Panunuring Pampanitikan: Sta - Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

Western Mindanao State University

NAGA Campus
Sta.Clara, Naga, Zamboanga Sibugay

Panunuring Pampanitikan

Instructor: Danica T. Abia

Paksa: Mga Kritikong Pilipino at Manunulat ng Panitikang Filipino

Layunin:
1. Naipakikita ang pag-unawa sa kaalaman sa mga buhay ng Kritikong Pilipino at manunulat ng
Panitikang Filipino

Tuklasin

Alejandro G. Abadilla

(10 Marso 1906–26 Agosto 1969)


Filipino poet; known as the “Father of Modern Tagalog Poetry”

Si Alejandro G. Abadilla (A·le·hán·dro A·ba·díl·ya) ang kinikilalang “Ama ng Modernistang


Pagtula sa Tagalog.” Bukod sa pagiging makata, isa rin siyáng nobelista at kritikong
pampanitikan.
Sa kaniyang mga akda, hinamon at sinalungat ni Abadilla ang paggamit ng tugma at sukat sa tula
at ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog. Isa siya sa mga tagapagtatag ng Kapisanang
Panitikan, at editor-tagapaglathala ng magasing Panitikan upang isulong ang pagpapaunlad ng
panitikang Tagalog.
Itinuturing ang tula niyang ”Ako ang Daigdig” na hudyat ng pagsilang ng Modernistang pagtula
sa Tagalog bukod sa lumikha ito ng malaking kontrobersiya sa nilalaman at sa anyong may
malayang taludturan.
Ang kaniyang mga aklat ng tula ay Ako ang Daigdig at Iba Pang Tula (1955), Piniling mga Tula
ni AGA (1965), at Tanagabadilla (1964, 1965); ang kaniyang mga nobela ay Singganda ng
Buhay (1947) at Pagkamulat ni Magdalena (1958). Siya ang editor ng mga antolohiyang
Parnasong Tagalog, ang unang pagtitipon sa isang aklat ng mga pangunahing tula ng mga
makatang Tagalog mula 1800 hanggang 1940s, Mga Kuwentong Ginto (1936, kasama si
Clodualdo del Mundo Sr.), Ang Maikling Kathang Tagalog (1954, kasama si Federico Sebastian
at A. D. G. Mariano), at Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (1957, kasáma si Ponciano
B. P. Pineda).
Nagsimula siyang makilala bilang kontrobersiyal na manunulat noong buksan niya ang isang
kolum sa pamimilì ng mahuhusay na maikling kuwento at tula. Pinamagatan niya ang kolum
na Talaang Bughaw at minarkahan sa pamamagitan ng isa hanggang tatlong asterisko ang
ipinalalagay niyang husay ng isang nalathalang akda. Maraming nagalit na katandaan at popular
na manunulat dahil malimit na mababa ang kanilang markang asterisk.
Isinilang siya sa Salinas, Cavite noong 10 Marso 1906 sa isang simpleng pamilya. Nagtapos siya
sa Mababang Paaralan ng Baryo Sapa at sa Mataas na Paaralan ng Cavite. Nakamit niya ang
titulong Batsilyer sa Sining ng Pilosopiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1931.
Nagsilbi siyang konsehal sa munisipyo ng Salinas hanggang 1934, at pagkaraan ay naglako ng
seguro para sa Philippine-American Life Insurance. Nagkaroon siya ng walong anak sa asawang
si Cristina Zingalava. Pumanaw siya noong 26 Agosto 1969.

Ako ang Daigdig

Ni Alejandro Abadilla

(Buod)

ako
ang daigdig
ako
ang tula

ako
ang daigdig

ang tula
ako

ang daigdig
ng tula

ang tula
ng daigdig

Ako ang Daigdig (Buong Tula)

I
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II
ako
ang daigdig ng tula

ako
ang tula ng daigdig

ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig
ng tula

ako

III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang daigdig
ng tula

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula

ako

ANG TALAMBUHAY NI TEODORO AGONCILLO

Si Teodoro Adan Agoncillo ay tinaguriang “ Ama ng Makabansang Pananaw sa Pagsulat ng Kasaysayan ”.

Teodoro ang tunay niyang pangalan ngunit kilala sa tawag na “ Teddy ” o “ Ago ” ng mga kaibigan.
ipinanganak siya noong 9 ng nobyembre 1912 ang kanyang mga magulang ay sina Pedro Medina
Agoncilio at Feliza Zaraspe Adan. Lumaki siya sa Intramuros, Maynila at nagtapos sa sa Unibersidad ng
Pilipinas ng kanyang doctorate degree ( Ph. B. M. A ) noong 1934 at Philosophy (1935). Nagawa ng din
siya ng Doctor of Letters Honoris Causa ng University of Central Philippines, taong 1969.

Nasimula siyang makilala bilang makata at kritiko sa panitikan, naging pundador na kasapi ng Kapisanang
Panitikan at higit na nakatuon ang isip sa kasaysayan nang magturo sa UP. Naging puno siya ng
Kagawaran ng Kasaysayan sa UP at naging University Professor. Naging pangulo siya ng Kagawaran ng
Kasaysayan ng UP mula 1963 hanggang 1969 at mula noong 1976 hanggang 1977, hinahawakan niya ang
Rafael Palma Professional Chair sa Kasaysayan ng Pilipinas sa UP. Nagretiro siya sa pagtuturo noong 9
Nobyembre 1977 sa kanyang 65 taong gulang na kaarawan.

Iginiit niya na dapat sulatin ang Kasaysayang Filipino at sa pananaw sa Filipino at ipinakita nito sa
kanyang mga aklat upang matigil ang lubhang pananalig noon sa istoryang likha ng mga dayuhan.
Iginawad sa kanya ang Pambansang Alagad ng Agham ( National Scientist) Postumo noong 11 Hunyo
1985. Para kay Agoncilio ang nasyonalismo ay hindi sa pagtangkilik sa sariling atin lamang nauukol kundi
gayundin sa pagpili ng mga taong uugit sa ating pamahalaan, ng mga taong hindi inaatupag ang sariling
kapakanan kundi ang kapakanan ng bayan. Kung mayroon tayong nakikita ng mangmang na tao na
nagbibili ng kanyang karapatan sa murang halaga ay ang taong walang ganoon nalalaman.

Ang pagtatalo at pag uusap tungkol sa pananaw na ginagamit ni Agoncilio sa kanyang mga aklat ay
nagpatuloy hanggang noong kalagitnaan ng 1980 nang pumayag siyang magpa interview kay Ambeth
Ocampo. Dahil dito pinananatiling buhay ang kanyang matindi at matigas sa sariling pananaw na punong
puno ng maanghang na salita. Si Agoncilio ay ang pangunahing may akda ng History of the Filipino
People. Ito ang naging pamantayanng sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi ng
kanyang umaabot sa 22 aklat ang Filipino Nationalism 1822 -1971; Malolos the Crisis of the Republic;
The Faithful Years; Japan's Misadventure in the Philippines; At the Burden of Proof; The Vargas-
Laurel collaboration. Ang librong The Revolt of the Masses; The story of Bonifacio and the Katipunan
ang itinuturing na pinakamahalagang akda ni Agoncilio sa larangan ng makabagong histograpiya. Umani
ito ng maraming papuri ngunit binatikos ng ilang kapwa historyador. Ilan din sa mga tula at maikling
kwentong naisulat ni Agoncillo ay ang Sa Kamatayan Lamang, Madilim Pa Ang Umaga, Republikang
Basahan, Sa Pag-iisa , Sa Diwa ng Tundo, at marami pang iba.

Nagkamit si Teodoro Agoncillo ng mga parangal at tampok sa mga ito ang Republic Cultural Awards
( 1967) UNESCO Prize for Best Essay (1969) at Ang Diwa ng Labi (1982), ang pinakamataas na parangal
na iginawad ng lungsod Maynila.

Namatay si Agoncilio sa sakit noong 14 Enero 1985.

BUOD NG AKDA

Madilim Pa Ang Umaga

( Maikling Kwento)

Ito ay kwento ng isang binatang lalaki na nagngangalang Ruben. Siya ay dating matituturing na

“ chickboy” dahil sa mga magara nitong dating. Subalit isang araw bigla na lamang nag-iba ang kaniyang

anyo. Hindi na siya ang dating Ruben na matituturing na chickboy. Madalas ay malalim mag-isip ang

binata at napapansin iyon ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Madalas niyang isipin ang sinasabi ng
kanyang mga kaibigan na siya ay madamot subalit hindi nalalaman ng kanyang mga kaibigan na siya ay

may isang malaking pamilyang iniwan ng kanyang ama. Madalas din syang pagtawanan ng mga ito

sapagkat nagbago na nga ito simula nang yumao ang kanyang ama. Madalas niyang nakikita kahirapan

sa paligid at ang mga taong nilustay ang pera sa mga walang kwentang bagay bagamat may mas

nangangailan ng perang iyon.

Virgilio Almario: Talambuhay ng isang Pambansang Alagad ng Sining

Si Virgilio Almario o mas kilala sa kanyang sagisag panulat na,


RIO ALMA, ay isang manunulat, kritiko ng mga literatura, editor, cultural
manager, at guro. Siya ay kasalukuysang Pambansang Alagad ng Sining sa
Pilipinas.

Si Rio Alma, anak nina Ricardo Almario at Feliciana Senadren, ay


69 yrs. old, ipinanganak noong March 9, 1944 at lumaki sa San Miguel,
Bulacan. Asawa sya ni Emelina B. Soriano at may tatlong anak na sina Asa
Victoria, Ani Rosa at Agno Virgilio.

Nagtapos si Rio ng elementarya noong 1955 sa Camias Elementary


School, at sekundarya naman sa San miguel High School noong 1959. Nagtapos naman ng kolehiyo sa
Unibersidad ng Pilipinas noong 1963 na may Bachelor Degree sa Political Science. Kinalaunan, sya ay
naging kandidato para sa M.A para sa Edukasyon sa University of the East. Nakamit naman nya ang
kanyang M.A sa Filipino noong 1974 sa Unibersidad ng Pilipinas.

