G3 Q1module 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

3

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 1 – Modyul 3:
Pagtitiwala sa Sarili

21
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang Unang
Markahan – Modyul 3: Pagtitiwala sa Sarili

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : SHERRYL LYNNE L. BELTRAN, Lamba ES, Legazpi City

Editor : MA. JOY A. PINAT, Principal, Buraguis ES, Legazpi City

Tagasuri : PRESYL A. BELLO, EPS – EsP, SDO Legazpi City

Tagaguhit :

Tagalapat :

22
Panimula

Ang pagiging kasapi ng pamilya, paaralan, simbahan,


pamayanan o anumang organisasyon ay hindi biro sapagkat ito
ay nangangailangan ng kaukulang responsibilidad at
pananagutan. Bilang isang kasapi, may mga gawaing naiaatang
sa iyo na dapat mong gawin at pahalagahan. Ito ay dapat mong
isapuso at gawin nang kusang-loob at walang hinihintay na
kapalit.

Layunin

Napahahalagahan ang kakayahan sa paggawa.

Paunang Pagtataya

ALAMIN NATIN: Tukuyin kung ang mga gawaing binabanggit sa


ibaba ay ginagawa sa tahanan, paaralan, o sa
pamayanan

________________ 1. Paglalaba ng damit ng pamilya.


________________ 2. Pagwawalis sa tabi ng kalsada.
________________ 3. Paglilinis bago at pagkatapos ng klase.
________________ 4. Pagtulong sa barangay sa tamang pag hiwa-
hiwalay ng basura.
________________ 5. Pagtatanim ng mga halaman o puno.

23
Paglinang ng Kaalaman

ISAGAWA NATIN: Basahin ang tula. Sagutin ang sumusunod na


mga katanungan.

Kusa Kong Gagawin

Sa aming tahanan ay may mga tungkulin


na dapat gampanan ng kasaping butihin.
Magaa’t mabigat kusa kong gagawin.
Tiwala at husay ay pananatilihin.

Paglilinis ng bahay pati ng bakuran,


paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman,
pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan
kusang loob na gagawin na may kasiyahan.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mensahe ng binasa mong tula?

________________________________________________________________

2. Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang tula?

________________________________________________________________

3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano-ano pang mga


gawain ang maaaring ibigay sa iyo?

________________________________________________________________

24
4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang mga
gawaing ibinigay sa iyo?

________________________________________________________________

5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo ang


mga gawaing ibinigay sa iyo.

________________________________________________________________

Pagpapalalim

Ang pagiging miyembro ng pamilya, paaralan, simbahan, o


ano mang organisasyon ay hindi basta-basta sapagkat ito ay may
kalakip na responsibilidad at pananagutan.

Bilang isang miyembro, may mga gawain na naiatang sa iyo


na dapat gawin at bigyang halaga. Inaasahan na ito’y gagawin
mo nang may pagkukusa at hindi naghihintay ng kapalit. Ito rin ay
nagpapakita ng malaking pagtitiwala sa sariling kakayahan kaya
dapat itong ipakita kahit kanino man.

25
Pagsasapuso

Gawain 1: Natutuhan sa modyul

Tukuyin/Piliin ang mga sitwasyong nagpapakita ng


pagtupad sa tungkulin sa tahanan, paaralan o pamayanan nang
may pagkukusa. Kulayan ng dilaw ang bilog.

1. Nagdadabog habang naghuhugas ng pinggan.


2. Agad na nililigpit ang hinigaan pagkagising sa umaga.
3. Hindi sumusunod sa wastong pagtatapon ng basura dahil
wala namang nakakakita.
4. Sumusunod sa mga iniatang na gawain nang nakangiti at
hindi napipilitan.
5. Ang mga basura ay nakahiwa-hiwalay sa loob ng tahanan
bago pa ito kolektahin sa barangay.

Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa ng modyul


Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaing ibinigay sa iyo
na nagpapakita ng tamang pagganap sa tungkulin.
Ang Aking Pangako
Ako si _________________________________ ay nangangakong
________________________________.

_____________________
Lagda

26
Pagsasabuhay

ISABUHAY NATIN: Ano-ano ang mga gawaing iniatang sa iyo na


ginagawa mo nang may pagkukusa? Isa-isahin ito at isulat sa
ibaba.

Mga Gawaing Iniatang sa Akin

Pagtataya

SUBUKIN NATIN: Isulat sa sagutang papel ang tsek (√) kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kakayahan sa paggawa at ekis (X) naman kung hindi.

______1. Maunlad ang pamayanan kung ang mga tao ay


nagtutulungan.

27
______2. Ang paglilinis sa kapaligiran ay gawaing nagpapakita ng
katamaran.
______ 3. Kapayapaan at kaunlaran ay makakamtan kung
nagsisikap ang bawat mamamayan.
______ 4. Ang kasipagan ay nagbubunga ng kaunlaran.
______ 5. Ang mabuting mamamayan ay sumusunod sa mga
alituntunin ng pamahalaan.

Kasunduan

Gumawa ng sariling talaarawan na nagpapakita kung


kailan isinasagawa ang gawain nang may pagkukusa.

Ang Mga Gagawin Ko sa Araw-Araw Nang May Pagkukusa

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

28
Susi sa Pagwawasto
Alamin Natin Isagawa Natin

1.  1. Kaba at takot

2. ☺ 2. (maaaring magkaiba-iba ang

3. ☺ sagot ng mag-aaral ayon sa

4.  sariling opinyon o ideya)

5. ☺

Isapuso Natin

Gawain 1 Gawain 2

1. (maaaring magkaiba-iba ang sagot ng

2. mag-aaral ayon sa kanilang opinyon o


ideya)

3.

4.

Isabuhay Natin:

1. b. 2. a.

Subukin Natin:

1. c. 2. b. 3. b. a. 4. a. 5. a.

29
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao 3, Kagamitan ng Mag-
aaral, 11-17

• Daily Lesson Plans in Edukasyon sa Pagpapakatao 3,


Unang Kwarter, pp. 66-82

• Note pad icon. Retrieved from


https://lh3.googleusercontent.com/9xohHfz2eKm6ewaNg
15C9kwfmxDNtpvxM-z-
RDudOTBEhNY8EgA828xp3ZiMJr1NqzqZnw=s85

Cover Page Background

• Obeying rules image. Retrieved on June 3, 2020 from


https://www.clipartmax.com/middle/m2i8i8m2b1Z5m2N4_
child-parent-clip-art-parents-clipart-png/

• Background icon. Retrieved on June 4, 2020 from


https://www.pngfuel.com/free-png/nmwpe

30

You might also like