Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

LEARNING ACTIVITY # 6
NAME: _ GRADE / SCORE:
COURSE AND YEAR:_ _ DATE:
SUBJECT: INTRODUKSYON SA PAMAHAHAYAG

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:

ACTIVITY TITLE: PAHAYAGAN, SAN KA NAGSIMULA?


LEARNING TARGETS: a. makabuo ng timeline na nagpapakita ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng pahayagan sa Pilipinas.

KASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS


1637
SUCCESOS FELICIES
Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa paglalathala ni Tomas Pinpin, isang Pilipinong
manlilimbag ng Sucesos Felices, isang polyeto (newsletter) sa Maynila. Natutuhan ni Pinpin ang sining
ng paglilimbag buhat sa mga prayle at mga intsik ngunit di niya nailagay kung kailan ang tiyak na petsa
ng unang pagkakalimbag nito at kung gaano kalimit ang paglabas niyon. Inilathala niya sa Kastila ang
pangunahing mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La Naval laban sa mga Dutch sa Ternate.
Nagtagal ito hanggang 1809.
1799
AVISO AL PUBLICO
Isang Hojas Volantes or "flying sheets" ang Aviso Al Publico (Notices to the Public) na lumitaw
noong Pebrero 27, 1799. Sinasabing ang sukat nito ay gaya ng isang malaking kwaderno. Ito ay
tungkol sa kampanya laban sa mga Moslem at pagkabihag ng mga pirata sa Sulu nang mga hukbong
Kastila sa pangunguna ni Jose Gomez.
1811
DEL SUPERIOR GOVIERNO
Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na lumabas ng palagian sa patnugot ni
Governador- Heneral Manuel Fernandez de Folgueras noong Agosto 8, 1811. Siya ang naging
patnugot at naglathala dito ng mga gawain ng Spanish Cortes, pati digmaan ng Espanya at Pransya.
Dahil sa higpit ng sensura ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing nakasisira sa kanila, ang
pahayagang ito ay umiral lamang sa maikling panahon at pagkatapos ng labinlimang labas ay kusa
nang namatay.
1846
LA ESPERANZA
Disyembre 1, 1846 ay kinikilalang unang pahayagang pang-araw-araw maliban lamang sa araw
ng lunes ang La Esperanza sa patnugot nina Felipe Lacorte at Evarisco Calderon. Malaking bahagi nito
ay mga talakayang pampilosopiya, panrelihiyon, at pangkasaysayan. Tumagal ito ng tatlong taon at
nagbukas upang maging pangarawaraw na pahayagan.
1847
LA ESTRELLA
Nahinto na ang publikasyon noong 1849.
1848
DIARIO DE MANILA
Sa patnugot ni Felipe del Pan at tumagal hanggang 1852.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
1849
EL INSTRUCTOR FILIPINO at EL DESPERTADOR
Ang El Isntructor Filipino y may lingguhang paglilimbag samantalang araw-araw naman ang El
Despertador na di naglaon ay nagsama’t naging isa, subalit tumagal lamang ng ilang buwan at araw.
1850
DIARIO DE AVISOS Y NOTICIAS
Ang paglilimbag nito ay tumagal lamang ng ilang buwan at linggo.
1851
EL OBSERVADOR FILIPINO
Hindi man nakatala kung ito ay linguhan o arawan ang paglilimbag ngunit ito ay nakapaglabas
lamang ng ilang isyu at naglaho na.
1852
BOLETIN OFICIAL DE FILIPINAS
Mula sa dating Diario de Manila isinaayos itong muli at pinangalanang Boletin Oficial de
Filipinas. Binigyang oportunidad nito ang kanilang mga sabskrayber na mailathala ang kanilang
patalastas nang hanggang anim na linya lamang. Ito ay tumagal hanggang taong 1860.
1858
EL COMERCIO
Isang pahayagang pang-hapon mula sa patnugot ni Ulpiano Fernandez at kalunan ay
pinamunuan ni Gobernador Heneral Soler y Ovejero.
1859
ILUSTRACION FILIPINA
Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang beses na isyu kada buwan.
Ito’y tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860.
1861
GACETA DE MANILA
Mula sa dating Boletin de Oficial ay muling nirebisa ang mga nilalaman ng pahayagang ito at
pinangalang Gaceta de Manila. Ilang opisyal ng pamahalaan ang inobligang magsabskrayb dito ni
Gobernador Henral Blanco. Naglalathala dito ng mga batas militar para sa 8 lalawigan ng Luzon, mga
patalastas ang gobyerno, opisyal na kautusan, mga court orders at iba pang mahahalagang
impormasyon. Ito ay nanatili hanggang Agosto 8, 1895 limang araw bago tayo sakupin ng mga
Amerikano. Dahil sa ito’y namayagpag ng 38 taon at itinuturing na pinakamatagumpay na pahayagan
sa panahon ng mga Kastila.
1862
LA ESPAFIA OCEANICA
Una itong pinangalanan na Revista de Noticias y Anuncios noong 1861 na di kalaunan ay
