Kolektibong Hakbang Pasulong

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Kolektibong Hakbang Pasulong

Kakabahan si Superman sa lakas ng nagkakaisang masa.

Ika-siyam ng Mayo sa susunod na taon ang nakatakdang araw upang maghalal ng mga
bagong pinuno ng bansa. Araw kung saan masisipat ang kapangyarihan ng masa bilang
instrumento ng pagbabago at pagtuwid sa mga baluktot ng lipunan. Isang mahalagang araw
upang patunayan na makapangyarihan ang pinagbigkis na mamamayan tungo sa minimithing
pagbabago.

Umiinog ang bayan sa panahon kung saan sarado ang isip ng iilan sa usaping pulitika.
Maituturing itong isang hamon para sa mga kabataang progresibo tulad ko. Sa panahon ngayon,
naging kultura na sa pananaw ng ilang Pilipino na ang pulitikal na pakikilahok at pagpuna sa
katiwalian ng mga pinuno ay isang gawi ng rebelyon at terorismo.

Bunsod ng sunod-sunod na kaso ng red-tagging at pagpasa ng mapaniil na Anti-Terror


Law, tuluyan nitong sinisikil ang karapatan ng mamamayan upang makapagpahayag nang may
laya at walang takot sa kahit anong banta ng represyon at panganib. Dinagdagan pa ito ng
kakulangan sa edukasyon ukol sa mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng bansa at kung
minsan pa ay kibi’t balikat ang iilan sa mga kaganapan sa lipunan.

Dahil sa kagustuhan ng pamahalaan na panatilihin ang kapangyarihan nito, unti-unti


nitong dinudurog ang mamamayang sumasalungat dito. Binibigyan nito ng marungis na
depiksyon ang aktibismo at pulitikal na pakikilahok gaya ng pagboto na siyang nagiging
pamantayan ng ideolohiya at pananaw ng mga Pilipino. Isang halimbawa ang pagkalat ng fake
news na naging daan upang tuluyang sirain ang katotohanan at ibaling ang perspektibo ng iilan
sa hindi makatuwirang pananaw at baluktot na pagpapasiya.

Ang wastong pagtanaw sa mga kasalukuyang isyu ng bansa ay makatutulong upang


magkaroon ng malinaw at matibay na perspektibo ukol sa repormang kinakailangan ng bayan.
Sa katunayan, napakaraming rason upang makilahok sa usaping pulitika. Nariyan ang isyu ng
dibisyon sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, ang pagusbong ng neoliberal na oryentasyon
ng bansa, at ang kawalan ng hustisya at kapayapaan.
Maliban pa rito, ilang taon na ang nakalipas nang magluwal ang bansa ng mga pinuno na
nangakong maglalatag ng pagbabago para sa bayan. Ngunit sa paglipas ng panahon,
nananatiling kalbaryo para sa Pilipinas ang samu’t saring suliranin at kung iisipin, mas lumala ang
sitwasyon ng bansa sa ilalim ng kanilang panunungkulan. Ngayong kumakaharap ang Pilipinas
ng isang krisis, mas nalalantad ang mga depektibong aksyon ng pamahalaan. Nagmistulang
sirko ang gobyerno sa publiko dahil sa sunod-sunod na kapalpakan na ipinamalas nito sa gitna
ng pakikidigma ng bansa sa COVID-19.

Bilang mga kabataan, responsibilidad nating maging kritikal at bumuo ng makatuwirang


pananaw ukol sa mga kasalukuyang kaganapan na kinakaharap ng bansa. Ang pagrehistro at
pagboto ay isang porma ng pakikilahok sa pulitikal na usapin. Maituturing itong paraan ng pagkibo
at pagpiglas mula sa tanikala ng mapaniil na pamumuno. Habang iniitiman ng mamamayan ang
mga balota sa eleksyon, binubuo nito ang kinabuksan para sa bawat Pilipino.

Minsan akong napaisip kung bakit Lunes at itinakdang araw para sa halalan. At aking
napagtanto na sumisimbolo ito sa isang bagong simula para sa pagbabagong matagal nang
inaasam ng marami sa atin. Bilang Lunes ang unang araw sa isang Linggo, tumatayo itong
panimula sa landas na tatahakin at pag-asa sa bawat bukas na darating.

Kailangan ng kabataan na magkaisa. Walang tutumbas sa kapangyarihan ng kolektibong


aksyon ng masa para sa pagsulong ng mas maayos at maunlad na bayan. Bawal ang mga
katagang “Bahala na si Batman” sa nalalapit na halalan. Makilahok at tumindig para sa ikabubuti
ng bansang Pilipinas.

Inaantay na tayo ng bayan at ng mga balota!

You might also like