Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

BAHAGI II- PANITIKAN NG REHIYON I, II, III

Mga Layunin at Inaasahang Bunga:


Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang Panitikan ng Rehiyon I, II, III


2. Natutukoy ang iba’t ibang panitikan ng bawat rehiyon.
3. Nasusuri ang nilalaman ng akda at pagpapahalagang kultural.
4. Nakapagpapahayag ng magagandang kaisipan na inilalarawan sa mga akda.
5. Nakapag-uugnay ng sariling kultura at tradisyon mula sa akdang sinuri.

Aralin 4: Panitikan ng Rehiyon I, II, III


Panitikan ng Rehiyon I (Ilocos Region)

Patuloy na iniingatan ng rehiyon I ang angkin nitong panitikan at kabilang na


dito ang mga bugtong ng mga Ilokano na kung tawagin nila ay Burbutia; Pabitla naman
sa mga taga- Pangasinan. May kawikaan din ang rehiyon na tinagurian ng mga
Ilokano na Pagsasao. Maihahanay din sa panitikan ng rehiyon ang kasabihan, awiting
bayan, cancionan (ng Pangasinan); mga kaugalian at paniniwala tulad ng kaugalian
sa pag-aasawa, sa panganganak, sa paglilibing at pagbibinyag. Kabilang din ang mga
alamat, kwentong bayan at maikling kwento na namalasak sa panitikan ng rehiyon.

Binubuo ang rehiyon Ilocos ng apat na mga lalawigan: ang Ilocos Norte, Ilocos
Sur, La Union, at Pangasinan. Ang sentrong administratibo ay Lungsod ng San
Fernando, La Union.

Ang Pangasinan, na mayroong malawak na kapatagan, ay 42% ng lawak ng


Rehiyon 1. Dito rin matatagpuan ang Hundred Islands. Subalit, ang mga lalawigan ng
Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union ay sagana sa maraming bundok ngunit makitid
ang mga kapatagan. Sa Ilocos Sur naman makikita ang Matatandang bahay sa Vigan.
Agrikultura ang pangunahing hanapbuhay ng mga taong nakatira rito.

Mga halimbawa ng mga Bugtong (burbutia sa Ilokano)

1. Langit ato, langit baba, danum agtinga.


Salin: langit sa itaas, langit sa sagot: niyog
ibaba, tubig sa gitna.
sagot: niyog
2. Adda maysa a lakay
Kalbo nem nakawaray
Salin: May isang matanda
Kalbo ngunit may galamay
Sagot: pugita/ oktupos

3. Adda maysa a prinsesa


Nakatugaw iti tasa
Salin: May isang prinsesa
nakaupo sa tasa
Sagot: kasoy

Mga halimbawa ng bugtong ng mga Pangasinense (Pabitla)

Bahay ni donya Maria Bahay ni Idis


Napapalibutan ng espada Napapalibutan ng butones
Sagot: pinya Sagot: kamatis

May apat na paa ngunit di Hindi ako puno ngunit may


Nakakalakad maraming dahon
Sagot: mesa Sagot: libro/aklat

Mga halimbawa ng kawikaan ng mga Ilokano (Pagsasao)

Kung gusto mong umakyat Tiisin mo lang kuto ng manok


Magtiis ka sa mga gasgas Kung gusto mong mag-ulam ng itlog

Ang magaspang na kamay Wala ka noong panahon ng


Daanan ng pilak pagtatanim
Nandito ka na ngayong panahon ng
pag-ani

Mga halimbawa ng kawikaan ng mga Pangasinense

Hindi nila babatuhin ang punong manga


Kung wala itong bunga Kahit magaling na ang sugat
Ang tao ay hindi nakikilala Nananatili pa rin ang
Sa kakapalan ng kanyang suot peklat

