Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

1

Filipino
Ikatlong Markahan Modyul 6:
Naibibigay ang Paksa ng Talata at
Tula
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6 Kompetensi: Naibibigay ang paksa ng tula at talata .
Competency Code: F1PN-IIh-10/ FIPN -111i-7 Quarter 3
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : NANCY M.AGDUYENG JUN-JUN R. RAMOS
ROMANO C. SALAZAR
Patnugot : FE G. BUCCAHAN FELIMENDO M. FELIPE
Tagasuri : RONALD T. BERGADO ELISA S. MARCELINO
JUN-JUN R. RAMOS ROMANO C. SALAZAR
Tagaguhit : Domingo G. Radam
Tagalapat : Rozen D. Bernales

Tagapamahala: BENJAMIN D. PARAGAS, PhD., CESO IV


JESSIE L. AMIN, EdD., CESO V
OCTAVIO V. CABASAG, PhD
RIZALINO T. CARONAN, EdD
ROMEL S. COSTALES, EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng Departmarnt of Education – Region II

Department of Education – Region II

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1

Filipino
1

Ikatlong Markahan Modyul 6:


Naibibigay ang Paksa ng Talata at
Tula
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa batang


katulad mo na nasa unang baitang upang magamit ang
naunang kaalaman o karanasan sa pagbibigay ng
paksa sa talata at tula!
. Ang mga gawaing matatagpuan sa modyul na ito ay
inaasahang makatulong sa iyo upang magamit ang
naunang kaalaman o karanasan sa pagbibigay ng
paksa sa talata at tula!

Ang modyul na ito ay tumutugon sa:

Pagkatapos ng mga Gawain sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

Naibibigay ang paksa ng talata at tula F1PN-IIh-10


F1PN-IIIi-7.

1
1
Subukin

Pakinggang mabuti ang kwento upang maibigay ang


paksa.

PANGARAP
Malapit sa pampang ng ilog nakatira ang mag-
anak ni Manie. Si Manie ay anak ng mangingisda. Siya ay
masipag at matulungin. Siya ay mapangarap at
mapagmahal na anak nina Mang Manuel at Aling
Manuela.
Tuwing Sabado tumutulong siya sa kanyang tatay sa
panghuhuli ng isda sa Ilog ng Cagayan. “Manie marami
tayong huling isda ngayon, hulog ka ng langit anak “wika
ni tatay. Pumapalakpak ang kanyang mga tainga kapag
naririnig niya ito.
Isang araw, mag-isang nangisda si Manie.” Marami
akong nahuling isda ngayon, Salamat po Panginoon “
Wika ni Manie. Kumuikislap ang kanyang mga mata.

2
Nag-isip nang malalim sabay buntong hininga.Maging
masipag ako at mag-impok para sa aking pangarap. Sa
Sabado, mangingisda ako ulit. Sabi ni titser,”magsumiikap
upang makamit ang pangarap”. Mag-isa akong anak
nila tatay at nanay sikapin kong abutin ang aking
pangarap upang maiahon sila sa kahirapan.
Marami-rami na ang aking naipon na pera kaya bibili
na ako ng sisiw at alagaan. Kapag malalaki na, ibebenta
ko para makabili ng biik. Aalagaan ko ang mga biik para
maging baboy. Kapag malalaki na ang mga baboy
ibebenta ko para makabili ng baka.
Mahal kasi ang pagkain ng baboy buti pa yong
baka, sariwang damo at malinis na tubig lang. Maging
masipag ako upang mabilis dumami ang aking mga
alagang baka. Pakakainin ko ng sariwang damo.
Paiinumin ko ang aking mga baka nang malinis na tubig
sa sapa upang mabilis silang lumaki at dumami. Kapag
marami na akong baka, ipagbebenta ko at matutupad
na ang aking pangarap!Brumm,brummm.beeep!beeep!
Lumaki ang kanyang mga mata sa tuwa,
sumigaw…bibili ako ng dyip. oo dyip ako ang
magmamaneho. Yeheeeey matutupad na ang aking
pangarap . Manie… Maneho…. sa sariling dyip. Ito ang
aking pangarap .

