Lagumang Pasulit Sa Filipino 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LAGUMANG PASULIT SA FILIPINO 7

UNANG MARKAHAN
SY. 2021-2022
PANGALAN: TAON AT SEKSYON:

PAALALA: ISULAT ANG TAMANG SAGOT SA PATLANG BAGO ANG BILANG.

I. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito.
Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay . . . . .
a. matigas ang kalooban. b. maawain. c. mapagbigay. d. mayabang.
2. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon sa palasyo ay ipinagbunyi sina Usman at Potre Maasita
ng taumbayan. Mahihinuha sa bahaging ito na ang dalawa ay mga . . . . .
a. mabubuting tao. b. matatalinong tao c. masasamang tao d. mapaghiganti
3. Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan, Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa
kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol
nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.
Mahihinuha sa pangyayaring ito na ang kaharian ay . . . . .
a. hindi na makabangon pa. c. ang taumbayan ay maghihirap at mahihirapang bumangon
muli.
b. maging masaya. d. maging maunlad muli.
Ang mga bisita ay umuwi na, ______________ ay maaari na rin
4. Alin ang angkop na pangatnig na panlinaw ang angkop upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
a. kung gayon b. sa halip c. samakatwid d. sa madaling sabi
5. Ano ang ginawa ni Zacaria sa kanyang anak na si Potre Maasita?
a. pinatay b. pinabugbog c. pinalayas d. pinabilanggo
6. Ang mga sumusunod na katangian ay makikita sa pagkatao ni Zacaria, maliban sa:
a. masama b. malupit c. pangit d. maasikaso
7. Ang mga sumusunod ay mga pahayag na nagbibigay ng patunay, maliban sa :
a. nagpapatunay b. kapani-paniwala c. katunayan d. sa madaling salita
8. Ang kaugalian o _____________ ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong
naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
a. kalagayang panlipunan b. tradisyon c. opinyon d. katangian
9. Ang ____________ ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon, pamumuhay ng
mga tao sa iisang pook, rehiyon o lupain.
a. kuwentong bayan b. sanaysay c. dula d. tula
10. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumindol sa kaharian. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit?
a. nasaktan b. nahirapan c. namatay d. nasugatan

II.Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Batay sa
pangyayaring ito, maaaring ipinakita ni Pilandok na ___________________________________
a. marunong ding siyang tumanggap ng pagkatalo at alam din niya kung kailan siya
magpapakumbaba.
b. masipag din pala siya at gagawin niya ang makakaya para makatulong sa mga kapwa hayop.
c. mahusay talaga siyang makisama at maaasahan ng maraming hayop.
d. mahusay pala siyang magbalat-kayo sa mga kasamahang hayop
2. Ang mga sumusunod ang mga mahahalagang kaisipan mula sa akdang “Natalo Rin Si Pilandok”,
maliban sa:
a. Si Pilandok ay isang hayop na laging nag-iisip ng paraan kung paano makapanlilinlang o
makapanloloko ng kanyang kapwa hayop.
b. Ang mabubuting nilalang ay palaging nagagantimpalaan.
c. “Tuso man ang matsing, napaglalamangan din.” Napatunayan ito ni Pilandok nang siya
naman ang malinlang nang mas maliit na nilalang kaysa sa kanya.
d. Kailangang maging matalino at kilalaning mabuti ang isang tao bago magtiwala upang di
magaya kina Baboy-ramo at Buwaya na naging biktima ng isang mapanlinlang at manloloko.
3. Parating naiisahan ni Pilandok si Buwaya. Mahihinuha sa pangyayaring ito na posibleng . . . . .
a. maghiganti si Buwaya kay Pilandok sa oras na magkita silang muli.
b. patawarin ni Buwaya si Pilandok.
c. maisahan na naman ni Buwaya si Pilandok.
d. magtago si Pilandok.
4. Ano ang ipinangako ni Pilandok kay Suso matapos niya nitong matalo?
a. Hindi na siya magpapakita sa kanyang mga kasamahang hayop.
b. Umalis na siya sa gubat.
c. Ipagpatuloy niya ang panlilinlang sa mga hayop.
d. Hindi na siya manloloko ng kanyang kapwa hayop.
5. Dalawang beses na nang naisahan ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang gagawin ni buwaya kay
Pilandok kung sakaling muli silang magkita?
a. Tiyak na hindi pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok.
b. Baka muli na namang gagawin ni Pilandok ang panlilinlang kay Buwaya.
c. Maaaring magkasundo na ang dalawa.
d. Posibleng hihingi ng patawad si Pilandok.

Nakapasa si Pedro sa pagsusulit marahil ay nag-aral siya ng


mabuti.
6. Sa pangungusap sa itaas, alin ang salitang nagpapahayag ng posibilidad?
a. nakapasa b. pagsususlit c. marahil d. mabuti
7. Ang sumusunod na mga pangungusap ay nagpapahayag ng posibilidad, maliban sa :
a. Sana ay makatapos ng pag-aaral si Nena.
b. Posible na maging manager natin si Carlo kung patuloy ang kanyang aktibong awain sa
tindahan.
c. Umalis siya sa kanilang bahay sandal dahil may bibilhin siya sa tindahan.
d. Maaari siyang maging guro kung pagsisikapan niyang makatapos ng pag-aaral.
8. Ang _____________ ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon.
a. kuwentong-bayan b. pabula c. parabola d. dula
9. Sino ang nakapatay kay Baboy-ramo?
a. mangangaso b. Suso c. Buwaya d. Pilandok
10. Ang naisip ni Pilandok na maging kapalit niya bilang pagkain ni Baboy-ramo.
a. Suso b. Buwaya c. hayop d. tao

III.Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

(1-3) Piliin ang bunga sa bawat pangungusap.

1. Pumunta sila sa hapag kainan / kasi nakahain na ang pagkain.


A B
2. Uhaw na uhaw si Gilbert / kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig.
A B
3. Pinakain ko ang alagang aso mo / dahil kanina pa ito tumatahol.
A B

(4-6) Piliin ang sanhi sa bawat pangungusap

4. Itinakbo sa hospital ang babae / sapagkat nahimatay siya sa pagod.


A B
5. Nawalan ng preno ang dyip / kaya bumangga ito sa poste.
A B
6. Dahil sinundan niya ang mga babala sa kalsada / nakaiwas siya sa sakuna.
A B
7. Ang bundok na pinamahayan ng isang halimaw na kumakain ng lamang-loob ng tao.
a. Matutum b. Bita c. Kurayan d. Mindanao
8. Ang unang sumalakay sa pulong Mindanaw na kayang kumain ng limang tao.
a. Tarabusao b. Balbal c. Pah d. Kurita
9. Ito ang naging lunas upang muling mabuhay ang kapatid ng hari.
a. halaman b. tubig c. pagkain d. gamot
10. Ilang halimaw ang binanggit sa kuwento?
a. 4 b. 3 c. 2 d. 5
GOOD LUCK & GOD BLESS!!!

_Ma’am Mikay_



You might also like