Walang balon
Na hindi natutuyo

Awiting bayan

Dung-aw- tawag sa awit sa patay o pagdadalamhati ng mga Ilokano habang


nakaburol.
Say Ligliway Aten- isang awitin tungkol sa isang ama na gustong ihayag ang
kanyang pagkabigo sa kanyang anak na babae (awiting bayan ng mga
Pangasinense)
Bukanegan- tawag sa pagtatalong patula ng mga Ilokano.
Cancionan- ito ay debate sa musika at panulaan. Ang cancionan ay
nilalapatan ng tama at wastong himig sa isang pagtatanghal.
Iba’t ibang bahagi ng cancionan:
a. Pasantabi- sa simulang bahagi ay ang pagtanggap at pagbati sa
mga cancionista; ang pasasalamat sa isponsor / tagapagtaguyod at
ang walang hanggang pasasalamat sa Dakilang Lumikha.
b. Panangarapan- nais malaman ng mga kababaihan ang kalagayan
sa buhay; tiraahan at mga gawain ng mga lalaki.
c. Pangkabataan- ang lalaki ay magsisimulang maningalang pugad,
ang mga babae naman ay magtatanong tungkol sa bibliya at ang
lalaki ay papatawan ng mabibigat na gawain.
d. Cupido- sisikapin ng lalaki na makuha ang matamis na oo (pag-ibig)
ng babae sa pamamagitan ng pagtugtog ng instrumentong
pangmusika at gayundin sa pagsasalita.
e. Balitang- huling bahagi na kung saan ay maaaring utusan ang lalaki
na umakyat at sumalo sa kanya sa tanghalan- palatandaan ng
pagtanggap o kaya naman ay hahayaang manatili na lang sa ibaba
na tanda ng pagtanggi.

Epiko
Higit nating makikilala ang ating pagka-Pilipino sa ating mga epiko.
Nasasalamin dito ang maraming pangarap ng lahing kayumanggi. Ang epiko ay
mahabang tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga
kaaway. Ito ay may mga tagpong hindi kapani-paniwala.
Halimbawa ng epikong Ilokano:
Biag ni Lam-ang
Si Lam-ang ay anak nina Don Juan at Namongan. Maliit pa ang bata ay
kinakitaan na siya ng likas na kalakasan. Isang araw ay naitanong niya sa kanyang
ina, kung saan naroon ang kanyang ama, na aniya ay hindi pa nakikita simula pa sa
kanyang pagsilang.
Sinabi ng kanyang ina na ito ay tumungo sa lupalop ng mga Igorot na kalaban
nila. Nang malaman niya kung saan naroon ang kanyang ama ay dali-daling lumisan
na taglay ang kanyang sandata at nang nasa kalagitnaan na siya patungo sa lupalop
ng mga Igorot ay naramdaman niya ang antok at siya ay nakatulog. Napanaginipan
niya na ang kanyang ama ay nasa bingit ng panganib. Napakislot siya at
nagmamadaling lumisan upang ipagpatuloy ang kanyang paghahanap.
Sa wakas ay sinapit niya ang lupalop ng mga Igorot, at gayon na lamang ang
kanyang

Rehiyon II

Ang rehiyon II ay ang malawak at mayamang lupain ng mga lalawigan sa


Cagayan at mga pulo sa Batanes. Binubuo ito ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva
Viscaya at Quirino.

Ang mga unang tao na naninirahan sa rehiyon II ay mga Ibanag at


dumedepende sila sa pagsasaka, pangingisda at panghuhuli ng mga hayop upang
mabuhay. Sila rin ang nagluluto ng kanilang pagkain na ang kagamitan na pawang
yari sa putik tulad ng palayok.

Pangunahing industriya ng rehiyon II ang agrikultura. Tabako ang


pinakamahalagang produkto rito. Nakilalaang lupain bilang “Lupain ng Tabako” ng
Pilipinas. Nagtatanim din sila ng palay, mais, gulay, niyog, tubo at mga bungang-
kahoy.

Tulad ng ibang rehiyon, ang rehiyon II ay may ipinagmamalaking panitikan na


nasa anyo ng bugtong, kasabihan, salawikain, awiting bayan, kwentong bayan,
alamat, tula at maikling kwento. Ang awiting bayan nila ay tungkol sa pag-ibig,
pamilya, pananampalataya at mga gawain.

Palavuh- ito ang tawag sa bugtong ng mga Ibanag.


Lallagunut- tawag sa bugtong ng mga Gaddang.
Unoni- tawag sa kasabihan ng mga Ibanag.
Lalenut- tawag sa salawikain ng mga Gaddang.
Lallao- tawag sa tula ng mga Gaddang.

Ang Palavuh (bugtong) ng mga Ibanag

1.Mayroong isang bagay na kinakain ang kanyang sarili. (kandila)


2. Ang baboy sa Maynila, kung umiiyak ay naririnig ng sanlibutan. (kulog)

Ang lallagunut (bugtong) ng mga Ilokano.

1. Baston y San Jose, ammena masisidum. (Irao)


Salin: St. Joseph came, cannot be tamed. (snake)
2. Iraw yo bangguina, posit yu ulu na. (iyog)
Salin: it’s bady is snake, it’s head is octopus. (coconut)
3. Cabatuan yu nag na, naasi-assit yo lawan na. (Inangca)
Salin: Inside is full of stones, outside is full of thorns. (jackfruit)
4. Before meals I’m full, after meals I am hungry. (kettle/pot)
5. Turn to your right, you can’t see, turn to your left, you can’t see. (ears)

Ang Unoni (kasabihan) ng mga Ibanag.