(fil.wikipilipinas.org)

 Nagsimula ang buhay niya bilang makata noong kumuha siya ng ilang yunit sa kursong edukasyon
sa University of the East noong 1963.
 Noong 1967, kaniyang inilathala ang una niyang koleksiyon ng tula, Ang Makinasyon at ilang
Tula na sinundan ng sampu pang koleksiyon na kabilang sa Mga Piling Tula1968-1985 na nasa
dalawang wika. Lahat ng kaniyang mga antolohiyang tula ay kinolekta ng U.P. Press noong 1990 at
inilathala bilang dalawang bolyum na pinamagatang "Una Kong Milenyum."
 Siya ay nagsaliksik ng panitikan at mga tradisyon ng Kasaysayan ng panitikan sa Filipinas habang
siya ay pinagbawalan ng militar tulad ng Taludtod at Talinghaga(1965;1991), Balagtasismo Versus
Modernismo (1984), Kung Sino ang Kumatha Kina Bagongbanta, Ossorio, Herrera, atbp. (1992),
at Panitikan ng Rebolusyon (1896) (1993).
 Ang kaniyang mga kritikal na gawa ay umiikot sa mahahalagang pag-aaral ukol sa isyu ng
pambansang wika. Ang ilan dito ay natipon sa aklat na "Filipino ng mga Filipino"(1993)
at"Tradisyon at Wikang Filipino"(1998). Siya ang umakda ng "Patnubay sa Masinop na Pagsulat"
(1981) at ang nag-edit ng diksiyonaryo sa Filipino habang siya ay direktor ng U.P. Sentro ng Wika
noong 1996.
 Siya ay nagkamit ng Best Translation of Rizal as novels (Noli Me Tangere at El Filibusterismo) mula
kay Sen. Blas Ople at ng Manila Critics Circle.
 Inayos din niya ang mga koleksiyon nina Jose Corazon de Jesus, Lope K. Santos, Alfrredo Navarro
Salanga, Pedro Dandan at ilang aklat sa Ekolohiya at panitikang pambata.
 Nakatanggap din siya ng parangal mula sa iba't ibang prestihiyosong institusyon tulad ng Palanca
Awards, Makata ng Taon ng Komisyon ng Wikang Filipino, Ten Outstanding Young Men Award for
literature (TOYM), at SEAWrite Award mula sa Bangkok, Thailand.
http://cte203filipino.blogspot.com/2014/02/si-virgilio-almario-o-mas-kilala-sa.html

Mga bagong aklat sa wika at panitikan na isinulat ni Virgilio S. Almario

1. Kuwarentena (Koleksiyon ng Tula sa Panahon ng Kuwarentena), inilathala ng NCAA.


2. Kulo at Kolorum (Talakay sa mga Problema sa Estandardisasyon at Pagsasalin), inilathala ng Aklat
Bulawan FIT.
3. Ang Panitikan sa Panitikang-Bayan, inilathala ng NCCA, Koro Bulakenyo, at Opisina ni Sen.
Legarda.
4. Orosmon at Zafira, inilathala ng KWF.
5. Decameron (salin sa Filipino), inilathala ng Ateneo University Press
6. Himagsikang 1896, Inilathala ng Adarna House.
7. Pambansang Diksiyonaryo sa Filipino, inilathala ng Ateneo University Press.
8. Ang Paghahangad ng Wikang Pambansa at Paghahangad ng Bagong Kultura, inilathala ng PCEP-
NCCA.

 “TALIBA NG BAYAN” ni: Rio Alma


Isang tula na inihahandog ng Pambansang Alagad ng Sining para sa mga babaeng frontliners na
patuloy na lumalaban sa COVID-19. Na kahit anumang hirap at hamon sa buhay ay lahat
kinakaya at kakayanin para matulungan lamang ang mga mamayang Pilipino na lumalaban rin sa
gitna ng pandemya na ating kinakaharap sa kasalukuyan.

 “Sundalong PATPAT” ni: Rio Alma


Isang araw umalis ang Sundalong Patpat para hanapin ang nawawalang ulan. Aalamin
niyo ito kung bakit hindi parin umuulan kasama ang kanyang kabayong payat. Siya ay
nagtatanong o nakipag-usap sa sampalok, manok, hanggang sa nalaman niya kay bundok na
ibinilanggo ni Pugita sa kaniyang mutyang perlas. Dahil doon, nagpasya ang Sundalong Patpat na
Patayin si Pugita kaya agad niya itong sinugod ang yungib ni pugita. Naglabanan ang dalawa
hanggang sa tuluyan nan gang nakuha ng sundalong patpat ang mutyang perlas sa reyna ng
dagat.
Sa huli nang itinapon ang perlas ni Sundalong patpat pataas sakay ng kanyang kabayong
payat hanggang umabot sa tiyan ng langit ay tuluyang sumabog na nga ang masaganang ulan. Sa
pagkakataong iyon, ay bumalik nan ga ang lahat at patuloy parin ang Sundalong payat sa
kanyang paglalakbay para hanapin naman ang gusi ng ginto sa puno ng bahaghari.
Aral: Kung ating mapapansin sa tekstong ating binasa ay kinakailangan sa buhay ay huwag
tayong sumuko agad bagkus ay maging magtiyaga at magsumikap pa para maabot natin ang
ating gustong marating kahit gaano pa ito kahirap o imposible para sa atin. Kagaya na lamang ng
isang Sundalong Patpat na hinarap at kinaya lahat para maibalik lamang ang ulan na matagal na
niyang hinahanap at hinihintay.

Rogelio Mangahas

* Si Rogelio G. Mangahas (9 Mayo 1939–4 Hulyo 2018) ay isang makata, mananalaysay, editor, guro, at
tagasalin.

* Ipinanganak sa Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija, Pilipinas. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Filipino si
Mangahas noong 1965 sa University of the East (UE), kung saan niya nakilala ang mga kapanahunan
makata na sina Virgilio S. Almario at Lamberto E. Antonio. Pinasok niya ang iba’t ibang trabaho tulad ng
pagiging security guard habang nag-aaral. Nang makapagtapos, naging propesor siya sa UE hanggang
1972, nang maideklara ang Batas Militar. Naging guro sa wika at panitikan din siya sa De La Salle
University at St. Scholastica’s College.

Sa paglipas ng mga taon, nagturo si Mangahas ng wika at panitikan ng Filipino sa Unibersidad ng


Pilipinas sa Maynila, St. Scholastica’s College, De La Salle University, at sa Unibersidad ng Silangan.
Nagtrabaho rin siya bilang editor-in-chief ng Phoenix Publishing House at SIBS Publishing House,
consultant para sa literatura sa Cultural Center of the Philippines (CCP), editor ng Ang Masa, at country
editor ng Tenggara, isang literary journal ng Southeast Asia na inilathala. sa Malaysia.

Si Mangahas ay ikinasal kay Fe Buenaventura Mangahas, isang historyahdor, guro, at manunulat.

Pagtataguyod Wika at Panitikan

* Si Mangahas ay namuhunan at namatnugot ng antolohiyang Manlilikha (1967) na unang nagpakilala sa


tatlong modernistang makata sa Filipino. Nailimbag ang kaniyang mga tula sa mga antolohiyang Mga
Duguang Plakard at iba pang Tula (1971) at Gagamba sa Uhay (2006).

Marami ring parangal ang nakamit ni Mangahas, kabilang dito ang mula sa Talaang Ginto: Makata ng
Taon, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Balagtas mula sa Unyon ng mga
Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at iba pa.

Pakikibaka
* Si Mangahas ay isinilang Cabiao, Nueva Ecija noong 9 Mayo 1939. Siya ay nagmula sa pamilyang kasapi
ng Hukbalahap na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kalaunan ay
kinalaban ang pamahalaan.

Noong ideklara ang Batas Militar noong 1972, isa siya mga bumatikos at nagprotesta laban sa
pamumuno ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Noong 1973, naaresto si Mangahas at nakulong sa loob ng dalawang taon. Maging ang kaniyang asawa
ay nakulong din kasama niya ngunit sa maikling panahon lamang. Sa kaniyang pagkakakulong at sa
panahon ng Batas Militar niya nalikha ang mga tulang “Villanelle sa Iyong Pagdalaw” (1973), “Mga Ibon
sa Hawlang Bakal” (1977) and “Tagulaylay ng Isang Insurekto” (1977).

Si Mangahas ay namatay noong 4 Hulyo 2018 sa edad na 79.

Gawad Parangal

* Nakilala si Rogelio Mangahas, taga-Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija, sa kanyang akdang “Mga Duguang
Plakard”, na nagkamit ng unang gantimpala sa Gawad Palanca. Kinilala rin at hinangaan ang kanyang
kritika sa nobelang “Sa Mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M. Reyes.

Akda:

Mga Duguang Plakard

Ni: Rogelio Mangahas

(Para sa mga rebolusyonaryong demonstrador

na nabuwal sa karimlan ng Enero 30, 1970,

sa Tulay ng Mendiola)

I.

Bawat plakard ng dugo’y isang kasaysayan.

Isang kasaysayan sa loob ng mga kasaysayan.

Mga kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.

Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig

ang ating mga palad, wari’y mga

munting bungong may kutsilyong nakatarak.


Sa look ng kurdon,

tayo’y tila mga tupang halos katnig-katnig,

magkahiramang-hininga, magkapalitang-pawis.

Bawat ngiti’s duguang balahibo

ng isang martines na walang mahapunan.

May dilang namimigat sa pangil ng tigre,

may dilang kumikisig sa abo ng dahon,

may dilang tusuk-tusok ng tinik ng suha,

ay, kampilang bungi-bungi sa lalamunan

ng isang lalaking sumusuntok sa ulap

sa tanghaway ng unat na bato!

II.

Sa labas: isang lura, isang pukol ang layo,

mata sa mata,

ano’t tila kumikisay ang mga bituing

nakatusok sa mga balikat? Mga ngiti’y

nakatahing paruparo sa pawisang mga manggas.

Kaytikas ng ating mga pastol.

Namimigat ang berdeng mga ulo,

ang huberong mga ulo, ang kuping mga ulo.

Nagsisipagningning ang mga batuta, baril,

kalasag, holster. Bakit mangangambang

maluray ng hangin? Mga leong

walang buntot naman ang ating mga pastol.

III.
Hagupit ng hangin sa sanga,

hagupit ng sanga sa hangin!

Kumakalapak sa mga duguang plakard,

bumabarimbaw sa mga ulo natin.

Kumakalatik sa hubero, kuping, at berdeng

mga ulo — O, kumpas ng hinaing, ng pagtutol,

ng pagsumpa, habang yaong mga daho’y

sabay-sabay, sunod-sunod sa pagbagsak.

Ang hangi’y tumitiling papalayo,

Ang sangang nalagasa’y waring di na nakayuko.

IV.

Itaas ang mga plakard, ang pulang watawat, ang mga kartelon. Sa loob ng kurdon, sa loob. Hayaan na
munang humingalay ang Dayaming-

Bayani sa ilalim ng baog na puno. Hintayin na munang matigib ng dighay ang tiyan ng Kuweba. Hindi
magtatagal, sa paglabas ng Buwayang Maharlika kasunod ang mga klerigong bangaw, mga banal na
uwak at buwitre: gisingin ang Dayaming-Bayani, gisingin at hayaang sabihing “Amigo no lo comas todo,
dejame algo.”

