Filipino 2 Q3 Week 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Filipino 2 Q3- W3

ARALIN Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng


3 mga Pangyayari

Inaasahan
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari sa binasang talata at teksto (F2PB-Ih-6
F2PB-IIIg-6)

Unang Pagsubok

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Hanapin sa


kanan ang angkop na bunga sa mga sanhing nakatala
sa kaliwa. Isulat ang letra ng tamang sagot.

A B
___1. Maagang matulog si A. kaya naman madali
Sarah niyang naunawaan ang
sinasabi ng guro
___2. Nakikinig siyang mabuti B. tuloy siya ay malakas at
sa kaniyang guro malusog
___3. Kumakain si CJ ng C. bunga nito ay masigla siya
masusustansiyang pagkain sa umaga
___4. Itinatala niya ang D. kaya mataas ang
mahahalagang impormasyon nakukuha niya sa pagsusulit
sa kaniyang notbuk
___5. Nag-iipon siya ng pera E. bunga nito ay nakabili siya
ng bike

Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS Grade 2
FILIPINO
_________________________________________________________________________________

Balik-tanaw
Palitan ng panghalip panao ang mga salitang may
salungguhit. (Ako, ikaw, siya, niya, kayo, sila, kami)
_______1. Si Mang Berto ay pumunta sa Maynila kahapon.
_______2. Ako at si Lita ay dadalo sa kaarawan ni Ben.
_______3. Sina Nida, Alma, at Jhen ay mamamasyal.
_______4. Kinain ni Carl ang masarap na pansit.
_______5. Sumakay si Bong ng sasakyan.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

May napansin ka bang pagbabago sa ating kalikasan?


Ano-ano ang pagbabagong ito? Nakabubuti ba o
nakasasama ang mga ito? Magbabasa ka ngayon ng
isang teksto, ngunit bago ka magbasa alamin mo muna
ang kahulugan ng mga mahihirap na salitang mababasa
mo sa teksto.
Talasalitaan:
1. deforestation – pagpuputol o pagususunog ng mga
puno
2. exhaust gases – mga lumalabas na usok mula sa
mga sasakyan at pabrika
3. global warming – pagtaas ng temperatura ng
himpapawid at ng karagatan sa
ating mundo
4. oxygen – hangin na kailangan ng ating katawan at
iba pang nabubuhay sa mundo
5. ozone layer - nagsisilbing payong ng ating planeta
laban sa matinding sinag ng araw

2
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS Grade 2
FILIPINO
_________________________________________________________________________________

Ngayon handa ka nang basahin ang teskto tungkol sa


ating kalikasan.
Ang Kalikasan

Ang kalikasan ay isa sa mga biyayang handog na


dapat nating ingatan, alagaan at pagyamanin tungo sa
ating kaunlaran. Dito natin nakukuha ang ating mga
pangunahing pangangailangan. Mula sa pagkain,
tirahan at mga kagamitan.

Ngunit napansin nyo ba ang unti-unting


pagbabago ng ating kalikasan ngayon? Unti-unti nang
nasisira ang ating kalikasan dahil sa kapabayaan ng mga
tao. Isa na rito ang deforestation na siyang pangunahing
sanhi ng pagkawasak ng ating kagubatan. Ito ay ang
pagputol, at pagsunog ng mga puno upang magpatayo
ng gusali at iba pa.

Isa rin ang mga exhaust gases na mula sa mga


pabrika at mga sasakyan na nakakasira sa ating ozone
layer. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng global
warming. Ang pagkalat ng basura ay isa sa mga dahilan
kung bakit tayo ay nakararanas ng pagbaha. Ang
pagtapon ng basura sa ilog o dagat ay nakakaapekto sa
mga iba’t ibang organismo na dito nakatira.

Dahil sa mga ginagawa natin sa ating kalikasan


hindi natin alam na tayo rin pala ang maaapektuhan.
Nagkakaroon ng matinding pagbaha at mga landslide.
Unti-unti nang natutunaw ang mga yelo sa pole area

3
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS Grade 2
FILIPINO
_________________________________________________________________________________
dahil sa global warming. Nagkakaroon ng polusyon na
nakasisira sa ating kalusugan.

Ngunit may ilang paraan upang


mapangalagaan ang ating kalikasan. Isa na rito ang 3R’s
ang Reuse, Reduce, at Recycle. Ito ang pinakamainam
gawin upang maging maayos at maging malinis ang
ating kapaligiran. Ang pagtatanim ng mga puno ay
nakatutulong din. Hindi lamang sa oxygen na dulot nito
kundi humihigop din ito ng baha. Ang tamang
pagtatapon ng basura ay nakatu’tulong din upang
mapanatiling malinis ang ating paligid. Mahalaga na
tayo ay magkaroon ng malasakit at kamalayan sa ating
paligid.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang biyayang handog na dapat nating ingatan at
alagaan?______________________________________________

2. Sa iyong palagay, sino ang dapat sisihin sa pagkasira ng ating


kalikasan?________________________________________

3. Paano natin mapapangalagaan ang ating kalikasan?

4. Bilang mag-aaral, ano-ano ang magagawa mo para sa ating


kalikasan?______________________________________

5. Ano ang aral na natutuhan mo mula sa binasang talata?


_________________________________________________

4
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS Grade 2
FILIPINO
_________________________________________________________________________________
May mga pangyayari sa teksto na may ugnayan.
- Ano ang dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating
kalikasan? Kapabayaan ng mga tao.
- Ano ang epekto ng deforestation? Pagkawasak ng
kagubatan.