*Ang barong hiniram, kung hindi masikip, maluwang.
*Huwag mong bilangin kung wala pa sa iyong kamay.
*The one who laughs last, laughs the best.
*No eggplant bears a bitter gourd fruit.
*You are made according to your environment.
*Awiting bayan- natutungkol sa pamilya, pag-ibig, pananampalataya at mga
gawain.

Epiko
Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay
nagpapakita ng mga nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa,
kalungkutan, pag-asa, takot, pagmamahal o di kaya'y hinanakit, ito ay
napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa isa. Ang isa sa pinaka tanyag
na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag anni Malana" sa
lokal na dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at mga
bamboo at kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon
pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan
na ito, henerasyon sa henerasyon.
Ayon kay E. Arsenio Manuel, ang mga epiko ay karaniwang nagtataglay ng
sumusunod na katangian:
(a) kuwentong may kahabaan
(b) base sa tradisyong pasalita
(c) umiikot sa mga di-natural at kagilagilalas na pangyayari o kabayanihan
(d) nasa anyong berso
(e) maaaring chanted o kinakanta
(f) mayroong ganap at seryosong pakay, kumakatawan o nagpapatunay sa
mga paniniwala, tradisyon, o mga gabay sa buhay ng mga tao.

Salomon
Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” o instrumentong may
limang kuwerdas tuwing Pasko sa harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung
saan may alak, kape, tsokolate, at iba pa. Ang nilalaman nito ay tungkol sa
pagkakabuo, pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo.

Verzo/Berso
Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may
apat na linya at tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa
mismong okasyon tulad ng kasal at binyag. Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo
ng moralidad. Ilang mga halimbawa nito ay ang “ossse-osse” at
“kilingkingan.”
Isa rin itong ekspresyon na nagpapakita ng determinasyon ng mga Ibanag sa
pagmamahal, panliligaw at labanan kahit na mahirap at maliliit lamang sila kung
ituturing. Marahil ito ang dahilan kaya nakaligtas sila sa mga panahon nang opresyon
tulad ng Martial Law.

Awit
Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng
dinadala nito ay pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na
maibibigay. Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta
nito ay umabot sa pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga
lalaki o "babbagitolay" ay nanghaharana sa mga babae o "magingnganay" na
natitipuhan nila. Subalit, noong panahon ng malawak na opresyon o Martial Law ay
kakaunti na lamang ang tumatangkilik sa mga awit dahil sa dalawampung taon na
pamumuno ng lumang rehimen kung saan ang kalayaan nang mga mamamayan ay
may limitasyon.

Mga manunulat ng rehiyon II


*Benjamin M. Pascual *Reynaldo Duque *Rogelio Aquino

Panitikan ng Rehiyon III

Ang rehiyon III ay binubuo ng mga lalawigan ng Bulacan, Bataan, Nueve Ecija,
Pampanga, Tarlac at Zambales. Kilala ang rehiyon sa karaniwang tawag na Gitnang
Kapatagan (Central Plains) at itinuturing na Palabigasan ng Bansang Pilipinas
(Rice Granary of the Philippines). May apat na etno-linggwistikang pangkat ang
rehiyon: Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Pangasinense. Tulad ng ibang mga
rehiyon, ang rehiyon III ay may maipagmamalaki ring panitikan sa iba’t ibang
kaanyuan tulad ng karunungang bayan, awiting bayan, alamat, maikling kwento at iba
pa.

Mga karunungang Bayan


A. Bugtong
1. Mataas kung nakaupo 3. Ako’y may isang katotong irog
Mababa kung nakatayo saanman paroo’y kasunud-sunod
Sagot: Aso Mapatubig ay di nalulunod
2.Dalawang bolang itim Mapaapoy ay di nasusunog
Malayo ang nararating Sagot: anino
Sagot: Mata 4. Bumbong kung liwanag
Kung gabi ay dagat
Sagot: banig
B. Salawikain at Kawikaan
1. Ang sakit sa kalingkingan 3. Madali ang maging tao
Ramdam ng buong katawan Mahirap magpakatao
2.Ang taong nagigipit 4. Hindi nakikilala ang bayani sa salita
Sa patalim man ay kumakapit Kundi sa kanyang kilos at gawa

C. Panunudyo
1. Bata batuta 2. Tiririt ng maya, tiririt ng ibon
Isang bao ang muta ibig mag-asawa, walang ipalamon

D. Awiting Bayan

Ating Cu Pung Singsing (kapampangan)


Magtanim ay Di Biro
Atin cu pung singsing
Magtanim ay di biro Metong yang timpucan
Maghapon kang nakayuko Amana que iti
Di naman makatayo Ong indung ibatan

