kung saan kayo ay naging
masaya.

C. Paglalahad:
Sabihin: Dapat tandaan ang mga sumusunod sa pagbabasa ng isang kwento.
Una, wag maingay.
Ikalawa, basahin ang kwento ng maayos.
Ilahad ang kwentong “Dakilang Tagapag-ingat” mula sa LM pahin 451.

D. Pagtatalakay:
Sabihin:
Ilarawan ang mag-asawang Ruben at Milay.
Ilarawan ang magkapatid na Kule at Sophie.
Itanong:
Ano ang ibig sabihin ng mga salitang nabilugan?
Kailan ito ginagamit?
Sino ang gumagamit nito?
Kung gagamitin ang pormal na salita para sa mga ito, ano ang magiging bagong pangungusap
natin?
Tandaan: Ang pamilyang nagtitiwala sa Diyos at nagkakaisa ay nagiging malayo sa tukso at
disgrasya.

E. Panglinang sa Kabihasaan:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat isadula ang mga sumusunod na sitwasyon:
Unang Pangkat:
Magpakita ng isang usapan na may gamit na mga salitang balbal.
Ikalawang Pangkat:
Magpakita ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng paggamit ng pormal na pananalita.

F. Paglalahat:
Sabihin: Ang wika ay may iba’t ibang antas ng paggamit. Kailangang piliin natin ang wasto at
angkop na salita na gagamitin para sa iba’t ibang pagkakataon at lugar.

G. Paglalapat: TANONG:
Sanayin Natin:
Ibigay ang katumbas ng mga pormal na salita sa balbal nitong anyo.

.
H. Pagtataya:
Linangin Natin:
Isulat ang P kung ang salita ay pormal at BL kung ito ay balbal.
1. _____ haligi ng tahanan
2. _____ datung
3. _____ tsakarote
4. _____ bana
5. _____ dalasang
6. _____ tsikot
7. _____ pulis
8. _____ bolpen
9. _____ silid
10. _____ Bulad

I. Takdang Aralin:
Iguhit ang iyong nanay sa inyong kwaderno. Isulat sa ibaba ng larawan ang balbal at promal na
salita para sa iyong nanay.

You might also like