Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Asignatura ARALING PANLIPUNAN Baitang 7

W7 Markahan IKAAPAT Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN ANG NEOKOLONYALISMO SA SILANGANG AT TIMOG-SILANGANG ASYA
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
• Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neokolonyalismo sa Silangan at
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Timog-Silangang Asya
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Ang mga Anyo, Tugon at Epekto sa Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Sa nakalipas na aralin, natalakay ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo at ang
bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Sa bagong
aralin, makatutulong pa rin ang inyong natutuhan sa nakalipas na ikatlong markahan upang madali ng maunawaan ang aralin
tungkol sa parehong paksa na mga anyo, tugon at epekto sa Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang: (a) natutukoy ang mga anyo at tugon ng neokolonyalismo at maging ang mga
epekto nito sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Bago ninyo simulan ang aralin, subukan muna ninyong gawin ang maikling gawain sa nasa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Panuto: Gamit ang mga letra na may numero sa ibaba, tukuyin ang mga katumbas na letra ng
mga numero na nasa bilang 1-5 at isulat sa katapat nito. Sagutin rin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba.
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

1. 16, 21, 12, 9, 20, 9, 11, 1, 12


2. 5, 11, 15, 14, 15, 13, 9, 11, 1, 12
3. 11, 21, 12, 20, 21, 18, 1, 12
4. 13, 9, 12, 9, 20, 1, 18
5. 11, 1, 12, 1, 11, 1, 12, 1, 14
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang inyong mga nabuong salita?
2. Sa inyo palagay, mahalaga kaya ang mga ito sa isang bansa? Ipaliwanag.
Sa bahaging ito, mayroon na kayong ideya sa ating pag-aaralan. Sa susunod na bahagi, masasagot ang inyong mga
katanungan sa mga anyo at tugon sa neokolonyalismo at ano-ano ang naging epekto nito sa mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
Tara na at ating alamin o mas palawakin pa ang inyong kaalaman sa araling ito.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 1 ½ oras)
ANG NEOKOLONYALISMO SA SILANGANG AT TIMOG-SILANGANG ASYA
Naunawaan mo na ang Asya ay minsang pinaghati-hatian ng mga mananakop na kanluraning bansa. Gumamit ang mga
Asyano ng mapayapa at marahas na pamamaraan upang makamit nila muli ang kalayaan. Subalit masasabi nga bang ganap
na naging malaya ang bawat bansa matapos silang makapagtatag ng kanilang sariling pamahalaan? Sa pagwawakas ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng bagong paraan ng pananakop na tinatawag na Neokolonyalismo. Ito ay
ang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa.
Ang bansang Japan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaranas ng neokolonyalismo mula sa United States
of America. Ang iba pang bansa tulad ng Vietnam at Pilipinas ay tulad din ang naranasan sa Japan.
MGA ANYO AT TUGON NG/SA NEOKOLONYALISMO
• PULITIKAL - LIHIM NA PAGKILOS (COVERT OPERATION) - Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan
ang mga neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan sa pamamagitan ng lihim na
pagkilos. Sa Pilipinas, ipinadala ng CIA si Edward Lansdale hindi lamang upang sugpuin ang mga Huk kundi tumulong din
na mailuklok sa katungkulan ang isang pangulong manatiling tapat sa Estados Unidos. Tinulungan din ng U.S. si Ngo Dinh
Diem laban kay Ho Chi Minh na maging pinuno ng Vietnam.
• EKONOMIYA - DAYUHANG PAUTANG o FOREIGN DEBT - Anumang pautang ang International Monetary Fund (IMF), World
Bank o ng Estados Unidos ay laging may mga kondisyon. Kabilang sa mga kondisyon ang pagbubukas ng ekonomiya sa
dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagsasapribado ng mga kumpanya at pagbaklas ng mga monopolyo,
pagpapababa ng halaga ng salapi, at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi susundin ang mga kondisyon,
hindi makauutang ang umuutang.
• KULTURAL - Ang kaisipan ang hinawakan sa ganitong pamamaraan. Sa anyong ito, patakaran ng makapangyarihang
bansa na palaganapin sa mahihinang mga bansa ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay tulad ng paraan ng
