Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

7

Learning Activity Sheet


sa FILIPINO 7

Kuwarter 4- Week 1- MELC 1 at 3


ANG KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN NG IBONG
ADARNA

DIVISION OF NEGROS
OCCIDENTAL
FILIPINO 7
Learning Activity Sheet (LAS) Week 1 MELC 1 & 3
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi)
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa
Dibisyon ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang
pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 7

Mga Manunulat: Rowena T. Villanueva


Mariza P. Barba
Cesar B. Cortez
Melrose L. Estrella
Ma. Ronette M. Moleño

Tagasuri: Analita T. Batisla-on

Division of NEGROS OCCIDENTAL Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI


Schools Division Superintendent

Juliet P. Alavaren, Ph.D.


Education Program Supervisor I, Filipino
MABUHAY!
Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang
pagtutulungan ng mga guro sa Filipino ng Baitang 7 ng Negros Occidental High School. Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang masagot
ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit
na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing
iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s
progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy
ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na
mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 4, Linggo 1

Learning Activity Sheet 1


Pangalan ng Mag-aaral: ____________________ Grado at Pangkat:________Petsa: ________

FILIPINO 7
Ang Pangkaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” F7PT-IVa-b-18
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
F7PSIVa-b-18

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Sa pagbabasa ng akdang pampanitikan kailangan mong alamin ang kasaysayan sa


likod ng pagkakalikha ng isang akda. Mas nauunawaan natin kung paano at bakit nalikha ang
isang akda. Gaya ng obrang “Ibong Adarna” na lumaganap noong panahon ng Kastila na isang
yaman ng panitikang Pilipino na dapat nating basahin at pag-aralan.

Ang Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at
Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at
nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling
lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng
Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz ngunit wala pa ring katibayan. Si Huseng Sisiw, ayon kay
Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.
Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang
nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas doon
sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang ibon upang mapagaling si
Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na hindi kayang gamutin ng
karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling
lamang umano sa sakit ng hari. Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng
korona't setro ng hari. Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa
pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit hindi sapat iyon sa haharapin
nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos
bato sila nang mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito. Ngunit naiiba si Don
Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang
matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan,
upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Ngunit
nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng
bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon.
Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang
pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang
kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang
sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring
Salermo.
Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya
sa kahariang nakamit niya.
Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa
pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga
kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook. Ang anyo ng tulang
korido ay isang anyo ng tulang Espanyol na gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang
may isahang tugma. Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng korido
ang buhay o pakikipagsapalaran nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at
ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma. Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na
pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari. Mula sa
banyagang padron ang korido, ngunit pagsapit sa Filipinas ay kinasangkapan ng mga katutubong
Pilipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran. Ang paggamit ng terminong "korido" sa
Filipinas ay waring pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang dalít na ang sukat ay
wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S. Almario, na nag-aral nang malalim hinggil sa
katutubong uri ng tulang Tagalog. Ang salitang korido ay galing sa salitang Mehikanong “corridor”
na nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari”, ang Mehikanong salitang “corridor” ay mula
naman sa Kastilang “occurido”. Ito’y isang anyo ng tulang romansa na naglalarawan ng
pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at pantasya, nagpapamalas ng kagitingan,
kabayanihan at pagkamaginoo. Kinilalang isang mataas na uri ng libangan ang korido nang ito’y
lumaganap sa Europa. Sinasabing ang korido ay batay sa mga alamat at kuwentong bayan sa
Europa gaya ng Espanya, Gresya, Italya, Germany, Denmark, Pransiya, Austria at maging sa
Tsina at Malay o Polenesia. Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056
saknong, at umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na hindi lamang mula sa
Europa, bagkus maging sa Gitnang Silangan. Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may
bahid ng Kristiyanismo ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya ng sa
Budismo at Islam, ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo. Ang dalumat ng Ibong
Adarna ay hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Pilipinas. Maraming ibon sa Pilipinas, at gaya
sa epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may kapangyarihang
manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag
ito nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon. Sa pananakop ng
mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mexico at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas.
Nakarating ang korido sa Pilipinas nang dalhin ito ng mga Kastila mula sa Europa na ang layunin
ay mapalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa bansa. Mula sa banyagang padron ang korido
ngunit pagdating sa Pilipinas ay sinangkapan ito ng mga katutubong kaugalian upang maitanghal
ang natatangi at naiibang kaligiran nito. Kinagawiang basahin ng mga katutubo ang korido dala na
rin ng kawalan ng ibang anyo ng panitikang mababasa noong panahong iyon sanhi na rin ng
kahigpitan ng mga paring Kastila sa pagpapahintulot ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng akdang
maaaring basahin ng mga tao. Ang buhay ng mga maharlikang angkan at kaharian na taliwas sa
pamumuhay sa ating bansa kaya tinangkilik ng mga katutubo ang panitikang ito. Ang kahigpitan
ng mga prayle sa pagpapalaganap ng babasahin ay nararapat lamang nagtataglay ng magandang
pagtingin at panrelihiyong katangian upang pahintulutan maipalimbag. Kung titingnan, ang Ibong
Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong
umakda nito. Ipingpalagay nang isalin sa wikang Tagalog ang Ibong Adarna, ipinagpapalagay na
ang pangalan ng orihinal ay nangmula sa ibang bansa sa Europa at hindi na naisama ang
pangalan ng may-akda; ginamit ang pangalan ng tagapagsalin ngunit hindi isinama sa
pagpapalathala; ang kauna-unang salin nito ay nasa anyong sulat-kamay at nang maglaon ay
hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang pangalan nang nauna sa kanila; at dahil
hindi tiyak kung sino ang tunay na may-akda nito, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin
na huwag nang isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag. Nagsimulang maging popular
ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang
ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng
pista. Ngunit marami noon ang di marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang
napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng
komedya o moro-moro. Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-
aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949. Hinalaw ang
Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano
pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa
teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o
paniniwala ng editor at publikasyon. Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang
akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng
Kagawaran ng Edukasyon. Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang
bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad
din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa. Bagama’t ang Ibong Adarna
ay itinuturing na hindi katutubo, nagtataglay naman ito ng mga halagang pangkatauhan at
kaugaliang taglay rin ng mga Pilipino gaya ng pananampalataya sa Panginoon, pagmamahalan sa
pamilya, pagpapahalaga sa edukasyon, pagpapatawad sa kapwa, pagtulong sa nangangailangan,
pagdiriwang, pagtanaw ng utang na loob at marami pang iba. Kaya naman hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy na pinag- aaralan ito bilang bahagi ng kurikulum sa unang taon upang
mapalaganap hanggang sa susunod pang henerasyon ang kalinangan ng Kulturang Pilipino na
taglay ng koridong Ibong Adarna.

