Linggo 1-4: Pinagmulan NG Wika at Ang Mahahalagang Konsepto Nito

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LINGGO 1-4: PINAGMULAN NG WIKA AT ANG

MAHAHALAGANG KONSEPTO NITO


Pagtalakay sa Aralin:
Kabuluhan at Katuturan ng Wika
Malayo na ang narating ng mga Pilipino. Nakilala na sa buong daigdig ang ating talino. Hindi maipagkakailang
pumapantay at magkaminsa'y nangunguna pa tayo sa iba. Pinalawak na ang ating kaalaman sa pakikipag-ugnayan, at
masasabi naiting hindi na rin nahuhuli ang mga Pilipino sa kalakalan, sa talino, at sa pakikipag-ugnayan. Malaking bahagi
ng pagtamo ng mga ito ay ang patuloy na pagsubok natin tungo sa intelektwalisasyon ng ating wika.
Wika ang buklod sa pagtatalo at pagkakaunawaan. Ito ang kaisahan sa pagkakaiba-iba ng pamamaraan tungo sa kaunlaran
ng isang bayan. Wika ang pumapatid sa agwat ng mahirap at mayaman, nag-aaral at mga mangmang, nag-uutos at
sumusunod, namamahala at pinamamahalaan. Napakahalagang magkaroon tayo ng midyum ng komunikasyon sapagkat sa
maraming pagkakataon, ito ang ginagamit natin sa kabuoan ng ating buhay rito sa mundo. Nakasalalay sa wikang
nauunawaan ng lahat ang tibay ng ugnayan at tagal ng samahan. Ito ay ilan lamang sa papel ng wika sa ating
lipunan. Sa modyul na ito ay lisa-isahin ang mahahalagang konseptong pangwika na makatutulong upang higit na
mapahalagahan ang kabuluhan ng wika sa buhay ng tao.
Gayunpaman, maraming mga dalubwika ang nagbigay-kahulugan sa wika at ang ilan sa mga ito ay mayroong pakakatulad
at mayroon din namang pagkakaiba. llan sa mga pagpapakahulugan sa wika ay ang sumusunod:
• Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
• Mga pananagisagsa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga
salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas.
• Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunogna pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason, 1988)
• Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na mga titik na iniuugnay natin sa mga kahulugang
nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981).
• Nagsisilbing impukan-hanguan at daluyan ng kultura (Salazar, 1996).
• Pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang mga
instrumental at sentimental niyang pangangailangan (Constantino, 1996).

Pinagmulan ng Wika
Pinaniniwalaan ng mga antropologo na ang wika ng mga sinaunang tao sa daigidig; kung mayroon mang wikang
ginagamit noon; ay isang uri ng wikang di nalalayo sa ginagamit ng mga hayop. Kung totoo ang paniniwala na ang mga
unang tao ay namumuhay noon na kahawig ng sa mga hayop, di nalalayo na ganoon din ang pamamaraan ng kanilang
pakikipagtalastasan! Kung tutuusin, ang mga tao ay hayop ding maituturing kundi lamang sa rasyunal nitong pagisip na
kayang linangin ang kanyang wika at kultura bilang tanda ng pagaangkin nito sa mas higit na mataas na uri ng talino
kaysa alinmang hayop na nabubuhay sa ating daigdig. At, dahil sa likas na katalinuhan ng tao, napaunlad nito ang
kanyang sarili sa pamamagitan ng pagmamanipula at pagpapaunlad g kalikasang nakapaligid sa kanya hanggang sa
tuluyan na niyang maibukod ang kanyang kariyanan sa mga hayop.
Nalinang at napaunlad ng tao ang kanyang wika at kultura na sa kasalukuyang panahon ay masasabing ibang-iba na sa
wika at kultura ng mga sinaunang tao. Kung susuring mabuti, lahat na halos ng wika ay mayroon nang kasalimuutan at
maituturing na maunlad at may malaagham na pagpapaunlad upang mahusay na magamit ng may wika sa kanyang
pakikipagtalastasan sa anumang diwa, opinyon, saloobin o karunungang kanayang naising ipahiwatig batay natin sa
diwang napapaloob sa kanyang kinagisnang kultura. Gaya ng karaniwang kasabihang ito:
'Walang taong nabubuhay ang walang wikang kaagapay at, wala namang hayop na may wikang tulad ng sa tao na
sa kanya'y gagabay.'
Kung may mga ibon mang 'nakapagsasalita', tulad ng mga loro, hindi ito maituturing na isang, pagsasalita sapagkat ang
tanging ginawa lamang ng loro ay ang panggagaya nito ng tunog na kanilang paulit-ulit na naririnig sa mga taong
nakapaligid sa kanila dahil angmga binibigkas nilang salita o pangungusap ay totoo namang hindi nila nauunawaan.
Ayon sa pag-aaral ang pagkakaroon ng wika ng tao, sa totoo nitong kahulugan, ay umiedad na ng mahigit isang milyong
taon, kung ang pagbabatayan ay ang mga nahukay na kagamitan o artifacts na gawa ng mga sinaunang tao sa daigdig. At,
ayon na rin sa mga dalubwika, ang pagsisimula ng wika ay nahahawig din sa pagsisimula ng kultura, mula sa
pinakasimpleng pamamaraan na patuloy na umuunlad sa paglipas ng mga taon, dumaan sa mga masasalimuot na proseso
hanggang sa marating nito ang kadalisayan na tila ilog na patuloy na dumadaloy at walang patid ang pag-agos sa pagdaan
ng bawat henerasyon.

