Aralin 6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Panitikan ng Rehiyon V (Rehiyon ng Bicol) at VI (Kanlurang Visayas)

Mga Layunin at Inaasahang Bunga:


Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang Panitikan ng Rehiyon IV, V, VI, VII, VIII
2. Natutukoy ang iba’t ibang panitikan ng bawat rehiyon.
3. Nasusuri ang nilalaman ng akda at pagpapahalagang kultural.
4. Nakapagpapahayag ng magagandang kaisipan na inilalarawan sa mga akda.

Aralin 6. Panitikan ng Rehiyon V (Rehiyon ng Bicol) at VI (Kanlurang Visayas)


Matatagpuan ang Bicol sa bahaging Timog-Silangan ng Luzon at
napaliligiran ng karagatang Visaya sa gawing timog ng dagat Pasipiko sa silangan,
ng lawa ng Humon sa hilaga at ng dagat Sibungan at lalawigan ng Quezon sa
kanluran. Ang mga lalawigang bumubuo rito ay Albay, Camarines Sur, Camarines
Norte, Masbate, Sorsogon at Catanduanes.
Kilala ang Bikol sa rehiyon ng mga bulkan dahil higit na maraming bulkan
ang matatagpuan dito kaysa ibang rehiyon ng Pilipinas. Dito matatagpuan ang
bantog na Bulkang mayon ng Albay, Labo ng camarines Norte, Malinao ng Albay,
Isarog ng Camarines Sur, at Bulusan ng Sorsogon. Kilala rin ang Bikol na “Ibalon”
mula sa salitang Ibalio na nangangahulugang “ilipat sa kabilang gilid” o “mga taong
marunong tumanggap ng panauhin”.
Mayaman sa panitikan ang rehiyon V. May mga alamat, awiting bayan, mga
bugtong na tinatawag nilang patotodan, epiko, mga tula, at mga pamahiin. Bantog
na mga manunulat ng rehiyong ito sina Manue Fuentabella, Angelo de castro,
Valerio Zunega, mariano Goyema del Prado, Ben Frut, Antnio Salazar, Agapito
San Antonio, Clemente Alejandria, Fortunato Reyes, Juan Penalosa, Sirelo
Salvador at Adolfo Caro.

Mga Bugtong (Patotodan)


1.Dahon nang dahon, sanga nang sanga 3. Dulong naging puno
Hindi naman namumunga Punong naging dulo
sagot: kawayan sagot: tubo
2.Nang maliit ay gulay 4. Isang bayabas
Nang lumaki’y pambahay Pito ang butas
sagot: labong sagot: ulo
5.Isang bundok
Hindi Makita ang tuktok
sagot: noo
Mga Salawikain/Kawikaan
1. Ang katotohana ay tulad ng uwak na hindi naitatago.
2. Ang ngusong maingay ay tulad sa manok na pumuputak.
3. Mabuti pa ang matakaw kaysa magnanakaw.
4. Ang masam sa iyo huwag mong gawin sa iba.
5. Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa kambing.

Awiting Bayan
1.Dinusa- tungkol sa pag-ibig
2. Tolbon- awiting kinakanta sa pista
3. Diwata- awitin sa kalungkutan at sa kapighatian dahil sa pagkamatay ng isang
kamag-anak.
4. Sarague- awiting pangritwal
5. Dumago- awitin para sa namatay na ninuno
6. Angoy- awitin sa burol
7. Tagulaylay- awiting panggigiyera
8. Hoarasa- inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng pagsabog ng mga
bulkan, matinding bagyo at lindol.