May mga pangyayaring maiuugnay sa isa pang


pangyayari at maaaring ito ang sanhi o bunga.

Pag-aralan mo ang dayagram ng ugnayang sanhi


at bunga sa mga pangyayari sa taas.
Sanhi Bunga
dahil sa Bunga nito ay unti-
kapabayaan unti ng nasisira ang
ng mga tao ating kalikasan
Tuloy nawawasak
Dahil sa
ang ating
deforestation
kagubatan

Maaring ikaw naman ang magbibigay ng mga


pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga.

1. Sanhi: dahil sa mga exhaust gases na mula sa mga


pabrika at mga sasakyan
Bunga:
__________________________________________________
2. Bunga: kaya naman tayo ay nakararanas ng pagbaha
Sanhi:
__________________________________________________
➢ Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan
ng isang pangyayari. Maaaring gumamit ng

5
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS Grade 2
FILIPINO
_________________________________________________________________________________
mga pang-ugnay tulad ng: dahil sa , sapagkat,
palibhasa, mangyari
➢ Ang bunga ay ang epekto o resulta ng
pangyayari. Gumamit ng mga pang-ugnay na
kaya, kaya naman, tuloy, bunga nito.
❖ Sa malayang likha ng pagtatahi ng kuwento,
hindi kailangang laging nauuna ang sanhi sa
bunga sa paglalahad ng kuwento o teksto,
maaaring mauna ang bunga sa pagsasalaysay.
At maaari ring ipahayag ang sanhi at bunga
nang magkahiwalay.

Gawain

I. Panuto: Ibigay ang ang sanhi o bunga ng mga


sumusunod na pangyayari.
Sanhi Bunga
1. Masipag mag-aral si Mark _________________________

2. ______________________ kaya sumakit ang kaniyang


tiyan.

3. 3. Maagang gumigising si Eli _________________________

4. Naligo sa ulan si Jonas _________________________

5. _______________________kaya lumusog ang kaniyang


katawan.

6
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS Grade 2
FILIPINO
_________________________________________________________________________________
II. Panuto: Salungguhitan ng krayolang asul ang sanhi
at bilugan naman ng krayolang pula ang bunga
sa bawat pangungusap.

1. Mahal na mahal si May ng kaniyang Nanay, dahil


napakabait at maalalahanin siyang bata.
2. Uhaw na uhaw si Gino, kung kaya uminom siya ng
maraming tubig.
3. Nawalan ng preno ang dyip, kaya bumangga ito sa
poste.
4. Hindi naplantsa ni Yesa ang kaniyang uniporme, dahil
nawalan sila ng kuryente.
5. Dahil mainit ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga
damit sa sampayan.

Tandaan
Narito ang mga dapat mong tandaan:

• Ang sanhi ay tinatawag ding dahilan kung saan


pinag-uugnay ng pangatnig ang mga lipon ng
salita upang magbigay katwiran at magsabi ng
kadahilanan.
• Ang bunga ay tinatawag ding resulta na
nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang


mga tanong. Ibigay ang sanhi at bunga.

Isang araw si Jose ay sinabihan ng kaniyang ina na


magdala ng payong sapagkat nagbabadya ang ulan dahil
7
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS Grade 2
FILIPINO
_________________________________________________________________________________
sa makulimlim na kalangitan. Ngunit dahil sa pagmamadali ni
Jose ay hindi niya na inintindi ang bilin ng kaniyang ina, at
dali daling nagtungo palabas. Habang naglalakad si Jose,
mga ilang metro na ang nilakad mula sa kanilang bahay, ay
biglang bumuhos ang malakas na ulan at sa kasamaang
palad ay nabasa siya kaya naman dali-dali itong tumakbo
palayo at sumilong. Sa huli, matapos ang araw umuwi si Jose
na nilalagnat dahil siya ay nabasa ng ulan.

Basahin ang kalagayan. Ibigay ang sanhi at bunga ng mga


pangyayari.

Sanhi Bunga
1. Nagmamadali si Jose ___________________________
2. ______________________ kaya nilagnat si Jose
3. Walang dalang payong si Jose _____________________
4. ______________________ nagbabadya ang ulan

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Hanapin at pagtapat-tapatin gamit ang linya ayon
sa sanhi at bunga nito.
1. Napakainit ng panahon A. siya ay pinayagang
ngayong tanghali. makapaglaro
2. Tinapos ngmaaga ni B. kaya aming binukasan
Roni ang kaniyang ang aircon
takdang-aralin.
3. Napakalakas ng bagyo. C. ay maaaring pagmulan
ng sakit na COVID-19
4. Ang di pagsusuot ng D. kaya naman siya ay
mask at face shield. dinala sa dentista
5. May sirang ngipin si E. nasira ang mga
Nene. pananim at kabahayan

8
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.

You might also like