Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pagsasabi ng Paksa
o Tema sa Teksto
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph


3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pagsasabi ng Paksa
o Tema sa Teksto
Alamin

Magandang araw. Kumusta ka? Binabati kita dahil matagumpay mong natapos
ang naunang modyul.
Ngayon, sisimulan mo ang panibagong modyul upang higit pang lumawak ang
iyong kaalaman. Mayroon akong mga gawaing inihanda upang mahasa ang
iyong kasanayan sa pag-unawa sa paksa o tema ng mga tekstong iyong
nababasa o naririnig.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 nasasabi ang paksa o tema ng teksto; kuwento o sanaysay


(F3PB-III-10).

Subukin
Basahin at sagutin ang mga tanong sa modyul na ito.

1. Ito ay tumutukoy sa iniikutang diwa ng teksto.


A. detalye B. paksa o tema C. balangkas

2. Ito ang tawag sa mga pangungusap na magkakaugnay.


A. paksa B. pamagat C. talata

3. Ito ang kabuuang kaisipan ng isang kuwento.


A. pamagat B. tauhan C. paksa

4. Saan karaniwang makikita ang paksa o tema ng teksto?


A. gitna B. unahan C. hulihan

5. Mahalaga bang matukoy o masabi ang paksa o tema sa isang kuwento?


A. Oo, dahil ito ang gumagabay sa pag-unawa sa binabasa
B. Hindi, dahil ang teksto ay laging may tema o paksa.
C. Wala sa nabanggit
1
Aralin Pagsasabi ng Paksa
o Tema ng Teksto
1
Balikan
Basahin at unawain ang kuwento. Mula sa natutunang mga elemento ng
kuwento, punan ang graphic organizer ng mga hinihinging impormasyon.

Si Mayang Pusa at Donang Daga


Sa malayong bukirin may dalawang magkaibigang hayop, sina Mayang
Pusa at Donang Daga. Lagi silang nasa bukid at naghahanap ng pagkain.
Minsan, dumating ang matagal na tag-init, naubos ang pananim at wala ng
makain ang magkaibigan. Kaya naisipan nilang pumunta sa mga bahay sa bayan
upang maghanap ng pagkain. Nang makita sila ng may-ari ng bahay ay binato
sila ng walis at tsinelas. Mabilis na lumayo ang magkaibigan sa lugar na iyon at
nangakong sa bukid na lamang maghahanap ng pagkain.

1. Pamagat 2. Tauhan

_______________ 3. Suliranin _______________

_______________

2. Tauhan 5. Wakas

_______________ _______________

2
Tuklasin
Basahin at unawain ang teksto. Sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba.

Ang ating bansa ay nakikipaglaban ngayon sa Covid19 pandemic, kung


saan ang ating gobyerno ay gumagawa ng mga hakbang upang malabanan ang
mabilis na pagkalat ng sakit at pagkahawa ng mga tao. Kaya naman ang Inter-
agency Task Force o IATF ay inatasan na maglatag ng mga alituntunin na dapat
sundin para mapigilan ang pagkalat ng virus. Isa na rito ay ang pagkakaroon ng
curfew sa buong bansa upang mabawasan ang mga taong palakat-kalat sa
lansangan. Malinaw na isinasaad na ang mga kabataang may edad 15 pababa
at 65 pataas na matatanda ay hindi maaaring lumabas ng kani-kanilang mga
tahanan sa kadahilanang mas madali silang mahawa ng virus. Ang mga taong
may mahahalagang gawain lamang ang pinapayagang lumabas sa mga oras na
itinakda. Ang curfew ay magsisimula sa ika-9 ng gabi hanggang ika-5 ng umaga
kinabukasan. Aarestuhin at pangangaralan ang mga taong lalabag sa curfew.

3
Mga tanong:
1. Ano ang pinag-uusapan sa binasang teksto?
______________________________________________________
2. Ano ang ipinalabas na kautusan ng gobyerno ayon sa binasang
teksto?
______________________________________________________
3. Ano ang gagawin sa mga taong lumalabag sa kautusan ng ating
gobyerno?
______________________________________________________
4. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang pagkakaroon ng curfew?
Bakit?
______________________________________________________
5. Ano sa palagay mo ang paksa o tema ng tekstong binasa?
______________________________________________________

Suriin

Ang pagtukoy sa paksa o tema ng isang teksto ay daan upang higit na


maunawaan ang binabasa.
Ang paksa o tema ay ang iniikutang diwa na ipahayag ng may-akda sa
binasang teksto gaya ng sa kuwento o sanaysay.
Bilang isang mahusay na mambabasa, kinakailangan na unawaing mabuti
ang bawat talata upang makapagbigay tayo ng paksa o tema.

