Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa Q1 Sla1
Pagbasa Q1 Sla1
Pagbasa Q1 Sla1
Proseso ng Pagbabasa
Proseso ng Pagbasa
Upang makabasa ang isang tao, kailangang may kakayahan siyang kilalanin ang
nakasulat na salita. Kung mayroon siyang kakayahang bigkasin ang salita,
nangangahulugang nakikilala at nauunawaan niya ang salitang binigkas. Ang pag-unawa
sa mga salita ay nakapaloob sa dalawang mahahalagang kasanayan: ang una ay ang
pagkilala sa mga salitang binabasa at binibigyan ng kaukulang kahulugan. Ang ikalawa ay
ang pag-unawa, pag-aayos, at pagbibigay-anyo sa tekstong binasa. Tatlong elemento ang
isinasaalang-alang dito:
Ang isang mambabasa ay may kakayahang suriin ang sariling paraan ng pagpoproseso
ng impormasyon. Halimbawa, kung habang nagbabasa ay tila walang kabuluhan ang mga
salitang nadaanan ng tingin, balikan itong muli at tukuyin ang angkop na salitang dapat
gamitin. Mayroon ding mambabasa na nilalaktawan na ang ibang bahagi ng teksto at
ipinalalagay na alam na niya ang pagkakaugnay nito sa mga sumusunod na ideya. Ibig
sabihin, hindi lahat ng nakasulat sa teksto ay binabasa. Ang ating utak ay may kakayahang
magdesisyon mamili ng tekstong babasahin.
Antas ng Pagbasa
Tinutukoy ni Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa kanilang aklat na How
to Read a Book ang apat na antas ng pagbasa. Ito ay ang primaryang antas (elementary),
mapagsiyasat na antas (inspectional), analitikal na antas (analytical), at sintopikal na antas
(syntopical) na bumubuo ng isang hakbang-hakbang na proseso. Hindi maaaring umusad
sa pinakamataas na antas (sintopikal) hangga’t hindi pinagdadaanan ang nauna o mas
mababang antas.
A. GAWAIN 1
Panuto: Piliin sa kahon ang titik ng salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
B. GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba bago simulan ang pagbasa ng sumusunod na
seleksiyon. Pagkatapos unawain ang mga tanong, hanapin ang sagot sa seleksiyon sa
pamamagitan ng scanning.
3. Ano-ano ang dahilan kung bakit hindi napakinabangan ang Bataan Nuclear Power
Plant?
4. Bakit nagpasiya si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang planta
maging sa panahon ng kaniyang administrasyon?
Ang Bataan Power Nuclear Plant (BNPP) ay isang plantang nukleyar sa Morong, Bataan.
Itinayo ito sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngunit sa
kasamaang palad, hindi ito nagamit at napakinabangan.
Noong Hulyo 13, 1973, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng isang plantang
nukleyar sa Bataan sa ilalim ng kaniyang programang nukleyar na nagsimula noong 1958. Ang
programa ay bilang tugon sa krisisi sa langis sa Gitnang Silangan at solusyon sa
pangangailangan sa enerhiya ng bansa.
Sinimulan ang konstrukyon ng planta noong 1976 ngunit pinatigil noong 1979 dahil
diumano, nakitaan ito ng mga eksperto mula sa Estados Unidos ng napakraming depekto.
Naging suliranin ng ilan sa mga naging alkalde ang lokasyon ng planta na malapit sa fault line
at Bundok Pinatubo, isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas. Nang malapit nang matapos ang
BNPP noong 1984, umabot sa Ṩ2.3 bilyon ang naging gastos sa konstruksyon nito. Ang
halagang ito ay inutang lamang ng Pilipinas sa World Bank. Ang BNPP ay idinisenyo upang
lumikha ng 621 megawatts ng elektrisidad, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito
napagana kahit isang minuto.
Nang mapaalis sa puwesto si Pangulong Marcos noong 1986, nagpasya ang pumalit sa
kaniyang si Pangulong Corazon Aquino na huwag patakbuhin ang planta dahil sa takot na
C. GAWAIN 3
Panuto: Pagkatapos mabasa ang seleksiyon, ibigay ang buod ng pangunahing ideya nito sa
pamamagitan ng skimming.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Pagninilay
Anatacio, Heidi. C. et al. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Panaliksik. Quezon City: C & E Publishing, Inc.
Dayag, Alma.M. at Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.
De Laza, Crizel. S. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Sampaloc, Manila: Rex Book Store
Itinipon ni:
DAISY MAR VENTURA UBAS
MT-I, Filipino