Professional Documents
Culture Documents
TULA
TULA
TULA
Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo
at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na salita.
Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. Karaniwan
itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig. Ang kalipunan ng mga taludtod ay
tinatawag na taludturan o saknong.
Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa. Ang
kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw
sa damdamin ng mga bumabasa.
3. Persona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at ang makata
ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata. Maaari rin na isang bata,
matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.
4. Saknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit
pang taludtod.
5. Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-
dalawahan, at labing-animan na pantig.
6. Talinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin
ang damdamin ng mga mambabasa.
7. Tono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
8. Tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing
may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula
ng angkin nitong himig o indayog.
1. Tulang Liriko
Ang tulang liriko o pandamdamin ay uri ng tula kung saan itinatampok ng isang makata ng kanyang
sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Puno ito ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng
kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan, kabiguan at iba pa. Sa kabila ng pagiging maikli, ito ay sapat
upang maipahayag ang damdamin ng manunulat. Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Florante at
Laura na isinulat ni Francisco Baltazar.
2. Tulang pandulaan
Ang tulang pandulaan ay karaniwang itinatanghal sa mga entablado at ang mga linyang binibigkas
ng bawat karakter ay patula. Ito ay naglalarawan ng mga tagpong lubhang madula na maaring
makatulad, makaparehas, o maiba sa nagaganap sa pang araw-araw na buhay.
3. Tulang pasalaysay
Ang tulang patnigan ay kilalang tulang sagutan sapagkat ito ay itinatanghal ng mga
nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa paraang patula na tagisan ng
talino at katuwiran ng mga makata. Karaniwan itong tinatawag na balagtasan kapag itinatanghal sa
entablado.
Mga Halimbawa ng Tula