Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDITORYAL

Bilang isang Pasigueño at mamamayan ng Pilipinas, paano ko nga ba babaguhin ko ang pananaw ng mga
tao sa mga naglalabasang fake news na nagdudulot ng maling impormasyon at deskripsyon sa
kasalukuyang pandemyang nararanasan ng bansa? Unang una sa lahat, ano nga ba ang mga fake news at
paano ito naaapektuhan sa maling paraan ang mga tao sa Pilipinas. Ang fake news o pekeng balita ay
ang ay uri ng balita na binubuo ng sinasadyang disimpormasyon o panlilinlang na kinakalat sa
pamamagitan ng tradisyonal na midyang pambalita o sosyal midya online Ibinalik at ipinataas ng balitang
digital ang paggamit ng pekeng balita o dilaw na pamamahayag. Kadalasan, umaalingawngaw ang balita
bilang maling impormasyon sa sosyal midya ngunit paminsan-minsan, nakararating din ito sa
pangunahing midya. Karaniwang isinusulat at inilalathala ang pekeng balita na may layuning magpaligaw
upang masiraan ang isang ahensya, entidad, o tao, at/o makinabang sa pananalapi o pulitika, kadalasang
gumagamit ng mga kahindik-hindik, hindi tapat, o tahas na gawa-gawang ulong-balita upang dumami
ang mambabasa. Sa gayunding paraan, kumikita ang mga kuwentong at ulong-balitang clickbait ng
rentas sa pamadya sa aktibidad na ito. Hindi mabuti ang pagagawa ng mga fake news, May delikadong
epekto sa lipunan ang mga balitang hindi makatotohanan o 'fake news,' ayon sa isang abogado.
"Kasi kadalasan, 'yung balita, maaaring diyan nakasalalay ang buhay, kalusugan, kapayapaan, at
kaayusan sa lipunan," sinabi ni Atty. Noel del Prado sa programang 'Usapang de Campanilla' sa
DZMM. May epekto rin aniya ang maling pagbabalita sa relasyon ng mga mamamayan sa isa't-isa, at
relasyon nito sa pamahalaan. Hanggang ngayon na may pandemya na nga sa ating bansa ay hindi
paren talaga mapigilan ng ibang mga tao na gumawa at ikalat ang mga pekeng balita na ginawa nila.
Magulo na nga ang Pilipinas mas lalo pa nila itong ginugulo dahil sa mga pinagagagawa nila.
Halimbawa na rito ang mga kumakalat na fake news na tungkol sa covid-19 vaccines na mas lalo ka
daw mapapahamak dito na hindi daw ito ligtas sa tao pag nagpa covid vaccine ka at gawa gawa lang
daw ito ng Gobyerno para sa mga propaganda nila. Dahil sa fake news na ito ay natatakot paren ang
iba na magpa turok ng covid – 19. Talagang walang magandang dulot ang mga tao na gumagawa ng
mga fake news kaya dapat ay intindihin muna natin mabuti ang isang bagay bago natin ito
paniwalaan.

Maraming tao ang gumagawa ng fake news at may iba iba silang dahilan,marahil ay trip lang nila
ito,pwedeng mali ang kanilang nasagap na impormasyon at iba pa.Marahil ang mga taong nakakakita sa
mga fake news ay nagagalit ngunit maaari nating baguhin ang ating pananaw sa mga ito sa pamamagitan
ng pag intindi sa mga taong gumagawa nito at nakakatulong rin ito para lalo lang tayong maging
alerto.Kaya wag kakalimutan "think before you click". Bilang isang Pasigueño at mamamayan ng
Pilipinas, babaguhin ko ang pananaw ng mga tao sa mga naglalabasang fake news sa pamamagitan ng
pagiging mas mapanuri sa lahat ng mga nakikita sa sosyal midya. Pagiisipan ko at susuriin ng mga mabuti
ang isang balita kung totoo bai to o hinde. Kapag aking nalaman na ito ay hindi totoo, itatama ko ang
proseso sa pagtatama ng mga maling impormasyon. Siguraduhin ang kredibilidad ng pinagmulan ng
impormasyon, Bago magbahagi ng balita, alamin muna kung saan nanggaling ang impormasyon at suriin
ang paraan ng pagbabalita. Ilan sa mapagkakatiwalaang sources ng mga balita ay mga anunsyo mula sa
gobyerno, balita mula sa mga media network (TV, dyaryo, at online), at mga sangay gaya ng WHO.
Sa panahon ngayon na maraming gumagamit ng social media, mas dapat pa tayong maging kritikal sa
ating mga nababasa. Hindi lahat ng nakikita o nagba-viral online ay totoo dahil maraming nagkalat na
fake news tagalog. Bago mo ibahagi ang nabasa mo, siguraduhin mo munang tama ang impormasyon.
Kung nakadududa ito, mag-research at magbasa ka pa ng ibang artikulong kahalintulad ng paksang
nakita mo lalo na kung ito’y tungkol sa kalusugan gaya ng mga kumakalat na home remedy tips at health
benefits ng naturang pagkain. Kapag kumalat ang maling impormasyon o iba pang halimbawa ng fake
news sa social media tagalog, baka mapahamak ang taong makababasa nito lalo na kapag ginawa niya
ang mga nabasa niya kaya dapat ay laging titiyakin kung tama ang impormasyong ipapasa. Isang
magandang aksiyon para maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon ay ang pagsasagawa ng “think
before you click” mentality. Bago ka mamahagi ng balita, pag-isipan mo munang mabuti kung ano ang
mga magiging epekto nito sa nakararami; kung ano ang maganda at masamang dulot nito; kung
mahalaga ba ito na malaman ng marami; at kung makatutulong ba ito sa sambayanan. Huwag agad-agad
mag-share ng mga nababasa online. Maging responsable sa lahat ng oras dahil kadalasan ay masama
ang epekto ng fake news. Likas sa atin ang pagiging emosyonal kaya naman kapag may isang artikulo,
blog, o social media post na nakapukaw ng ating emosyon ay agad na natin itong paniniwalaan kahit
misan ay fake news pala; hindi dahil mabilis lang tayo mapaniwala kundi dahil iyon ang gusto nating
marinig na impormasyon sa mga panahon ng paghihirap. Karaniwan ito sa mga may paksang
nakakapagbigay ng inspirasyon, good vibes, at mga umano’y benepisyo. Bagamat walang masama rito,
mainam lang na siguraduhin munang tama ang ibabahagi niyong impormasyon.

Sa madaling salita, walang magandang epekto ang mga fakenews at kadalasan ito ay mas lalo lang
nakakapang gulo sa buhay ng mga tao, kaya dapat lagi na tayo ay mas maging matalino, mapanuri,
maingat, laging tiyakin kung tama ang mga impormasyong binabasa, itama lagi ang mga makikitang mali,
at huwag magpadala sa mga emosyon dahil mas lalo tayo naniniwala sa mga bagay na gusto natin
marinig. Ngayong pandemya ay dapat tayo mag tulungan sa isa’t-isa upang mas lalong maiwasan ang
mga fake news at hindi ito kumalat pa. Sumunod tayo sa batas at makinig sa mga balitang totoo ang mga
impormasyon. Ang pagtindig laban sa mga kumakalat na maling impormasyon at trolls ay hindi lamang
dapat natin iniaasa sa news media oufits na nagsasagawa ng fact-checking. May papel na gingampanan
dito ang bawat mamamayan.

You might also like