Ang Reynang Matapat (Kuwentong-Bayan mula sa Cotabato) Ang kuwentong-bayan o folktale
ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan. Pinapaksa nito ang mga katangian ng mga tauhan, mabuti man o masamâ, at may layuning manlibang. Kalimitan, ito rin ay nagbibigay ng aral sa mga mambabasa at maaaring nagpapakilala ng lugar na pinagmulan. Itinuturing din ito bilang salaysay na nag-iingat ng mga tampok na kaugalian at tradisyon ng kulturang pinagmulan. Sa isang kahariar sa Mindanao, isang babae ang kinila ilalang mahusay na mahigpit at maayos pinuno. Nakilala siya dahil sa katalinuhan, katapatan, at sa mah na panunungkulan. Ang 9dgo pa man dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan ay dinarayo kaharian ng Kutang8 ngalan niya ay Reyna Sima. na ng mga mangangalakal na Arabe, Tsino, at Hindu ang kaharian ng Kutang- od pamumuno niya ay umunlad at naging masagana ang Dunay ng mga taga- Kutang- Bato. Mahigpit niyang ipinatupad ang mga batas sa Dato-ang kahariang pinamumunuan ni Reyna Sima. sa kanyang kaharian. Nabilang sa mga patake rang mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang PeBgalan8 sa kanilang tradisyon, mahusay na paggawa, at pagiging tapat ng kanyang mga tauhan. Ang sinumang lumalabag ay pinarurusahan. Napabalita ang kaharian dat.il sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna sima at sa katapatan ng kanyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang kagamitan sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian. Kung kayâ patuloy na dumarating ang mga negosyanteng Tsino sa Kaharian ng Kutang-Bato. Isang araw, may negosyanteng Tsino na nakipagkalakalan sa Kutang- Bato at nakaiwan ng supot ng ginto sa isang dulang sa kaharian. Hindi ipinakibo o pinahawakan man lamang ni Reyna Sima ang supot. Mahigpit na ipinagbilin ng reyna sa kanyang mga nasasakupan na walang maaaring gumalaw sa naturang supot upang sa ganoon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang naturang lantay na kayamanan. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima. Tulad ng inaasahan, nagbalik ang negosyanteng Tsino sa pagbabakasakaling natatandaan niyang matagpuan pa niya ang naiwang kayamanan. Laking gulat niva nang makita ito sa lugar na napagpatungan niya at napansing hindi man lamang ito naiba ng puwesto. Dahil dito, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima. Lumipas ang maraming taon at ang kuwento ni Reyna Sima ay nagpasalin salin hanggang sa sumunod na mga salinlahi. Ang Kutang-Bato ay siya na ngayor Cotabato-isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.