At siya, sa gayon, ay ating paligiran, ngitian, pagpugayan, sindihan! Mga kababayan, kung pagtitig sa atin
ng Buwayang Maharlika ay kumikislap-kislap sa luha ang kanyang

mga mata, habang nakanganga, sinuman sa ati’y malayang mangarap,

mangarap ng muling paghimlay

sa sinapupunan ng ating ina; sinuman sa ati’y malayang mag-alay, mag-alay ng sarili, kapatid, magulang;
o magnasang makakita ng bungangang walang dila, walang tonsil, walang pangil.

Kusutin ang diwa, mga kababayan, kusutin, kusutin.

Kahulugan at Buod ng Tula

Ang tula na "Mga Duguang Plakard" ay nalathala sa panahon ng aktibismo. Ang tula na ito ay isa lamang
sa mga tula na nagpapahiwatig ng katapangan ng mga kabataan na hindi sumag-ayon sa lahat ng aspeto
ng desisyon ng gobyerno. Sa panahon na ito, ipinahiwatig na hindi lamang nag pagyuko ng ulo ang
kayang gawin ng mga kabataan,kaya din nitong isulong at ipaglaban ang kabutihan ng bayan laban sa
mga tiwali sa gobyerno at mga mapang-abuso sa kapangyarihan.

Ang tula na ito ay isinulat ng may akda na may layunin na ipahayag ang katapangan ng mga
rebolusyonaryo sa daan. Sa tula na ito, ipinahayag ang mga damdadamin ng mga rebolusyanaryo, kung
paano ito nangahas na makipagsisiksikan sa rally sa daan para lamang maipahayag ang saloobin ukol sa
gobyerno. Ipinahayag sa tula na ito kung anong klase ang mga nasa posisyon na kinagagalitan ng mga
aktibista, kung ano ang kanilang lugar sa lipunan at ano ang magandang buhay mayroon sila kumpara sa
mga karaniwang tao. Dito, sa tula na ito din pinangalanan ang mga pulitoko na mga leon na walang
buntot. Ang tula na ito ay is lamang sa mga tula na nagpapahayag sa tunay na sitwasyon ng ating lipunan
kaugnay sa pulitika, pangobyernong pamamahala at agwat sa antas ng pamumuhay ng mga ordinaryong
mamamayang at mga administrador ng gobyerno.

Federico Espino Licsi

Isang Pilipino na manunulat sa wikang Ingles, isinilang sa pasig, isinasaalang-alang din ang pinaka-
masagana ang ani manunulat sa tagalog.

Karera

Natanggap niya ang kanyang unang award sa 1967, sa Isang tula paligsahan sa wikang tagalog na inayos
ayon sa National Institute of Wika. Sa 1970 Siya ay summoned sa National Press Club bilang ang
pinakamahalagang tagalohablante makata. Ito rin kasosyo sa iba't ibang mga periodicals, tulad ng free
press. Nagsusulat din Siya tula sa ingles.

Pagawaan

Ang kanyang pinaka sa castilian poems wika ay ang mga:

Ibon hawla awit (1970)

Pilipino mga mukha at mask pag-ibig (1974)

Lashes Banayad (1974)

Mga Parangal Kaugnayan

Premio Zobel (1978)

Mga sanggunian:

Maliwanag, Lourdes. 81 Taon ng Zobel Prize: Isang Legacy ng Panitikan ng Pilipinas sa Espanyol, Pilipinas:
Filipinas Heritage Library, 2006.
Buod:

Isa sa mga akdang pampanitikan ni Federico Espino Licsi ay ang kanyang tula na pinamagatang "Larawan
ng Isang ulila" sa ingles ay "Picture of an Orphan child". Patungkol ito sa Isang bata nasa murang edad ay
naranasan na ang kahirapan sa buhay dahil na rin sa wala na itong mga magulang kaya maagang na
mulat ito sa realidad ng buhay. Isa din sa mga naisulat na tula ni Federico Licsi ay ang pinamagatang "
Erotique" Isang tula na may kaisipang naguugnay sa sex sa masining na paraan ayon sa nakita kong
impormasyon, at isa din sa mga tulang nakita ko na isinulat din ni Federico Licsi ay ang pinamagatan sa
ingles na "poem for my father", kung ating makikita sa pamagat pa lang nang kanyang tula ay
pumapatungkol na ito sa kanyang ama maaring ang tulang ito ay ang mga nais nitong sabihin sa kanyang
ama o maipahayag ang kanyang saloobin gamit ang tulang ito. Ang mga tulang nakapaloob sa buod na
ito ay ang mga iba sa nagawa ni Federico Licsi bukod Dito ay may mga naisulat paitong mga tula, dula at
mga maikling kwento isa na Dito ay ang tula niyang "De Ciento" ito ay Isang tula na tungkol sa pag-ibig at
may mga tula din siyang pinamagatang" Makinilya, at lira Tuluyan at tula" na isinulat din ni Federico
Licsi. Ayon pa nga sa Akong mga nakalap na impormasyon na Siya ay magaling na manunulat at marami
na din siyang mga natanggap na mga Parangal dahil sa kanyang mga isinulat na mga akdang
pampanitikan.

FERNANDO MONLEON

 Si Fernando Batubalani Monleon ay isang laureadong makata


 Ipinanganak noong Oktubre 28, 1912 sa Liliw, Laguna.
 Ipinarangalan ng Carlos Palanca Memorial Awards for Poetry in Filipino.
 Nagsulat ng daan-daang tula at nobela na inilathala sa magasin.
 “Tres Muskiteras” isang dula na isinulat niya at isinapelikula sa Sampaguita Pictures noong
dekada ’50.
 Naging konsehal siya ng Maynila noong dekada ’50 at naging pangalawang patnugot ng Institute
of National Language.
 Bukod sa pagiging manunulat at makata, ay kinilala rin siyang prisipe ng Balagtasan.
 Awtor sa mga aklat na akda para sa mababang paaralan at ng serye ng aklat na Hiyas para sa
Mataas na Paaralan.
 Nagtamo ng karangalan mula sa Unesco dahil sa aklat niya tungkol kay Francisco Balagtas.
 Si G. Monleon ay yumao noong Pebrero 2, 1972.

Buod ng “Ang Alamat ng Pasig” ni. Fernando Monleon


Nagsimula ang kuwento sa bayan ng Taal at itinampok ang magkababatang sina Magat
Mandapat at Lakan Tindalo. Isang araw, nakipagsapalarang hanapin ng magkaibigan ang isang
nawawalang kaharian. Kahit hindi nila alam kung saan iyon naroon, itinuloy nila ang pamamalakaya.
Matapos manalangin kay Malyari (Bathala ng Lakas at Kapangyarihan) at Poko (Bathala ng karagatan ng
mga Tagbanua), pumalaot ang magkaibigan sa dagat.

Sa ikatlong gabi ng kanilang paglalakbay, nakaranas sila ng delubyo at tinangay ng isang


malaking alon ang kanilang bangka sa isang bayan di nila alam ang pangalan. “Hindi nila tanto na ang
bayang ito’y libingang malamig….Ang pook na iyo’y bayang walang Diyos”. Natagpuan sila ng mga
tagaroon sa pampang at iniharap kay Datu Pasig na isang malupit na pinuno. Hinatulan sila
na “magbanat ng buto sa kaingin” ngunit iminungkahi ni Dayang Sumilang, anak ni Datu Pasig, na
patawarin sila at dahil dito ay nailigtas sila sa mabigat na hatol. Gayunpaman, bahagyang nagalit ang
datu ngunit pinagbigyan niya ang nais ng anak. Nagpasalamat nang lubos ang dalawa kay Dayang
Sumilang.

Sa kanilang pananatili sa bayang iyon, nalaman nila na ang batas ni Datu Pasig ay malupit at
marami ang naaapi. Sinusunog at pinaparusahan ang mga tamad ngunit wala namang pabuya ang mga
masisipag. Sinasamantala ng pinuno ang kahinaan ng mga magsasaka.

Sa isang pagtatagpo nina Magat Mandapat at Dayang Sumilang, naganap ang pagbulalas ng
saloobin ni Mandapat hingil sa kalakaran sa kaharian. Ayon sa kanya, dapat matigil na ang ganitong uri
ng pang-aapi laban sa mga taumbayan. Sa puntong ito, napaiyak si Dayang Sumilang sapagkat ito din ang
kanyang nais para sa kanyang bayan. Umusbong din ang isang uri ng pag-iibigan ng dalawang nilalang.

Di lumaon ay nagplano ng isang pag-aalsa ang magkaibigan at ilang mga tagasunod upang
wakasan na ang pagmamalupit ni Datu Pasig. Natuloy ang pag-aalsa ngunit dahil sa lakas ng pwersa ng
kalaban, nagapi ang pangkat ni Magat Mandapat at sila ay nahuli at pinarusahan. Ipinatapon sa dagat si
Lakan Tindalo at sa gubat naman sinunog si Magat Mandapat. Muling nakiusap si Dayang Sumilang sa
datu upang hindi maisakatuparan ang hatol ngunit matigas ang puso nito. Palihim na pumunta si
Sumilang sa kagubatan upang makita si Mandapat.
Sa kanyang landas, nagtungo siya sa puntod ng yumaong ina at humingi ng tulong. Nanalangin
din siya kay Barangaw (bathala ng bahaghari sa Kabisayaan). Bago maganap ang pagsunog kay
Mandapat, “ula’y bumuhos ang hanging mabini ay naging buhaw’t kulog ay sumalot.” Inanod sa dagat si
Datu Pasig at ang pook na kanyang pinamunuan ay nagunaw. Nailigtas si Mandapat at nagpugay siya kay
Dayang Sumilang dahil sa pagkakaligtas at paghango ng bayan sa pagkaalipin. Dahil sa dalisay na hangad
ni Dayang Sumilang, nailigtas ang bayan at itinayo ang isang bagong pamayanang may katwiran.

