Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Edukasyon sa Gitna ng Pandemya”

(Pilot Implementation on Face-to-Face Classes)

TAMBACON INTEGRATED SCHOOL

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Ang edukasyon ay mahalaga sa
bawat isa dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng bawat tao. “KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA
KINABUKASAN”.

Susi…susi…susi… ang katagang paulit-ulit o tumatak sa ating isipan na lagging naririnig sa ating mga
magulang. “Ika nga ng karamihan “Edukasyon ang susi sa pag-abot ng ating mga pangarap, na
kailanma’y hindi mananakaw ng sinuman” ng siyang napagtanto sa ating mga sarili. Paano kung ito’y
matigil ng panahon? Paano kung ito’y mawala s di natin inaasahang pagkakataon? Maipapatuloy o
maisasakatuparan pa ba ang ating munting mithing pangarap?

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging masayahin at matatag sa anumang pagsubok na hinaharap o
kinakaharap na syang hinahangaan ng buong daigdig, walang anumang hirap na di kayang lagpasan kung
tayo’y saama-samang lumalaban sa agos ng pagsubok na may kasamang dasal sa Diyos. “Pagsubok ka
lang, kami’y Pilipino”. Sa panahon na di tiyak tayo’y patuloy na lumalaban o nakikipaglaban sa mga di
inaasahang pagkakaon. Lumipas ang mahigit dalawang taon at patuloy pa rin nating hinaharap at
nilalabanan ang pandemyang dulot ng COVID-19 sa di inaasahan ito’y nagdulot ng matinding pinsala o
kumitil sa buhay ng ng mga maraming Pilipino, na syang nagpatigil sa paggalaw ng buong daigdig tulad
ng ekonomiya, tourismo o maging ang aspeto ng edukasyon--- edukasyon ang isa sa mga pangunahing
apektado ng pandemya, ngunit tayo’y Pilipino, edukasyon tuloy sa gitna ng pandemya sa tulong ng atin
gobyerno at ang Kagawaran ng Edukasyon, ito’y nagpatuloy sa pamamagitan ng iba’t ibang modality na
ginamit na naaayon sa lagay ng panahon ng bawat lugar sa bansa.

TAMBACON INTEGRATED SCHOOL isa sa mga paaralan ng Rehiyon X- Northern Mindanao – Division of
Lanao del Norte, ang syang nagpatuloy ng edukasyon sa pamamagitan ng Modular-Distance Learning
Modality na syang nakapagbibigay ng pag-asa sa mga kabataan na maipagpatuloy ang mga nasimulang
pangarap at gayundin ang mga guro na di alintana ang pagod at pangamba na dulot ng pandemya,
makapagbibigay lamang ng serbisyo sa mga kabataan---kabataan ang syang pag-asa ng bayan. Mahigit
isang taon ang lumipas patuloy ang Modular-Distance Learning Modality.

Sinabi ng DepEd na sa kanilang malaking hakbangin na ipinakilalang muli ang face-to-face classes sa
gitna ng kalagayan ng pampublikong kalusugan, sila ay positibo na ang diwa ng bayanihan ay
mabubuhay upang masiguro ang kaligtasan ng mga stakeholders at ang tagumpay ng pilot run. Dumulog
din naman sila sa publiko ng patuloy na sumusunod sa required health protocols at standards na
pinaiiral ng pamahalaaan upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

Sa pag-anunsyo ng gobyerno at ng kagawaran ng edukasyon na magkaroon ng PILOT IMPEMENTATION


FOR FACE-TO-FACE CLASSES maswerte ang TAMBACON INTEGRATED SCHOOL na masali sa listahan
noong ika-5 ng Nobyembre 2021 ay nagsimula ang Pilot face-to-face Classes na syang nagbigay ng
kasiyahan sa mga mag-aaral, guro, at magingmga magulang kung saan ibinigay ang kanilang boung
suporta sa programa ng edukasyon mula kindergarten hanggang ikatlong baitang ng elementarya ang
kasali sa programa kung saan ay limitado o may schedule na sinusunod ang bawat baitang o hinati ang
bilang ng mga mag-aaral ang pwedeng umattend ng klase sa araw ng itinakda o by set- set A at set B at
sumusunod din ang bawat mag-aaral , guro at mga magulang sa mga health protocols para masigurado
ang kligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral. Malaki ang pagkaiba ng sistemang edukasyon dahil sa mga
health protocol, noon nakapaglaro pa ang mga mag-aaral sa kapwa nila mag-aaral ngayon ay may social
distancing, dati nakita pa ang tawa at masayang mukha ng mag-aaral ngayon hindi na dahil laging
nakasuot Ng face mask na syang sinunod ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang.

Di maipinta ang saya sa mukha ng bawat mag-aaral nung sila’y muling nakatapak sa sinasabing paaralan
kung saan doon huhubugin ng panahon ang kanilang munting mithing pangarap na syang panahon ang
umagaw sa munting kasiyahan ng bawat bata. Ngunit sa kabila ng maraming pagbabago ng sistemang
edukasyon sa panahon ngayon ay makikita sa mga mag-aaral ang bagong pag-asa. Sinubok o susubukin
ng panahon ay patuloy ang laban ng buhay.

You might also like