Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Isang Proyekto na kinakailangan para sa kursong:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Isang pagsusuri sa Maikling Kwentong Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Candelabra ni
Lualhati Bautista

I. Introduksyon
Ang maikling kwento ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lang.
Isa itong masining na anyo ng panitikan. Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa
pamamagitan ng mga pangungusap at talatang binubuo ng may akda upang sa kanyang
kapangyarihan at kakayanan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang
langyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng
mga mambabasa. Ito ay likha ng bungang isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na
nangyari o maaaring mangyari.

Mayroon din itong mga layunin at ito ang mga sumusunod;

1. Manlibang sa mga mambabasa.

2. Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa.

3. Nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa.

Ang maikling kwento ay maikli at masining. Isang upuan at sandaling panahon lang ang
ginugugol, agad itong matutunhayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.

¤ Deogracia A. Rosario- Ama ng maikling kwento sa Pilipinas.

Ang maikling kwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga
kastila sa ating kapuluan. Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi o mga kwentong bayan.
Tinetema sa kalikasan at diyos-diyosan at mga pangyayari sa buhay ng tao.

Ang mga kwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga kastila
sa ating kapuluan. Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi o mga kwentong bayan. Tinetema sa
kalikasan at diyos-diyosan at mga pangyayari sa buhay ng tao. Tinawag lamang itong "maikling
kwento" o "maikling katha" nang dumating ang mga Amerikano,na napag-alab dahil sa pag-
usbong at paglaganap ng teknolohiya ng imprenta.

Ang mga maikling kwento noong panahon bago pa man dumating ang mga Hapon ay
karaniwang:

1. Gumagamit ng Unang Panauhan o first person;

2. Tumatalakay sa buhay-lungsod;

3. May katimpian sa pagpapahayag ng damdamin at paglalarawan;

4. May kalabuan ng pangyayari dahil may pagtatangkang hindi maging lantad;

5. May paghahangad na pagandahin ang anyo;

6. Malinis at tumpak ang pananaalog; at

7. Nabibilang sa iba't ibang uri tulad ng pangkatutubong kulay (story of local color),
makabanghay (story of plot), makakaisipan (story of ideas), makakapaligiran (story of
atmosphere), at makatauhan (story of character).

Hanggang sa kasalukuyan ay nalakaraming maikling kwento ang nagwawagi at patuloy na


nagwawagi sa pagsulat nito. Marami na rin ang natambad sa isipan ng mga mambabasang
Pilipino.

Ang maikling kwento ay may apat na mahahalagang sangkap- ang tauhan, banghay,
tagpuan, at tema.

1. Tauhan- tumutukoy ito sa mga taong gumaganap ng mahahalagang papel sa kwento. Ang
pinakamahalagang papel ay ibinibigay sa mga pangunahing tauhan.

2. Banghay- tumutukoy ito sa mga pangyayaring naganap sa kwento.

3. Tagpuan- Nagsasabi kung saan at kailan naganap ang kwento.

4. Tema- ito ang diwa ng kwento.

Ang maikling kwento ay tulad din ng ibat' ibang genre ng Panitikan ay mayroon ding mga uri at
ito ang mga sumusunod:

1. Kwento ng Tauhan

2. Kwento ng Katutubo

3. Kwento ng Kababalaghan
4. Kwentong Bayan

5. Kwento ng Katatakutan

6. Kwento ng Katatawanan

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang


mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang
akdang-pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya
sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging
journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos
ang kanyang unang taon.

Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na
nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984.
Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling
kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan,
Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang
script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro
Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.

Paliwanag sa Genreng Pampanitikan


"Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na
salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Ito ay ayon sa kinikilala ng mga
dalubhasa na ama ng makabagong maikling kwento na si Edgar Allan Poe.

Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga
kwento’y maaring maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang
patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

1.1 Lagom

Minabuti ko pong ilagay ang buod ng maikling kwetong Tatlong Kwento sa buhay ni Julian
Candelabra ni Lualhati Bautista upang lubusang maunawaan at maintindihan ang akdang ito.

Si Julian Candelabra, ay anak ng isang mag-asawang bagama’t mahirap, kung ipagsabi nga
ng tatay niya, ay nabubuhay nang “marangal”. Gano'n man ay maagang natutunan ni Julian na
mahirap mabuhay nang marangal kung gutom ka, o, sa kaso niya bilang isang bata, kung marami
kang kailangan na hindi mo mabili. Samantalang mapera ang kalaro mong si Bong at
pinakikitaan ka ng cash ng ina nitong si Aling Sandra .Mag-isa siya sa sala samantalang si Aling
Sandra ay maaaring may ginagawa sa silid at si Bong ay nasa labas sandali. At ando'n lang,
bukas, ang platerang pinaglalagyan nito ng pitaka.Gustong-gusto niyang makabili ng mga sisiw
na aalagaan niya’t palalakihin para manok nab ago mag-bertdey ang tatay niya, para may
maihanda ito pagtawag niya sa Diyos. Pero may ugaling magbingi-bingihan ang Diyos kung
minsan. Saktong ibinabalik niya sa lugar ang pitaka ni Aling Sandra nang bigla itong pumasok.
At namakas sa mukha nito ang pagkagulat, na may halong pagkagalit.Gulping walang humpay
ang inabot niya sa tatay niya nang magsumbong si Aling Sandra, at walang nagawa ang nanay
niya kundi magtitili’t mag-iiyak na lang.Ilang taon na ang nakararaan ay takot pa rin si Julian na
magpapasok sa bahay ng may bahay. Disisiyete na’t lahat si Julian ay taglay pa niya ang pilat ng
malubhang pangyayaring kinasangkutan niya sa edad dose na nagbunga sa kanya ng malalang
pagkadungo at pagka-mailap.