naging La Espafia Oceanica .
EL CATOLICO FILIPINO
Ito ang tinaguriang kauna-unahang relihiyosong pahayagan mula sa patnugot ni Mariano Sevilla.
EL PASIG
Pahayagang Kastila na minsay nasasamahan ng mga artikulong Tagalog upang magbigay
edukasyon sa mambabasa. Dalawang beses sa loob ng isang buwan ito kung maglathala ngunit di rin
nagtagal at tuluyang nawala.
1863
LA OCEANA CATOLICO at EL CORREO DE FILIPINAS
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
1864
BOLETIN DEL EJERCITO
Ito ay pahayagang nakatutok sa mga sandatahang lakas at di gaanong binigyang interes ng
publiko kaya tuluyan rin naglaho.
PANAHON NG HIMAGSIKAN
1865
EL POVENIR FILIPINO
Labindalawang taon (1865-1877) na nakipagsapalaran ang pahagayan na ito na laging muntik-
muntikanan nang bumagsak dahil sa hindi pagkakasundo ng mga patnugot. Naging babasahin ito ng
mga mambabasang tumututok sa linguhang bull fighting na pinangungunahan ni Lorenzo Sanchez
(isang bantog na toreador) na nagsimula noong June 10, 1871.
REVISTA MERCANTIL
Isang linguhang pahayagang pang-komersyo na pinangunahan ni Joaquin de Loyzaga na di
kalaunan ay nakipagsanib sa El Commercio bilang kontributor.
1866
PEVISTA DE ADMINISTRACION
Si Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng pahayagang ito na kung saan lahat ng patnugot
at mga kontributor ay pawang empleyado ng pamahalaan. Sa kanila rin nakapokus ang interes ng mga
artikulo ngunit tumagal lamang ng ilang buwan.
1868
EL DIARIO DE AVISOS
Unang nakapaglathala ng sipi noong Pebrero 1, 1868 at naging huli na noong Oktubre 11, 1869.
1869
EL COMERCIO
Isang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni Joaquin de Loyzaga at Francisco Diaz
Puertas gamit ang kaparehong pangalan (El Comercio) ng pahayagang unang lumabas noong 1858.
Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El Comercio ang may pinakamatatag at
episyenteng naglathala ng pahayagan sa buong kalupaan sa loob ng 56 taon (1858-1925) nang may
parehong pangalan. Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong panahon ng Kastila na binili ni
Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion. Ang unang patnugot nito at si Joaquin de
Loyzaga at nang pumanaw siya, si Francisco Diaz Puertas ang pumalit. Nang siya ay pumanaw na rin
ay si Jose de Loyzaga na anak ni Joaquin de Loyzaga ang naging patnugot.
1874
EL TRAVADOR FILIPINO
Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang linggo
1875
REVISTA DE FILIPINAS
Linguhang pahayagan na naglalathala ng mga kaalamang may kaugnayan sa agham at mga
literaryong gawain.
EL ORIENTE
Linguhang pahayagan na naglalathala ng ibat’ibang mga rebyu at ilustrasyon.
1876
EL CORREO DE MANILA at BOLETIN ECLESIASTICO DEL ARZOBISPO DE MANILA
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
1877
LA OCEANIA ESPAÑOLA
Pumalit sa El Povenir at nagpatuloy hanggang
1899.
EL AVISADOR DE MANILA
Nabuo ilang buwan matapos maganap ang Treaty of Paris
LA ILUSTRACION DEL ORIENTE at LA CATALAN
1878
LA LIRA FILIPINA
1879
REVISTA DEL LICEO-ARTISTICO-LITRATO DE MANILA
Naglathala ng linguhan at di naglaon ay naging dalawang beses sa loob ng isang buwan na may
huling isyu noong Disyembre 1881.
1880
DIARIO DE FILIPINAS
Tumagal lamang ng anim na buwan.
1881
LA LINTERNA ECUESTRE
Naglathala ng linguhan ngunit sandaling panahon lamang.
BOLETIN DE AVISOS
Naglathala ng dalawang beses sa loob ng isang linggo ngunit panandalian lamang din.
1882
BOLETIN DE LA REAL SOCIEDAD ECONOMICA FILIPINA DE AMIGOS DEL PAIS
Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsyo buwan-buwan na
tumagal hanggang 1899.
REVISTA FILIPINA DE CIENCIAS Y ARTES at REVISTA DEL LICEO
Mga pahayagang nagsara rin matapos ng labindalawang isyu dahil sa kakulangan ng interes
nang mga tao sa Sining at Agham.
BOLETIN DE LA LIBRERIA ESPAFIOLA
Naglathala lamang ng ilang isyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang kanilang paghinto at mga
pananalitang "Here we have another demonstration of how few people in the Philippines read".
PANAHON NG PAGBABAGO
DIARIONG TAGALOG
Ikaapat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na may islogang "It is possible to love the
Philippines without hating Spain and to love Spain without hating the Philippines.“ Ito’y tumagal lamang
ng limang buwan at sinasabing hindi ito nakahimok ng malaking bagahdan ng tagapagtangkilik sa