Di naman makaupo Sangcan queng sininup

Halina, halina mga kaliyag Ong metong acaban


Tayo’y magsipag-unat unat Mewala ya iti
Magpanibago tayo ng lakas Ecu camalayan
Para sa araw ng bukas
King sukal ning lub ku
Bisig ko’y namamanhid sumukdul king banwa

Baywang ko’y nangangawit Pikurus kung gamat


Binti ko’y namimintig babo ning lamesa
Sa pagkababad sa tubig Ninu mang manakit
Halina, halina King singsing kung mana
May pagkasawing- palad kalulung pusu cu Maginu ya keca
Epiko (Kapampangan)
Rihawani

Sa isang kagubatan maraming bundok sa lugar ng Marulu, isang liblib na pook.


Ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mga
puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon.
Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito
ng anyo bilang isa ring putting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito na
takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan pinananahanan ni Rihawani,
kahit alam nilang ditto sila maraming makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang
magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halaman gubat, at iba
pa.
Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong
nanirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at
prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang
diyosa. Kahit sa malayo ay kapansinpansin ang angking kagandahan nito, habang
nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kaniyang paligid, Nang maglakad
ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito
sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon
ay lalo nang naging katatakutan ang kagubatang iyon.
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso
o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong ang mga ito kung saang gubat marami ang
mga hayop o ibon na maaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin
ang kasaysayan nito na pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag
pagnasaang puntahan ang pook na iyon. Para sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama
ng mga ito ang isang tagapaggabay.
Lumisan ang mga ito patungo sa gubat. Pagdating sa paanan ng isang bundok
ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang sa
isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagka-
interes na dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan
ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas
ng bunok ay naglakad-lakad muna at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip
nito ang puting usa na sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang,
napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga
hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang
isa at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may makita ito
sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa
binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng mangangaso ang puting usa ay
may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng
nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang
napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng
dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang puting usa na
rin at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani.
Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nan tinawag
ang pangalan nito ngunit wawlang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo
na ng kasamahan gabayna sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa
sumpa ni Rihawani. Mula noon, bundok sa nagging aral na sa mga nandoon ang
pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng
kagubatan.

Mga manunulat at akda ng Rehiyon III

1.Francisco Balagtas Baltazar- Florante at Laura


2. Aniceti dela Merced- Pasyon de Nuestro Jesucristo
3. Cirio H. Panganiban (1896-1955)- Bunga ng Kasalan
4. Valeriano H. Pena (1858- 1922)- Nena at Neneng
5. Marcelo h. del Pilar (1850-1896)- Ang kadakilaan ng Diyos
6. Virgilio S. Almario (1944)- Elehiya sa Isang Rebelde

Buod ng Nena at Neneng:


Nobela ni Valeriano Hernandez-Peña ang Kasaysayan ng Magkaibigang
Nena at Neneng na unang nalathala noong 1903 sa pahayagang Muling Pagsilang.
Sumikat ang nasabing nobela, at isinaaklat noong 1905, saka muling inilimbag noong
1911, 1948, at 1971. Si Peña, ayon sa kritikong si Soledad S. Reyes, ang kinilalang
"Ama ng Nobelang Tagalog."
Inilahad sa nobela ang naging buhay at paglago nina Nena at Neneng, na
kapwa sinubok ng tadhana ang kanilang pagkakaibigan. Nagkaroon ng kasintahan
ang dalawang dalaga, ngunit nang magpakasal na'y magkataliwas ang naging bunga
ng pagsasama. Pumanatag at umangat si Nena sa piling ni Deogracias, samantalang
naunsiyami si Neneng sa banang si Narciso na ang pagkaseloso'y humahangga sa
kawalan ng bait. Inakala ni Narciso na nagtaksil sa kaniya si Neneng, kaya nilayasan
ang asawa. Nang magbalik siya sa tahanan ay nabatid na yumao na si Neneng dahil
sa sukdulang pagkasiphayo sa pag-ibig.
Tampok din sa nobela ang istorya ng malungkot na buhay ni Chayong, na
ginahasa at ang puri'y inilugso ni Miguel. Sugapa sa sugal si Miguel, bukod sa
sinungaling, at nabilanggo dahil sa kasamaan hanggang mabulok saka namatay sa
bilibid.
Pinatitining ng nasabing nobela ang ilang tema, gaya ng katapatan sa
sinumpaan, pagpapahalaga sa puri, pagkakaibigan, at pagtitimpi-na ayon kay Reyes
ay pawang gagamitin din ng susunod na henerasyon ng mga nobelista.

You might also like