Professional Documents
Culture Documents
Sa Modyul Na Ito, Inaasahang Maipamamalas Mo Ang Mga Sumusunod Na Kaalaman, Kakayahan, at Pag-Unawa
Sa Modyul Na Ito, Inaasahang Maipamamalas Mo Ang Mga Sumusunod Na Kaalaman, Kakayahan, at Pag-Unawa
Gawain 1
1. Sa unang bahagi ng gawaing ito ay mahalagang maibahagi mo muna kung ano ang
larawan ng isang matiwasay na lipunan para sa iyo. Isulat mo ang mga katangian ng isang
matiwasay na lipunan.
2. Ang iyong sagot sa tanong na ito ay maaari mong maipakita sa malikhaing pamamaraan.
Maaaring gumawa ng diorama o kaya naman ay gumuhit ng isang blueprint.
3. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon.
Gawain 2
Panuto: Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw
na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na
detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan,
ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit? Gagawin mo iyan sa gawaing ito:
RECIPE para sa MATIWASAY NA LIPUNAN…
Ang magiging nilalaman nito ay ang mga sumusunod:
• Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan
• Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo, at iba pa.
• Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal. Ilagay ang
katarungan sa isang malaking lalagyan at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong
mapagsama ay budburan ito ng bukas na komunikasyon)
Gawain
Tiyak kong napag-aralan mo na sa Araling Panlipunan ang iba’t ibang institusyong
panlipunan. Sa pagkakataong ito ay itutuon natin ang ating pansin sa mga sumusunod:
• Paaralan
• Simbahan
• Pamilya
• Mga negosyo
• Pamahalaan
Panuto:
1. Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng lipunan na
naitala.
2. Pagkatapos, magsagawa ng pagsasaliksik sa mga ito, maaaring sa silid-aklatan o sa
internet upang matukoy ang mga sumusunod:
a. Ano ang layunin ng bawat sektor?
b. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
c. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?
d. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo
sa pagkamit ng kanilang layunin? Mayroon ba itong nagiging impluwensiya sa mga
mamamayan at naiambag na tulong sa pag-unlad ng lipunan?
Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang tukuyin ang
lipunan. Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang ito
upang hindi maging sanhi ng kalituhan. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang
Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan
lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha. Mahalaga sa pagpapakatao
ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang
lipunan (Dy, M., 1994). Malaki ang magagawa ng lipunan sa paghubog ng iyong pagkatao. Mayroon itong
impluwensiya sa paraan ng iyong pag-iisip at pagkilos. Lahat ng iyong iniisip, nararamdaman, sinasabi at
ginagawa ay naiimpluwensiyahan ng lipunan na iyong kinabibilangan.
Bigyan naman natin ng linaw ang kahulugan ng kabutihang panlahat. Ano nga ba ang kabutihang
panlahat? Sa simpleng salita, masasabing ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na
nasa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa
pansariling kapakanan. Mahalagang maunawaan mong ang
tunguhin ng lipunan ay hindi ang kabutihan lamang ng indibidwal
o ang koleksiyon ng indibidwal na kabutihan ng mga taong
bumubuo nito. Kapag ganito ang paniniwalang mangingibabaw,
patuloy na mabibigyan ng laya ang mga malalakas na apihin ang
mga mahihina. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay
ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat
ng indibidwal na kasapi nito. Kaya sinasabing may kaugnayan Kabutihan ng LAHAT, hindi
ng NAKARARAMI.
ang tao bilang yunit ng lipunan at ang kabutihang panlahat ay
dahil sa ang kabutihang panlahat tinatanggap ng bawat
indibidwal na sumasalamin sa kabuuan. Ngunit tandaan mong mayroong pagkakaiba ang
kabutihan ng nakararami sa kabutihang panlahat. Ang pag-iral ng nakararami ay nananatiling
nag-iiwan ng ilang kasaping hindi makatatanggap ng kabutihan. Ang isakripisyo ang buhay ng
isang taong nahatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo upang subukan ang gamot na
maaaring makatulong sa mga taong may karamdamang hindi pa natutuklasan ang lunas ay
maaaring maging katanggap-tanggap kung paiiralin ang kabutihan ng nakararami. Ngunit
magiging katanggap-tanggap lamang ito bilang kabutihang panlahat kung kusang-loob na inialay
ng bilanggong ito ang kaniyang buhay para sa kagalingan ng lahat ng may sakit at sa mga taong
posible pang dapuan nito sa matagal na panahon.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang
lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagkasilang nariyan na ang pamilyang
umaaruga at gumagabay sa kaniyang paglaki. Nariyan din ang kaniyang kapwa, ang paaralan,
ang simbahan, ang batas na kaniyang sinusunod na may kani-kaniyang ambag sa paghubog ng
iba’t ibang aspekto ng kaniyang pagkatao. Ang tao rin ang bumubuo sa lipunan sapagkat
matatagpuan ang mga tao sa bawat bahagi nito. Kaya’t anuman ang ginagagawa ng tao para sa
kabutihang panlahat ang siyang ibinabalik ng lipunan sa tao. Kaya’t ang bawat mamamayan ay
may pananagutang mag-ambag para sa kabutihang panlahat. Lahat ay maaaring mag-ambag
para sa pagkamit at pagpapanatili ng kabutihang panlahat, sa iba-iba mang pamamaraan dahil
ito ay ayon sa kani-kaniyang kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan. Totoo ito sapagkat
hindi mo maibibigay ang anumang bagay na hindi mo taglay at hindi mo magagawa ang bagay
na wala sa iyong kapangyarihang gawin.