pananamit, sayaw, awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan at pati na mga pagdiriwang. Maraming Pilipino ang
naipadala sa Estados Unidos upang magpakadalubhasa. Tinatawag silang mga pensyonadong mag-aaral, at kumikilos
nang tila Amerikano nang magbalik sa Pilipinas. Natutuhan ng mga Pilipino ang mga bagay na totoong banyaga sa
kanilang kamalayan tulad ng Christmas, Santa Claus, Snow White, at Mistletoe na totoong hindi matatagpuan sa bansa.
Maging ang mga aklat sa paaralan ay dumakila sa buhay ng mga bayaning Amerikano tulad nina Washington, Jefferson,
at Lincoln. Bahagi rin ng imperyalistang kultural ang pagpasok ng iba’t- ibang pagkaing Amerikano tulad ng: hotdog,
hamburger, at mansanas. Masamang epekto sa mga Pilipino ang pagpairal ng Wikang Ingles bilang wikang gamitin sa
mga paaralan.
• MILITAR - Pagkatapos ng digmaan, ipinamigay ng Estados Unidos ang mga natitirang (surplus) kagamitang militar. Ang
pagpapadala ng mga pulis at sundalo sa Estados Unidos upang magsanay. Pagpapalaganap ng mga tagapayong
militar upang tulungan ang pamahalaan sa pangangalaga ng seguridad ng bansa. Nagagawa rin tumulong ng mga
Kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.
Handa itong magbigay ng kanilang hukbong sandatahan at iba pang tulong pang militar.
Samantala kahit sa kasalukuyan ay masasalamin pa rin sa mga bansang kanilang tinulungan ang impluwensyang pulitikal,
kultural at sosyal. Naging instrumento nila sa kanilang neokoloyalismo ang mga institusyon katulad ng International Monetary
Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United Nations (UN). Bunga nito, ang kulturang kanluranin ay bahagi ng halos lahat ng
bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya. Ito ay isang matibay na patunay na niyakap ng mga Asyano ang kanilang
kalinangan. Pinatutunayan din nito ang pananatili ng kontrol o kung di-man ay ang impluwesiya ng mga dating mananakop
na bansa.
MGA EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO
• OVER DEPENDENCE o labis na pagdepende sa iba – Malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang
bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States.
• LOSS OF PRIDE o kawalan ng karangalan – Sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na
lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling
kultura at mga produkto.
Nagbigay ng masamang epekto sa mga Pilipino ang pagpapairal ng wikang Ingles bilang wikang ginagamit sa mga
paaralan. Napabayaan ang sariling kalinangan at maging ang sariling wika. Ang mga ito ang ilan sa naging ugat upang
magtaglay ang mga Pilipino ng kaisipang kolonyal na pumupuri at dumudakila sa anumang bagay na gawa sa Estados Unidos
at sa ibang bansa at pagsasantabi sa mga bagay na gawa sa sariling bayan. Pagpasok ng iba’t-ibang pagkaing Amerikano
at banyaga na ngayo’y karaniwan na sa panlasang Pilipino at ipinagpalit ang katutubong mga pagkain tulad ng kalamay,
puto, latik, bibingka at iba pa. Maging ang pananaw ng mga Pilipino sa buhay ay nabahiran na rin ng imperyalismo. Naghangad
ang mga Pilipino ng pagkaroon ng mga materyal na bagay na siyang batayan ng katayuan sa lipunan. Kaya ang resulta ay
ang mga sumusunod:
- Nakaapekto ng malaki ang pag-aanunsyo sa mass media sa pagbabago ng panlasa at kagustuhan ng mga tao.
- Pangunguna ng mga produktong imported sa kaso ng Pilipinas.
- Nagbunga ng paglikas mula sa pook na rural tungo sa pook urban na nagbunga ng kulturang Slum o Squatter.
- Nagbunga ng kaisipang kolonyal lalo na sa mga bansang di-maunlad.
• CONTINUED ENSLAVEMENT o patuloy na pang-aalipin – Ang umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay
na kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa mala kolonyal at
makakapitalistang interes ng kanluranin. Ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluraning bansa.
Ngayon na natalakay at nasuri na ninyo ang aralin, atin namang susubukin ang inyong natutuhan sa pamamagitan ng mga
sumusunod na gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Panuto: Mula sa inyong dati at bagong kaalaman tungkol sa binasa, sagutin ang ilang
pamprosesong tanong na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang neokolonyalismo?