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika


Iba-iba ang opinyon ng mga dalubwika tungkol sa kung saan marami o natatangi ang pinagmulan
ng wika sa buong daigdig. Ang paniniwalang ito ay hindi na?iba sa paniniwala hinggil sa pinagmulan
ng tao ay nagmula sa isang angkan lamang, masasabi rin natin na ang iba't ibang wika na ginagamit sa ating daigdig ay
nagmula rin sa iisang nunong wika . Kung ang kasalungat naman nito ang ating paniniwalaan, natural na ang magiging
kongklusyon natin ay ay hindi nagmula sa nunong wika ang iba't ibang wika na umiiral sa buong daigdig.
Kung susuriin mabuti ang iba't ibang mga aklat pangwika, marami pang mababsa tungkol sa iba't ibang teorya kung
papaano nagsimula at lumaganap ang wika. llan sa mga teoryang ito ay ang sumusunod:
Teoryang Dingdong---Ang bawat bagay sa mundo ay may kaakibat o kaugnay na mga tunog.
Teoryang Bow-wow---Nagsimulang matuto ang tao ng paggamit ng wika sa pamamagitan ng ng panggagaya nito sa
tunog ng kalikasan.
Teoryang Pooh-pooh---Lumilikha ang tao ng tunog sa pamamagitan ng paglalabas ng kasidhian ng kanyang damdamin
tulad ng galit , galak , lungkot , tatakot at iba pa.
Teoryang Yum-yum---Lumilikha ng tunog sa pamamagitan ng paggaya sa mga tunog na nagmula sa kilos o galaw.
Teoryang Tarara-boom-de-ay---Ang mga unang wika ay nagmula sa mga bulong ng mga sinaunang tao kapag sila ay
nagsasagawa ng ritwal habang nangangasao, nagluluto, nagtatanim, nagpapaanak o iba pang gawain.
Teoryang Sing-song---Ang wika ay nabuo sa pamamagitan ng mga awitin at pagsasayaw ng mga sinaunang tao. Habang
umaaawit at sumasayaw nakalikha ang mga sinaunang tao ng mga pattern ng makabuluhang tunog. Unti-unti, nagawa ng
tao na makabuo ng salitang may kahulugan.
Teoryang Tata---Ang galaw ng ating katawan ay may kaakibat na wika. At, nagmula raw ang wika sa pamamagitan ng
ating pag-interpreta sa bawat galaw na ito ng ating katawan.
Ang Tore ng Babel
Hango ang teoryang ito sa Biblya (Gen 11:1-9) kung saan nakasaad na binigyan ng Diyos ang tao ng iba't ibang wika
upang hindi sila magkaunawaan.
Pagkatapos ng malaking baha o delubyo, ang mga lahing nagmula kay Noah ay dumami nang dumami at lumaganap
pagawing silangan. Noong panahong yon ay lisang wika lamang ang sinasalita ng lahat ng tao. Sa patuloy na paghahanap
ng tao ng mainam na lugar na mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon sila nagsimulang
magtatag ng isang lungsod. Doon din nila sinimulang itatag ang napakataas na templong-tore na halos umabot sa langit.
