Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

GAWAIN 3: ISULAT MO!

Pamagat: Pamilyang Madrigal at Santos

Tauhan: Edgar (Ama nina Vincent at May, asawa ni Carmina), Vincent (Lalaking anak
nina Edgar at Carmina), May (Babaeng anak nina Edgar at May), Sergio (Ama ni
Angelo), Angelo (Anak ni Sergio)

Simula:

Limang taon na ang nakakalipas simula noong namatay si Edgar. Siya ang kabiyak ni
Carmina. May dalawang anak sila, isang babae at isang lalaki. Mas matanda ang lalaking
anak na si Vincent ng isang taon sa kapatid niyang babaeng si May. Hindi man gaanong
masagana ngunit ay simple ang kanilang pamumuhay. Noong panahong iyon ay hindi
pinag-aaral ang mga babae at tanging mga lalaki lamang ang may karapatan na mag-aral.
Ang mag-ina’y parehong nananatili buong araw sa bahay maliban lang kung magsasampay
o mamalengke ng mga kakainin. Ngunit si May ay madalang na lumabas. Simula nang
namatay ang kaniyang Amang Edgar ay natakot na siya sa labas ng mundo. Magkasama
ang mag-ama noon nang namatay si Edgar. Binaril ito ng ‘di makilalang may takip sa
mukhang lalaki. Sampung taong gulang noon si May.

Gitna:

Abala ang nanay nilang magprito ng isda nang may dumating lalaki. “Pakakasalan ko po
ang ang anak ninyo.” Narinig iyon ni May. Naaninag niya ang binatang lalaki. Iyon ang
anak ni Sergio na umalok si ina niyang magpakasal sa kaniya ngunit ay tinanggihan ito ni
Carmina. Lingid sa kaalaman nina Vincent at May, si Carmina ang nag-utos na patayin si
Edgar upang ipakasal si Vincent sa magandang dalagitang kapatid ng binatang nag-aalok
ng kasal. Angelo ang pangalan ng asawa ni May. Sa araw ng kasal, walang nagawa si May
kundi ang sumang-ayon sa kasunduan. Ito ang tradisyon. Wala na siyang magagawa pa
rito. Matagal na nila itong ginagawa at ganoon din ang paraan ng pagsisimula ng kanilang
pamilya. Sa gabi ng pagsasama ng bagong mag-asawa, umamin si Angelo na ang ama niya
ang pumatay sa ama ni May. Lubos na pagkamuhi ang naramdaman ni May sa kaniyang
biyenan, Angelo, at lalong-lalo na sa kaniyang ina. Nalaman niyang si Carmina ay hindi
niya totoong ina. Sa gabing iyon, sinaksak ni May si Carmina.

Wakas:

Ipinalabas ni May na si Sergio ang pumatay kay Carmina. Ipinakulong ito ni Vincent.
Ganoon din si Angelo na kasabwat niya sa pagpatay. Simula noon, ang magkapatid na
Vincent at May ay hindi nag-asawa. Tumanda’t namatay silang walang kabiyak ngunit ay
magkasama.

You might also like