2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Ito
ay ang pagnanais ng taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang
walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong ganito na
magambala ang kaniyang personal na buhay – nagnanais na “mapag-isa”. Hindi niya
pinapakay ang pakinabang mula sa kabutihang hatid ng sakripisyo ng iba subalit ayaw rin
niyang magambala para sa kabutihan ng iba. Sa kulturang ito, mahirap makumbinse ang
taong isakripisyo ang kaniyang kaunting kalayaan, personal na hangarin at pansariling
interes para sa kapakanan ng “kabutihang panlahat” dahil para sa kaniya, hindi niya
kailangang mag-ambag sa kabutihang panlahat kundi ang manatiling malaya sa pagkamit
ng kaniyang personal na kabutihan. Halimbawa, may mga taong ayaw nang manood ng
balita at makialam sa mga nangyayari sa paligid dahil mas marami siyang suliranin sa
kaniyang personal
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa
nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas
malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba. Halimbawa, upang kayanin ng mga
mahihirap ang pagbili ng produkto, kailangang tanggapin ng negosyante ang mababang
tubo o kita mula sa mga produkto; o ang pangkalusugang seguridad ay maging abot kaya
ng lahat, ang health insurance ay may mababang premiums o ang doktor ay tumanggap
ng mababang sahod. Ang tingin ng ilan sa ganitong sitwasyon ay hindi makatarungan.
Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay
Joseph de Torre (1987) sa kaniyang aklat na Social Morals.
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay
ang diyalogo, pagmamahal at katarungan. Mahalagang palaging nasa isip ng lahat ang
tunay na kahulugan ng kalayaan dahil may panganib na isipin ng ilan na walang hanggan
ang kaniyang kalayaan. Mahalaga ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang
kanilang saloobin, damdamin at pananaw. Madalas na ang sanhi ng hindi
pagkakaunawaan ng mga tao ay dahil sa kakulangan ng kakayahang mag- usap. Kung
hindi mananaig ang pagmamahal at katarungan sa kaniya sa lahat ng pagkakataon, hindi
ganap na kakayanin ng sinuman na isantabi sa ilang pagkakataon ang kaniyang
pansariling kaligayahan at kapakanan para sa kabutihang panlahat. Ang dalawang
pagpapahalagang ito ang susi upang makamit ng lipunan ang kaniyang tunay na layunin
at tunguhin.
Sa matagal na panahon, maaaring masyadong nakatuon ang iyong pansin sa iyong sarili
lamang at sa pagtiyak na matutugunan ang iyong mga pangangailangan. Maaaring sinasabi
mong masyado ka pang bata para ituon mo ang iyong pansin sa mga bagay na ito at wala ka
pang kakayahan upang ganap na maunawaan at
yakapin ito. Mahalagang maunawaan mong hindi Hindi namimili ng edad o
antas sa buhay ang pagtiyak
namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na
na mananaig ang kabutihang
mananaig ang kabutihang panlahat. Ito ay nakabatay panlahat. Ito ay nakabatay sa
sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong kapwa, na iyong puso at pagmamalasakit
sa iyong kapwa.
batid mo na sa unang bahagi pa lamangng iyong pag-
aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, na imahe ng
Diyos.
Alam kong mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit lahat ng
bagay, gaano man ito kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi nga, “Kung gusto, may
paraan; kung ayaw, palaging may dahilan.”
Kung gusto mo ng matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon
sa hamon ng kabutihang panlahat?
Para sa illustrator:
ay mga pwersang
magpapatatag sa
sa
pamamagitan
ng…
Pagganap
Gawain 1
1. Makipag-ugnayan sa guro at kamag-aral upang makapagsagawa ng isang survey
tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan.
2. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan o
pang-edukasyon. Maaaring may iba pang makita sa proseso ng pagsasagawa nito.
3. Magsagawa ng pagtatanong sa mga naninirahan sa komunidad o pamayanan kung
ano ang kanilang nakikitang suliranin sa kanilang paligid.
4. Mahalagang isama ang mga namumuno sa komunidad o pamayanan sa
isasagawang survey.
5. Matapos maglaan ng panahon sa pangangalap ng datos ay gumawa ng
pangkalahatang ulat ukol sa naging resulta ng survey.
6. Pumili ng tatlo sa mga nakalap at iantas ang mga ito batay sa kahalagahan. Pumili
ng tatlong pangunahing suliranin.
7. Iulat sa klase ang kalalabasan ng survey gamit ang graph na mayroong maikling
pagsusuri at pagpapaliwanag.
Gawain
Marahil bilang isang mag-aaral, iniisip mong masyado pang maaga para masubok kung kaya
mo nang pairalin ang kabutihan sa iyong lipunang ginagalawan sa kasalukuyan. Ngunit mahalagang
maunawaan mong bawat tao sa lipunan, anuman ang kaniyang katayuan sa buhay at edad ay
mayroong pagkakataong magbahagi ng kaniyang magagawa upang matiyak na makakamit ang
kabutihang panlahat.
Panuto:
1. Mahalagang magamit ang mga konseptong natutuhan sa modyul na ito upang
maisakatuparan ang gawaing ito. Sa gawaing ito ay magsagawa ka ng pagsusuri
sa mga pagkakataon sa iyong buhay bilang isang mag-aaral at kabataan kung saan
(1) napangibabaw mo ang kabutihang panlahat at (2) mas napangibabaw mo ang
kabutihan ng iyong sarili o ng iilan kaysa sa kabutihang panlahat.
2. Ilista ang mga ito gamit ang pormat sa ibaba.
O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo, magpunta
ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga gawain sa
modyul na ito. Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.