Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SALAMAT SA SIMBAHAN:

1. Higit na nagpapasalamat ang mga kalahok sa pagpapaala ng Simbahan sa


halaga ng buhay, sa paggabay kung paano malampasan ang mga pagsubok, sa
pagtuturo ng salita ng Diyos. Naranasan din ng mga kalahok ang pagtulong ng
simbahan sa mga mahihirap at nangangailangan lalo na sa panahon ng
pandemya, at marami ring estudyante ang nabigyan ng Scholarship. Gayundin,
ang mga kalahok ay nagpapasalamat at naging daan sa matatag na relasyon sa
pamilya, naging malapit sa katotohanan at naging simbolo ng pagkakaisa ng
mga Kristiyano.

SANA ANG / SA SIMBAHAN:

2. Pangarap na makita ng mga kalahok sa Simbahan ang magkaroon ng Bible


study para sa mga kabataan at nawa’y magkaroon ng sariling kwarto/lugar para
sa mga bata tuwing linggo. Gusto rin ng mga kalahok na magkaroon pa ng
mahigpit na pagpapatupad sa mga parishioners na magsuot ng mga tamang
pananamit na angkop sa simbahan, mawalan ng diskriminasyon sa kasarian, at
mahigpit na pagpapatupad ng disiplina sa mga mananampalataya.
Gayunpaman, isa rin sa pangarap ng mga kalahok na mag reach out pa ang
simbahan upang magkaroon pa ng maraming tagapagpahayag ng salita ng
Diyos, magkaroon ng programa para sa mga hindi naniniwala sa Panginoon. At
ang mga kaparian ay dapat magkasundo upang mas maging matatag ang
simbahan.

3. B – 5 = Ang mga kalahok ay kinikilala ang simbahan bilang tahanan ng Diyos


ngunit hindi nakikilahok sa mga gawain ng Simbahan. Dagdag pa rito, sila ay
maraming ginagawa pero di nakakalimot sa taas. At sinasabi ng mga kalahok na
hindi ito tungkol sa pagpapalapit ng sarili sa simbahan kung hindi ang importante
ay kilala at mapalapit sa Diyos.
C – 28 = Bagamat nananalig at tunay na naglilingkod sa Panginoon, naniniwala
ang mga kalahok na mayroong dapat matutunan at malaman. Upang mas
maging sentro ng buhay ang Panginoon at ituring na pangawalang tahanan ang
simbahan. Nararamdaman din ng mga kalahok ang presensya ng Diyos lalo na
sa pakikidalo sa mga programang isinasagawa ng simbahan. Gayunpaman, ang
iba ay naglilingkod sa simbahan ngunit parang hindi talagang nalalapit sa
simbahan.

D – 11 = Ang mga kalahok ay nagpagpapakita ng ugnayan sa simbahan, at


paglilingkod, sapagkat ang mga tao at ang simbahan ay iisa. Bilang miyembro ng
Simbahan, nararapat na ang mga tao ay laging kabahagi sa magandang layunin
nito.

Q3

● Ayon sa mga kalahok, nararamdaman nila na sila’y kabilang sa simbahan kapag


nakakapaglingkod sa Panginoon at sila ay nakakapagsimba.
● Kapag ang mga kalahok ay nakakagawa ng mga bagay na hindi kalugod-lugod
sa Panginoon, hindi nakakapagsimba.
● Nararamdaman ng mga kalahok na kabilang sila sa simbahan kapag nakiisa sa
mga programa at alituntunin na isinusulong ng Simbahan.

4. B – 1 = Karamihan sa mga kalahok, nasa punto sila ng kanilang buhay kung


saan ay kinikuwestiyon nila ang kanilang sarili kung tunay bang bukas sila sa
Panginoon. Ito ay dahil halos sa kanila ay mayroong mababag ang tiwala sa
kanilang sarili.