Mga halimbawa ng awiting bayang Bikolano na maririnig pa rin sa kasalukuyan


ngunit ang kumakanta ay pawang matatanda:
Salin Sa Filipino
1. Kaya ako habo magsolosdo Kaya ayaw kong magsarili/mag-isa
Sa pampang nin salog taigwang engkanto Sa pampang ng ilog na may engkanto
Ta mala pa ngani kaso sonong odto Dahil alam mo noong isang tanghali
Yaon si labahandai na si tawo Na naroon ang labahan ngunit walang
maglalaba

2.Dumaan sa samuya Sa aming bayan


Islang rapurapu Isla ng Rapu- rapu
An ang tawi diyan Ang lahat ng tao
Anas milyonaryo ay milyunaryo
Mayo man nin landing Wala namang lalandingan
May bitbit na tawo Pero mayroong eroplano
Igwang eroplano Na lumilipad kung gabi
Na layong kun banggi May bitbit na tao

Alamat ng Bulkang Mayon


Noong unang dako, sa Kabikulan ay may isang Raha na may
napakagandang anak na dalaga na ang pangala’y Daraga. Mahal na Mahal sa
Raha ang kaisa-isa nyang anak na, halos ay ayaw pahipan sa hangin.
Maraming nanunuyo at nangingibig kay Daraga at kabilang dito si Kawil na
anak din ng isang Raha sa kaibayong pook ng lupaing yaon. Si Kawil ay
nagpapakamatay sa kagandahan ni Daraga at bilang panunuyo ay hinahandugan
niya ang dalaga ng mga mahal na hiyas at mahalagang kasangkapan. Subali’t
hindi rin mapaibig ng binata si Daraga.
Gayon man, si Kawil ay hindi nawawalan ng pag-asa, kaya’t patuloy siya sa
panunuyo sa dalaga. Naisumpa ni Kawil sa kaniyang sarili, na anuman ang
mangyari ay hindi siya papaya na mapasa-bang kamay si Daraga sukdang ibuwis
niya ang kanyang buhay.
Ang karitang ni Daraga ay napabantog din sa mga lupain ng Katagalugan.
Kabilang sa mga binatang nakabalita sa karilagan ni Daraga ay ang matapang na
si Mayon na anak ng isang mataas na lipi sa Katagalugan.
Naglakbay si Mayon sa Kabikulan upang paghanapin ang napabantog na
dilag na hindi pa man niya nakikita ay bumagabag na sa kanyang puso. Sa loob
ng maraming araw ng kanyang ginawang pagtatanung-tanong, ay nabatid niya
hindi lamang ang tirahang palasyo ni Daraga kundi pati ang kaayaayang paliguang
batis nito.
Isang umaga, nagulat na lamang at sukat si Daraga nang makarinig siya
ng isang malambing na awit habang siya ay naliligo sa batis. Nang lingunin niya
ang pinagmulan ng tinig ay natanaw niya ang isang makisig na binatang noon
lamang niya nakita. Hinagisan siya ng binata ng isang pumpon ng bulaklak at
napilitan siyang saluhin iyon.
Daraga, - anang binata, - ako ay si Mayon na buhat pa sa lupain ng
Katagalugan. Naparito ako upang hangaan at suyuin ang iyong kagandahan.
Nabighani agad si Daraga sa kakisigan ng binata sa katangisang mangusap nito.
Kaya magiliw na inanyayahan ng dalaga sa kanilang palasyo si Mayon.
Madaling nagkaunawaan ang kanilang mga puso at hindi naman palaon ay
ipinagtapat nila ang kanilang pagmamahalansa Raha na hindi naman tumutol.
Kaya’t si Mayon ay nagpaalam kay Daraga at sa Raha upang ipagbigay-alam
naman sa kaniyang mga magulang ang pag-iibigan nila ng dalaga.
Nang malaman ni Kawil ang lahat ay sinamantala niya ang pag-alis ni
Mayon. Buong dahas na kinausap niya ang dalaga- Daraga, alam ko na ang
ginawa mong pang-api sa akin. Kaya, kapag hindi ka napakasal sa akin ay lilipulin
ko ang iyong lipi at papatayin ko ang iyong ama.
Dahil sa malaking takot ni Daraga ay sumang-ayon siya sa kagustuhan ni
Kawil. Humingi lamang siya ng ilang araw bago mairaos ang kanilang kasal,
pagka’t alam niya kung kalian babalik si Mayon.
Bago dumating ang takdang araw ng kasalan ay nabalitaan na ni Mayon
ang kalapastanganang ginawa ni Kawil. Kaya’t naghanda siya ng mga kawal.
Nang ikakasal na lamang sina Daraga at Kawil ay biglang lumusob si Mayon.
Nagkaharap ang dalawang lakas hanggang halos nalipol ang mga kampon ni
Kawil. Sa gayon, si Mayon at si Kawil ang nagtagis ng kanilang sandata. Nailugmok
at napatay ni Mayon ang kalaban, nguni’t nakita naman niyang si Daraga at
tinamaan ng isang ligaw na palaso. Sinaklolohan niya ang kaniyang dating katipan,
nguni’t pagtalikod ni Mayon, isang balaraw naman mula sa kampon ni Kawil ang
umutas sa kaniyang buhay. Kaya’t magkayakap na namatay ang magkasintahan
Dahil sa gayong pangyayari, ay ipinasya ng Raha na, magkayakap ding ilibing sina
Daraga at Mayon.
Pagkaraan ng ilang araw, nakita ng madla na ang lupa sa pook ng
pinaglibingan ng magkasintahan ay tumaas at lumaki nang lumaki hanggang sa
maging mataas na bundok. Bilang alaala sa katapangan ng binata at sa katapatan
ng kaniyang kasintahan, ang bundok na iyon ay tinawag nilang BULKANG
MAYON