nasabing ideya ng islogan.
EL FORO JURIDICO RE’VISTA DELEGISLACION Y JURISPRUDENCIA
Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria Perez Rubio. Ito ay nakadisenyo
para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa mga hustisya at kapayapaan. Ipinasara ito
ng Gobernador Heneral noong 1888 dahil umano sa kawalan ng lisensya sa pamahalaan Matapos ang
ilang taong pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong 1893 sa pangalang CONSULTOR
DE LOS JUECES DE PAZ ngunit di naglaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng
pahayagan.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
1884
EL ECO DE VIGAN
Unang pamprobinsyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila ngunit nahinto rin sa
parehong taon.
LA SEMANA ELEGANTE
Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-kamay na “Larra”. Dahil
sa mga eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan, ito’y nagdulot ng kaguluhan at may
dalawampung linggo bago tuluyang isinara.
EL POVENIR DE VISAYAS at EL ECO DE PANAY
Itinayo sa Iloilo ni Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang pahayang ito na
nagsisiwalat ng ibat’ibang katiwalian na naging dahilan upang magkaroon siya ng maraming kaaway.
Noong 1886 ay itinayo rin nya ang El Eco de Panay na nagpatuloy hanggang sa masakop tayo ng mga
Amerikano noong 1899.
1886
EL POVENIR DE VISAYAS (CEBU)
Itinayo sa pinakamantandang syudad ng Pilipinas ni Eduardo Jimenez, kapatid ni Diego
Jimenez, ang lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal hanggang sa panahong bago masakop ng
Amerikano ang bansa.
EL CHIFLADO, MANILA ALEGRE, EL TEMBLOR, MANALILLA at LA PUYA
Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886.
LE REGENERACION
Katolikong pahayagang itinayo noong Oktubre 1886.
DIARIO CATOLOCO at EL FENIX
1887
Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa impluwensya ng pamumuno ni Gobernador
Heneral Eulogio Despujol na naging liberal sa pamamahala.
LA OPINION
Pahayagang naglalathala ng hayagang pagsalungat sa mga prayle , pagpapaalis sa arsobispo
at paghingi ng reporma sa pamumuno ni Benito Quiroga na sinundan ni Jesus Polanco na tumagal
hanggang 1889. Ito ay muling binuhay noong 1890 sa pangalang EL ECO DE FILIPNOS.
LA VOS DE ESPAFIA
Binuo noong ika-4 ng Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng La Opinion sa patnugot ni
Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro si Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela Rosa.
Noong 1892 pinangalanan itong LA VOS DE ESPAFIA sa pamumuno nina Federico at Antonio Hidalgo
at may islogan na "The Philippines by Spain and for Spain“.
1888
LA ESPAÑA ORIENTAL
Itinayo ni Manuel Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay papuri sa mga
Espanyol ukol sa nagawa nila sa bansa gaya ng tungkol sa relihiyon, edukasyon at kung anu-ano pang
ikinabuti nang buong sambayanan dulot ng kanilang pamamahala. Tuluyang natalo at nadaig nito ang
La Opinion.
REVISTA CATOLICO
Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang lenggwahe na di kalaunan ay
naging dalawang beses na lamang na isyu sa loob ng isang buwan hanggang 1896.
REVISTA POPULAR DE FILIPINAS
Pahayagang pang-relihiyon na lumabas nang linguhan na nagsimula noong Setyembre 1888 na
may halong mga anunsyong sibil. 1896 ang huling isyu.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
EL ENUCIADOR ILLONGGO
Nabuo rin noong Marso 1888 ngunit di rin
nagtagal.
1889
LA CORRESPONDENCIA DE MANILA
Ibinenta at inilako sa kalsada sa halagang 2 sentimo ngunit umiral lamang ito ng tatlong buwan.
BOLETIN DE LA CAMARA COMERCIO DE MANILA
Itinayo ng kumpnyang The Manila Chamber of Commerce na nagpatuloy hanggang sa panahon
ng mga Amerikano hanggang sa tuluyang mawala.
GACETA NOTARIAL
Sinimulang ng Mayo 1889 at nagpatuloy hanggang 1896.
EL ILOCANO
Sinimulan ni Isabelo delos Reyes noong Hunyo 1889 bilang neytib na pahayagan ng mga
Ilocano na may halong wikang Espanyol. Dalawang beses kada-buwan maglabas ng isyu.
LA ALHAMBRA
Binuo noong July 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang mayamang abogadong Espanyol na
naglathala ng mga sulatin sa sining, agham at sosyal na interes. Dalawang isyu kada buwan ang
paglathala na umiral hanggang ika-30 ng Hunyo 1890.