Si Aling Connie , ang paminsan minsan nagpapautos kapalit naman ang barya. Isang hapon
niyaya ito ni Aling Connie na duon na maghapunan dahil hindi raw makakauwi ang asawa
nitong si Mang Felix. At nong umaga ay nakasalubong muli ni Julian su aling Connie at
niyayang magkwentuhan sa bahay nila.Ang seksi-seksi ni Aling Connie nang dumating siya.
Nahihiya tuloy siyang tumingin sa dibdib nito. Baka sabihin pa ni Aling Connie, bastos siya.
Nakatungo tuloy siya lagi. Pero nakatawa si Aling Connie, tinutukso siya. At nang malaman ito
ng asawa ay sinugod at Bahagya na niyang nailagan ang tagang inunday sa kanya ni Mang Felix.
Maliwanag ang murang lumabas sa bibig nito, malagim ang tili ng nagimbal na ina niya, mabilis
ang pagkakagulong namayani sa paligi. Nang makatakas ay agad namang nagtago si Julian sa
takot kay Mang Felix.

Si Julian, pagkaraan ng mahaba rin naming pag-aapuhap at pagpupursige, ay nagdesisyong


maging waiter . Hindi niya akalain, patakaran pala sa restoring 'yon ang bring your own baon .
Natutong kumain ng tira tirahan si Julian sa resto ngunit ito ay may tamang kras lara sa pagkain.
Kaya't nang nahuli ng manager ay agad na napagalitan. Pinatatalsik ngunit mas pinili ni Julian
ang gumawa ng resignation letter diti nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa. At dumating sa punto
na nagdilim ang paningin ni Julian at sinakal nya ang manager ng napahigpit hanggang sa
mawalan ito ng buhay. Sa hukuman isa na namang pabayag ang nasambit ni Julian, Hindi ko
sinasadya. Hindi ko napigilan ang aking sarili.

1.2 Uri ng Kwento

Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ay mauuri natin
sa maikling kwento ng tauhan dahil binigyan ng diin ang katuhan ng pangunahing tauhan.
Binigyan din ng pansin ang kahinaan at hangarin ng tauhan. Sa bawat kasalanang nagagawa ng
pangunahing tauhan ay may parusa na nagiging dahilan ng sobra niyang kalungkutan at pagiging
miserable ng kanyang buhay. Hanggang sa wakas ay nabigo siya, at patuloy na nagging
masaklap ang kanyang pamumuhay.

1.3 Paksang Diwa

a. Pagiging marupok

Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ay tungkol sa


pagiging marupok ni Julian, siya ay madaling matukso at may kahinaan sa pagkilatis kung ano
ang makabubuti at makasasama sa kanya. Siya ay nagnakaw, nakiapid sa asawa ng iba at
nakapatay ng tao kung kaya’t sa huli ay nabigyan siya ng parusa, pagkakulong sa kasong
pagpatay, at ang tanging katwiran niya ay natukso siya, na tanda ng kanyang pagiging marupok.
1.4 Mga Tauhan

1. Julian Candelabra - Pangunahaing tauhan, anak ng isang mag-asawang bagamat


mahirap. Naging marupok kaya't kinamumuhian ng mga tao dahil sa nagawang masama.
2. Tatay ni Julian Candelabra- bagama't mahirap ay nabubuhay siya ng marangal, anak
niya si Julian Candelabra at hindi niya natanggap ang kahihiyang naidulot ng pagiging
marupok ng kanyang anak.
3. Ina ni Julian Candelabra- wala siyang nagawa sa pagdidisiplina ng kanyang asawa sa
anak niyang si Julian kundi ang magtitili at umiyak na lamang.
4. Bong - kalaro ni Julian , anak ni Aling Sandra at sila ay may kaya o mayaman.
5. Aling Sandra - Ina ni Bong at di hamak na mas nakakaluluwag sa buhay. Malaki ang
tiwala niya kay Julian ngunit nagbago ito ng nahuli niya na tinangka siyang pagnakawan
ni Julian ng sasampuin mula sa kanyang pitaka.
6. Aling Connie - Asawa ni Mang Felix , ang babaeng madalas mag-utos kay Julian
Candelabra at tumukso sa pagkalalaki nito.
7. Mang Felix - Asawa ni Aling Connie , na nagtatrabaho sa malayo, tiwala din siya kay
Julian ngunit natuklasan niya ang ginawa nito at ng kanyang asawa.
8. Manager ni Julian - Ang manager ng restoran na punagtatrabahuhan ni Julian na sa huli
ay kanyang napatay dahil umano sa hindi niya napigilan ang kanyang sarili.