Ang nasabing tore ay isang bantayog na sumisimbulo sa kanilang kapalaluan at walang-hanggang paghahangad sa
kapangyarihan at katanyagan.
Nang bumaba sa lupa ang Diyos, nakita Niya ang templong-tore na itinayo ng mga tao. Inisip Nia na kung patuloy na
magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na wala
nang katapusan ang pagiging mapaghangad ng tao. Ang nasabing tore ay palatandaan ng palalong pagnanais ng mga tao
na mapalapit sa Diyos, at sa bandang hulily mapantayan at mahigitan pa ang Kanyang kapangyarihan.
Kaya't ang ginawa ng Diyos ay pinagkalooban Niya ng iba't ibang wika ang mgatoupanghindi sila magkaintindihan. Nang
hindi na nagkakaintindihan ang mga tao, unti-unti nang nagkawatak-watak at kumalat sa buong daigdig. Mula noon, ang
lungsod at templong-tore na kanilang itinatag ay kinilala sa tawag na 'Lungsod ng Babel' at 'Tore ng Babel' na ang ibig
sabihin ay 'Ang Lungsod ng Kalituhan'at 'Tore ng Kalituhan' sapagkat doon nakaranas ang mga tao ng pagkalito,
pagkakawatak-watak, at kaguluhan nang pagkalooban sila ng Diyos ng iba't ibang wika.
Teorya ni Rizal---Hango ang teoryang ito sa tula ni Rizal na pinamagatang 'Sa aking mga Kababata' kung saan sinabi
niya na ang wika ay bigay ng Lumikha sa mga tao. Sa mga Pilipino ay Filipino, sa mga Amerikano ay Ingles, Hapon ay
Nihonggo.
Ang Eksperimento ni Psammitichus
Noong unang panahon, ang isang paraoh ng Ehipto na nagngangalang Psammitichus, ang nagsagawa ng isang
eksperimento. Nagpakuha ito ng dalawang sanggol at pinaalagaan sa isang pook na walang maririnig na usapan ng mga
tao upang alamin kung anong klaseng wika ang kanilang matututunan. Batay sa pag-aaral ng paraoh, ang unang nabigkas
ng dalawang bata ay ang salitang bekos, isang salita mula sa sinaunang wikang Phrygian (isang patay na wika ng
matandang Indo-Europeo) na ang ibig sabihin ay tinapay. Dahil rito, nagbigay ng kongklusyon si Psammitichus na ang
dalawang bata, kahit walang naririnig na wikang Phrygian ay matututo rin ng wikang Phrygian. Bukod pa rito, nagbigay
rin ng kongklusyon ang paraoh na ang wikang Phrygian ay mas matanda at mas nauna sa wikang Egyptian.
Kung pakasusuriin, batay sa naging kongklusyon ni Psammitichus, lubhang napakahirap paniwalaan ang naging
eksperimento ng paraoh. Subalit, kung tutuusin, kung natatangi man o sa iba't ibang wika nagsimula ang mga wika sa
daigdig, ang importante ay mailahad sa mga tao ng kasalukuyang henerasyon na napakarami nag wika ang umiiral sa
ating daigdig na ang ilang wika ay may malaking pagkakahawig-sa ibang wika at ang ibang wika naman ay may malaking
pagkakaiba sa iba pang wika.

