Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang magdamag niya

ay nakipaglamay sa gabing naidlip na may simulaing

may bigkis na giting na hindi mapatid; taglay ang pag-asa

at init, adhikaing hindi rin nanlamig sa huling hantungang hihimlayan niyang sariling daigdig

-Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaena na walang pamagat

Ed.

11. Balintuna (irony) - Ito ay isang tayutay na sa pamama gitan nito ang kahulugang patitik ng isang anyo
ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na sinabi ay may ibang
pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang. Halimbawa:

"Ang tao kung minsa'y batang nagagalak,

Utal pa ang dila, kung mangusap, pantas!

Ipako si Kristo ang sabi ng lahat

At ang pakawala'y itong si Barrabas...!

-Sa tulang "Ang Sasabihin ng Tao"


ni Jose Corazon de Jesus

12. Pauroy o mapang-uyam (sarcasm) - Ito ay isang tayutay na ipinahiwatig sa paraan o tono ng
pagsasalita. Ito^ prime y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay at pangyayari.

Halimbawa:

1.

Iginagalang. Dinarakila sa gawain niyang banal. Niyuyukuan. Pinupuri ng balana; siya ay minamahal. Sa
paglilingkod sa kapwa't sa bayan, siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan, siya ay isang
halimaw.

33

Maaryalar naka co

2. Anong yaman ng babae upang siya ay magtiis sa bahay na gumigiray at kayrami pa ng ipis.

Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang kanyang ulo. 3.

Sa pauroy, ang taong tinutudyo ay tahasang inilalagay sa anyong katawa-tawa, iyan ang kaibhan nito sa
balintuna, gayunpaman, ang tunguhin ng balintuna ay ang hayaang ganapin ang tungkulin ng paurov.

13. Pagmamalabis (hyperbole)-Ito ay isang tayutay na ang kaigtingan ay sobra sa normal na katangian ng
bagay o tao na nais ipahayag. Maaaring ito'y pagpapakulang sa tunay na kalagayan upang makatawag
pansin o kaya'y isang lampas-lampas na pagpapahayag ng katangiang malayo sa tunay na katotohanan.
Halimbawa:

Dadanak ang dugo sa lupaing ito Kapag di nangyari itong aking gusto Susumpain ka pa ng dinidiyos mo!
Daraanan mo ibabaw ng bangkay ko!

- 14. Paradoha (Paradox) Ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay isang pahayag na sa biglang akala'y
magkasalungat ngunit kung masusing lilimiin o ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan.

Halimbawa:

"Ako'y di inutil," ang iyak ng pilay "Kaya kong tumayo't gumawang mahusay!" Kung ito^ prime y totoo,
siya ay bulaan.

-Lirio G. Mendoza

34

Ang paradoha ay maaaring higit pa sa paglalaro sa salita. Kung sasabihin ng makata na ang itim ay puti, o
ang pag-ibig ay pagkamuhi, ang ginagawa niya ay paglulubid na rin ng salita. Gumagamit siya ng
paradoha para gulatin ang mambabasa at upang ipabatid na sadyang masalimuot at mahiwaga ang
daigdig.

15. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - Ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang bagay o
kaisipan bilang katapat ng kabuuan. Maaaring ang kabuuan naman ay katapat ng isang bahagi.

Halimbawa:

1. Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo


2. Pitumpu't apat na buhay ang ibubuwis ko

Ipakilala natin sa buong bayan na tayo'y may pagkakaisa 3.

16. Pagpapalit-tawag (metonymy) - Ito ay isang uring tayutay na ginagamit sa pagpapalit ng pagtukoy o
pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito'y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na
magkakaugnay. Ito'y palasak sa mga karaniwang usapan. "Siya'y laking iskwater," ibig sabihin nito'y
basagulero o palaaway. Si Bonifacio ay buhat sa paara lan ng karanasan, ibig sabihin ay natuto sa sariling
sikap at mga karanasan.

Ayon sa katuturang ibinigay sa una, narito ang Halimbawa:

"Ang pananalig ay ating kaligtasan Banal na pag-ibig at katotohanan."

17. Patambis (antithesis) - Ito ay isang paglalagay ng isang sugnay o ibang bahagi ng pangungusap laban
sa isa pa na sinasalungat niyon.

35

Halimbawa:

"Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno, Sa akin ay pawis ang dapat ibugso; Sudsod hindi sundang! Punla
hindi punlo! Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!"

-Sa tulang "Pawis Hindi Dugo" ni Teo S. Baylen

18. Patiwas (epigram) - Ito ay isang mahayapo patambis na kasabihang tungo at nagwawakas sa isang
malundo o matalinong pihit ng kaisipan. Halimbawa:
At ang kanyang anak, na yama'y mag-angkin Ang tawag ng bayan ay maginoo rin! Ating ugali nang ang
suwi ng saging, Gadangkal pa lamang saging nang tawagin!

Mana-manang yaman sa habang panahon, Walang anu-ano ang bata'y naulol! At ang mga tao ay
nakapagtanong: "Kaykayamang tao, bakit nagkaganon?"

At ang pangyayari ang sumagot naman: "Iyang ama nya'y baliw nang namatay, Namana ang pilak, ano't
pagtatakhang

Manahin sa ama pati kabaliwan?"

-Sa tulang "Ang Maginoo" ni Jose Corazon de Jesus

19. Pabugtong (riddle ,-Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mata o pampalitong sinasalita
upang maging pahulaan. Halimbawa:

Kung babayaan mong ako ay mabuhay Yaong kamataya'y dagli kong kakamtan;

36

Datapwat pag ko^ prime y minsanang pinatay, Ang buhay kong ingat lalong magtatagal

Kandila

20. Pasaliwa (anastrophe) - Ito ay isang pagsasaliwa ng kinagawian o katutubong ayos ng mga salita.

Halimbawa:
"Ang hilaw na hininog sa pilit ay hilaw pa rin, namnamin man ay mapait." Kasabihan:

"Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit."

Simon A. Mercado

21. Pahidwa (oxymoron) - Ito ay isang paraan ng pagpa pahayag na nagbubunga ng isang bisa sa
pamamagitan ng mandi'y pansariling paghihidwa.

Halimbawa:

Noon ko nakitang ANG MALUNGKOT AY SUMAYA

Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina No'n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA Pagkat sa
LUMBAY N'YA AY NAROON ANG PAG ASA.

22. Pag-uulit (germination). Ito ay kagyat na pag-uulit ng isang salita saan mang bahagi ng mga taludtod
ng tula.

Halimbawa:

"taghoy ng pagkasing sa lambing at timyas

ay di naman taghoy; tinghoy na ang ningas ay nagluluningning bangong di naluoy;

kayat hindi tinghoy; luoy na talutot na ang angking bango'y


37

You might also like