4
Ang paksa ay tumutukoy rin sa kabuuang kaisipan sa kuwento.

Halimbawa:

Ang pagkakaisa ng mga Pilipino ang tanging sandata sa anumang


pagsubok nakakaharapin. Ito marahil ang pinakaunang ambag ng isang
indibidwal bilang mabuting mamamayan ng bansa. Sa panahon ng kalamidad,
ang pagkakaisa upang malampasan ang mga pagsubok ay lumilitaw sa kahit na
sinong Pilipino.

Ang paksa o tema sa tekstong ito ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino.


Karaniwang nasa unahang bahagi ng tekso makikita ang tema.

Pagyamanin

Ibigay ang paksa o tema sa sumununod na mga teksto.

1.

Ang sustansiyang mula sa prutas ng mangosteen ay


nakatutulong para maging malakas ang ating isip at katawan.
Dahil na rin sa mura ang presyo ng prutas na mangosteen kaya
marami ang maaaring makabili nito. Ugaliin ang pagkain nito
araw-araw.

Paksa o Tema __________________________________

5
2.

Sinasabing ang mga Pilipino ay sobrang mahilig sa


musika. Hindi kataka-taka na maraming nagtatayuang
karaoke bar sa ating paligid. Maraming magagaling at
hinahangaang mga mang-aawit ang nananalo sa ibang bansa.

Paksa o Tema _________________________________

3.

Ang Pilipinas ay dinaraanan ng dalawampu o mahigit


pang bagyo taon-taon. Kaya naman natuto na ang mga
Pilipino na maging matatag sa panahon ng sakuna. Dito
makikita mo ang kanilang pagiging matulungin at matiisin.
Kahit anong pagsubok ang kaharapin, nanatiling matatag ang
mga Pilipino.

Paksa o Tema ___________________________________

6
4.

Ang buhay sa bukid ay sadyang kaaya-aya dahil sa


tahimik na paligid.
Sa paggising sa umaga, malamig at malinis na hangin
ang sasalubong sa iyo. Tahimik at maaliwalas ang paligid.
Ang mga tao rito ay abalang-abala sa kanilang gawain.
Karaniwang hanapbuhay ang pagsasaka at pagtatanim
ng gulay. Masarap at mura ang mga gulay dito.

Paksa o Tema __________________________________

7
5.

Katangi-tangi ang pamilyang Pilipino sa mundo.


Nagbubuklod-buklod lalo na sa panahon ng kalamidad o
sakuna. Laging nagtutulungan kahit hindi magkadugo.
Napatunayan na ang pagbabayanihan ng mga tao sa
maraming pagkakataon, tulad ng lindol sa Mindanao at
pagputok ng Bulkang Taal.
Agad na nagdamayan ang mga Pilipino upang maghatid
ng tulong ito man ay materyal o pinansiyal. Iyan ang
pamilyang Pilipino.

Paksa o Tema ___________________________________

8
Isaisip
Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Pumili ng kasagutan sa kahon.

teksto paksa o tema


diwa mambabasa
talata

Natutunan ko na bilang isang mahusay na (1)_____________


kinakailangang mauunawan ang (2)_____________ ng isang
(3)____________ upang maibigay ang pangunahing
(4)____________ sa iniikutang kaisipan ng isang (5)________.

9
Isagawa
Magaling! Marami ka ng natutuhan sa modyul na ito.

Basahin ang teksto at sabihin ang tema o paksa nito.