PAGHAHAMBING NG AWIT AT KORIDO

Ang AWIT at KORIDO ay dala ng mga Kastila buhat sa Europa. Ayon sa isang kritiko, ang
kasaysayan ng “Ibong Adarna” ay maaaring hango sa mga kuwentong bayan ng iba’t ibang bansa
tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia. Mayroon ang “Ibong
Adarnang” motif at cycle na matatagpuan sa mga kwentong bayan: may sakit ang inang reyna o
amang hari.
Kailangan nang isang mahiwagang bagay upang gumaling tulad ng ibong umaawit, tubig ng
buhay, at halaman. May pagkakahawig ang “Ibong Adarna” sa kasaysayan. Ilan dito ay:
1. Mula ito sa Kwentong “Scala Celi”. Kinalap ng isang paring Dominiko, na sinasabing katha
noong pang 1300. -May isang haring may sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay upang
gumaling. Naglakbay-dagat ang kanyang tatlong anak ngunit ang bunso na mabait at magalang
ang nakakuha ng lunas sa loob ng isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang matanda. Iba
pang kahawig na kuwento. . .
2. Mula sa Denmark(1696). -Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang lunas ay ang
ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli, napangasawa ng bunsong prinsipe ang
reynang ito.
3. Mula sa Malayo-Polinesia,sinulat ni Renward Branstetter. -May mga bahagi ito na kahawig
ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa “Halaman ng buhay” na pinaghahanap ng marami. Ang
pangunahing tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang siraan siya sa
amang maysakit.
4. Mula sa Hessen, Alemanya (1812) - "The Golden Bird" ay isang Brothers Grimm fairy tale,
bilang 57, nailathala noong 1812 tungkol sa paghahanap ng isang ginintuang ibon ng tatlong anak
ng hari dahil sa pagnanakaw nito ng gintong mansanan sa kanilang bakuran at itinalaga ang mga
anak na hulihin ang ginintuang ibon. Nakausap nila ang isang lobo at pinayuhan sila kung paano
nila mahuhuli ang ibon ngunit binaliwala ng dalang prinsipe at ang bunso lamang ang nakinig at
gumawa ng payo ng lobo. Nang mahuli ang ibon ay ikinulong to sa hawlang yari sa kahoy.
5. Mula sa Paderborn, Alemanya – isang ibong ginto ang lagging nagnanakaw ng isang
bungang ginnto sa punong mansanas ng hari. Isa=isang nagbantay ang tatlong anak ng hari
ngunit ang bunso lamang ang nakakita sa ibon at nakahuli nito. Sa kasamaang palad, ang
prinsipe ay nahuli ng haring may-ari ng ibon, na nangakong ibibigay rito ang ibong ginto kung
mahuhui ng prinsipe ang kabayong ginnto. Sa tulong ng isang zorra, nalampasan ng prinsipe ang
mga pagsubok at naiuwi niya ang ibong ginto at nailigtas pa ang mga kapatid.
6. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati” (1808) – May
isang hari na may punong peras. Lagging nawawalan ang bunga nito kaya’t pinabantayan ng hari
ang puno sa kanyang tatlong anak na lalaki. Nakatulog ang dalawang nakatatanda at ang ikatlo
ang nakakita sa isang kalapating puti na nagnanakaw ng bunga. Sa tulong ng isang matanda,
nasundan niya ang ibon at nakita itong ballot ng sapot ng gagamba. Nnag pakawalan ito ng
prinsipe ay nagbago ang anyo ng kalapati at nagging isang prinsesa, na napangasawa ng
prinsipe.
7. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi” – may isang kuwenyong pinamagatang “Tatlong Prinsipe
sa China.” Nagkasakit ang ina at ang lunas ay ang tubig ng buhay. Ang bunsong anak ang
nakakuha nito matapos ang maramig pakikipagsapalaran, at sa huli, ang bunso ang naging isang
sultan.
8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch Ang mga kuwentong-bayan na ito ay
may pagkakahawig ngunit may pagkakaiba dahil sa kulturang pinagmulan ng bansa. May
dalawang anak ang hari. Nabulag at nabingi ang hari at ang tanging lunas ay isang ibon na
ipinahanap sa dalawang anak. Nagtungo sa isang masayang lugar ang nakatatanda, samantala
ang nakababata ay nakarating sa isang lugar na kinatagpuan niya ng isang patay na walang
maglibing. Inilibing niya ang bangkay at ang kaluluwa nito ay nag-anyong uwak na tumulong sa
kanya sa paghahanap sa ibon. Nahuli niya ang ibon at napangasawa ang isang babaeng may
pakpak. Ngunit nang magkita ang magkapatid, inihulog nito ang nakababatang kapatid sa balon at
iniuwi ang ibon at ang babae. Samantala, ang nakababatang prinsipe ay muling tinulungan ng
uwak at inihaon siya sa balon. Nakauwi ang prinsipe at pinarusahan ang nakatatandang kapatid.
Umawit ang ibon at muling nakakita at nakarinig ang hari. Ngunit bahagi nito ay nakalimutan ng
prinsipe ang uwak gaya ng paglimot ni Don Juan kay Maria.