3
Sagatin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang pinag - uusapan unang talata?
A. Ilog ng Cagayan
B. Magulang ni Manie
C. Si Manie
2. Sa ikalawang talata, Ano ang ginagawa ni Manie
tuwing Sabado?
A. Naglalaro
B. Nagseselfon.
C. Naghuhuli ng isda.
3. Ano ang paksa sa ikatlong talata?
A. Magsumikap upang marating ang pangarap.
B. Umasa sa mga magulang.
c. Mahirap ang buhay.
4. Sa Ika-apat na talata, ano ang unang naisip ni Manie
na bibilhin?
A. sisiw
B. baboy
C. kalabaw
5. Sa ikalimang talata, Bakit ginusto niyang mag-alaga na
lang ng baka?
A. Kasi, mahal ang fids na pagkain ng baboy.
b. Kasi damo lang ang pagkain ng baka.

4
C. Kasi marami na silang manok.
6., Bakit nagsusumikap si Manie?
A, para sa magulang.
b. para sa kanyangpangarap.
c. para madaling yumaman ang pamilya.
7. Paano inaalagahan ang baka upang mabilis lumaki?
A. Pakainin ng sariwang damo .
B. painumin ng malinis na tubig
C. Lahat ng nabanggit.
8. Ano ang pinapangarap ni Manie na bibilhin?
A. Motorseklo
B. Selfon
C. Dyip
9. Mayroon ka rin bang pangarap? Ayon sa talata 3
paano matutupad ang iyong pangarap?
A. Pagsumikapan.
B. umasa sa magulang.
C. umasa ng awa sa Diyos.
10. Sa huling talata, Ano ang nararamdaman ng
pangunahing tauhan?
A, masaya
B. malungkot
C. mag-aalala

5
Balikan

Hanapin at kulayan ng parehong kulay ang


mga magkakasingkahulugan.

1.)
mabilis
minamahal matapang iniibig
matulin

magaling mahusay alisin

.
tanggalin marikit maganda

ilagay masipag ikabit

6
Mga Tala para sa Guro
Ang mga gawain na naiatang sa modyul na ito
nangangailangan ng gabay ng isang
tagapagdaloy o maaring hilingin ang pamatnubay
ng mga nakatatanda upang sila ang magkuwento
para sa mga bata upang masubok ang kakayahan
ng mga bata sa pakikinig.

7
Tuklasin
Basahin ang tula, pagkatapos sagutan ang
mga tanong.

Masayang Pamilya

Masayang pamilya
Kumakain nang sama-sama
Masustansiyang gulay, karne at isda
Pinagsasaluhan ng buong pamilya

Alam nina tatay at nanay


Karapatan ng mga supling minamahal
Mabigyan ng masustansiyang pagkain araw-araw
Upang lumaking malusog mga munting anghel sa bahay.

Mga tanong

1. Ano ang paksa ng tula?


A. malusog na bata
B. masayang pamilya
C. masustansiyang pagkain.

8
2. Anong karapatan ng bata ang nabanggit sa tula?
A. karapatang mabigyan ng pangalan.
B. Karapatang maglaro at magpahinga.
C. karapatang kumain ng masustansiyang pagkain

3. Bakit kailangang kumain ng masustansiyang pagkain?


A. Upang mabilis tumakbo.
B. Upang lumaking malusog.
C. Upang maging mabait na bata.
4. Sino ang tinutukoy na munting anghel sa tula?
A.nanay
B. tatay
c. mga anak
5. Ano ang paksa sa ikalawang saknong?
A. kahalagahan ng masustansiyang pagkain.
B. pangangalaga sa magulang.
C. Karapatan ng mga bata.

9
Suriin
Upang maibigay ang paksa ng talata at tula laging
tandaan ang mga sumusunod:
1. Ang paksa ay kadalasang matatagpuan sa unang
talata sa sanaysay at unang saknong sa tula.
Halimbawa sa tulang ito:

Masayang pamilya
Kumakain nang sama-sama
Masustansiyang gulay, karne at isda
Pinagsasaluhan ng buong pamilya.

Alam nina tatay at nanay


Karapatan ng mga supling minamahal
Mabigyan ng masustansiyang pagkain araw-araw
Upang lumaking malusog mga munting anghel sa bahay.

 Yong may salungguhit ang paksa.


 Saanmatatagpuan ito? Sa unang saknong.

10
2. Ang paksa ay maaring nasa pagtatapos ng talata o
tula.
Halimbawa sa huling saknong ng aking kwentong
“Pangarap”.