Mga Kwentong bayan


1.Ang kapanganakan ni Juan Osong
2. Ang Magsasaka at ang Pari
3. Ang Salbaheng Anak

Epiko
Epikong Ibalon
Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni
Handiong, ang pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama
ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na
laging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin ang kanilang mga
alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang
natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.

Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng
payapang buhay na walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay
kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay
mamamatay tayong lahat sa gutom.Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong
ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang kanyang ama. At hinawakan nito
ang kanyang balikat.
Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.
Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang
kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina
sa bawat mukha ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot.
Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa,
malakas at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga
mamamayan.
Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan
sakay ng isang maliit na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na
Kabikulan. Marami na siya ring narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung
makakahanap siya ng lugar kung saan sila maninirahan habang-buhay. Sa malawak na
dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa
kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya
ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan.
Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng
Aslon at Inalon na sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog,
Masaragam, Isarog at Lignion. Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para
sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga
halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop.
Para itong lupain ng gatas at pulot.
Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili.
Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang
buwaya na may pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at
isang sawa na may ulo ng isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon
para matirhan kaya nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang
lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng
buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo
ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.
Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila.
Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga
mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan.
Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang
magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang pamumuhay.
Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom
ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

Kaugalian sa Panliligaw:

Lagpitao o Palaktaw- laktaw ang unang pagkikita ng isa sa mga tagapamagitan.


Pasanco- pagsusuri sa bawat isa sa prospektong kapareha
Pag-agad (paninilbihan)- Ang panunuyo ng lalaki sa pamilya ng babae , may
negosasyon din bago ang kasal (Dowry o Dote)
Sinakat- regalo sa babaeng ikakasal mula sa mga kamag-anak na dumalo sa kasalan.
Inilakad- ekstrang bayad kapag ang babaeng ikakasal ay siyang pinakapanganay sa
magkakapatid.
Sayod- kasunduan sa pagpapakasal
-ang dalawang panig ay nagsasagawa ng “tronco” o panunusog ng
lahi/pinagmulang
angkan upang maiwasan ang pagsasama ng magkamag-anak.
Pagcanya- ang pagsaksi sa kasalan
Pastoras- tawag sa pagdiriwang ng pasko sa Kabikulan
Ang kaugalian ng paninilbihan ay sinusunod pa rin sa rehiyon ng Bicol.
Tinatawag itong Manugang System. Sa oras na nagkasundo ang partido ng lalaki at ng
babaing nais niyang makaisang-dibdib, sinisimulan na agad ang paninilbihan. Ang lalaki
ay tumutulong sa bukid at sa mga gawaing bahay upang patunayan ang wagas niyang
pagmamahal. Nagkukumpuni siya ng mga nasisirang bahagi sa bahay, naghuhugas ng
mga plato, nagsisibak at nag-iigib. Depende sa kanilang napagkasunduan kung
hanggang kailan maglilingkod ang lalaki sa kanyang pinakamamahal.