Katangian ng Wika
Ang wika ay makabuluhang tunog. Ayon sa mga dalubwika, may dalawang konsepto ang wika kung ang makabuluhang
tunog ang pagtutunan ng pansin:

1. Tonal Language. Ito ay tumutukoy sa mga salitang pareho ang pagbaybay subalit kapag nagbago ang pamamaraan
ng pagbigkas o tunog nito, nagiiba ang kahulugan.
Halimbawa: Ang mga wikang Niponggo, Mandarin Fukien, Wu, Cantonese at Korean.
2. Pinagmulang Tunog. Bawat wikaay may malaking pagkakaiba sa makabuluhan nitong tunog kung an gang
pagbabatayan ay ang pagiinterpreta sa mga nililikha nilang tunog.
Halimbawa: (Tagalog) tahol ng aso aw-aw-aw-aw
(Ingles) tahol ng aso arf-arf-arf-arf
3. Nailalahad ng wika ang saloobin ng tao. Naipapahayag ng bawat tao ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng wika.
Ito ang lubos na ikinalamang ng tao sa anumang hayop sapagkat rasyunal nitong nailalahad ang mga ninanais iparating
4. Naglalarawan ng kultura ng isang lipunan o maging isang bansa ang wika. Tunay na magkakambal ang wika at
ang kultura. Hindi ito maaaring paghiwalayin sapagkat sinasalamin ng wika ang isang kultura at dumedepende sa
kaunlaran ng isang kultura ang kalaliman, karunungan at kahusayan ng isang wikang umiiral rito.
5. Isang penomenong panlipunan ang wika. Dahil sa pakikipagtalastasan ng mga tao sa kanyang kapwa, nagiging
mabilis ang pagkatuto sa wika ng sinumang tao ito man ay sa larangan ng pasulat o pasalita. llan pang mga katangian ng
Wika ayon sa pagpapakahulugan ni iba't ibang mga dalubwika:
6. Ang wika ay sinasalitang tunog. Maliban sa pasulat na paraan, ang wika ay sinasalita rin. At kapag sinasalita,
mayroong tunog na nabubuo. Sa pamamgitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman ang emosyon kahulugan ng salita. Sa
intonasyon nababatid ang dagdag na kahulugan ng tao sa isang salita. Ang tunog ay nililikha ng ating baga na naglalabas
ng hangin at dumaraan sa voice box (artikulador) pagkatapos ay sa ilong at bibig kung saan ito binabago para sa emosyon
(resonador).
Halimbawa:
Saan ka pupunta? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambing o pagalit).
Oh, kumusta ka na? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambing o pagalit).
Huh? (walang direktang kahulugan ang salitang ita, maari itong mabigyan ng kahulugan ayon sa tunog na
nilikha).
7. Ang wika ay arbitraryo. Sumasalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa isang lugar. Napagkasunduan ng mga
mamamayan ang pangunahing wikang gagamitin nila. Saklaw nito ang mga salitang gagamitin sa kanilang kabuhayan,
edukasyon, pagkain, pagpapalaganap ng kultura at tardisyon.
Halimbawa:
Bahay Kung mula sa pamayanang Tagalog
Balay Kung mula sa pamayanang Bisaya
Bay Kung mula sa pamayanan ng mga Tausug
Casa Kung mula sa pamayanang Chavacano
8. Ang wika ay dinamiko. Dahil pagbabago lamang ang permannenteng bagay sa daigdig, maging ang wika ay
nakakararanas ng pagbabago. Sa paglipas ng panahon at mga henerasyon, nabibigyang daan nito ang pagunlad at
pagbabago ng wika. Isang patunay nito ang konsepto ng makaluma at makabagong pag-uusap. Mabisang paraan upang
malaman ang pagbabago ng wika sa mga salitang ginagamit sa teknolohiya.

9. Ang wika ay nanghihiram. Dahil ginagamit ang wika sa komunikasyon, hindi maiiwasang magkaroon ng palitan o
hiraman ng mga salita. Mayroong mga salitang walang katumbas sa wika ng isang bansa o pamayanan, kaya naman ang
nagiging solusyon dito ay ang panghihiram. Dahilan kung baki! ang wika ay dinamiko at umuunlad.