Lumaki ang kanyang mga mata sa tuwa,


sumigaw…bibili ako ng dyip. oo dyip ako ang
magmamaneho. Yeheeeey matutupad na ang aking
pangarap. Manie… Maneho…. sa sariling dyip. Ito ang
aking pangarap .
 Ano ang paksa? Pangarap
 Saan matatagpuan nito? sa pagtatapos ng
kwento.

Pagyamanin
Basahin ang tula at sagutan ang mga katanungan.

Si Treksi

11
11
Mamang karpentero, Anong ngalan mo? Gawa
mong bahay gustong-gusto ko. Tweet..tweet..tweet
Iyan si Trexie, ang alaga kong ibon. Maganda at
matalinong ibon.Tatlo ang kulay ng kanyang balahibo
may pula, berde at azul kaya tinawag ko siyang Treksi.
Nahuli ko siya sa parke minsang sumama ako kay
tatay sa pamamasyal.Bali ang kanyang isang paa kaya
inalagaan ko siya at tinuruan ng ibat-ibang tricks.Madali
siyang natututo at mabilis lumaki kaya gumawa kami ni
tatay ng kanyang bahay.
Isang araw pinakawalan ko siya. Labis ng aking
pagtataka dahil ayaw niyang lumipad palayo.Paikot-ikot
lang siya sa paligid ng kanyang bahay habang umaawit.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang paksa ng kwento?
A. tungkol sa ibon.
B. tungkol sa bata
C. tungkol sa bahay.

2. Bakit pinangalanang Treksi?

A. Apat ang kulay ng kanyang balahibo.

B. Tatlo ang kulay ng kanyang balahibo.

C. Lima ang kulay ng kanyang balahibo.

3. Saan nila natagpuan si Treksi?

12
A. sa gubat.

B. sa parke

C. sa bukid
4. Ano ang ginagawa ni Treksie upang malibang ang

kanyang kaibigan?

A. Sumasayaw

B. Umaawit

C. Umiiyak

5. Bakit hindi lumipad palayo si Treksie?


A. gusto niya ang kanyang bahay.
B. ayaw iwan ang kaibigan.
C. malulungkot siya.

Isaisip

Basahin ang talata at ibigay ang paksa:


Iyan si Trexie, ang alaga kong ibon. Maganda at
matalinong ibon.Tatlo ang kulay ng kanyang balahibo
may pula, berde at azul kaya tinawag ko siyang Treksi

13
1.
________________________________________________________

Minsang sumama ako kay tatay sa pamamasyal


nakahuli ako ng ibon na maybali sa isang paa kaya
inalagaan ko at tinuruan ng ibat-ibang tricks.Madali
siyang natututo.Mabilis siyang lumaki kaya gumawa kami
ni tatay ng kanyang bahay.

2.
_____________________________________________________________________

Isagawa

Paarlang Tolda

Sa isang liblib na lugar matatagpuan ang pangkat


ng mga agtang namumuhay ng payak. Ang kanilang
bahay ay yari pawid dahil di naman sila nagtatagal sa
isang lugar. Kultura ng mga agta ang palipat-lipat ng
tirahan.

14
Isang araw, dumalaw ang mga guro sa kanilang lugar.
May dala silang lapis, papel, pangkulay,may mga damit
at pagkain. Sa utos ni kapitan, natulong-tulong ang mga
agta sa pagpapatayo ng paaralan yari sa Tolda.

Unang araw ng klase, maagang dumating ang mga


batang agtang. Ang iba’y tahimik sa pakikinig sa sinasabi
ng guro, ang iba nahihiya….ang iba’y natatakot, ang
iba’y umiiyak. Ngunit masigasig at magaling si titser
Maribel na magturo. Wiling-wili ang mga batang agta sa
pagbasa, pagbilang, pag-awit at pagsayaw. Tuwang-
tuwa sila sa mga aralin. Mula noon wala ng lumiliban sa
klase sa kanilang paaralang tolda.

Sagutin ang mga tanong

1. Ano ang paksa sa unang tatala ng kwento?


A. pamumuhay ng mga agta.
B. mga batang agta.
C. bahay ng agta.
2. Sa ikalawang talata, ano paksa nito?
A. mah-aaral ang mga batang agta.
B. pakainin ang mga batang agta.
C. bihagin ang mga batang agta.
3. Saan mag-aaral ang mga batang agta?
A. sa lilim ng puno.
B. sa paaralang tolda.
C. sa bahay ni kapitan.
4. Ano ang paksa ng huling talata?
A. kaugalian ng bagong mag-aaral.
B. masayang kapaligiran.
C. matalinong agta.