1.5 Tagpuan

 BAHAY NI ALING SANDRA

Dito ang unang tagpuan kung saan naganap ang unang kwento ng buhay ni Julian
Candelabra. Ang tahanan kung saan madalas naglalaro sina Julian at Bong, at dito din nahuli ang
pagnanakaw ni Julian ng sasampuin sa pitaka ni Aling Sandra upang ibili ng sisiw na palakihin
para sa birthday ng kanyang ama.

 BAHAY NI ALING CONNIE

Dito ang Ikalawang Tagpuan kung saan naganap ang pangalawang kwento ng buhay ni
Julian Candelabra. Ang tahanan kung saan niya muling napagtanto na may taong magtitiwala sa
kanya. Dito naganap ang isang hamon na sumubok sa kanyang pagkalalaki at nagpakita ng
kanyang katauhan bilang isang marupok na tauhan.

 RESTORAN

Ikatlong Tagpuan kung saan naganap ang isang malagim na trahedya sa buhay ni Julian
Candelabra. Dito siya nagtrabaho bilang isang waite. Dito na sana niya maipaglalaban ang
kanyang karapatan at mapapatunayan ang pagkakaroon ng reputasyon sa buhay, ngunit sa huli ay
naganap ang pagpatay niya sa manager ng restoran.

III. Teoryang Pampanitikan

Batay sa pagsusuri tatlong teorya ang namayani sa akda at ito ang mga sumusunod.

TEORYANG EKSITENSYALISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Ang tatlong kwento ng buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista ay napapaloob sa


teoryang Eksitensyalismo sapagkat naging malaya si Julian sa pagpili ng desisyon sa kanyang
buhay na immoral sa mga tao. Sa kwento, mas namayani sa kanya ang paggawa ng hindi mabuti.
Madali siyang natukso at naging mahina sa pagkilatis sa kung ano ang nakabubuti at nakasasama
sa kanya dahil na din sa kahirapan ng buhay at sa mga taong nakapalibot sa kanya naging
bukambibig niya ang salitang di nya raw napigilan ang sarili.

TEORYANG IMAHISMO

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga


damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at
tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob
ng panitikan.
Mapapansin na ang imahen sa maikling kwento ay ang pahayag ni Julian sa bawat
kamaliang kanyang nagawa na natukso lamang siya na nagpapahayag ng pagiging marupok dahil
madali siyang natukso sa bugso ng kanyang damdamin. Hindi nya napigilan ang kanyang sarili
at nakagawa siya ng mga bagay na immoral sa paningin ng mga tao.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig


(factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang
tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Sa akda makikita na sa umpisa ay nabubuhay si Julian Candelabra ng marangal dahil na rin


sa pinalaki siya ng kanyang magulang sa ganitong pamamaraan. Ngunit dahil natutunan niya na
mahirap mabuhay ng marangal kung gutom ka natukso siya na magnakaw kay Aling Sandra na
naging simula ng paggawa niya ng hindi mabuti. Habang lumalaki siya ay sinusubukan niyang
mabuhay ng maayos ngunit panibagong tukso naman ang sumubok sa kanyang pagkalalaki.
Nagpakalayo layo siya upang magtrabaho at isaayos muli ang kanyang buhay ngunit sa huli ay
may nag-udyok na naman sa kanya na gumawa ng masama at ang pagkapatay niya sa kanyang
manager ang naging resulta.

IV. Implikasyon Panlipunan

Batay sa pagsusuri ang mga sumusunod ay naging implikasyon sa akda.

1. Pagiging Marupok

Masasabing minsang namamayani sa kalooban ng isang tao ang matukso. Marami sa atin na
dala ng matinding pangagailangan nagiging marupok at nalalagay sa sitwasyon na hindi man
niya ginugusto ay nakagagawa siya ng mali dahil sa pagkatukso. Nakalulungkot man ngunit ito
ang sitwasyong nararapat labanan at huwag magpaladala sa bugso ng damdamin.

2. Kahirapan
Makikita sa kwento na sa ating bansa ay talamak pa din ang kahirapan. Ito din ang nagiging
sanhi kung bakit naiisip ng ibang tao ang magnakaw o gumawa ng masama tulad ng nabanggit sa
unang bahagi ng kwento.

3. Pagdidisiplina sa Anak

Likas sa mga Pilipino ang pagtuturo ng disiplina sa kanilang mga anak. Ang iba ay nagiging
istrikto at nanakit upang madisiplina ang mga bata. Subalit kagaya ng nabanggit sa kwento gaano
man katindi ang nagiging kapalit ng paggawa ng mali, hindi nakayanan ng ama ang anak na si
Julian dahil tukso na nga mismo ang humila dito upang maging marupok at gumawa ng
masama.

Website:

www.palancamemorialawardsforliterature.com

www.google.com

www.pinoyedition.com/maikling-kwento/

You might also like