Kahalagahan ng Wika
1. Sa Sarili. Ang totoong kahulugan ng isang rasyunal na nilalang ay nakasalalay sa kaalamang pangwika nito. Sa lahat
ng aspeto ng buhay ng isang tao, nagiging possible ang lahat ng kanyang naisin kung may sapat siyang kakayahang
gamitin at padalisayin ang wikang kanyang nalalaman. 2. Sa Kapwa. Ayon nga sa kasabihang nawiwika sa Ingles, 'No
man is an island". Hindi nalikha ang wika para lamang gamitin ng isang tao sa kanyang sarili ... kausapin ang sarili ...
gamitin sa sarili nang walang ibang nakikinabang kundi ang kanyang sarili. Nangangahulugan lamang na ang wika ay
isang napakahalagang sangkap upang makihalubilo ang isang rasyunal na tao sa kanyang mga kapwa rasyunal na nilalang
upang mapalawig nito ang kanyang karanasan, karunungan at pagiging isang tao na nabubuhay sa mundo ng mga tao.
3. Sa Lipunang Kinaaaniban. Sa pagsama-sama ng mga karanasan, mga karunungan, mga pangarap at mga saloobin ng
bawat rasyunal na nilalang nabubuo ang isang kulturang nagsisilbing kaluluwa ng isang lipunan, Isang lipunan na
masasabing natatangi sa ibang lipunan sapagkat nagkakaroon ng isang lakas at isang tinig na umiiral sa apat na sulok ng
kanilang nasasakupan.

Kapangyarihan ng Wika
May taglay na lakas at puwersa ang mga sinasalita nating wika. Para itong isang malakas na ilog ng mga dumadaloy na
salita na kung gagamitin ng tama ay maaaring tumimo sa damdamin, tumarak sa isipan, makakuha ng atensyon at
makalikha ng isang panibagong puwersa na lalong magpapalakas sa wika. At, dahil sa kapangyarihang taglay nito, sa
larangan ng pakikipagtalastasan ay nagagawa nating magtanong, magpaliwanag, magbigay ng mga paglalarawan,
magpasaya, manalangin, magpahayag g pag-ibig at makipagugnayan sa napakadaling pamamaraan tulad g isang simpleng
pagngiti sa ating kapwa.
Dahil sa kapangyarihang taglay nito, ang wika ay maaaring:
1. Makapagdulot ng ibang kahulugan. Nakasalalay ito sa napag-kasunduan ng mga taong nabibilang sa iba't ibang
lipunan. Tulad halimbawa ng 'langgam' sa katagalugan na makikita mong gumagapang at isang uri ng insekto at ang
'langgam' sa mga Cebuano na nangangahulugang 'ibon'.
2. Lumilikha ng Saloobin. Anuman ang nararamdaman ng isang tao, maluwag nitong naipahahayag ang kanyang
saloobin sa pamamagitan ng paggamit ng wika.
3. Humuhubog ng Tamang Pag-uugali ng Isang Tao. Sa positibong pananaw, ang mga mabubuting pananalita ay
nagbubunga ng mabubuting resulta. Ang isang nilalang na busugin mo ng magagandang pangaral na may kaakibat na
aktwal na pagsasagawa, asahan mo't ito ay magiging isang mabuting mamamayan g kanyang lipunan.
4. Kapangyarihan ng Isang Kultura. Anumang pag-uugali o gawi, karunungan o kapintasan, at positibo o negatibong
pananaw sa buhay mayroon ang isang lipunan, ito ay nakasalalay rin sa wikang taglay nito. Sinasalamin ng wika ang
kabuuang aspeto ng isang kultura sapagkat produkto ng kultura ang wika at produkto ng wika ang kultura.
Antas ng Wika
May dalawang antas ang wika na umiiral sa isang lipunan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Pormal. Ito ay ang mga estandard na wikang ginagamit at kinikilala ng higit sa nakararaming tao lalo na ang mga may
pinag-aralan. May dalawa itong lebel:
1.1 Pambansa
1.2 Pampanitikan
2. Di-Pormal. Ang wikang ito ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
2.1 Balbal
2.2 Kolokyal
2.3 Lalawiganin