15
5. Bakit hindi lumiliban sa klase ang mga batang
agta?
A. Matalino ang guro.
B. Marami silang natututuhan.
C. sagotng A at B

Tayahin
Ibigay ang paksa ng talata at tula
1.

Tuwang-tuwa ang mga bata noong dumating si lolo


Roland galing sa ibang bansa. Sinalubong nila ito at isa-
isang nagmano at paghalik sa noo bilang paggalang.

2.
Pagdating sa loob ng bahay isa-isang binigyang ni
lolo Roland ng pasalubong ang mga bata. Maraming
salamat po, sabay-sabay na wika ng mga bata.
Hangang - hanga ang balikbayan sa mga asal na
ipinakita ng mga bata.

3.
. Ako’y batang masigla
Malinis ang hitsura
Masaya sa tuwina
Ginagaya ng iba

16
________________________________________________________

4.
Ako’y bata, batang paslit
Sa aking gulang wala pa raw isip
Kulang man ang diwa ko’t isip
May mga potensyal nakahihigit

5. Ang aming pamilya ay mahilig maglakbay sa iba-


ibang lugar. Sa aming paglalakbay napansin ko ang mga
puting guhit sa gitna ng kalsada. Doon, nakita ko ang
maraming tao na nag-aabang sa pagpalit ng ilaw sa ilaw
trapiko. “Bakit ang daming tao sa tapat ng mahahabang
puting guhit na iyon ?”Tinanong ko si ate.’Yan ang
pedestrian lane. Diyan ang ligtas na tawiran ng mga tao.
Gagamitin ito para ligtas sa paglalakbay,” paliwanag ni
Ate.

________________________________________________________

17
Karagdagang Gawain
Isulat ang paksa ng talata sa bawat tula.
Bata man ako sa inyong paningin
Mayroon akong mga gustong gawin
Magbasa, magsulat, magdrowing, magbilang
Nagturo sa akin guro at magulang

Sa isports, may mahusay talaga


Basketball, volleyball, football at iba pa
May iba magaling sumayaw, kumanta
Ibahagi sa iba at nang mundo’y sumaya
Iba- iba man ang ating gustong gawin
2
__________________________________________________

Potensiyal at kahinaan pagyamanin


Upang ang mundo’y matuwa sa atin
Matanda, bata at mga magulang din.

. Ako’y batang masigla


Malinis ang hitsura
Masaya sa tuwina
Ginagaya ng iba
4
______________________________________________________

18
Junk foods laging iwasan
Gulay ang kailangan
Palagi mong tandaan
Katawa’y alagaan.

_______________________________________________________

19
Susi sa Pagwawasto

Subukin

1.C 2.C 3.A 4.A 5.B 6.B 7.C 8.C 9.A 10. A

Tuklasin

1.B 2.C 3.B 4.C 5.A

Isaisip

1. Si Treksie

2. Nahuling Ibon

Isagawa

1.A 2.A 3.B 4A 5C

Pagyamanin

1.A 2.B 3.B 41.B 5.A

Tayahin

1.paggalang

2. pagpapasalamat

3. Batang Masigla

4. Batang paslit

5. Pedestrian lane

Karagdagang Gawain

1. magagawang bata

2. marunong sa isport

3.pagyamanin ang kakayahan

4.batang masigla

5. Alagaan ang katawan

20
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon (2016), K to 12 Curriculum


Guide. DepEd Portal maakses sa
https://www.deped.gov.ph/
Kagawaran ng Edukasyon (2020), Final-K-to-12-MELCS-
with-CG-Codes Kagawaran ng
Edukasyonhttps://www.deped.gov.ph/
Bureau of Curriculum Development (2020) Mga Tekstong
Nasipi
www.DepEdPortal.com Bumasa at Sumulat 1 na libro
www.DepEdcommon.com
Batis sa mga tula na nagamit sa materyales nina:
Agduyeng Nancy M. (2021), personal na kopya
Sicuan Maribel (2021), personal na kopya
Bagaoisan Lilibeth A. (2021), personal na kopya

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like