Clodualdo del Mundo

Si Clodualdo del Mundo ay ipinanganak noong ika labing-isa ng Septyembre taong 1911 sa Santa Cruz,
Manila. Ang kanyang magulang ay sina Mariano del Mundo, isang mang-uukit mula sa Bocaue Bulacan at
Remiga Legaspi mula sa Sampaloc Manila. Si Clodualdo del Mundo ay nakapagtapos ng elementarya sa
Mapa High School at sa kolehiyo nama’y sa Far Eastern College na ngayu’y Far Eastern University sa
kursong Associate in Arts. Muling nag-aral si Clodualdo del Mundo at nagtapos uli ito sa kursong
Bachelor of Science in Education sa paaralang National Teacher’s College. Hindi nagtapos ang pangarap
ni Clodualdo del Mundo at pinasok na nito ang kursong Law o pag-aabugasya sa paaralang University of
the Philippines.
Si Clodualdo del Mundo ay naging presidente ng organisasyong Panitikan at naging myembro ng
organisasyong manunulat ng katagalogan. Itinalaga ring presidente si Clodualdo del Mundo ng Ilaw ng
bayan noong 1936 at naging myembro ng ilaw ng panitik noong 1938. Naging isang myembro rin si
Clodualdo del Mundo sa organisasyong “Taliba ng Inang Wika” (TANIW) noong 1955 at marami pang iba.
Naging tanyag si Clodualdo del Mundo pagdating sa radio, pelikula at komiks dahil sa napakaraming
naiambag nito sa larangan ng pannulat ng mga akdang pumukaw at nagpaunlad sa interes ng mga
pilipino pagdating sa pagbabasa. Isa si Clodualdo Del Mundo sa mga dalubhasang naunang nagsulat at
nanguna sa makabagong tulang malaya ang taludturan. Ilan sa kanyang mga akda sa komiks ay ang
akdang “Prinsipe Paris” na kung saan ay patungkol isang haring malapit nang mamatay at ninatasan ang
isang kapanalig na turuan ang kanyang anak na maging isang hari sapagkat siya ay bata pa lamang. Ilan
pa sa mga halimbawa ng komiks ni Clodualdo del Mundo ay ang akdang sumusunod; Prinsipe Adonis,
Black Treasure, Nasa Balitataw, Gorilla Man, Binhi ng Puso, Apat na Anino, Asintado, Dimasupil, Apat na
Agimat, Sindak!, Ripleng de Rapido, Luis Latigo, Apat na Agimat, Asyang ng La Loma at marami pang iba.
Isa sa mga pinakatanyag na akda ni Clodualdo del Mundo ay ang ‘Inang Mahal’ sa tulong ni
Gervasio Santiago ay matagumpay at mahusay nila itong nabuo na kung saan ay tumatak sa mga
mambabasa. Ito’y humakot ng maraming reaksyon at komento sa mga kritiko, manunuri at lalong-lalo
na sa mga mambabasa. Ang akdang ito ay patungkol sa mag-asawang labis na inapi. Ang ina ang bida
nitong akda na may anak na apat sina Nestor, Anita, Jovita at Ditas. Matindi ang pagpapahirap na
dinanas ni Aida sa kamay ng ama ng kanyang asawa na si Don Rosendo dahil sa hindi nito matanggap an
gang kanyang anak ay nag-asawa ng walang pahintulot at lalong-lalo nang mahirap ang pinakasalan nito.
Sa pagkamatay ng Ina ni Felino ang asawa ni Aida ay matindi parin ang galit na dala-dala ni Don Rosendo
at pinagbawalan nito ang sariling anak na si Felino na dumalo sa lamay at libing ng kanyang Ina. Sa
paglipas ng panahon ay naaksidente si Felino at nalagotan ng hininga sa ospital. Matinding sakit at puot
ang naramdam ni Aida. Hindi alam ni Aida na kinuha na pala ni Don Rosendo ang kanyang tatlong anak
na labis na nagpatindi sa sakit na nararamdaman ng Aida. Maraming pagkakataong inalipusta si Aida ng
kanyang sariling anak at ginawang alila. Ginawang utusan, taga hugas ng pinggan, hindi gaanong
pinapakain at marami pang ibang mga kawalang-hiyaan ang ipinaranas ng kanyang anak sa kanya. Sa
likod ng pagpapahirap ng kanyang sariling tatlong anak ay ang anak na nakakita sa kanyang sitwasyon.
Isang anak na itinuturing parin siyang ina at iyon ay si Delfin. Biglang nagbago ang direksyon ng hangin at
nabaliktad ang pangyayari. Umangat sa buhay si Aida dahil sa pagsisikap ni Delfin at pinagawan nito siya
ng malaking bahay. Nagising ang tatlong kapatid sa kanilang walang awa nap ag-aalipusta sa kanilang
sariling ina na naging dahilan sa pagmamakaawa ng mga anak na patawarin sila. Nagtapos ang kwento
sa pagpapatawad ng Aida sa kanyang tatlong anak na nagkasala dahil sa naalala ni Aida ang pagiging
matiisin ng kanyang asawa na si Felino sa mga pagsubok sa buhay. Magkahalong galit, awa, pagkamuhi
at paghanga ang emosyong hatid nitong akda na lubos na sumikat sa kapanahonan ng pagkakasulat nito.

Ang mga sumusunod ay iilan sa mga akdang naisulat ni Clodualdo del Mundo.
1954-1955: Salamangkero (Espesyal Komiks)
1954-1956: Everlasting (Tagalog Klasiks)
1955-1956: Senyorita de Kampanilya (Pilipino Komiks)
1956-1957: Conde de Amor (Hiwaga Komiks)
1956-1957: Haring Espada (Hiwaga Komiks)
1956-1957: Kamay ni Cain (Pilipino Komiks)
1956-1957: Kayumangging Krisantemo (Espesyal Komiks)
1957-1958: Zarex (Pilipino Komiks)
1957-1958: Malvarosa (Espesyal Komiks)
1958: Tuko sa Madre Kakaw (Hiwaga Komiks)
1958-1959: Asintado (Espesyal Komiks)
1958-1959: Binhi ng Puso (Pilipino Komiks)
1959: Apat na Anino (Pilipino Komiks)
1959: Nakausap Ko ang Diyos (Hiwaga Komiks)
1959-1960: Gitarang Ginto (Espesyal Komiks)
1959-1960: Kadenang Putik (Pilipino Komiks)
1960: Sandakot na Alabok (Espesyal Komiks)
1960: Dimasupil (Tagalog Klasiks)
1960-1961: Karugtong ng Kahapon (Tagalog Klasiks)
1960-1961: Pitong Sagisag (Pilipino Komiks)
1960-1961: Nawaglit na Langit (Espesyal Komiks)
1961-1962: Apat na Agimat (Pilipino Komiks)
1961-1962: Sindak! (Hiwaga Komiks)
1962: Prinsesang Mandirigma (Espesyal Komiks)
1962-1963: Sutlang Maskara (Hiwaga Komiks)
1962-1963: 29 (Veinte Nueve) (Tagalog Klasiks)
1962-1963: Asyang ng La Loma (Espesyal Komiks)
1962-1963: Ripleng de Rapido (Pilipino Komiks)
1963: Magnong Mandurukot (Liwayway)
1963: Riple .77 (Pinoy Komiks)
1963-1964: Maskarang Itim (Holiday Komiks)
1964-1965: Anak ni Prinsipe Amante (Pilipino Komiks)
1964-1965: Mary Martires (Kislap Komiks)
1964-1965: Simbilis ng Ipo-Ipo (Pioneer Komiks)
1964-1965: Villa Venganza (Espesyal Komiks)
1964-1966: Boy King (Pinoy Komiks)
1965-1966: Joe Safari (Pinoy Klasiks)
1965-1966: Kid Sister (Pioneer Komiks)
1965-1966: Kilabot ng Persia (Pilipino Komiks)
1966: Duke de Alba (Liwayway)
1966: Impakta Vengadora (Liwayway)
1966: Planet Man (Liwayway)
1966: Katawan at Kaluluwa (Pinoy Komiks)
1966: Mataas na Lupa (Kislap Komiks)
1966: Sideshow Girl (Holiday Komiks)
1966: Walang Bituin sa Langit (Tagalog Klasiks)
1966-1967: Mga Taghoy sa Hatinggabi (Hiwaga Komiks)
1966-1968: Brix Virgo (Pilipino Komiks)
1967-1968: Double Agent (Pioneer Komiks)
1968: Paglalakbay sa Silim (Liwayway)
1968: Black Treasure (Hiwaga Komiks)
1968: Dragona (Top Komiks)
1968: Dyenina (Holiday Komiks)
1968: Nasa Balintataw (Pinoy Komiks)
1968: Noli Me Tangere (Zoom Komiks)
1968-1969: Gorilla Man (Zoom Komiks)
1968-1969: Katapat ng Langit (Kislap Komiks)
1968-1969: Lex Laureado (Pioneer Komiks)
1969: Bruhilda (Liwayway)
1969: Fashion Model (Sex-See Komiks)
1969: Flash Dodo (Bold Komiks)
1969: Sphinx(Pinoy Klasiks)
1969-1970: Captain Zing (Eba at Adan Komiks)
1969-1970: Erotik (Bikini Komiks)
1970-1971: Hello, Mrs. Abril (Liwayway)
1970-1972: Hari ng mga Stuntmen (Eba at Adan StarlightKomiks)
1972-1973: Gimbal ng Bayan (Starlight Mini Magazine)
1974: Lawin Vengador (Liwayway)(Source: Komiklopedia - Clodualdo del
Mundo)[4] Filmography[edit] Writer / Screenwriter
1949: Prinsipe Paris (story)
1950: Prinsipe Amante (screenplay)
1952: Teksas, ang manok na nagsasalita
1953: Munting koronel (writer)
1953: Hercules (writer)
1954: Nagkita si Kerubin at si Tulisang Pugot (story)
1954: Paladin (story) (as Clod del Mundo)
1955: Eskrimador (writer) (as Clod del Mundo)
1956: Zarex (story)
1957: Kahariang bato (as Clod Del Mundo)
1957: Conde de amor
1958: Malvarosa (story)
1959: Tuko sa Madre Kakaw (story)
1960: Kadenang putik (story)
1961: Luis Latigo (story)
1961: Pitong sagisag (story)
1962: Apat na agimat (story)
1962: Prinsesang Mandirigma (story)
1963: Ripleng de rapido (story)
1963: Asyang ng La Loma (story)Awards
1961: FAMAS AWARD Best Screenplay for Kadenang putik at the FAMAS Awards

Ponciano B. P. Pineda

Sa bayan ng Panabingan, San Antonio, Nueva Ecija ipinanganak si Ponciano B.


P. Pineda noong ika-2 ng Disyembre taong 1927. Nahubog at namulat ang
kamalayan niya sa paggamit ng Tagalog bilang kanyang instrumento tungo sa
tagumpay bilang mahusay na manunulat. Sa tatlong yugto niyang
pagsusumikap sa pag-aaral ay nakamit niya ang pinakamataas na parangal na
ibinigay sa mga mag-aaral –ang pagiging balediktoryan sa Paaralang
Elementarya ng Panabingan Barrio, Paaralang Elementarya ng Zaragosa at sa
Paaralang Sekundarya ng Nueva Ecija. Sa kanyang pagsusumikap sa pagsulat ay nahirang siyang
patnugot ng pahayagang The Granary sa antas ng Sekundarya, aktibong manunulat ng magasing Malaya
na pinamumunuan noon ni Teodoro Agoncillo. Hindi pa noon natatapos ang pag-aaral sa Sekundarya ay
dalawang gantimpala na ang kanyang naipanalo at ito ay ang “Ginto, Kamanyang at Mira” (1945) at “Sa
Iyong Pagsilang” (1947).