2. Ano-ano ang mga iba’t ibang anyo ng neokolonyalismo?

3. Paano nagkatulad at nagkaiba ang kolonyalismo at neokolonyalismo? Ipaliwanag.


IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Panuto: Suriin at tukuyin ang mga sumusunod kung anong anyo o uri ng neokolonyalismo, piliin
kung ito ay Pulitikal, Ekonomiya, Kultural at Militar. Isulat ang inyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
________________1. Pagbibigay ng suportang pananalapi.
________________2. Pag-angkat ng mga hilaw na gamit.
________________3. Pagpapahiram ng mga pondo para sa pagpapaunlad.
________________4. Pagsama sa UN upang pangalagaan ang kapayapaan.
________________5. Maraming Pilipino ang naipadala sa Estados Unidos upang magpakadalubhasa.
________________6. Pagpasok ng iba’t-ibang pagkaing Amerikano tulad ng hotdog at hamburger.
________________7. Pagpapalaganap ng mga tagapayong militar.
________________8. Pagpapairal ng Wikang Ingles bilang wikang gagamitin sa mga paaralan.
________________9. Pagtulong sa isang pinuno na mananatiling tapat sa U.S.
________________10. Pagkakaloob ng isang dayuhang pautang.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Matapos mong maunawaan at mapaunlad ang inyong mga kaalaman sa aralin, ating higit pang papalalimin ang iyong
kaalaman sa paksang tinalakay sa pamamagitan ng pagsagot sa ilan pang mga katanungan at gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4. Panuto: Batay sa inyong natutuhan o maging sa inyong nakikita o karanasan, lagyan ng kung
mabuti at naman sa di-mabuting epekto ng neokolonyalismo. Gawin at sagutan ito sa inyon sagutang papel.

EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO SAGOT


1. Pagkaroon ng kaisipang kolonyal
2. Pagkahilig sa mga imported
3. Nakaasa o nakadepende sa mayayamang bansa
4. Makabagong pamamaraan ng produksyon
5. Makabagong sistema ng pagbubuwis
6. Paglaki ng agwat ng mayaman at mahihirap
7. Paglaki ng populasyon
8. Mababang antas ng edukasyon
9. Modernong sistema ng transportasyon
10. Paglikas mula rural patungo sa urban
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga mabuting epekto ng neokolonyalismo?
2. Ano-ano ang mga di-mabuting epekto ng neokolonyalismo?
3. Sa palagay mo, ano ang maaaring itugon o gawin ng pamahalaan upang masolusyunan ang mga di-mabuting epekto
ng neokolonyalismo?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5. Panuto: Suriin mabuti at ipaliwanag ang nilalaman ng larawan sa pamamagitan ng maikling
sanaysay. Gamitin ang rubric bilang gabay sa paggawa ng gawain. Ilagay ang sanaysay sa isang malinis na bond paper.

https://drwhitelitr.net/ximages/cartoons/NeoColon.jpg
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Rubrics sa Pagmamarka ng Maikling Sanaysay


Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Nauunawaan at maayos na naipahayag ang kaisipan sa larawan. 4
Kaugnayan sa Paksa Ang ginawang maikling sanaysay ay kaugnay sa paksa o sa nasa larawan. 4
Teknikalidad Paggamit ng tamang bantas, pananda, at kaayusan ng pangungusap. 2
Kabuuan 10

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 30 minuto)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 6. Panuto: Bilang isang mag-aaral o mamamayan, sumulat naman kayo ng panata kung paano
ninyo matutulungan ang pamahalaan sa pagsugpo sa neokolonyalismo sa Pilipinas. Gawin ito sa isang malinis na papel.

ANG AKING PANATA

Ako si ____________________________________________ ay
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: _________)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 15 minuto)


• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako ng konti sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6

VII. SANGGUNIAN - Blando, Rosemarie C., et. al., ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba - Unang Edisyon 2014, pp. 393-394.
- PROJECT EASE (Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN II, MODYUL 10
NEOKOLONYALISMO: ANG BAGONG URI O PAMAMARAANG KOLONYALISMO, BUREAU OF SECONDARY
EDUCATION, Department of Education, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City, pp 5-8, 11-12.
- Mateo Grace Estela C. et al; Kasaysayan ng Daigdig, Publishing House, Inc. Quezon, City, 2012, pp. 501-502
Inihanda ni: JERICK DL. TEODORO Sinuri ni: NEREUS V. MALINIS, DEM.
SDO - RIZAL

You might also like