ANALES DE AGRICULTURA
Unang lumabas noong ika-27 ng Hulyo 1889
LA SOLIDARIDAD
Unang lumabas noong ika-15 ng Pebrero, 1889 sa Madrid Spain na ginastusan ni Dr. Pablo
Riazares mula sa patnugot ni Graciano Lopez Jaena.
1890
LA CANECO at EL PAPELITO MERCANTIL
Ika-21 ng Hunyo 1890 ang unang isyu ng La Caneco, ngunit di rin nagtagal sa industriya tulad
rin ng nangyari sa El Papelito Mercantil.
PATNUBAY NANG CATOLICO
Unang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni Pascual H. Poblete, ngunit di
rin nagtagal.
EL AVISADOR FILIPINO
Ika-5 ng Abril 1890 ang unang lathala ngunit isang buwan lamang tumagal.
EL RESUMEN
Ika-10 ng Hunyo, 1890 ang unang lathala at nakatuon sa pulitika.
EL DOMINGO
Ika-3 ng Agosto, 1890 ang unang lathala at huli na ng Oktubre.
EL PAJARO VERDE
Ika-4 ng Setyembre, 1890 ang unang labas sa patnugot ni Vicente Garcia Valdez. Ito ay
inilathala sa luntiang papel na may mga ilustrasyon at paalaala upang maglibang ng mga mambabasa
at makalimot sa kanilang mga problema.
LA LILLIPUTENSE
Ika-6 ng Nobyembre, 1890 nabuo na may lingguhang isyu patungkol sa mga kabataan ng bansa.
Huling lathala ay noong ika- 12 ng Marso, 1891.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
LA LECTURA POPULAR
Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos Reyes na naglabas
lamang ng ilang isyu.
1891
EL BELLO SEXO
Pahayagang laan para sa mga kababaihan.
EL ASUANG at LA ILLUSTRACION FILIPINA
Mga lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mga isyu.1893
1893
Bukod sa BOLETIN OFFICIAL DEL ARZOBISPO na muling naglathala, may mga bagong
pamahayagan din ang umusbong tulad ng El Ejercito de Filipinas, El Consultor del Profesorado,
Madrid- Manila, Toda en Broma, El Foro Administrativo, La Pavera,Periodico Festivo, La Puya
(naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas) , Los Miercoles (naglathala ng isang isyu lamang) ,
Revista Mercantil de Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and the Boletin de la Companiia
de Explotacion y Colonizacion de La Isla de Paragua.
1894
Apostolado de la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo Militar, sumunod ay lingguhng
pahayagang tinawag na El Ejercito de Filipinas. Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola El Consultor
de Municipios, Manalilla-Sport (buwanan), La Legislacion (dalawanng beses kada buwan maglabas ng
isyu at ukol sa pahalan at korte ang nilalaman), El Municipio Filipino (patnugotIsabelo de los Reyes) at
Apostolado de La Prensa.(itinayo ng mga prayle para sa mga pangrelihiyong gawainsa wikang
Tagalog) El Album Militar (itinayo ng sundalong opisyal). El Cinfe and SorpresasChicago ay dalawang
komiks na itinayo ngunit nawala rin ng sumunod na taon. El Espafiol na naglathala hanggang 1898.
1895
Boletin del Museo Biblioteca sa patnugot ni Pedro A. Paterno na bumalik mula Espanya. Boletin
Oficial del Ministerio Filipino, na nakatuon sa edukasyon at mga propesyon ang nilalaman. La
Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida Industrial de Filipinas na itinayo ni Jose Martin Martinez
1896
ANG KALAYAAN
Kauna-unahang rebolusyonaryong pahayagan ng Kataastaasang Kagalanggalangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng Enero, 1896 Naglalayon itong ipahayag
sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng mga prayle at mga kastilang opisyal upng makapag-organisa
ng isang rebolusyon. Nakalathala rin sa mga artikulo ng pahayagan ang ilang ebedensya upang
makahikayat nang mambabasa. Itinuturing itong isa sa pinakamahalagang pahayagan sa Kasaysaynng
Pilipinas.
Iba pang mga pahayagang nalathala sa taong ito ay The Boletin de Estadistica de la Ciudad de
Manila sa patnugot ni Padre Faura at iba pang mga paring Heswita bilang opisyal na publikasyon at
nagtagal hanggang 1902 na di kalaunan ay naging wikang Ingles ang ginamit, El Correo, El
Cosmopolita na naglathala ng dalawang kopya kada buwan sa loob ng anim sa buwan lamang at El
Noticiero de Manila bilang pahayagang pang-hapon. La Hoja Dominical, itinayo naman ng mga paring
Dominikano. Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad Ang Pliegong Tagalog na itinayo ni
Juan Atayde na ayon sa kanya ay marapat lamang na magkaroon ng pahayagang nakalathala sa
wikang ito at hindi puro sa Kastila na lang.
1898
LA INDEPENDENCIA