Noong mga panahong aktibo siyang mag-aaral sa antas ng Sekundarya ay bumisita bilang tagapagsalita
si Dr. Jose Villa Panganiban sa kanilang paaralan. Ang pangyayaring iyon ang naging daan upang
mabigyan ni Dr. Panganiban ng trabaho si Pineda bilang clerk sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP),
subalit hindi ito naging hadlang upang hindi niya matapos ang Associate in Arts. Matapos ang kursong
iminungkahi ni Dr. Panganiban ay nakapagturo si Pineda sa UST at sa Lyceum of the Philippines.

Sa kanyang hangaring maging abugado ay lumipat siya sa Manuel Luis Quezon – Educational Institution.
Doon ay naging patnugot siya ng “The Quezonian” (opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng MLQEI).
Matapos makapasa sa pagsusulit bilang abogado ay naging suliranin niya ang hindi pagsertipika ng
pagkuha niya noon ng bar examination. Ang ganitong suliranin ni Pineda ay kanyang nalagpasan at
nakamit niya ang pagiging lehitimong abogado ng ating bansa.

Matapos ang matagumpay na pagkuha ng pagsusulit bilang abogado, napag-isipan niya na umalis sa
SWP at bigyang pansin ang pagiging abogado. Pinigilan siya ni Dr. Panganiban at pinayuhan hinggil sa
kanyang malawak na misyon sa tanggapan. Mula sa pagiging clerk na may hawak na panlampaso
patungo sa pagiging junior language researcher, senior information editor-translator, puno ng field
research and propagation unit at ipa pang posisyon hanggang 1968 bilang Assistant Director.

Pinalitan niya si Dr. Panganiban bilang tagapangulo ng Surian mula 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng
kanyang pamamahala, pinangunahan niya ang ilang reporma sa wikang Filipino, kabilang na ang
modernisasyon ng alpabeto na binubuo ng 28 titik noong 1987 at ang pagtatag ng 12 sentrong
panrehiyon ng wika sa buong bansa.

Siya ay nagwagi ng Don Carlos Palanca Memorial Award para sa kanyang mga akdang “Ang Mangingisda
(1958)” at “Malalim ang Gabi (1954)”. Ginawaran din siya ng Varsitarian ng Parangal Hagbong noong
taong 2000 para sa kanyang kontribusyon sa pagpapaunlad ng wika at panitikang Filipino.

ANG MANGINGISDA
ni Ponciano B. P. Pineda
BUOD:
Sapul ng pag-ukulan ng pansin ng mangingisda ang lantsa ni Don Cesar, ibig na niyang
magkaroon din nito balang araw. Ang hangaring iyon ay payabong nang payabong sa paglakad
ng mga araw. Punong-puno ng makulay na pag-asa ang kanyang puso tuwing natatanaw niya
ang punduhan nina Fides na palaki nang palaki at ang nakadaong na mga lantsani Don Cesar.
Ang mga bagay na ito ang nagsilang sa kanyang mithiin. Madalas niyang ipinagtatapat sa
kanyang ina na bibili siya ng lantsa para makaahon sila sa kahirapan. Subalit pinagsasabihan siya
ng kanyang ina na hindi siya dapat mangarap ng ganoon. Ipinaggiitan nito ang pagkakasiya sa
bangka lamang. Madalas ipaalala ng kanyang ina na huwag kalilimutan ang Maykapal sa gitna
ng pagkadarahop ng sakit ng katawan dahil nawawalan siya ng pananalig kung minsan kung
wala siyang nahuhuling isda.
Habang tumatagal ay naging tatlo na ang lantsa ni Don Cesar at palaki nang palaki ang
punduhan nina Fides at ang mangingisda’y malimit nagtatanong kung bakit tatlo na nag lantsa
sa ibaya, samantalang siya’y hindi magkaroon hanggang ngayon. Naisip niya kung lantsa ang
kanyang gagamitin sa pangingisda hindi siya magkakagayon. Malayo ang kanyang aabutin at
uuwi siyang maraming huli na ikagagalak ng kanyang ina. Hindi na rin sila maghihikahos. Nang
umalis siya sa kanila isang araw, tiniyak niyang hindi siya uuwi na walang huli at makakabayad
na sila ng utang kinsa Fides. Nagdala siya ng dalawang balot ng dinamita upang makahuli ng
maraming isda subalit hindi pa niya naihahagis ay sumabog na ito sa kanyang kamay.

Lope K. Santos

Si Lópe K. Sántos ay pangunahing manunulat at


makata, lingguwista, at lider manggagawa.
Noong 1900, nagsimula si Santos bilang peryodista sa iba’t
ibang diyaryo hanggang maging editor ng Muling Pagsilang,
Lipang Kalabaw, at iba pa. Nakapagsulat si Santos ng
sampung tomo ng mga tula. Kasáma sa mga itinuturing na
mahahalagang koleksiyon niyá ang Puso at
Diwa(1908), Mga Hamak na Dakila(1945), Ang Diwa ng
mga Salawikain (1953), at ang tulang pasalaysay na Ang
Pangginggera (1912). Sa anim na nobela niyá, tampok
ang Banaag at Sikat (1906), na may diwaing sosyalista.
Isa rin siyáng kritiko ng panitikan. Kabílang sa
pinakamahahalaga niyáng kritisismo ang “Peculiaridades de
la poesia Tagala” (1929), “Tinging Pahapyaw sa Kasaysayan
ng Panitikang Tagalog,” “Ang Apat na Himagsik ni Balagtas”
(1955). Malaki rin ang naging ambag ni Santos sa
pagtataguyod ng wikang pambansa. Naging direktor siyá ng
Surian ng Wikang Pambansa at awtor ng Balarila ng Wikang
Pambansa na naging opisyal na teksbuk sa pagtuturo ng
wikang Tagalog.
Naging aktibo rin si Santos sa politika. Naging gobernador
siyá ng Rizal, unang gobernador ng Nueva Vizcaya, at senador ng ika-12 distrito. Bilang senador, inakda
niyá ang Araw ni Bonifacio at mga batas para mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa. Kasáma rin
siyá ni Isabelo de los Reyes na nagtatag ng Union Obrera Democratica(1902). Naging pangulo rin siyá ng
Union del Trabajo de Filipinas, tagapagtatag at pangulo ng Congreso Obrero.
Ipinanganak siyá noong 25 Setyembre 1879 sa Pasig, Rizal. Anak siyá nina Ladislao Santos at
Victoria Canseco (nang lumaon, babaybayin ni Santos ang Canseco gamit ang titik K). Napangasawa niyá
si Simeona Salazar. Maagang natuto si Santos ng pag-iimprenta sa kaniyang amang nagtatrabaho sa
isang imprenta. Nag-aral siyá sa Escuela Normal Superior de Maestros at Escuela de Derecho sa Maynila
at natamo ang kaniyang batsilyer sa sining mula sa Colegio Filipino. Namatay siyá noong 1 Mayo 1963.
(GSZ)

Banaag at Sikat

ni Lope K. Santos
Tungkol ito sa buhay ng magkaibigang sina Delfin at Felipe na mayroong magkatulad na naisin
ngunit may kakaibang paraan upang maipatupad ito.

Si Delfin ay kilala bilang isang sosyalista na naghahangad na magpalaganap ng konsepto ng


sosyalismo sa lipunan. Nais niyang maging dominante ang mga mahihirap sa iba’t ibang gawain ng
kabuhayan ang mga mamamayang maralita tulad ng pangangalakal, pagnenegosyo, at pagkakaroon ng
pag-aari.

Ngunit kahit malaki ang kaniyang adhikain para sa mga mahihirap, naninwala pa rin si Delfin na
kailangang idaan sa mapayapang paraan ang pakikipaglaban para sa karapatan nito.

Nag-aaral siya ng abogasya. At isa sa paraan niya ng pagpuksa sa mayayaman ay ang pagsusulat
sa isang pahayagan.

Si Felipe naman ay anak mayaman at naniniwala sa anarkismo. Ito ay ang marahas na


pagpapaalis ng mga makapangyarihan sa kanilang mga puwesto. Kailangan daw maipadama sa mga
mayayamang negosyante at may-ari ng lupa.

Anak din siya ng isang mayaman at makapangyarihang tao na si Don Ramon ngunit batid niya
ang hindi magandang paraan ng pagyaman ng kaniyang ama. Kaya naman umalis siya sa kanila at
namuhay nang mag-isa at ipinagpatuloy ang pagtupad sa kaniyang hangarin.

Napatay ang mayamang si Don Ramon habang nasa New York ito at nang ibalik ang mga labi
niya sa Pilipinas ay dinalaw ito nina Felipe at Delfin.

Isagani R. Cruz

Si Isagani R. Cruz ay ipinanganak noong 1945 sa Manila. Sya ay isang manunulat na Pilipino,
pangunahing kritiko, mandudula, sanaysayista na nakapag-ambag ng malaki sa paglago ng
Panitikang Pilipino. Isa siya sa mga pundador at tagapagsulong ng Manila Critic Circle at ang
dating kawaksing kalihim ng Departmento ng Edukasyon. Ang kanyang mga magulang ay sina
Recardo Castillo at Pacita Trinidad (Ronquillo)Cruz.
Edukasyon

Nakuha ni Cruz ang kanyang undergraduate degree mula sa University of the


Philippines Diliman, kung saan nakumpleto niya ang isang Bachelor of Science in Physics noong
1965. Kalaunan ay nag-enrol siya sa Ateneo de Manila University upang kumita ng isang MA sa
English Literature noong 1970. Nakakuha din siya ng Ph. D. sa Panitikang Ingles mula sa
University of Maryland noong 1976. Noong 1972 at 2003, natanggap ni Cruz ang isang Fulbright
na nagbibigay daan sa kanya upang mag-aral sa Estados Unidos.

