Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

NAME: ADRIAN CHRISTOPHER C.

CERVANTES DATE:2/24/22
SECTION: BSME 2-3

BAYANING 3RD WORLD

Sino nga ba si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda? Pepe? O mas kilala natin bilang si Dr. Jose
Rizal? Sino nga ba ang taong ito? Anong ang sinisimbolo niya sa bansa natin? Mga naiambag? Sino nga
ba siya?

Kilala natin siya bilang isa sa sumisimbulo bilang ating isang pambansang bayani sa bansang Pilipinas,
maituturing na isa sa mga magigiting na bayaning nagsakripisyo ng kaniyang sariling buhay upang
makamit ang ating kalayaan. Mapa-bata, mapa-matanda, kilala dahil tanyag ang mga kanyang nagawa sa
ating bansa, noong tayo ay nasa elementarya palamang ay ipinapakilala na sa atin ang kanyang
sinisimbulo, gayundin pagdating ng hayskul, mas pinakilala pa ang kanyang buhay sa atin. Mas
naintindihan at natignan ang kwento ng kanyang buhay. Dahil dito ay masasabi kong tunay ngang
umikot at Malaki ang nagging bahagi at naiambag ni Dr. Rizal sa kasaysayan ng ating bansang Pilipinas.
Dahil din ditto at sa kanyang mga naiambag, siya ay kinilala at binansagang “Bayaning 3rd world”.

Ang pelikulang pinamagatang “Bayaning 3rd world” na pinangunahan ni Mike De Leon at isinulat ni De
Leon at Clodualdo del Mundo, ay ginawa upang ipakita ang kabayanihang ginawa ni Dr. Jose Rizal sa
ating bansa, upang ipakita at mas ipaintindi sa atin kung bakit kailangan niyang isakripisyo ang buhay
nya para sa ating kalayaan. Pero lahat ng aba ng itinuro at ating nalalaman tungkol sa ating pambansang
bayani ay tama? Maaring oo, maaring hindi. Pero ang masasabi ko lamang ditto ay, hindi lahat ay
mayroong sapat na kaalaman sa mga nasabing ito.

Unang una, naniniwala ako ako na sa usaping pineke lamang ni rizal ang kanyang pirma sa sulat na
retraksyon. Naniniwala akong pineke lamang ang pirma niya dito dahil, kung ako ang nasa katayuan ni
Rizal nung mga panahon na iyon, hindi kop ag aaksayahan ng oras sumulat ng mga sulating kanyang
ginawa para lamang bawiin ito sa huli, isa pa ay masasabi kong hindi hahantong si Rizal sa puntong ang
kanyang sariling buhay ay kanyang isasakripisyo mapakita lamang nya ang kanyang dignidad. Doon
palamang ay matibay na napineke lamang ang pirma; pangalawa mas naipahayag dito kung sino nga ba
at ano nga ba ang katauhan ni Bracken, ipinakita ditto na galit ang kapatid ni Rizal kay Bracken dahil
kanilang sinasabi na si Bracken daw ay isang espiya ng mga espanyol, isang plano ito na pinaghihinalaan
na gawa ng mga espanyol upang magawa ang retraksyon. Makikita naman at mahahalatasa kanilang
kondisyones na hindi sila pwedeng ikasal kapag hindi gumawa si Dr. Jose Rizal ng retraksyon; dagdag pa
ditto ay hindi sumali si Rizal sa himagsikan, bagkus para sakanya sapat na para sakanya ang sumulat ng
mga tula at iba pang sulatin na naglalaman ng tungkol sa maling pamumuno ng espanyol at para
maipagtanggol an gating sariling bayan.

Sa aking sariling opinion, si Dr. Jose Rizal ay karapat dapat lamang na maging isang bayani at ako ay
naniniwala sa kanyang mga nagawa para sa ating bayan. Malaki ang kanyang nagawa at naiambag para
sa ating kasaysayan. Ang kanyang dignidad at pagsasakripisyo ay sapat na upang bansagan siyang bilang
ating “Pambansang Byani”.

You might also like