Mungkahing Gawain:
*Magtalakayan tungkol sa mga alamat, mito, kwentong bayan at epikong Bikol. Pag-
usapan ang mga pagpapahalaga (values) na nakapaloob sa mga akda.
Rehiyon VI (Kanlurang Visayas)

Aklan, Capiz, Antique, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental ang bumubuo sa


rehiyon VI o Kanlurang Bisaya. Ang rehiyong ito ang itinuturing na pook kung saan unang
nanirahan ang mga Malay sa ating kapuluan. Sa rehiyong ding ito nanirahan ang
sampung Datu buhat sa Borneo. Ang pinagkakakitaan at ikinabubuhay ng mga tao ay
pangingisda at pagsasaka.
Ang mga mamamayan ng rehiyon ay masasayahing tao. Ang musika ay bahagi
na ng kanilang buhay kaya maraming mahuhusay na mang-aawit at musikero ang
rehiyon. Tulad din ng ibang rehiyon ay may maipagmamalaking panitikan ang rehiyon VI
na nagsisilbing salamin ng pamumuhay ng mga mamamayan. Ang pag-iisip, talino,
damdamin, mga kaugalian at kultura sa kabuuan ay nababakas sa mga karunungang
bayan, awiting bayan, kwentong bayan at pamahiin ng rehiyon.

Mga Karunungang Bayan


A. Bugtong- “Paktakon” kung tawagin ng rehiyon VI.
1. Nanaog si Santa Maria Bumaba si Santa maria
Pula ang iyo saya Pula ang kanyang saya
sagot: Puso ng saging sagot: Puso ng saging
2. Sang distay ay alibangbang Nang maliit ay paruparo
Sang madaku ay latigo nang lumaki ay latigo
sagot: balatong sagot: sitaw

3.Manubo nga bukid Mababang bundok


Indi Makita sang mga mata Ngunit hindi nakikita
sagot: noo sagot: noo

4.Natawo pero hindi nahibal-an Naipanganak na ngunit hindi pa rin


Kon babae o lalaki malaman kung babae o lalaki
sagot: itlog sagot: itlog
5.Manok ni San Pedro Manok ni San Pedro
Nagapanawag sa tao Tagatawag ng mga tao
sagot: Lingganan sagot: kampana

B. Salawikain/Kawikaan- “Hurubaton” kung tawagin ng mga taga-rehiyon VI.


1.Kun kalisud may katapusan Kung may katapusan ang kalungkutan
Imaw man ru kalipayan Gayundin ang kaligayahan

2.Bisan anong kabasao kacab-as it kagoy Kahoy mang binabad sa tubig


Kong ga liping sa kadayuhay maduktan gid kapag dinarang sa apoy
Sapilitang magdirikit

3.Sa andum agbuhat Ang taong bihirang mangusap


Malapad ro pag-staat di nakasasakit ng damdamin ng ibang tao

C. Mga awiting bayan


Soliranin- awit sa pamamangka
Panawagan- awit sa paghaharana
Komposo- awit ng nagsasalaysay

D. Mga Pamahiin
*Kung magpapagawa o magpapatayo ng bahay, dapat daw mag-alay sa
titirikang lupa.
Halimbawa: Pumatay ng isang buhay na manok o kaya’y kumausap ng isang
albularyo upang magsagawa ng isang ritwal.

Mga Kwentong bayan- “Sugilanon” kung tawagin ng taga-rehiyon VI.