Karera

Bilang isang manunulat, natanggap ni Cruz ang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon
sa panitikan ng Pilipinas. Sumulat siya ng higit sa tatlumpung mga libro. Siya ay isang Don
CarlosPalanca Memorial awardee para sa Panitikan. Bilang isang resulta, siya ay naging
miyembro ng Palanca Hall of Fame noong 2004 para sa kanyang mga dula, sanaysay, at mga
maikling kwento sa Filipino at Ingles. Nanalo rin siya ng SEAWRITE Award noong 1991, ang
Centennial Literary Contest Award noong 1998, at ang Gawad Balagtas Award noong 1999.
Kinakatawanni Cruz ang Pilipinas sa ilang mga international conference sa Canada, Hong Kong,
South Korea, Malaysia, Indonesia at Japan. Ang mga artikulo sa eskolar ay nai-publish sa
Pilipinas atsa Estados Unidos. Sa Pilipinas, si Cruz ay nagsilbi bilang editor para sa Loyola
Studies,Palabas, Interlock, at Malay publication. Si Cruz ay isang regular na nag-aambag para sa
mga periodical ng Pilipinas tulad ng Times Journal, Philippine Daily Inquirer, ang TV Times,
Modern Romances, Bulaklak, WHO, Parade, Observer, Panorama, Ms. Ellaneous, at Asia week
magazine. Bukod sa malikhaing pagsulat, si Cruz ay isang kilalang tagasuri ng pelikula atdrama.
Bilang isang tagapagturo, nagtatrabaho si Cruz sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas. Bago
ang kanyang opisyal na pagreretiro, gaganapin niya ang Alfredo E. Litiatco Lectures sa De
LaSalle University, kung saan pinamunuan niya ang Kagawaran ng Panitikan at Mga Wika sa
Pilipinas. Naging publisher din siya sa De La Salle University Press. Habang nasa De La Salle
University, nagturo siya ng iba't ibang mga paksa na kinabibilangan ng Science Fiction,
Advanced Writing, Ang Pagtuturo ng Panitikan, at Computer Literacy. Nagturo din siya ng
literatura sa Ateneo de Manila University at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay
isangkatulong na propesor sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City at isang
director ng Teachers Academy sa Far Eastern University. Naging propesor din siya sa mga
unibersidadsa Estados Unidos, Japan, at Taiwan. Siya ay naging isang pagbisita sa kapwa sa St
Antony's College sa Oxford University. Bilang tagapagtaguyod ng kultura ng Pilipinas, si Cruz ay
isang miyembro ng mga grupo at institusyon na nagtataguyod ng panitikan at sining ng
Pilipinas. Siyaay isang miyembro at founding chair ng Manila Critics Circle, ang Manunuri ng
Pelikulang Pilipino (Philippine Film Critics), isang dating pinuno ng Philippine Studies Association
of thePhilippines, University of the Philippines Writers Club, ang Cultural Research Association
ng Pilipinas, ang American Studies Association of the Philippines, Philippine Tournament Bridge
Association, at National Research Council of the Philippines. Si Cruz din ang bibliographer ng
Pilipinas ng Modern Languages Association of America. Siya ang pangulo ng Philippine Fulbright
Scholars Association.

Ang Kabastusan ng mga Pilipino


Isang sanaysay ni Isagani R. Cruz

Ang pop culture at masa ay madalas na mapagkamalan na iisa lamang ang kahulugan sa
“pangmaramihan”. Ngunit madami ding taong nagkakamali dito. Iba ito sa ingles na salitang
“public” o “mass” sa Ingles na tumutukoy sa marami. Ang masa ay tumutukoy sa mga
mangingisda, magsasaka, at ang mga manggagawa. Pero saan nga ba umusbong ang konsepto
ng pop culture?

Ang konsepto ng kulturang masa ay umusbong nang dahil sa pamantayang inilagay ng


mga elite na tao. Ito ang pagtangkilik sa kung ano ba ang sikat o popular tulad na lamang ng
mga damit, tugtog, gadgets, etc. Ang pagkakaroon ng mga kagamitan na pasok sa standards ng
mga tao ay maituturing na isang simbulo na ikaw ay angat kumpara sa iba.

Paano naman ito nagiging kabastusan ng mga Pilipino? Gaya na lamang ng sinasabi sa
akda ni Nicanor G. Tiongson na “Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang “Idolo”: APAT NA
PAGPAPAHALAGA SA DULA AT PELIKULANG PILIPINO”, mas tinatangkilik pa ng mga tao ang mga
produktong pangdayuhan kaysa sa ating sarili.
Ang isa pang puwedeng ikonsiderang pambabastos ng Pilipino pagdating sa kulturang
pangmasa ay ang paggamit ng iba’t ibang mga medium tulad ng babasahin at palabas bilang
paraan ng “pagpaparaos” katulad na lamang ng mga bomba films na sumikat noong rehimen ni
Marcos.

Mayroon ding mga kanta na nagsasaad ng pambabastos sa mga babae tulad ng You
Will Know ni Stevie Wonder na naglalaman na ang babae ang mas mahina kumpara sa mga
lalake at nagpapahayag ng invalidation ng kakayahan ng isang babae bilang tao. Kumbaga, mas
binibigyang kahulugan ang pamumuno sa lipunan na kung saan patriyarkal ito at nangingibabaw
ang gahum ng kalalakihan; na mas importante raw ang mga lalake kaysa sa mga babae.

Nagkakaroon din ng mga pagkakataon na hindi ang nilalaman ng medium ang


nakakapambastos kundi ang tema nito. Kagaya na lamang ng A Love Note For Olga na
ipinapakitang mas magiging masaya ang buhay mo kapag ikaw ay mayaman, at ipinamumukha
na kapag ikaw ay mahirap, walang mangyayari sa’yo.

Pero kahit pa ganon, wala namang mga bagay na magiging bastos kung hindi ito
pagiisipan ng madumi ng nakakakita nito. Kung tutuusin, walang bastos sa pagsasabi ng mga
maseselang parte ng tao dahil parte lang ito ng katawan. Naipapakita lamang literatura kung
paano ito nagiging kasangkapan kung paano nananatili ang ganitong pag-iisip ng tao sa kani-
kanilang mga kultura.

Rogelio Sicat

Talambuhay:

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (26 Hunyo 1940-1997) ay isang Pilipinong
piksyunista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta
Rodriguez. Ipinanganak siya noong 26 Hunyo 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang
pang-anim sa walong magkakapatid. Nagtapos si Rogelio Sikat na may Batsilyer ng Panitikan sa
Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang mga gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin at nagpamulat sa atin
sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa
Palanca awards noong 1962, at noong 1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto , sumunod
sa mga magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa literary history bilang
fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean sa University of the Philippines Diliman.

Namatay si Sicat noong 1997, pero pinarangalan sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng


National Book Award noong sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J.
Pomeroy na pinamagatang: "Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk
sa Pilipinas."
Mga Akda:

1. Impeng negro
2. Tata selo
3. Sa lupa ng sariling bayan
4. Moses moses
5. Handog sa kanyang Ina

Mga buod:

Sa lupa ng sariling bayan

Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya’t Inampon ito ng kanyang tiyuhin na si Tata
Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya’t siya’y nagsumikap
na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi
naman ay nag aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. Sa kabila nang
kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san
roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi
siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang
araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa
paghingi ng tulong kay Layo.
Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng
kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa
san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan
din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang
kanyang katawan sa San Roque at doon na rin Inilibing.
Impeng negro

Sa isang iskwater ay naninirahan si Impen at ang kanyang ina at kapatid. Sa tuwing aalis ng bahay si
Impen bilang isang agwador ay lagi siyang pinagbibilinan ng kanyang ina na umiwas sa pakikipagaway
lalo na kay Ogor.Si Ogor ang siga sa lahat ng agwador sa kanilang lugar. Madals nitong tuksuhin si Impen
sanhi panlabas na anyo nito. Isang araw sa kanyang pagiigib ay muli na naman siyang sinubukan ni Ogor.
Pilit na isiningit ni Ogor ang kanyang balde nito kahit na si Impen pa ang nasa pila. Nakiusap si Impen kay
Ogor na hayaan na lamang siya matapos ngunit hindi ito pumayag kaya naisip na lamang niyang
umuwi.Subalit sa kanyang paglakad ay pinatid siya ni Ogor at tumama ang pisngi niya sa nabitiwang
baldeng tubig. Dahil sa dugong dumaloy sa kanyang pisngi ay agad nitong tiningala ang kaaway at
tinawag ang pangalan nito. Nagulat si Ogor at mabilis siya nitong sinipa. Nagpambuno ang dalawa.
Subalit bigla ang paglakas ni Impen. Natalo at napasuko niya si Ogor. Ganoon na lamang ang
pagkamangha ng mga kapwa niya agwador. Sa pagkakataong ito, pangingilagan na siyang tuksuhin ng
mga iyon.
Tata Selo
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang
araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay nap no na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan.Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad
makalapit sa istaked. Ngunit hindi nila ma intindihan si Tata Selo at hindi siya pinapakinggan na sa kanila
ang lupang inawayan.Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-
magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata.
Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.Padahilig na ang sikat ng
araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting,
ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked.
Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang
mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina.
Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni
Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay!
ang lahat ay kihuan na sa kanila
Handog sa kanyang Ina
Sa kanyang paglalakad, sari-saring tindahan ang kanyang nakikita. Gusto niyang ibili ng regalo ang
kanyang ina na may kaarawan. Ngunit hindi sapat ang kanyang pera upang mabili ang bagay na gusto
niyang ibigay sa kanyang ina. Naisip nya n asana ay mayaman na lang siya upang mabili niya ang kanyang
gusto at maibigay sa kanyang ina ang isang malaking regalo. At ikakatutuwa nito ang gagawin ng anak.
Naubos ang pera ng kanyang Ama dahil kalalabas lamang ng kanyang Ina sa Ospital. At ito ay payat na
payat. Kaya’t inaasahan niya ang kanyang sarili na makapagbibigay kahit na payak lamang na regalo.At
naisip niya na bumili na lamang nang ballot dahil sa kakapusan ng pera. Nang siya ay nakauwi na.
Inilagay ito sa kwarto ng kanyang Ina at isinabit ito sa kama. Maya-maya’y nagalit ang kanyang ina dahil
sa nabasag ang ballot at nabasa ang likod nito. At pinagalitan si Ben. Nang aminin ni Ben na siya ang
naglagay nito ay nag iba ang timpla ng kanyang ina at nagkaroon ng konting kurot sa puso dahil sa
ginawa ng kanyang anak.
Moses Moses
Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay
nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya’y na-trauma
at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si Regina sa
pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.

Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang isang Konsehal. Naparoon sila upang
humingi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang
pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.

Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang
pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas,
makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang laging mananaig. Ang nais na lamang ni Tony ay
mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang
ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na
itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.

Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumpong nanaman si aida, kailangan ni Aida ng
tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamot si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si
Tony, nasabi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbago ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong
niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dalang baril si Tony
dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi
ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.

Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamot ngunit
natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni
Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang
matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng
umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni Regina ng gatas.

Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainom daw ng mga lagad ng anak ng Alklde
ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patuloy parin
pinapainom ng lason si Tony, ang masaklap pa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang lason. Takot
na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.

Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony
na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak
ng Alkalde, ngayo’y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang
makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay
isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinabing wag silang umalis dahil susuko si Tony.
Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-
tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi
sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina si Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan
niya.

Macario Pineda

(10 Abril 1912–2 Agosto 1950)

Isang batikang mangangatha sa wikang Tagalog si Macario Pineda (Ma·kár·yo Pi·né·da).


