Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Sinesoyedad

MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG


PANLIPUNAN

Bb. Jada
Depinisyon ng Termino ng Sinesosyedad

Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang


tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging
pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng
mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa
kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng
akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
Ang Lipunan, na kilala din bilang sosyedad, ay isang
pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa.
Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at
imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo
ng isang magkakaibang maraming tao.
Ano ang pokus ng pelikulang panlipunan o layunin

nito?

*Filipino: Wika ng Midyang Popular Opisyal na


palabas sa telebisyon (Official).
*Adbokasing panlipunan (social advocacy): anumang
positibong pagbabago na itinataguyod ng mga
mamamayan para sa kapakanan ng nakararami sa
lipunan.
*Kilusang panlipunan (social movement): (mga)
pangkat ng mga mamamayan na nagtataguyod ng
positibong pagbabago para sa kapakanan ng nakararami
sa lipunan.
Balangkas ng SINESOSYEDAD/SINESOS

Filipino: Wika ng Midyang Popular


-Ginagamit na ng buong bayan.
-Pangunahing wika na rin sa midya
Filipino bilang midyum ng adbokasing
panlipunan.
-Mga pelikulang may kabuluhang
panlipunan (social relevance ) at
nagpapataas sa kamalayang panlipunan
• Pelikula bilang paraan ng pag-unawa sa iba’t
ibang perspektiba, kultura at lipunan.
TANDAAN!

Pelikulang Panlipunan
-binibgyang pansin ang pelikula upang
matukoy ang adbokasyon na may kaugnayan sa
realidad ng pamumuhay ng tao, lipunan,
ekonomiya, teknolohiya, pulitika, pampamilya,
pag-ibig, pangkalikasan, pangkultura at iba pa na
suliranin na kinakaharap na nais makita o
maramdaman bilang manonood.
TANDAAN!

Magkaiba ang PELIKULA at TV Series/episode.

Pelikula- kadalasan natatapos ang panonood sa 2 oras.


Halimbawa ay “100 tula para kay Stella”.

Episode- hindi natatapos ang panonood sa dalawang


oras, kailangan maghintay ng susunod na episode para
mapanood ulit, halimbawa nito ay “Probinsyano”.
MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG

PANLIPUNAN

1. Marxism/ Marksismo (Isyung Capitalism)

Ang Marxism ay kilala bilang hanay ng mga ideya,


konsepto, thesis, teorya at panukala ng isang
pilosopiko, ideolohikal, pampulitika at pang-
ekonomiyang kalikasan, pati na rin ang isang tiyak
na paglilihi sa mundo, buhay panlipunan at
pampulitika, na hango sa gawain ni Karl Marx at
Friedrich Engels, at mayroon itong karakter na
pang-doktrinal.
MGA KATANUNGAN SA PAGSUSURI NG

MARKISISMONG PELIKULA

1. Anu-anong uring panlipunan (social class) ang


nasa pelikula?
2. Paano nagtunggalian ang mga uring
panlipunan sa pelikula?
3. Sino ang nang-api at inapi; nagsamantala at
pinagsamantalahan?
4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o
kontrabida ang nang-api o inapi, ang nag
samantala o pinagsamantalahan?
5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong
mapagsamantala ang mga karakter?
6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG

PANLIPUNAN

2. Feminism/ Peminismo(Isyung Patriarchal


System)
Ang peminismo ay pagtitipon ng mga kilusan at
mga kaisipan na layunin ang magtakda, magtatag,
at maipagtanggol ang pantay na pampulitika,
pangkabuhayan, pangkultural, at panlipunang mga
karapatan para sa mga kababaihan. Nabibilang dito
ang pagtatatag ng pantay na mga pagkakataon para
sa mga kababaihan sa edukasyon at sa paghahanap-
buhay. Ang isang peminista ay tumataguyod o
sumusuporta sa mga karapatan at sa
pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan.
MGA KATANUNGAN SA PAGSUSURI NG

FEMINISMONG PELIKULA

1. Sinu-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang


sa plano o pagtatagumpay ng babaeng karakter?
2. Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida
ba o kontrabida ang nang-api o inapi, ang
nagsamantala o pinagsamantalahan?
3. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong
mapagsamantala ang mga babaeng karakter?
4. Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
5. Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal?
6. Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang
pelikula?
MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG

PANLIPUNAN
3. Realism/ Realismo

Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o


realidad ng buhay.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


karanasan at nasaksiHan ng may-akda sa kanyang
lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan


kaysa kagandahan
MGA KATANUNGAN SA PAGSUSURI NG

REALISMONG PELIKULA

1. Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari


sa totoong buhay?
2. Matapat ba ito o subersibo sa realidad?
3. Paano nito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta”
ang realidad?
MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG

PANLIPUNAN

4. Formalism/ Pormalismo
Ang pormalismo ay naglalayon na mapag-aralan ang
panitikan sa isang siyentipikong batayan sa
pamamagitan ng obhektibong pagsusuri sa mg motifs,
devices, techniques, at iba pang gamit na bumubuo sa
teksto
MGA KATANUNGAN SA PAGSUSURI NG

PORMALISMONG PELIKULA
1. Paano nakatulong o nakasama ang liwanag/ilaw,
tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena
(shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng
eksena, editing ng mga eksena sa kasiningan ng
pelikula?
2. Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi
nakapukaw ng damdamin) ang liwanag/ilaw,
tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena
(shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng
eksena, editing ng mga eksena sa kasiningan ng
pelikula?
3. Paano nagko-complement o nag-aaway-away ang
mga nabanggit na elemento?

You might also like