C – 12 = bukas ang mga kalahok sa lahat ng aspeto ng mga gawain o pakikinig


sa salita ng Diyos ngunit nararamdaman nilang may pagkukulang pa rin. Sa
bandang dako, ayon sa mga kalahok, kalahati ng kanilang pinto ang nakabukas
sapagkat hindi sanay makilahok. Ang simbahan ay dapat mag reach out at
gumawa ng mga programa upang mas lubusang mabuksan ng tunay ang
kanilang mga pinto sa pakikiisa at paglilingkod sa simbahan at sa Diyos. Ang iba
naman ay nasa proseso pa lamang ng paglilingkod, kung kaya’t hindi pa
lubusang bukas ang kanilang mga pinto ngunit sila ay handa na ring buksan ng
buong puso upang makilahok.

D – 34 = nararamdaman ng mga kalahok na dapat lamang na manatiling bukas


ang lahat ng mga miyembro ng lahat ng mga layko. Kung ang mga tao ay bukas
sa lahat ng pagkakataon, magiging bukas din ang simbahan upang matugunan
din ang spiritual na pangangailangan ng bawat isa, upang mahikayat ang mga
taong nasa labas ng pananampalataya na bumalik loob sa Panginoon. Sa
pagsisilbi ng karamihan sa simbahan, nakikita nila na ang mga taong
nakakasalamuha nila ay bukas sa lahat ng bagay at malugod na nakikilahok sa
mga Gawain ng Simbahan.

Q4

● Nararamdaman ng mga kalahok na napakinggan sila ng simbahan kapag alam


nila na kinikilala ng simbahan ang kanilang mga opinion at ginagamit nila ito sa
pagbuo ng isang desisyon.
● Upang maging bukas ang simbahan sa lahat lalo na sa mga layko o karaniwang,
tanggapin ang bawat isa ano man ang relihiyon at na may pantay na pagtingin.
● Ang dapat na gawin upang makahikayat ng maraming mga tao sa buhay ng
simbahan ay ang pagsasagawa ng mga seminar na naglalayong maliwanagan
ang mga tao sa anumang hangarin ng simbahan. At bigyan ng pagkakataon ang
lahat anuman ang estado sa buhay o ang pisikal na katangian.

5. A – 3 = ang simbahan ay ang dapat magbuklod sa lipunan. Sila ang dapat


magbigay ng liwanag sa kaisipan ng mga tao lalo na ngayon na nalalapit na ang
eleksyon.
B – 4 = Hindi masyadong nararamdaman ang opinyon tungkol sa isyu ng lipunan
sa epektibong paraan.

C – 14 = mahalaga na ang simbahan at lipunan ay may interaksyon at


pagkakaisa. Maraming sumasampalataya sa simbahan, dahil hindi naman lahat
ng tao sa lipunan ay naglilingkod o nakikilahok kaya hindi masyadong malapit
ang simbahan sa ibang tao sa lipunan.

D – 18 = Nararamdaman ng mga kalahok sa pagsisimba sa Parokya, isa ang


simbahan na tumutulong sa lipunan sa panahon ng sakuna, sa pamamagitan
man ng panalangin o galing sa tulong ng bayanihan. Malaki ang ginagampanan
ng simbahan sa lipunan sapagkat mas nagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan
kapag ang mga tao ay malapit sa simbahan. Ang mga kinauukulan ay dapat
bigyang pansin ang mga simbahan, at hindi ang simbahan ang maglapat sa mga
tao kundi ang mga tao ang dapat na magbigay ng oras sa simbahan.
Gayunpaman, sa tulong ng online mass, nasaksihan ng maraming kalahok ang
tulong ng simbahan sa pandemya, lalong lalo na sa pagpapababa ng problema
sa mental health.

Q5

● Pagbuklurin ang bawat isa, magbigay ng pag-asa at inspirasyon.


● Ang lahat ng sector ay nangangailangan ng spiritual na tulong ng simbahan. Ang
mga kristiyano lalo na ang mga frontliners na inilaan ang buhay at oras para lang
sa maisalba ang buhay ng tao, sila ang kailangan ng gabay at motibasyon.
● Magbigay ng programa ang simbahan sa mental na kalusugan ng kanilang
nasasakupan, para hindi panghinaan ng loob ang mga tao sa ano mang
problemang dumating.

You might also like