Unang nagsulat si Pineda sa wikang Ingles. Ang kaniyang unang kuwento, ang “Five Minutes” ay
nailathala sa Graphic. Nagpatuloy man siya sa pagsulat sa Ingles, higit na nakilala ang kaniyang mga
kuwento sa Tagalog. Noong1937, ang kaniyang kuwentong“Walang Maliw ang mga Bituin” na nailathala
sa Mabuhay ay napiling isa sa sampung pinakamahuhusay na kuwento ng taón. Nakapaglathala rin siya
ng mga akda sa Liwayway, Malaya, Bulaklak, Ilang-ilang, Daigdig, at Sinag-tala.

Ang kaniyang mga kuwento ay kakikitahan ng maingat na karakterisasyon at mahusay na paraan ng


pagsasalaysay. Hinahangaan siya sa paggamit ng katutubong kulay at mahusay na kaalaman sa idyoma
at tradisyonal na kostumbre ng mga Filipino. Laging napapabilang ang kaniyang mga akda sa antolohiya
ng pinakamahuhusay tulad ng Ang 25 Pinakambuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 (1944) at ng
Maikling Kuwentong Tagalog, 1886-1948 (1949) na pinamatnugutan ni Teodoro A. Agoncillo.

Sumulat din si Pineda ng mga nobela, bilang aklat o bilang de-serye. Kabilang sa mga nobelang ito
ang Halina sa Ating Bukas (1946), Ginto sa Makiling (1947), Mutyang Tagailog (1947-1948), Langit ng
Isang Pag- ibig (1948), at Isang Milyong Piso (1950). Nagsulat din siya ng mga kolum para sa mga
magasing Daigdig at Liwayway.

Ipinanganak si Macario Pineda noong 10 Abril 1912 sa Malolos, Bulacan sa mag-asawang sina
Felisa de Guzman at Nicanor Pineda, na kilalang mambabalagtas. Napangasawa niya si Avelina Reyes at
nagkaroon sila ng pitong supling. Nagtapos siya ng sekundarya sa Bulacan High School, at pagkaraan,
nagtrabaho bilang klerk sa munisipyo. Naging ingat-yaman din siya ng mga bayan ng Meycauayan, Pandi
at Bigaa. Namatay siya noong 2 Agosto1950. (GSZ)

BUOD

Ang Ginto sa Makiling ni Macario Pineda

Ito ay isang nobela na tumatalakay sa pagmamahalan ng dalawang bidang karakter na si Edong at


Sanang. Kung saan nakita ang teoryang Romantisismo.

Sa nobela nagpakita ng tatlong mundo; ang nakaraan, kasalukuyan at mala-paraisong mundo. Ang
mga mundo ng nakaraan sa panahon nina Edong at Sanang, pangalawa naman ay ang kasalukuyan
noong nag-usap ang nagsasalaysay at ang kanyang mga katrabaho na nakatanggap ng sulat na may
nawawala daw sa Bulacan. Pangatlong ay ang mundo ng Utopia kung saan ang malaparaisong mundo sa
Bulkan Makiling na pinamumunuan ng isang diwata o reyna na si Maria.

Sa unang tagpo may tatlong karakter na nag-uusap tungkol sa isang balita na may nawawala ang
tatlong karakter na ito ay sumasalamin din sa tatlong klase ng tao mayroon sa lipunan. Mayroon hindi
naniniwala, mayroon naniniwala at mayroon namang walang pakialam.

Pinakita rin ng nobelang ito ang kahalagahan ng tiwala at paghihintay para makamit ang tunay na
minamahal. Maaring hindi lang sa pag-ibig ito, maari itong gamitin sa maraming bagay. May kasabihan
sa wikang Ingles na “the best thing happen to those who wait” na kailangan at mahalaga na maghintay
ng buong pusong at may pagtitiwala.
Sa pamamagitan ng pagpapasok ng hiwaga ng pagkakaroon ng paraiso ni Maria Makiling kung saan
tangi ang mga natapos na sa layunin nila sa lupa ang maaring makapanirahan doon, sinabi na nandoon
daw sina Sisa at Crispin, na namatay dahil napagbintangan nagnakaw noon. Ganito ang mga klase ng tao
na pinapayagang manirahan doon. Pinapakita sa paraisong ito ang kabaliktaran ng totoong mundo na
mayroon ngayon sa realidad. Sa paraisong ito ang turingan ng bawat isa ay magkakapatid at walang
lamangan, hindi katulad ng lipunan ginagalawan natin ngayon na halos puro kompetisyon para lang
makalamang sa kanilang kapwa. Dahil ipinakita ang dalawang klase ng mundong naipakita kung gaano
kapangit ang mundo mayroon tayo. Sinasabing ang mga nasa paraisong ito at mga Raha, Urduja, sa
huling bahagi ay sinasabi na narito si Rizal, ibig sabihin nasa paraisong ito ang magagaling na mga tao
kaya naman maaring sila ang tinutukoy na ginto sa Makiling bukod siguro sa literal na ginto na mayroon
doon.

Efren Reyes Abueg

Si Efren R. Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at kritiko ng
kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso,ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon
ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng
KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling
Akdang Pilipino(1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).

Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
(1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang
Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas
(1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liawayway sa Nobela (1964,
1965, at 1967).

Marami-rami din siyang nagawa. Sumulat at ang-edit ng maraming mga sangguniang aklat
magpahanggang ngayo’y nagagamit pa rin ng kapwa pribado, at pampublikong paaralan mula sa
elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kwento sa
mga teksbok na sinulat ng ibang awtor.

Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng wika at panitikan
sa Manuel L. Quezon University (1965-1972), Philippine College of Commerce (1971-1972), Pamantasan
ng Lungsod ng Maynila (1974-1977), Ateneo de Manila University (1977-1978), at De La Salle University
(1979-2006). Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986-1988;
Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore Society.

Sanggunian: https://www.scribd.com/document/238814503/Talambuhay-Ni-Efren-Abueg

Maikling Kuwento

Pamagat: Sa Bagong Paraiso ni Efren Reyes Abueg

Kahulugan ng Pamagat:

Ang paraiso ay isang lugar na napakaganda, kasiya-siya at kaaya-aya. Ito din ay maaaring tuutuky sa
damdamin ng kasiyahan at kaginahawaan at ang paraisong tinutukoy ng awtor sa pamagat ng kuwento
na ito ay ang mga mundong ginagalawan ng dalawang pangunahing tauhan dito. May dalawang mundo
o paraiso ang nabanggit sa maikling kuwenti ng “Sa Bagong Paraiso”. Sa pagtanda nina Cleofe at Ariel ay
napalitan ang una at dati nilang paraiso, ang kanilang bakuran at ang dalampasigan, na inikutan ng
kanilang buong kbataan at kawalng malay sa buhay, ng isang paraisong binubo ng paghihimagsik at
pagtatago ngunit puno din ng kaligayahan at pagmamahalan ang dalawang tauhan sa kuwento.

BUOD:

Si Cleofe at Ariel ay kapuwa walong taong gulang na matagal nang magkaibigan at parehong wala pang
ganao na malay sa mundong kanilang ginagalawan. Silang dalawa’y laging naglalaro sa kanilang bakuran
at sa kalapit nitong dalampasigan at ang mga lugar na ito ay ang kanilang paraiso. Kilala ang dalawang
magkaibigan sa kanilang nayon dahil sa kanilang pagkakaibigan at talino. Kinaiinggitan ng ibang bata ang
kanilang pagakakibigan at minsa’y narinig ng dalawa mula sa mga saksi sa pagkakaibigan nila’y sila ang
makapangasawahan. Lumipas ang panahon at sila’y nag-umpisa at nakapagtapos din ng hayskul. Noo’y
kinausap na sila ng kanilang mga magulang na panahon na upang sila’y maghiwalay at hindi muna
magkita dahil pinaniniwalaan nila na sila’y tukso para sa isa’t isa lalo na at sila ay mga dalaga’t binata na.
Sinunod naman ng dalawa ang utos ng kanilang mga magulang at sila’y nagtungo sa bayan upang
magkolehiyo. Nagdaan ang madaming taon simula nang sila ay tumigil sa pagkikita ngunit isang araw ay
hindi sinasadyang nagkita sina Cleofe at Ariel. Muling nagkabangga ang kanilang mga mundo at sila’y
hindi na nakatiis. Ang isang pagkikita ay nasundan pa ng marami. Ang kanilang pagkikita’y ginagawa nila
ng palihim sa takot na madiskubre ito ng kanilang mga magulang. Ang mga lugar na kanilang naging
lihim na tagpuan ay ang naging kanilang bagong mundo, ang kanilang bagong paraiso. Ang
paghihimagsik nilang ito ay di naglaong humantong sa kinakatakutang pangyayari ng kanilang mga
magulang, ang sila’y masadlak sa isang kasalanang makakasira sa kanilang mga pangarap at tuluyang
magbubukas sa kanilang kamalayan.
Deogracias A. Rosario

-ipinanganak sa Tondo, Maynila noong October 17, 1894

-inumpisahan niyang isulat noong 1915 ang “ANG DEMOKRASYA”

-TALIBA- isinuat noong 1917

-siya ay isang manunulat/manunula

Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako’y mayroong isang ibon, Ang dalagang matanda, Manika ni tadeo,
Aloha, Bulaklak ng bagong panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestro ni Rosario ay ang aloha na
kasama sa katipunang 50 kwentong ginto ng 50 batikang kwentisla. Si Deogracias A. Rosario ay ang ama
ng maikling kwentong tagalog sa bansa. Siya ay nagging manunulat sa gulang na 13, isinulat niya ang
“Ang Mithi” isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa ng nakakatulong ng husto sa pag-unlad ng
maikling kwentong tagalog. Naging manunulat siya ng “Ang Democracia” at sumulat din siya para sa
taliba, dahil sa pagsulat ng taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli ay
naging patnugot, nagsulat din siya sa photo news, sampaguita at lipang kalabaw.

 Isa sa pangunahing taga ambag sa liwagway.


 Naging miyembro sa iba’t ibang asosasyon ng mga manunulat
 Katipunan ng mga kuwentista
 Aklatang Bayan
 Katipunan ng mga dalubhasa
 Akademiya ng wikang tagalog

 Naging pangulo ng “ilaw” at “Panitin” na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E.
Gener, Cirio H. Panganiban at Jose Corazon de Jesus.