Ang La Independencia ay itinayo ni Henenal Antonio Luna sa tulong ng kanyang kapatid na si
Joaquin noong September 3, 1898 . Isa ito sa pinaka-importanteng pahayagan sa panahon ng
rebolusyon. Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La Libertad na itinayo noong ika-
20 ng Hunyo sa patnugot ni Clemente Jose Zulueta. The Newspaper La Republica Filipina na itinayo
sa Mandaluyong, Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni Pedro A. Paterno at di kalaunan
noong opisyal na pahayagan ng pamahalaan noong 1901 ng sumulat si General Douglas Mac Arthur
bilang Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong ito.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
EL HERALDO DE LA REVOLICION FILIPINA
Ika-29 ng Setyembre 1898 - inilathala sa Malolos Bulacan sa unang pagkakataon ang El
Heraldo de la Revolicion Filipina. Ito ay naging opisyal na publikasyong pahayagan sa panahong may
rebolusyon sina Heneral Emilio Aguinaldo.
LA REVOLUTION
Ika-29 ng Disyembre 1898 - inilathala sa Jaro Iloilo na naglalayong ipaglaban ang mga
karapatan ng Pilipino.
PANAHON NG AMERICANO
1899
COLUMNAS VOLANTES
Ika-24 ng Marso, 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa, Batngas. Ito ay
naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandathang lakas. Ito ay binuo ng mga propesyunal
na nabibilang sa samahang Club Democratico Independiente. Noong Nobyembre 18, 1899 - ang mga
pahayagang, Filipinas Ante Europa at El Defensor de Filipinas, ay inilathala sa Barcelona Espanya sa
patnugot ni Isabelo de los Reyes.
BOUNDING BILLOW
Inilathala rin ang kauna-unahang pahayagang Amerikano kung saan inihahayag ang
pagkapanalo ni Heneral Dewey at pagsaugpo niya sa pwersang Amerikano sa Manila Bay. Ito binubuo
ng apat na pahina at may habang labindalawang pulgada at walong pulgada na lapad. Mabibili ito sa
halagang 25 sentimong ginto kada sipi at ito’y naglatha at gumawa ng maraming kopya bilang alaala
na rin sa nasabing tagumpay.
THE MANILA TIMES
Ang unang pangaraw-araw na pahayagan sa panahong mga Amerikano na ang namamahala
sa bansa. Una itong isinaayos noong ika-11 ng Oktubre 1898 ngunit 1899 na maging istablisado sa
patnugot ni Thomas Cowan at negosyanteng si George Sellner.
1990
EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900
EL RENACIMINETO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900
MANILA DAILY BULLETIN
Isa rin sa mga pangaraw-araw na pahayagan noong 1900 na tinatangkilik natin
magpahanggang ngayon.
EL NUEVO DIA
Kahulugan nito’y ANG BAGONG ARAW na itinatag rin ni Sergio Osmeña noong 1900.
PANAHON NG MGA HAPON (1941-1945)
Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang The Daily Tribune, Manila
Bulletin at Daily Herald. Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba-La Vanguardia-Tribune at DMHM
o bilang Debate-Mabuhay-Herald-Monday Mail kasabay ng patuloy na pagusbong na rin ng Magasin at
Komiks na Liwayway na lumutang bago pa man manakop ang mga Hapon sa bansa.
PANAHON NG LIBERASYON (PEBRERO 1945)
Naging masigla ang paglabas ng nga pahayagan. Lumabas ang Magasin na Yank, Daily
Pacifican, The Stars and Stripes at pinaikling edisyon ng Times at Newsweek.
Lumabas na rin ang iba’t ibang pahayagan tulad ng Free Philippines sa Leyte. Mga peryodikong
patagong nalimbag ay lumitaw upang maghaya. Gaya nang Bagong Buhay, Voz de Manila, Filipino
Observer, Guerilla, Freedom, Philippine Press, Balita, Comet at Courier.
 Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong Abril 1946. Ang natalong dating pangulo ng
Commonwealth na si Sergio Osmena ay nagtatag ng Morning sun.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
 Nagtatag naman si Mauel Roxas ng Daily News at Balita bilang pahayagan ng partidong Liberal
Ang Manila Times na dating lingguhan ang paglathala ay naging tabloid noong ika-27 ng Mayo,
1945.
 Naibangon naman muli ni Joaquin P. Roces ang The Times.
 Nagpatuloy naman ang paglalathala ng mga pahayagang pangaraw-araw sa wikang Ingles
tulad ng Business World, Malaya, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Philippine Daily
Inquirer, Philippine Star, The Daily Tribune at Manila Times.
 Gayundin ang mga tabloid na abot-kaya ng masa tulad ng Abante, Balita, Bulgar, People’s
Journal, People’s Taliba, Tempo, Pilipino Star Ngayon at Saksi Ngayon.

