Kasanayan Sa Pagsulat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Kasanayan sa pagsulat:

Ipinahayag ni Steven Roger Fischer na walang katuturan ng pagsulat


na sistemang ang maaaring kumatawan sa pangkalahatang sistema ng pagsulat na
namamayani . Sa halip , sinabi niyang ang isang ganap na sistemang pagsulat ay
yaong nakasusunod sa mga sumusunod na pamantayan:

a. Ang ganap na pagsulat ay may layuning pangkomunikasyon.


b. Ang ganap na pagsulat ay naglalaman ng artipisyal na grapikong
pananda sa isang matibay o elektronikong bagay na maaaring
pagsulatan.
c. Ang ganap na pagsulat ay gumagamit ng mga pananda na
humahalili sa pagsasalita ( sistematikong pagsasaayos ng mga
mahahalagang tunog) o elektronikong programa kung saan ang
komunikasyon ay naipadala.

Ang Sistema ng pagsulat ay fanksyunal , nagpapakita ng isang


biswal na pamamaraan upang katawanin ang wika , na isa ring
simboliko, na kumakatawan sa kultura at mga tao.

Proseso ng Pagsulat
Ang lahat ay may kani- kanyang proseso ng pagsulat. Bakit
kailangan ang proseso ng pagsulat ?ideya.
1. Natutulungan nito ang manunulat na maorganisa ang
kanyang mga ideya.
2. Natutulungan nito ang manunulat na maiwasan ang pagka-
inis
at pagpapabukas ng gawain.
3. Natutulungan nito ang manunulat na efisyente at
produktibong
magamit ang kanyang iskema.
Proseso ng Pagsulat
a. Imbensyon
b. Koleksyon / Pangangalap
c. Organisasyon
d. Pagsulat ng burador
e. Revisyon
f. Proofreading
1. IMBENSYON : paglikha ng iyong paksa
Ang posibleng paksa.
Brainstorming -Paglalahad ng lahat ng ideya sa papel upang
maibigay ang posibleng maging paksa.
Paglalabas ng mga ideyang nakapagbibigay interes sa
iyo.Paglilista.
Klastering - pagmamapa ng mga ideya .
2. Pangangalap ng impormasyon
a.Pangangalap ng mga ideya.
b. Paghahanap at pagsusuri ng mga pananaliksik.
c. Pagsasagawa ng interbyu
3. Pag-oorganisa—Paglalahad ng mga impormasyon sa isang
balangkas.
BALANGKAS
I. Introduksyon
A. Pangganyak
B. Paglalahad ng tesis
II. Katawan
A. Paglalahad ng mga punto
B. Paglinang ng mga ideya
C. Pantulong sa pangunahing katwiran
III. Kongklusyon
A. Muling pagdidiin sa pangunahing ideya.
4.Pagsulat ng burador
a. Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na
magawa
ang iyong sulatin.
b. Humanap ng komportableng lugar na pagsusulatan.
C. Iwasan ang distraksyon o abala.
d. Magpahinga .
5. Pagrerebisa: muling pagsususri ng mga ideya.
Ribyu ng higher – order na tuon.
a. Malinaw na pagpapahayag ng mga ideya.
b. Organisasyon ng sulatin.
c. Istraktura ng talata
d. Matibay na introduksyon at kongklusyon.
6..Proofreading :
Ribyu ng higher – order na tuon.
a . Ispeling
b. Bantas
c. Istraktura ng mga pangungusap
d. Istilo ng dokumentasyon
Mga uri ng Pagsulat
Maraming uri ang pagsulat . Mauuri ito ayon sa iba’t ibang
pangangailangan ng mga tao.
Sa bahaging ito tatalakayin ang mga uri ng pagsulat na
madalas kailanganin sap ag-aaral.
Akademik—ang akademik na pagsulat ay maaaring maging
kritikal na sanayasay lab- report ,eksperimento term paper, o
pamanahong papel , tesis o disertasyon. Itinuturing din itong
isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin
ang antas at kalidad ng mga estudyante sa paaralan.
1. Teknikal – Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na
tumutugon sa mga kognitib at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa , at minsan , ang
manunulat mismo ..Nagsasaad ito ng mga impormasyong
maaaring makatulong sa pagbibigay -solusyon sa isang
kumplikadong suliranin.
2.Journalistic—pamamahayag ang uring ito ng pagsulat na
kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist .
Saklaw nito ang pagsulat ng balita , editorial , kolum, lathalain
at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o
magasin.
3.Reperensyal -- uri ng pagsulat . na naglalayong
magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang
paksa.
4.Propesyunal -ito ay isang uri ng pagsulat na nakatuon o
eksklusib sa isang tiyak na propesyon..
5.Malikhain – Masining ang uring ito ng pagsulat . Ang pokus
ditto ay ang imahinasyon ng manunulat , bagama’t maaaring
piksyonal o di- piksyonal ang akdang isinusulat
Mga layunin ng pagsulat
Makapagbigay ng impormasyon
1. Makapanghikayat
2. Makapagbigay lugod
a. Komikal
b. Seswal
c. Inspirayunal
Mga Estratehiya sa pagsulat
Maraming estratehiya o pagdulog sa pagsulat na maaring gamitin
sa
Mabisa ng pagsulat;
1. Webbing -- Ang webbing ay tumutulong sa paguugnay -ugnay
ng mga ideya o impormasyon. Magagamit din ito sa pagpaparami
at pagpapalawak ng sang ideya.
Halimbawa:

a.Print midya

b. Broadcast midya
Mga uri ng Kahalagahan ng
c. Visual midya mass midya
massmidya sa
d. Electronic midya Pilipinas

Pananaliksik Kaugnay sa
masmedia sa Pilipinas

Papel na ginagamoanan Tunguhin ng massmidya


ng Massmidya sa sa Lipunang Pilipino
Pilipinas
1. Concept Mapping – Gaya rin ito ng webbing , subali’t ang
kaibahan nito ay ang paggamit ng cell sa pagdevelop ng
mga ideya , mga katanungan gayon din ang paglilink nito sa
bawat isa .

You might also like