Barayti ng Wika
Bukod sa mga antas ng wika, nagkakaroon din ito ng barayti dahil na rin kapangyarihan ng tong lumikha ng iba't ibang
bersyon nito. Bahagi ito ng metalingguwistikong pag-aaral ng wika.
Ipinaliliwanag sa teoryang sosyolingguwistikong pinagbabatayan g ideya ng pagiging heterogenous ng wika ang
pagkakaroon ng barayti ng isang wika. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang mga barayti ng wika pagkakaiba-iba ng mga
indibiduwal na nabibilang sa magkaibang lipunan, interes, hanap-buhay at kulturang kinabibilangan. Dahil rito, ayon kay
Constantino (2006), may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng isang wika. Ito ay ang dimensyong heograpiko at
dimensyong sosyal. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Dayalek. Ito ay ang mga wikang nabuo mula sa mga pangunahing wika ng isang lalawigan na kadalasang sinasalita
sa iba't ibang bayang nasasakupan.

Halimbawa:
Tagalog-Maynila Tagalog-Quezon
Tagalog-Cavite Tagalog-Batanggas
Tagalog-Bulacan Tagalog-Laguna

2. Ekolek. Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan. Taglay nito ang kaimpormalidad sa
paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito.
Halimbawa:
Pappy = ama
Mumsy = ina
3. Etnolek. Nalikha ang wikang ito sa mga etnolinggwistikong pangkat.
Halimbawa:
Wika ng mga Tausug
Wika ng mga Ifugao
Wika ng mga Ivatan
4. Idyolek. Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit nito.
Halimbawa:
Me ganun? Wow
Oks na Oks ha
Tama sige
5. Pidgin. Nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ngmga tagapagsalita at wala itong pormal na anyo.
Halimbawa:
Grabe talaga pards, nainlababo na yata ako.
Dyusku day!! Paminta eber ang istatus symbol niya!
6. Rehistro/Jargon. Nabuo ang wikang ito dahil sa iba't ibang propesyon na umiiral sa isang lipunan.
Halimbawa:
'muhon' sa isang karpintero
'segue' sa isang script writer
'Trancendental phenomenon' sa isang philosopher
7. Sosyolek. Ito ay isang uri ng pansamantalang wika na nalikha dahil sosyalisasyon na kadalasang nagbabago-bago ng
anyo sa paglipas ng panahon.
Halimbawa:
Pagdiriwang = Mga wika ng bading
parti, tipar, gimmick = Mga wika ng tambay

Tungkulin ng Wika
Ayon kay M.A.K. Halliday (1973), sa kanyang Explorations in the Functions of Language," ang wika ay batay sa mga
tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Naririto ang pitong tungkulin ng wika na madalas na gamitin sa pasalita at
pasulat na paraan:
1. Heuristik/Hyuristik. Tumutulong ang wika upang makamit ng tao ang iba't ibang kaalaman sa mundo.
Halimbawa: Ngayon ko lang nalaman na ang kariyanan pala sa Ingles ay existence.
2. Imahinatibo. Sa pamamagitan ng wika, nagagawa nitong palawakin ang imahinasyon ng isang tao.
Halimbawa: Sa pusod ng karagatan ay may isang tuyong lupain. Nakatanim rito ang isang puno ng kamatis na
nagbubunga ng mansanas.
3. Instrumental. Sa pamamagitan ng wika, nailalahad ng isang tao ang kanyang mga mungkahi, panghihikayat,
pagbibigay-utos at maging ang pagbibigay ng pangalan sa isang bagay o pangyayaring kanyang kinapapalooban.
Halimbawa:
Mas makabubuting dumito ka na lang muna hangga't masama pa ang panahon.
Kung ako sa'yo, gayahin mo ang ginawa ko noong nakaraang taon para manalo ka rin.
Pakilagay mo nga sa mesa ang mga aklat.
4. Interaksyunal. Sa pamamagitan ng wika, nagagawa nitong mapatatag ang pakikipagkapwa o pakikipagrelasyon ng
tao sa kanyang kapwa.
Halimbawa:
Mheong: Pare ... makakaasa kang kahit anong mangyari, hindi kita iwan.
Enrico: Salamat, pare ... Pinapayapa mo ang aking kalooban ...
5. Personal. Sa pamamagitan ng wika, naipahahayag ng tao ang kanyang mga pansariling kalooban a maaaring
magpakita ng kanyang personalidad o nararamdaman.
Halimbawa: Sa wakas! Sinagot na rin ako ng aking nililigawan!
6. Regulatori. Sa pamamagitan ng wika, nagagawa ng tao na kontrolin o isaayos ng tao ang kapaligiran o lipunang
kanyang kinabibilangan.
Halimbawa: Dito ang tamang tawiran.