TULANG ROMANSA – ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan. -


Ang mga tauhan ay pawang napapabilang sa kaharian tulad ng prinsipe, prinsesa,hari, reyna at
ilang dugong bughaw. -Naging palasak sa Europa, at maaring nakarating sa Pilipinas mula sa
Mexico noon pang 1610. -Ang palasak na halimbawa ng tulang romansa ay ang Koridong Ibong
Adarna at Awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar. Ang Tulang Romansa sa Europa at sa
Pilipinas sa Europa Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa (metrical romance). Ito ay
kathang-isip na tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran o abentura ng mga bayani na
karaniwang dugong bughaw tulad ng prinsipe at prinsesa. Naiiba ito sa epiko na tungkol din sa
kabayanihan at abentura ng pangunahing tauhan. Ang salaysay sa tulang romansa ay may halong
kulay at damdamin ng romansa. Bago pa dumating ang Edad Media (Middle Age), naging paborito
na ng madla sa kontinente ng Europa ang mga salaysay ng abentura at kabayanihan. Lalo pa
nang ihawig ito sa kasaysayan o sa malalaking pangyayari noon. Sa mga panahong iyon,
malawak na ang interes ng kababaihan sa panitikan at likas na ang pagkagusto nilang makabasa
ng mga akda tungkol sa pag-ibig. Ang tulang romansa na dati’y nasa wikang Pranses lamang o sa
ibang diyalekto ng Latin ay nakarating din sa Inglatera. Balada (ballad) ang ugat ng tulang
romansa. Ang balada ay isang maikling tulang pasalaysay na karaniwang nakaugnay sa alamat o
kwentong-bayan. Kasabay ng pag-usbong ng pananalig sa Kristiyanismo sa buong Europa, lalo
na ng debosyon kay Birheng Maria, sumikat ang tulang romansa. Sa tulang ito, ang debosyon ay
patungkol naman sa isang babae, dugong bughaw, maaaring asawa ng hari o panginoon.
Idinaraan ito sa isang ritwal sa korte ng kaharian, tulad ng ginawa ng mga Trubador sa Provence,
isang lalawigan sa Pransya. Bumibigkas ng mga tulang liriko ang isang kabalyero (knight).
Sinasabi sa tula na walang pasubali ang pagsunod ng kabalyero sa ipinag-uutos ng kanyang
reyna o dama bilang patunay ng kanyang katapatan dito. Mula roon, kumalat na ang ganitong
pagbigkas hanggang sa makarating din sa Inglatera. Dahil ang orihinal ng mga tulang lirikong ito
ay nasa wikang Pranses, nagkaroon ito ng bersyon sa mga wikang Ingles, Espanyol, at iba pang
wika ng karaniwang mamamayan. Sumikat naman ang tulang romansa sa Espanya sa panahon
ng mga haring Katoliko. Naluklok sa trono sina Haring Fernando at Reyna Isabel ng Espanya
noong 1479 hanggang sa paghalili ng anak nilang si Haring Carlos noong 1519. Ito ang panahong
naitaboy na ng mag-asawa sa probinsya ng Granada ang mga Moro. Noon ay hindi na tanyag ang
mga anyo ng tulang villancicos, juglares, at cantares de gesta. Ang panitikan ay hindi na lamang
pandugong bughaw kundi pangmadla na rin. Ang tulang romansa ay lumaganap sa karaniwang
mamamayan. Sa Pilipinas Naging dalawa ang anyo ng tulang romansa nang maging popular ito
sa Pilipinas— ang awit at ang korido. Hanggang ngayon ay wala pang pag-aaral na nakasisiguro
kung kailan at paano ito nakarating sa kapuluan, gayundin kung paano ito nagkaroon ng
pagkakaiba. May nagsasabing galing ito sa Mehiko na gumamit ng salitang korido na balbal ng
ocurrido (nangyari) na salitang Espanyol. Sa totoo, may dumarating noon sa Pilipinas na buletin o
opisyal na pabalita ng pamahalaan ng Mehiko, ang corridos.
Ngunit sa tradisyon ng panitikang Pilipino, lahat ng mahahabang tulang pasalaysay ay
itinatanghal o binibigkas nang pakanta. Dahil ang ugat naman ng tulang romansa ay balada na
nilikha para kantahin, nawala na ang pagkakaiba ng dalawang anyo ng tulang romansa. Ang awit
ay itinuturing na korido at ang korido ay tinatawag na awit. Totoo ito sa mga awit at korido ng
Pangasinan, Ilocos, at Iloilo. Sa Katagalugan lamang pinag-iiba ang awit at ang korido.
Nagkakatulad ang awit at ang korido sa dalawang bagay. Parehong pakanta ang bigkas o basa ng
mga ito; parehong aapating linya (quatrain) ang berso sa bawat saknong. Gayunman, ang mga
historyador ng panitikan ng Pilipinas ay gumawa ng mga batayan ng pagkakaiba ng dalawang
anyong ito ng tulang romansa.
Ang Pagkakaiba ng Awit at ng Korido

Narito ang katangian ng isang korido:


1. Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig
2. Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na pagsasalaysay
3. Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung
minsan
4. May malalim na damdaming relihiyoso