*Ang Mahiwagang Babae(Aklan)
*Ang Mangkok na Kahoy(Capiz)
Alamat ng Bundok Kanlaon
Ang mga taga-Negros sa Bisayas noong araw ay namumuhay na tiwasay
at mariwasa. Ang pangalan ng kanilang hari ay Laon, isang taong may magandang
kalooban. Ang mga tao roon ay nagsisigawa sa kanyang bukid at sila’y kahati sa
ani.
Isang araw ay umuulan, at ang ulan ay lumakas ng lumakas hanggang sa
bumaba sa bukid; anupa’t ang tubig ay umapaw hanggang tuhod, at tumaas
hanggang baywang, at nagpatuly ng paglaki hanggang liig. Ang mga tao ay
natigatig at naisip nila na masisira ang kanilang mga pananim.
Palibhasa’y mahal ng hari ang mga taoat naisip niyang nawala na ang
aanihin huwag lamang mawala ang mga tao. Tinipon ng hari ang lahat ng kampon
niya at sinabi, “Gumawa kayo ng mataas na bunton ng lupa.” Sumagot ang mga
kampon, “Kami po ay walang mga kasangkapan.” Iwinagayway ng hari ang
kanyang birang at pagdaka’y nagkaroon na ngmga piko at pala.
Sinabi ng mga kampon, “Wala po kaming mga bato. Ang bunton po ng lupa
ay kaylangan naliligiran ng mga bato.” Sa hulung wagyway ng birang ay nagkaroon
na ng lahat ng kailangan.
Sa sikap at tiyaga ng mga kampon ay nagkaroon ng malaking bundok. Ang
naging taas ng taluktok ng bundok ay 6,000 talampakan. Duon sila tumahan
hanggang sa humupa ang tubig. Nagpatuloy pa rin sila sa paggawa, nagsihukay
sila ng bambang na tungo sa dagat upang siyang lagusan ng tubig ng sa gayon
ay humupa ang tubig sa baha.
May isang malaking ahas na tumira sa bundok na yaon. Ang ahas ay may
pitong ulong kakila-kilabot. Ang kulay ng mata ay luntian at ang ihinihinga ay
kakatwa, na kung araw ay usok at kung gabi ay apoy.
Isang araw ay may dumating na isang binata na ang pangalan ay Kan.
Siya’y makisig at mahiwaga. Nalalaman niya ang ligalig sa bayan at sinabi niya,
“Papatayin ko ang ahas. Hindi ako natatakot.”
Sinabi ng hari. “Patayin mo ang ahas at pagkakalooban kita ng mga gabok
na ginto at ang aking anak ay ipagkakaloob ko rin sayo upang maging asawa.”
Inihanda ng binata ang plano sa pagpatay sa ahas. Dahil sa may kapangyarihan
siya sa mga hayop, tinawag niya ang mga langgam at iniutos niya, “Magsigapang
kayo sa buong katawan niya at inyong kagatin.”
Tinawag niya ang mga putakti at iniutos niya sa kanila, “Pupugin ninyo ang
kanyang mga mata hanggang sa mabulag.”
Tinawag niya ang mga uwak at iniutos, “Inyong kamutin at tukain ang
kanyang ulo at katawan hanggang sa mamatay.” Sila’y sumunod. Ang ahas ay
kanilang napatay.
Pinugot ni Kan ang pitong ulo ng ahas. Ang mga ulong iyon ay inialay sa
haring Laon, at mula noon ay matiwasay na namuhay muli ang mga taga-Negros.
Ang binatang si Kan ay nagkamit ng yaman at napangasawa ang anak ng hari.
Inaalala ng mga taa roo ang binata at ang hari. Ang bundok ay pinangalanang
Kan-Laon at ng magtagal ito’y naging Kanlaon, bilang parangal kay Kan at Haring
Laon.

Mga manunulat at akda ng rehiyon VI

1.Magdalena G. Jalandoni (Iloilo)- Ang Ermita sa Baryo (tula)


2. Jimeno Damaso (Antique)- Dalitan nga Ungon (Sarswela) Poisonous Thorn
3.Graciano Lopez- Jaena (Iloilo)- Fray Botod (Nobela)

You might also like