7. Representasyunal. Sa pamamagitan ng wika, nakakapagbahagi ang tao ng mga pangyayari o di kaya ay


nakapagpapahayag ng mga detalye. Maaari ring maghatid at makatanggap ng mensahe mula sa iba tulad ng
pagbabalita at pagbibigay-paliwanag o pagbibigay-impormasyon.
Halimbawa: Matatagpuan ang mga nakalimbag g pilosopiyang Filipino sa mga akdang pampanitikan na siyang
tunay na sumasalamin sa pagkatao nating mga Pilipino.

Ayon kay Frank Smith (1977), sa kanyang 'Uses of Language', may apat na punang dapat bigyang-pansin ng isang tao sa
paggamit ng wika:
1. Nagagamit nang husto ang potensyal ng wika kung ito ay malimit na ginagamit a pakikipagtalastasan.
2. Hindi nangangahulugan ng kasanayan sa iba pang larangan ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika.
3. Maaaring magamit ang isa o higit pa nang sabay-sabay ang mga tungkuling pangwika habang nakikipagtalastasan.
4. Kailangan ng tagapakinig ang nagsasalita at kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig. Kailangan din ng nagsusulat ang
mambabasa at kailangan din ng mambabasa ang mg manunulat.
5. Isa lamang alternatibo ang wika sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagtanggap ng karunungan. Maaari ring
gumamit ng iba pang kasanayan sa komunikasyon tulad ng pagsensyas at panonood o kumbinasyon ng mga kasanayang
ito upang makakamit ng inaasahang pagkaunawa at pagkatuto.

Ang mga Dapat Isaalang-alang sa Paggamit ng Wika


May apat na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika:
1. Ang tamang gamit at anyo ng wika
2. Ang paksang pinag-uusapan
3. Ang tugon sa taong kinakausap
4. Pagrespeto sa kausap kahit ano pa ang edad o estado nito sa buhay

llan pang Mahahalagang Konseptong Pangwika


•Wikang Pambansa. Wikang sama-samang itinaguyod ng mga mamamayan sa isang bansa upang magsilbing simbolo ng
kanilang pagkakakilanan (Topi Omoniyi, 2010).
•Wikang Panturo. Opisyal na wikang gamit sa klase at talakayang guroestudyante.
•Wikang Opisyal. Wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o
pakikipagtransaksyon, halimbawa ay sa mga sangay ng pamahalaan o sa isang kompanya o sa isang organisasyon.
•Bilinggwalismo. Pagkontrol sa dalawang wika na para bang katutubong nagsasalita ng dalawang wikang ito (Bloomfield,
1993)
•Multilinggwalismo. Kakayahang makagamit ng dalawa o higit pang wika (Muriel Seville-Troike, 2006).
•Register/Barayti ng wika. Sa sosyolinggwistika, ito ay salita para sa pagkakaiba iba ng porma ng wika.
•Homogenous. May kaisahan sa uri o anyo; nagkakaintindihan sa tuntunin nito at naibabahagi ng bawat isa ang parehong
pagpapahalaga at damdamin sa paggamit ng wika at pakikitungo sa isa't isa.
•Heterogenous. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng mga tao na may iba't ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain,
pinag-aralan, at iba pa.
•Linggwistikong Komunidad. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang
bawat isa.
•Unang wika. Maaaring wikang natutuhan sa magulang, unang wikang natutuhan mula kanino man, mas dominanteng
wikang gamit ng tao sa kanyang buhay, unang wika ng isang bayan o bansa, wikang pinakamadalas gamitin ng isang sa
pakikipagtalastasan, o ang wikang mas gustong gamitin ng isang tao (Skutnabb-Kangas at Philippson, 1989)
•Pangalawang wika at iba pa. Anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang matutuhan ang unang
wika (Saville-Troike, 2006).

You might also like