Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Chapter 1

Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip o mas tamang sabihing masamang
alaala.
Bumangon ako at pinunasan ang mga luhang dala ng masamang panaginip na iyon.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Mommy.
“Bad dream again?” tanong niya at naupo siya sa tabi ko.
Tumango ako.
“Yeah. Same bad dream.” Sagot ko.
Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko.
Nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ko ay nakita kong nalungkot siya sa sinabi
ko. Tumayo ako para pumasok na sa banyo. Nang makitang nakatulala pa rin siya ay
nagsalita muli ako.
“Don’t worry mom.” Napalingon siya sa akin. “I won’t kill them.” Natatawang sabi
ko.
Lumapit siya sa akin para batukan ako.
“Bad girl.” Aniya at lumabas na ng kwarto.
Natatawa ako sa reaksyon niya.
I wore a red spaghetti strap crisscross cutout bodycon dress and paired it with
red pumps. I let my ginger colored wavy hair down, hanggang bewang ko na ito.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I entered my walk-in closet to pick what
bag should I use today.
I pick my white Chanel handbag.
“Ready to go.” Sabi ko sa sarili. Lalabas na sana ako nang mapatama ang tingin ko
sa salamin. Nakita ko na naman ang aking mga kulay abong mata.
Pumasok muli ako sa banyo para suotin ang aking contact lens.
Hinarap ko ang sarili sa salamin.
“Better.” Bulong ko.
Bumaba na ako nang narinig ang utos ni Mommy.
“Yaya patawag na si Avyanna.” Utos niya.
“No need Mom.” Sabi ko napalingon naman siya sa gawi ko.
Nakita kong nagbago ang muka niya nang makita ang suot ko.
“Vy, san ang party?” tanong niya at naupo na.
“Why? I’m going to the hospital.” tanong ko kahit alam ko na ang ibig niyang
sabihin. I kissed her cheek bago ko ibinaba ko ang bag ko sa upuan sa tabi ko at
naupo na.
“Wala akala ko lang naman hindi sa trabaho ang punta mo. Dahil muka kang
magpaparty sa suot mo. Wala bang nagrereklamo sa mga suot mo?” sermon niya.
“Why? Sinong nagrereklamo sa suot ng princess ko?” napangiti ako nang pumasok so
Dad galing sa garden may hawak pa itong dyaryo. “It looks so beautiful kaya.”
Dugtong pa niya.
Nasapo na lang ni Mommy ang noo niya at napangiti ako.
Lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko bago lumapit kay Mommy at humalik rin sa
labi nito.
“Don’t worry Mom, Dad. Wala pa naman nagrereklamo sa suot ko.” Nakangiti kong
sagot. Kahit ang totoo ay marami nang nagrereklamo hindi lamang mga head ng
hospital kundi pati narin ang ibang nurse at doctor na katrabaho ko.
It’s just that wala silang magawa sa akin.
“Mabuti naman dahil walang pwedeng umaway sa princess ko.” Sabi niya na
nakapagpangiti sa akin. “Maliban na lang sa queen ko.” Bawi niya nang makitang
masama ang tingin sa kaniya ng Mommy.
“You’re so cheesy Dad.” Natatawang sabi ko. Pati si Mommy ay natawa.
“Cheesy ba?” tanong niya. Nakaharap kay Mommy.
Tumango ito at pinipigilan ang tawa.
“Okay lang yun.” Sabi niya. “At least napapangiti ang dalawang babae sa buhay ko
na napakamahal ko.” Dugtong niya at sinundot pa ang tagiliran ni Mommy.
“Ano ba?” inis na saway ni Mommy at tinampal ang kamay ni Dad.
Hindi ko napigilang di mapatawa nang ngumuso si Dad. Mukha siyang batang
pinapagalitan ng nanay niya.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila para pumasok sa school.
Papaandarin ko na sana ang kotse ko nang may nagnotif sa cellphone ko.
“This day.” It says.
Doon ko lang naalala. It’s been 12 years since that day happened.

The day Mom died. My real mom. And I can’t anything to help her back then.

You might also like