Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kwarter 2

Written Work No. 3

Pangalan:________________________________________________________________

A.Basahin at unawain ang anekdota. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat


ang sagot sa patlang.
Anekdota sa Buhay ni Manuel L. Quezon
Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan
sapagka't may-sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang
matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay rektor ng Pamantasan ng Santo
Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay
hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na
maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit
ang kanyang pagdating.
Wikang Ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may
panauhin. Ganito ang sinabi, “Mr. President, the prest is here.”
Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang “priest”, inakala ng
Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw
na utos ng Pangulo ay, “Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa impyerno”.
Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na
ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.
Mga Tanong:
Tungkol saan ang anekdota? ______________________________________
Bakit kaya hinadlangan ng nars ang bisita niya?
______________________________________________________________
Sino ang inakala ng Pangulo na kanyang panauhin? Bakit?
______________________________________________________________
Ano kaya ang naramdaman ng panauhin? ____________________________
Sa iyong palagay ano kaya ang nangyari matapos marinig ng panauhin ang
sinabi ng pangulo?
______________________________________________________________
B. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng teksto nababago ang dating
kaalaman. Anong anyo ng panitikan na maaari mong basahin na
maaaring makapagpabago ng dati mong kaalaman ang tinutukoy sa
ibaba. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

alamat korido epiko nobela

pabula parabola tula talambuhay

____________6. Ito ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa mga


kabayanihan at pakikipagsapalaran ng mga hari, reyna, prinsipe, prinsesa
at maharlikang mga tao.
____________7. Ito ay kuwento na hango sa bibliya.
____________8. Ito ay kuwento kung saan ang mga tauhang gumaganap
sa kuwento ay mga hayop.
____________9. Ito ay isang mahabang tula. Ito ay nagsasalaysay ng mga
kuwento ng pakikipagsapalaran o kabayanihan ng isang tao o tribo.
___________10. Ito ay kuwento o tala nang personal at mahahalagang
detalye ng buhay ng isang tao.

C. Panuto: Tapusin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang letra na


bubuo dito.
11. Ang mga pangyayari sa anekdota ay maikli, kawili-wili at ____________.
a. nakalilibang b. nakaiinip c. nakasasakit ng damdamin d.
nakalulungkot

12. Ang anekdota ay bahagi ng __________.


a. alamat b. kuwentong-bayan c. epiko d. talambuhay

13. Tulad ng pabula, ang wakas ng anekdota ay __________


a. nag-iiwan ng kakintalan o impresyon.
b. nagwawagi ang pangunahing tauhan.
c. nalulutas ang problema ng pangunahing tauhan.
d. nag-iiwan ng aral.

14. Ang anekdota ay nagbibigay-buhay sa matamlay na ___________.


a. paksa c. aksiyon ng mga tauhan
b. pangyayari d. usapan ng mga tauhan

15. Kailangang maisalaysay o maisulat ang anekdota sa paraang ________.


a. maikli c. mabulaklak ang mga pahayag
b. maligoy d. limitado ang talasalitaan

You might also like