Ang awit naman ay may ganitong katangian:


1. Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig
2. Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin
3. Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa kasaysayan
4. Higit na buhay at masigla ang damdamin nito

Mga Halimbawa ng Tulang Romansa sa Pilipinas

Katulad ng nabanggit, maliban sa mga Tagalog ay magkakatulad ang mga paksa, estilo, at
kilos ng awit at korido sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ngunit sa pangkalahatan, mapapangkat
sa tatlo ang saklaw ng mga paksa ng tulang romansa:
1. Mga salaysay tungkol kay Carlo Magno (Charlemagne) at mga tauhan nito
2. Mga salaysay hinggil sa Tabla Redonda (Round Table) ni Haring Arthur
3. Mga salaysay tungkol sa pagbagsak ng Troy mula sa kasaysayan ng Gresya at ng Roma
Bukod pa rito, maraming awit at korido ang hinango naman sa mga alamat, kwentong-bayan,
buhay ng mga santo, at salaysay mula sa Bibliya. Ayon kay Dr. Damiana Eugenio, isang iskolar
ng folklore, ang halimbawa ng awit ay ang Doce Pares, Rodrigo de Villa, at Tanyag na
Kasaysayan ni Bernardo Carpio (ni Jose de la Cruz o Huseng Sisiw); Florante at Laura (ni
Francisco Balagtas); Dama Ines at Prinsipe Florinio (ni Ananias Zorilla); Tablante de Ricamonte
(panahon ni Haring Arthur); at Prinsipe Paris (panahon ng Troy). Idinagdag pa ni Eugenio ang
Prinsesa Florentina bilang halimbawa ng korido bukod sa Ibong Adarna.

Ang Ibong Adarna sa Iba’t Ibang Bahagi ng Mundo

Walang bansang matutukoy na pinagmulan ng tulang romansang ito. Sinasabi lamang na may
mga pagkakahawig ang mga tauhan at pangyayari sa mga salaysay nito. Lumitaw ang anyong ito
ng panitikan sa mga bansa ng Europa, Gitnang Silangan, at maging sa Asya. Ang pagkakatulad
naman nito sa mga pinagmulang bansa ay ang mga sumusunod:
1. Pare-parehong may sakit ang hari at kailangan nito ng lunas o gamot (Denmark at Alemanya)
2. Ang lunas ay maaaring tubig, halaman ng buhay, o awit ng isang ibon (Alemanya at Gitnang
Silangan
3. Karaniwang ang naghahanap ng lunas ay magkakapatid na prinsipe at ang bunso ang laging
sinuswerte (Alemanya at Indonesia)
4. Laging nakapag-aasawa ng prinsesa ang nagtatagumpay sa paghanap ng lunas (Denmark at
Alemanya)
PAGHAHAMBING SA AWIT AT KORIDO

AWIT (sadyang para awitin) Korido (sadyang para basahin)


SUKAT Tig-12 pantig ang bawat taludto Tig-8 pantig ang bawat taludtod HIMIG Mabagal,
banayad, o andante Mabilis o allegro
PAGKAMAKATOTOHANAN Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring maganap
sa tunay na buhay. Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring sa tunay na buhay. 

III. MGA SANGGUNIAN


https://www.slideshare.net/allanortiz/kaligirang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna-2

IV. MGA GAWAIN


GAWAIN 1
PANUTO: Sagutin ang sumusunond na tanong. Isulat ang sagot sa SAGUTANG
PAPEL.
1. Ano ang Korido?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Isa-isahin ang katangian ng korido.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

GAWAIN 2
PANUTO: Ibahagi ang iyong sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng
Ibong Adarna.

Tanong: Batay sa iyong sariling pananaw o ideya, bakit mahalagang pag-aralan ang Ibong
Adarna?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

V. PANGWAKAS/REPLEKSIYON
Natutuhan ko na ang pag-aaral ng Ibong Adarna ay:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
VI. SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1
 Binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang taludtod at apat na taludtod sa isang
saknong
 Ang himig ay mabilis na tinatawag na allegro.
 Tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan
 Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang
magsagawa ng mga kababalaghang hindi magagawa ng karaniwang tao

GAWAIN 2
Guro ang magwawasto dahil iba-iba ang sagot ng bawat mag-
aaral

You might also like