Sa bahay, napansin ng nanay na hinahayaan ni Totoy na


nakabukas ang gripo habang ito ay nagsisipilyo “Totoy pakisara ng gripo,
huwag kang mag-aksaya ng tubig”, sabi ng nanay. Pero hindi nakinig si
Totoy sa sinabi ng ina at patuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa.
Isang gabi, nakita niya ang nanay na nakahiga at nilalagnat.
“Totoy, ikuha mo nga ako ng tubig”. Agad na tumakbo sa kusina si Totoy
para kumuha ng tubig, ngunit walang tubig na lumabas sa gripo. Wala
ring tubig sa pitsel. Nakita ni Totoy na nahihirapan ang kaniyang nanay.
Gulong-gulo ang isipan ni Totoy kung saan siya kukuha ng tubig wala pa
naman ang tatay sa bahay dahil naghahanapbuhay ito sa ibang lugar.
Nanghihina si Totoy at umiyak nang umiyak sa isang tabi.
Nagising si Totoy na basang-basa ng luha ang kaniyang mukha.
“Hay! Salamat at panaginip lang pala”. Ang nasambit ni Totoy sa sarili.
Simula noon hindi na siya nag-aaksaya ng tubig.

10
Mga tanong:
1. Ano ang napansin ng nanay sa kuwentong binasa?
2. Bakit labis na nabahala ang nanay sa kuwento?
3. Sa iyong palagay, ano ang ugali ng batang si Totoy?
4. Ano ang tema o paksa ng teksto ng binasa?
5. Kung ikaw si Totoy, paano mo pahalagahan ang tubig?

Tayahin
Basahin at unawain ang sumusunod na mga teksto at isulat ang paksa o
tema na nais iparating ng iyong binasa.

1.

Si Nene ay may bagong sapatos. Kulay pula ito. Paborito ni Nene


ang kulay pula. Tuwang-tuwa siya nang makuha niya ang sapatos.
Regalo ito ng kaniyang ina para sa kaniyang kaarawan. Handa na siyang
mamasyal kasama ang pamilya gamit ang sapatos na pula na bigay sa
kaniya.

Paksa o Tema ___________________________________________

11
2.

3.

Ang matandang puno ng acacia ay hinahangaan sa bayan nila


Mina at Jerry. Sa tuwing nagsisimba sila ng kanilang pamilya ay
humihinto sila sa tapat nito upang ito ay tingalain. Napakatayog ng
matandang puno kaya’t lalo nitong napapatingkad ang malalapad na
mga dahon. Ito ang palatandaan sa kanilang bayan upang madaling
mapuntahan.
Paksa o Tema __________________________________________

12
4.

Ang traysikel ni Mang Dado ay sikat sa daan. Ito ang siyang

5.

Ang walis tambo ni Aling Perla ay mabentang-mabenta. Pulido


at malinis ang pagkakagawa nito. Matibay ang walis at hindi agad
nasisira. Kaya naman maraming nag-aabang kay Aling Perla at sa
gawa niyang walis tambo.
Paksa o Tema _________________________________________

13
Karagdagang Gawain

Magbasa ng alinmang kuwento o sanaysay na naoobserbahan sa inyong


tahanan.

_____________________
Pamagat

Paksa o Tema:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

14
15
Isagawa Tayahin
1. nag- aksaya ng tubig 1. Ang sapatos
2. Hindi nakasara ang gripo 2. Ang magkaibigan
3. aksaya 3. Acasia/puno
4. Huwag mag-aksaya 4. Traysikel
5. Maging matipid sa tubig 5. Walis tambo
Suriin Pagyamanin Isaisip
1. Pagkakaisa ng 1. Mangoosteen 1. Mambabasa
Pilipino 2. Musika 2. Paksa o Tema
3. Pilipino 3. teksto
4. Bukid 4. diwa
5. Pamilya 5. talata
Subukin Balikan Tuklasin
1. b 1. Mayang pusa at 1. Covid19
2. c Dona daga 2. Curfew
3. c 2. pusa at daga 3. Aarestuhin at
4. b Pangangaralan
3. bukirin/bukid
5. a 4. Tanggapin lahat ng
4. walang makain
sagot
5. naghanap ng ibang
5. Covid19, curfew/
lugar/ Tanggapin ang
tanggaping ang sagot
ibang sagot
ng mag- aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon (2016), K to 12 Curriculum Guide. DepEd
Portal maakses sa https://www.deped.gov.ph/
Kagawaran ng Edukasyon (2020), Final-K-to-12-MELCS-with-CG-
Codes Kagawaran ng Edukasyonhttps://www.deped.gov.ph/
Bureau of Curriculum Development (2020) Mga Tekstong Nasipi
www.DepEdPortal.com Bumasa at Sumulat 3 na libro
www.DepEdcommon.com
Department of Education. 2020. “Totoy - Ro Tubi Hay Kabuhi.” Deped LR
Portal. April 30, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/13359.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like