Timbal, Zaira V (BSHM 4-1D) - Activity 2 (Rizal)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Timbal, Zaira V. Prof. Elisor Guieb Jr.

Surname, Given Name M.I. Course Instructor

BSHM 4 – 1D Unit 2 Philippine Nationalism


Course, Year and Section Unit/Chapter Lesson

1. Develop your own list of historical figures that you consider to be national heroes. Justify
your chosen list and recommend which historical figures may or may not fall within the
criteria set by the National Heroes Commission.

Antonio Luna (1866 – 1899)


Siya ang Filipinong heneral na namuno sa hukbong sandatahan ng Himagsikang Filipino at
pangalawang kalihim ng digma sa Republikang Malolos. Kinikilala siya bilang
pinakamahusay na Filipinong heneral sa kaniyang panahon. Siya rin ang nagtatag ng unang
akademya militar ng bansa. Kapatid niya ang pintor na si Juan Luna.

Felipe Calderon (1863 – 1908)


Siya ay isang abogado at edukador na nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng
bansa. Siya ang awtor ng Konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas lalong kilala sa
tawag na Konstitusyon ng Malolos. Isa siya sa mga inaresto ng mga Espanyol at ikinulong
sa Fort Bonifacio.

Teresa Magbanua (1868 – 1947)


Mas kilala siya sa tawag na ‘Nay Isa’. Siya ay isang guro sa Iloilo ngunit nang sakupin ang
Panay Island, siya ay nagsanay sa military at horseback riding. Kalaunan ay sumali siya sa
mga rebollusyon upang ipaglaban ang kalayaan ng kanilang lugar laban sa mga
mananakop kabilang na ang mga Espanyol at mga Amerikano.

Gregorio Del Pilar (1875 – 1899)


Siya ay isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino at
Digmaang Pilipino-Amerikano. Kilala siya sa kanyang matagumpay na pag-atake sa mga
kuwartel ng Espanyol ng Cazadores sa munisipalidad ng Paombong, sa kanyang tagumpay
sa unang yugto ng Labanan ng Quingua at sa kanyang huling paglaban sa Labanan ng
Tirad Pass sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.

Mariano Ponce (1863 – 1918)


Siya ay isang Pilipinong manggagamot na naging pinuno ng Kilusang Propaganda na
hinimok na mag-rebolusyon ang Pilipinas laban sa mga Kastila noong 1896. Bilang
manunulat, siya ay nakasulat ng mga akdang pampanitikan sa wikang Kastila, Tagalog
at Ingles. Bilang tagapag-ambag sa Panitikang Pilipino, mula sa kanyang panulat ang Ang
Alamat ng Bulacan, isang katipunan ng mga alamat; Mga Kuwentong Bayan sa Lalawigan
ng Bulacan; Ang Pagpugot kay Longhinos, isang dulang itinanghal sa Liwasang Bayan ng
Malolos; Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda; Ang Makasaysayang Pag-aaral Tungkol
sa Pilipinas, at marami pang iba.
Jose Abad Santos (1886 – 1942)
Si Pédro Abád Sántos ay isang doktor, abogado, at lider manggagawa. Itinatag niya
ang Partido Sosyalista ng Pilipinas noong 1932 at ang Aguman Ding Maldang
Talapagobra noong 1933. Naging medyor siya ng hukbong Filipino, sa ilalim ni Hen.
Maximino Hizon, noong Digmaang Filipino-Americano. Nahúli siyá at nahatulan ng 25 taóng
pagkabilanggo ngunit nakalaya sa tulong ng Americanong abogado na si John
Haussermann.

Paliwanag

Naniniwala ako na lahat ng bayaning aking nailista ay karapat-dapat lamang na


mapabilang sa listahan ng mga pambansang bayani ng ating bansa. Isang dahilan na ang
pag-alay ng kanilang mga buhay para mapalaya ang kanilang mga kapwa Pilipino sa kamay
ng mga mananakop. Ang tunay na kabayanihan ay matapat na paghahandog ng sariling
buhay alang-alang sa ikararangal ng bayan. Sila rin ay kusang loob na nagsanay at sumali
sa mga rebolusyon kahit kapalit nito ay ang kanilang mga buhay. Hindi nila alintana ang
mga panganib na maaari nilang sapitin. Karamihan din sa mga bayaning aking nabanggit ay
may mga ambag sa mga sinaunang panitikan ng ating bansa. Ang iba ay sumulat ng batas,
artikulo sa isang dyaryo at iba pa. Iisa lamang ang kanilang layunin, ito ay ang hikayatin ang
mga Pilipino na sumama at lumaban. Hindi rin sila natakot na ipahayag ang kanilang mga
saloobin kahit gumamit sila ng mga palayaw. Makikita rin sa bawat isa sa kanila ang iba’t-
ibang konsepto ng nasyonalismo na maaaring ikumpara sa kasalukuyang panahon. Lahat
din sila ay may ambag sa kalayaan ng ating bansa dahil sa kanilang katapangan na
ipaglaban ito. Masasabi ko rin na karapat dapat sila dahil iniisip nila ang kalagayan ng
bansa sa hinaharap. Mayroon silang pakealam sa mga susunod na henerasyon.

You might also like