GAWAIN : Gumawa ng timeline na nagpapakita ng kasaysayan ng pamamahayag sa Pilipinas


gamit ang mga impormasyon mula sa LAS na ito. Maaaring gumamit ng
makukulay na papel, larawan at iba pa upang maging kaaya-aya ang timeline.
(DRAWING BOOK)
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

LEARNING ACTIVITY # 7
NAME: _
GRADE / SCORE:
COURSE AND YEAR:_ _
DATE:
SUBJECT: INTRODUKSYON SA PAMAHAHAYAG

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:

ACTIVITY TITLE: PAHAYAGAN, SAN KA NAGSIMULA?


LEARNING TARGETS: a. makabuo ng timeline na nagpapakita ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng pahayagan sa Pilipinas.

KASAYSAYAN NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA PILIPINAS


ANG PAGSISIMULA NG COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES (1931-1945)
Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula paggising sa
umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan
ang kaulayaw ng paningi't pandinig ng mga mamamayan.
Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay, mapaindibidwal o ng buong
sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay ng impormasyon, makapang-impluwensya ng
pananaw o makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya. Isang demokratikong karapatan ang
makapagpahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng mamamayan.
Ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay itinuturing na pangunahing institusyong
nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag pangkampus. Sa loob ng mahabang pitumpu't limang
taon, nagkaroon ng mahalagang papel ang organisasyon sa kasaysayan ng pamamahayag, ng
kilusang kabataan, at ng lipunang Pilipino.
Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa gitna ng mga pampulitika at
panlipunang isyu sa panahon ng pananako p ng Estados Unidos noong 1931, ang mabilis na pag-
unlad bilang isang organisasyon, hanggang sa pagsasara nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), mahalagang
balikan ang kasaysayan nito upang paghalawan ng insipirasyon at aral. Ang paggunita sa nakaraan ay
pagtingin din nang pagsulong.
Itinatag ang College Editors Guild (CEGP) noong Hulyo 25, 1931, mismong kaarawan ni
Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng National, publikasyon ng National University. Kabilang ang
mga pahayagang pangkampus Philippine Collegian (UP Diliman), Varsitarian (University of Santo
Tomas) at Guidon (Ateneo de Manila University), layunin nitong pagkaisahin ang lahat ng manunulat
pangkampus at linangin ang kanilang kakayahan sa pamamahayag. Nahalal na unang tagapangulo si
Wenceslao Vinzons, punong patnugot ng Philippine Collegian.
Tradisyonal na organisasyon ang CEG noon. Eksklusibo ang kasapian sa mga patnugutan ng
mga publikasyon. Abala ito sa mga journalism trainings, intercollegiate pageants, relief operations sa
mga nasalanta ng kalamidad.
Gayunman, sa maagang bahagi pa lamang ng kasaysayan, makikita na ang potensyal na papel
nito sa lipunan. Noong Disyembre 9, 1932, sa pangunguna ni Rodriquez at Vinzons, tinutulan ng mga
kabataang manunulat ang panukalang dagdagan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang
kapulungan. Mabilis na lumawak ang kasapian ng CEG. Kinilala ito bilang isa sa mga
pinakaprestihiyosong organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong tuntungan ng mga kabataang
nagnanais makilala sa larangan ng politika at pamamahayag.
Noong 1941, pansamantalang tumigil ang operasyon ng Guild dulot ng Ikalawang Gyerang
Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP at namatay na bayani. Nanumbalik ang CEGP
pagkatapos ng giyera. Naitala noong 1948 ang pakikiisa ng Guild sa mga mamamahayag sa
mainstream media. Sinuportahan ng manunulat pangkampus ang strike ng mga empleyado ng Evening
News bilang protesta sa pagpapatalsik kay Cipriano Cid at panawagang kilalanin ang Philippine
Newspapers Guild.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang naging impluwensya ng makabayang ideya ni Claro
M. Recto sa maraming kabataan. Pagsapit ng dekada sisenta, bunsod ng matinding krisis pampolitika
at pang-ekonomiya sa panahon ni Marcos at ng lumalakas na kilusang kabataang estrudyante,
nagkaroon ng malaking puwang ang progresibong ideya sa loob ng organisasyon.Hindi naging
banayad ang transpormasyon ng CEGP mula sa isang tradisyonal na organisasyon patungo sa
pagiging progresibo. Sa katunayan, naging maigting ang pagtatalo sa hanay ng kasapian. “Mananatili
bang nyutral ang pamamahayag pangkampus sa panahon ng maigting na paglaban ng mamamayan?
Mananatili bang tagapagtala na lamang ng kasaysayan ang mga manunulat o kailangan nang pumanig
at makilahok? Ano ang papel ng kabataang mamamahayag sa lipunan?” Sa mga katanungang ito
uminog ang debate. Naglathala rin ng mga rebolusyonaryong artikulo ang mga publikasyong
pangestudyante. Unang lumabas ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino sa Philippine Collegian. Nagre-
reprint ng mga artikulo mula sa Ang Bayan, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas,
ang The Bedan (San Beda College), Guidon, Philippine Collegian, Ang Malaya, at iba pa.
Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng Guild. Dumaluyong
ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus ang lumahok ang nagpakilos sa
mga malakihang mobilisasyon sa panahon ng First Quarter Storm. Hindi iilang Guilders ang naging
kasapi ng Kabataang Makabayan. Tumining ang papel ng pamamahayag pangkampus bilang
alternatibong pamamahayag para sa mamamayan. Sa panahon ng paghahari ng crony press,
maraming publikasyong
pang-estudyante ang nagpapalaganap ng katotohanan sa labas ng kani-kanilang pamantasan. Ang
kabulukan ng gobyernong Marcos na hindi nababasa sa mainstream ay isiniwalat ng mga pahayagang
pangkampus. Dahil dito, binansagan ni Marcos na mosquito press ang mga publikasyon. Sa Visayas,
inilathala ang mga sulatin ni Jose Maria Sison, Renato Constantino Sr., Gary Olivar (lider ng Samahan
ng Demokratikong Kabataan) sa Weekly Silimanian (Siliman University), Weekly Carolinian (University
of San Carlos), Sambayanan (Western Institute of Technology), Quill (Southwestern University) at
marami pang iba. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong
1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay
magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling
ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng
Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang
pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang
Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa
kanayunan.
Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa
mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang
pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan. Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang
CEGP. Naipasara ang halos lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang
estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños).
Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, nagsulputan ang mga
underground student publications sa buong bansa. Naging tangyag ang pasabilis. Palihim na binabasa
at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Matapang
na tinuligsa ng mga ito ang lagim ng Batas Militar. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot,
ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang
pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong
pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena
Barros (Advocate, FEU.)
Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa
pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga,
boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang
Mendiola Association of College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press
Congress. Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa
buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na
dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.
Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag-oorganisa sa hanay ng manunulat
pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang kabataang estudyante. Puspusang itinaguyod ang mga
lehitimong kahilingan ng estudyante. Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National
Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon),
ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at
pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang
pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi
natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang
gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Dumagundong
ang tagumpay na ito sa buong kapuluuan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng
demokratikong karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at
mamamayan. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong 1971,
buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng
isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu
ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati
patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni
Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional
Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan.
Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa mga
magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka
ng mga aping sector ng lipunan.
Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng
publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli ang
Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa
pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, naging tangyag ang pasa-bilis. Palihim na binabasa at
pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Maraming
manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa
Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa
kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon),
Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi ng dekada
sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa pangunguna ng uring manggagawa.
Pumutok
ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging
inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors
(MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga buwan,
tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula 1977
hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43
publikasyon noong Mayo 1981. Ang tagumpay ng ito ay bunga ng pag-oorganisa sa hanay ng
manunulat pangkampus.
Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa Laban sa
Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa pagpapabukas ng mga
pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa
mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod
at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa
karahasan ang isinagot ng gobyerno.Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga
estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng
kabataan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan,
makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Mariin ding kinondena
ng CEGP ang mga atake sa kalayaan sa pamamahayag. Ilan dito ay ang pagkakasara ng We Forum at
pag-aresto sa mga mamamahayag nito na karamihan ay alumni ng Guild; ang pag-uusisa ng National
Intelligence Board sa manunulat ng Women; ang pagpapatalsik sa patnugot ng Tempo na si Recah
Trinidad; mga kasong libelo laban kay Domini Suarez at Ceres Doyo at pag-aresto kay Tony Nieva ng
Bulletin Today. Matindi rin ang panunupil sa mga pahayagang pangkampus.. Binisita ng militar ang
tanggapan ng The Work ng Tarlac State College of Technology. Pinatalsik ang mga patnugot ng
Collegian ng Central Luzon State University sa rekomendasyon ng militar na nakabase sa Nueva Ecija.
Pagsapit ng 1983, ibayong militansya ang ipinamalas ng kabataan mula nang paslangin si Ninoy
Aquino hanggang sa pagbagsak ng diktaduryang Marcos. Ang pag-aalsa noong 1986 ay nagluklok kay
Corazon Aguino bilang bagong pangulo. Tiningnan si Aquino bilang isang pinunong liberal burges.
Pinuri ang Republic Act 7079 o Campus Journalism Act bilang “milestone in the history of the campus
press.”
Kabaligtaran ang naganap sa aktwal. Naging epektibong instrumento ang CJA ng mga kaaway
ng kalayaan sa pamamahayag sa pagsupil sa mga pahayagang pangkampus. Matapos ilabas ang
implementing guidelines, naipasara ang Quezonian, White and Blue, Ang Pamantasan, Blue and
Silver, at iba pa. Kung susundin ang probisyong nagsasaad na hindi mandatory ang pangongolekta ng
publication fee, maipapasara ang halos lahat ng publikasyon kung nanaisin ng administrasyon ng mga
pamantasan.
Nakaligtaan ng CEGP ang mga aral ng DRM. Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang
demokratikong karapatan. Iginigiit ito at ipinaglalaban, hindi ikinukupot sa batas. Iwinasto ang
kamaliang ito sa 1996 National Council Meeting. Dito rin nabuo ang tatlong makatwirang panawagan
ng CEGP: (1) Buksan ang lahat ng nakasaradong pahayagan; (2) Magtatag ng mga publikasyon sa
mga pamantasan; at (3) Wakasan ang lahat ng porma ng panunupil sa kalayaan sa pamamahayag.
Bukod sa CJA of 1991,
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com
may isa pang malubhang pagkakamali ang CEGP noong 1991. mula sa patriotiko at demokratikong
oryentasyon ng Guild, binago ito sa pagiging Activist Campus Press. Ang ACP raw ay tinipong mga
konsepto at oryentasyon – responsible journalism, radical campus press, alternative campus press,
committed campus press.
Layunin daw ng ACP na hanapin ng pamamahayag pangkampus ang kanyang sarili bago ito
makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Ipinagkamali nitong maaaring makamtan ang tunay at
ganap na kalayaan sa konteksto ng bulok na sisteman panlipunan. Paglaon nakitang mali ang
mismong paghahanap ng bagong oryentasyon. Nasagot na ang mga batayang tanong hinggil sa
tamang ugnayan ng pamamahayag pangkampus sa lipunan noon pa lamang 1970.
Nang mailatag nang lubusan ang mga naging kahinaan, puspusan din naman ang naging
pagwawasto ng Guild. Nagpanibagong sigla ito sa lahat ng aspeto. Sa ilalim ng gobyerno ni Ramos,
aktibo ang CEGP sa paglahok sa mga isyu ng mamamayan. Tinugunan nito mula pagtaas ng matrikula
hanggang pagtaas ng presyo ng langis, hanggang dikta ng IMF-Work Bank sa patakarang pang-
ekonomiya ng Pilipinas. Samakatuwid, muli nitong isinabuhay ang patriyotiko at demokratikong
oryentasyon.
Ang pinakahuling matagumpay na kampayang sinuong ng Guild ay ang pagpapatalsik sa korap,
kontra-mamamayan at kaaway ng kalayaan sa pamamahayag na si Joseph Estrada. Isa ang CEGP sa
mga unang progresibong organisasyong nanawagan ng pagpapatalsik kay Estrada.
Sa tagal nang itinagal ng CEGP, itinuturing na itong institusyon ng marami. Nananatili itong isa
sa mga pinakamalawak at pinakamatatag na organisasyon ng kabataan sa bansa. Magpahanggang
ngayon, hindi pa rin ito natitinag dahil sa pagyakap nito sa patriyotiko at demokratikong interes ng
kabataan at mamamayan. Lagi’t lagi itong matatagpuan sa pakikibaka ng mamamayan sapagkat
paglilingkod ang nasa ubod ng nakaraan at kasalukuyan ng CEGP.

GAWAIN : Gumawa ng timeline na nagpapakita ng kasaysayan ng pamahayagang


Pangkampus gamit ang mga impormasyon mula sa LAS na ito. Maaaring gumamit
ng makukulay na papel, larawan at iba pa upang maging kaaya-aya ang timeline.
(DRAWING BOOK)

You might also like