Professional Documents
Culture Documents
Gawain 1
Gawain 1
I. Basahin ang sumusunod na mga teksto. Maging malay sa paraan ng pagbasa at tukuyin
kung ano-anong proseso ng pagbabasa ang nagagamit habang binabasa ang bawat teksto.
Maghanda sa talakayan sa klase.
Ang bayan ng Anda ay kabilang sa third class municipality na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pangasinan. Sa
apatnapu’t apat na bayan at apat na lungsod na bumubuo sa lalawigan ng Pangasinan, ang Anda ang bukod tanging
bayan na isla. Kilala rin ito sa tawag na Cabarruyan Island na siyang itinuturing na Mother Island ng tanyag na Hundred
Islands dahil ang mag ito’y magkasamang idinuruyan ng dagat sa Golpo ng Lingayen. Ito ay may kabuuang lawak na
74.55 kilometro kuwadrado. Binubuo ang bayang ito ng labingwalong (18) barangay, ang mga ito ay Awag, Awile,
Batiarao, Cabungan, Carot, Dolaoan , Imbo, Macaleeng, Macando-candong, malong, Namagbagan, Poblacion, Roxas,
Sabilig, San Jose, siapar, Tondol, at Tori-tori.
Isa sa mga ipinagmamalaking katangian ng mga taga Anda ang pagiging relihiyoso. Buhay na buhay sa nasabing bayan
ang iba’t ibang relihiyon. Sa katunayan, magkakatabi rito ang simbahang Romano Katoliko na may pinakamaraming
miyembro, Iglesia Filipina Independiente (Aglipayano), United Methodist Church, Crusaders, at Pentecostal. Bukod pa
rito, malaking pangkat na rin ang nabibilang sa Iglesia ni cristo, Jehova’s Witness, Born Again Christian, Baptist, At
Sabadista.
Dalawang uri ng klima ang nararanasan sa bayang ito. Maulan ang panahon mula Hunyo hanggang Setyembre at
mainit naman mula Oktubre hanggang Mayo. Dahil sa klima at lokasyon ng nasabing bayan, pagsasaka at pangingisda
ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito. Bukod dito, pinagkakakitaan ng mga kababaihan ang paghahabi ng buri
na siya namang dahilan kung bakit may Silang Festival sa naturang bayan. Batay sa census 2010, ang mamamayan sa
bayang ito ay may kabuuang 37,011. Wikang Bolinao ang pangunahing wikang sinasalita ng mga mamamayan subalit
marami na rin ang Ilocano, Tagalog at Pangasinense.
Nakatutuwang marunong sa iba’t ibang wika ang mga mamayahan sa Anda subalit sa kabilang banda ay nakatatakot
ang unti-unting pagkawala ng kanilang pangunahing wika, ang Bolinao. Batay sa census ng NSO noong 2007, mayroon
51,200 katao ang gumagamit ng wikang Bolinao sa bayan ng Anda at Bolinao, Pangasinan na ayon sa Ethnologue ay
paunti nang paunti ang nagsasalita nito at kaya nasa istatus na threatened. Ang kalagayang ito ng wikang Bolinao ang
pumukaw upang isagawa ang pag-aaral na ito.