Ilang akda

 Dahil sa Pag-ibig
 Ang anak ng kanyang asawa
 Ang manika ni Todeo
 Walang panginoon
 Dalawang larawan
 Ang Geisha
 Bulaklak ng inyong panahon
 Mga Rodolfo Palentino
 Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng:
- Ang puso ng Geisha
- Ang mapaghimagsik

Mga titik sa tagalog ng ilang mga awit na binuo nina Icanor Abelardo at Fransisco Santiago

 Mutya ng pasig
 Dignity of labor
 Cancion Filipino
 Sakali man
 Alma mater commencement exercise
 The pierce of night

Gantimpala – “Mayroon akong isang ibon”

- Bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa


panahon ng mga Amerikano, noong 1930. Isang taon matapos nito, siya
ay ideneklarang pinakamagaling na manunulat ng maikling kwento para
sa akda niyang “Aloha”.

Edgardo M. Reyes

Si EDGARDO M. REYES ay isinilang noong Setyembre 20, 1936 at pumanaw noong Mayo 15, 2012. Siya
ang isa sa mga tinaguriang Haligi ng Kontemporaryong Panitikang Pilipino. Ilan sa kanyang mga nasulat
ay ang Laro sa Baga, Sa mga Kuko ng Liwanag at Ligaw na Bulaklak. Siya rin ang isa sa mga awtor ng Mga
Agos sa Disyerto. Ang kanyang mga likha ay unang natampok sa Tagalog na magasin na Liwayway.

Bukod sa pagiging isang manunulat, si Edgardo ay isa ring mahusay na screenwriter, nobelista at
kuwentista. Ilan sa kanyang mga likha tulad ng Laro sa Baga at Mga Uod at Rosas ay nagkamit na ng mga
papuri. Ang mga ito ay nakilala sa buong mundo at naisalin na sa iba’t-ibang wika.

Isa si Edgardo M. Reyes sa pangunahing kuwentista at nobelistang Filipino. Popular ang kaniyang sa Mga
Kuko ng Liwanag hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang bersiyong pelikula ng
nobelaay isa sa mga ikonong produksiyon ng pelikulang Filipino. Kabilang si Reyes sa pangkat
pampanitikan

noong dekadasisenta—mga manunulatna Agos—na bumago sa developmentat kasaysayan ng pagsulat


ng kuwento sa Filipino. Sa sariling paglalarawan,siyaay “…isang layas, palaboy, propesyonal na tambay,
salamatat hindi umabot sa pagiging taong-grasa. Atsoy rin, piyon sa konstruksiyon, tubero, manggagawa
ng poso,officeboy, mensahero,bodegeroat kung ano-ano pa. Halosgradweyt lang ng high school,
nagtapos nang pinakabobo sa buong klase (pasang-awa)sa eskuwelahang matagal nang nagsara,ewan
kung dahil sub-standard. Naging kuwentista, nobelista,editor ng magasin at diyaryo, manunulat sa
pelikula at

telebisyon,reporter,photographer,kolumnista,cartoonist,komentarista sa radyo,

direktor sa pelikula.Propesor sa unibersidad, tagapaglektyur sa graduateschool ng Ateneo,atsaU.P., sa


mga estudyanteat sa mga miyembrongfaculty. Palanca

at Famas aw ardee, U.P. writer-in-residence, [at] bestseller sa Japan (salin sa

Nihonggo ng Sa Mga Kuko ng Liwanag.)” Dinayosiyasakaniyang tahanan sa TaytayRizalnoong 17 at 22


Hulyo 2008 ng pangkat ng editor atkasamang editor ng ikalawang isyu ng Likhaan Journal na binubuo
nina Dekano ng Kolehiyo ng ArteatLiteratura VirgilioS. Almarioat Prop. Carmelo V.E. Nadera,Jr.

Bibliyograpiya

Sa Mga Kuko ng Liwanag (naging pelikula rin ito na idinerehe ng National Artist na si Lino Brocka, isinalin
naman ang nobela sa napakaraming wika sa buong mundo)

Ang Mundong Ito ay Lupa

Laro sa Baga

Mga Uod at Rosas

Sa Aking Panahon

Diwalwal: Bundok ng Ginto

Isla: Si Tarzan, Si Jane at si Chito

Rosas: Mga Piling Kuwentong Puso

Hoy, Mister, Ako ang Misis Mo


Sa Kagubatan ng Lungsod

P.S. I Love You

Boy Pana

Atsay

Maynila

Tanikala

Idol
LIWAYWAY ARCEO

Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90


nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng
salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing
publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay
tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values],
lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng
Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal
ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at
gobyerno. Mga pangunahing aklat Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:

* Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998); * Mga Bathalang Putik (1998) * Titser (1995) *
Canal de la Reina (1985) * Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998) * Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997) *
Mga Maria, Mga Eva (1995) * Ang Mag-anak na Cruz (1990) * Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo
(1992) * Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968).

Sumulat din ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito ang Ako. . . Si Clara (1990) na hinggil sa
buhay ni Santa Clara ng Assissi; Claret, ang Misyonero (1988) na hinggil sa pundador ng Misyong
Claretian; at Francisco ng Assissi na hinggil sa buhay ng pundador ng ordeng Fransiskano. Mga tuluyang
nobela

Ilan sa tuluyang nobelang nalathala ni Arceo sa magasing Liwayway at sinubaybayan ng libo-


libong mambabasa ang sumusunod: Tulad sa Bituin (1956); Topo-topo (1956-1957); Sa Abo ng Lumipas
(1957); Hanggahan ng Pangarap (1957); Kung Sakali man at Salát (1958); Sa Habang Panahon (1957-
1958); Huwad na Dambana (1957-1958); Mga Doktor sa Bukid (1959); Ikaw ay Akin (1962); Kung Saan Ka
man Naroroon (1964); Lydia Ansaldo, M.D. (1964); Dalawang Kalbaryo (1964); Tatak ng Pagkakasala
(1965); Kulay Rosas ang Pag-ibig (1964-965); Iba-ibang Kulay ng Pag-ibig (1966); Liza (1966); Isa ang
Susuko (1966); Ang Panigbugho (1966); Hiram na Laya (1965-1966); Ipakipaglaban Mo Ako (1966-1967);
Daigdig na Kristal (1967); Ginto sa Dulo ng Bahaghari (1967-1968); Minsan Lamang ang Gabi (1968); Ikaw
ang Ilaw Ko (1968); Bahaghari sa Lupa (1969); Nagbabagang Paraiso (1969-1970); Sa Pinto ng Impiyerno
(1970); Bawal na Paraiso (1971); Hanggang sa Kabila ng Langit (1972); Piitang Ginto (1972); Dalawang
Daigdig (1973-1974); Saan man at Kailan man (1973); at Krus ang Aking Budhi (1976-1977).

Ang kakatwa ay malimit mapagkamalang pag-aari ni Arceo ang magasing Liwayway dahil ang
pangalan niya ay "Liwayway" din. Bukod pa rito, naging mataas na pamantayan si Arceo bilang
manunulat at editor ng nasabing magasin, na nakatulong nang malaki upang lumaki ang sirkulasyon nito
at umabot sa halos kalahating milyong sipi kada linggo.

Ang iba pang tuluyang nobela na hindi binanggit dito ay nasa aklatan ngayon ng Unibersidad ng
Pilipinas at Ateneo de Manila University. Inihabilin ni Arceo ang karamihan sa kaniyang antigong
papeles, aklat, at memorabilya doon sa aklatan ng UP noong 28 Agosto 1993 at sa Ateneo Library of
Women's Writing (ALIWW) noong 28 Nobyembre 1994. Ang iba pa niyang natitirang aklat at
memorabilya ay nasa dating tahanan niya sa Project 6, Lungsod Quezon, at nakahanda para sa Liwayway
A. Arceo Foundation na itinatag ng kaniyang anak na abogadong si Florante. Mga nobeleta

Sumulat din ng maiikling nobela si Arceo at ilan dito ang kumita nang malaki, gaya ng Hanggang
sa Kabila ng Langit (1991); Paano Kita Iiwan (1993); Ang Sabi ni Vic (1993); Si Dina, Si Rosauro, Si
Demetria (1993); Laro ng Tadhana (1993); Buhayin Mo Po ang Anak Ko (1993); Isang Ina. . . Isang Anak
(1993); Kahit Ikaw ang Huling Lalaki (1993); Gabing Payapa, Gabing Tahimik (1993); Huwad na Paraiso
(1993).

Ang paglaganap ng nobeletang Filipino ang nagpagiba sa dati noong moog ng komiks. Itinaas ng
gaya ng mga akda ni Arceo ang kalidad ng mga kuwento at nobelang pangkomiks, at hinatak ang
mambabasa na magtuon sa bagong libangan: libro. Dulang panradyo at pantelebisyon

Si Arceo ang kauna-unahang manunulat na Filipino na sumulat ng soap opera sa radyo. Ang
kaniyang dulang Ilaw ng Tahanan na isinahimpapawid ng DZRH, DZMB, at DZPI ay nagsimula noong
Marso 1949 at nagwakas lamang noong Hulyo 1958. Tinipon ni Arceo ang lahat ng kaniyang orihinal na
iskrip, kasama ang mga notasyon, at nakabuo ng 36 tomo na halos sumalamin sa isang mahabang
panahon ng pamilya at lipunang Filipino. Nagkaroon din ng adaptasyon ang nasabing dula, at ito ay
isinalin sa iskrip na pantelebisyon. Ipinalabas ang Ilaw ng Tahanan sa telebisyon noong 1978.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, si Arceo ang manunulat sa likod ni Tiya Dely Magpayo. Ang mga iskrip
na binabasa ni Tiya Dely sa kaniyang programang Ang Tangi Kong Pag-ibig.

Sanggunian: https://arceoliwayway.fandom.com/tl/wiki/Talambuhay_ni_Liwayway_Arceo
Akdang Pampanitikan: Maikling Kwento

Pamagat: “Ganti”

May-akda: Liwayway Arceo

BUOD NG GANTI

Ipinakilala ang dalawang taong nag-iibigan na si Melania at Ernesto. Ngunit sa kasamaang palad,
ito ay pinigilan ng ama ni Melania. Magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Si Melania ay isang anak ng
mayaman at maimpluwensiyang tao at si Ernesto naman ay karaniwang kawani lamang. Upang
hadlangan ang kanilang pagmamahalan, ipinagkasundo si Melania ng kanyang ama sa ibang lalaki.
Tumutol si Melania at pilit na ipinaglaban ang pagmamahalan nila ni Ernesto. Nagplano siyang
makipagtanan kasama nito. Tumanggi si Ernesto. Dahil dito, natuloy ang kasal sa pagitan ni Melania at
Leonardo, ang anak ng matalik na kaibigan ng ama ni Melania. Makalipas ang isang taon, nabalitaang
namatay si Leonardo. Nakiramay si Ernesto. Para sa kanya, ito na ang pagkakataon upang makapiling
niya muli si Melania. Ngunit gaya ng nakaraan, si Melania naman ang tumanggi. Umuwing luhaan si
Ernesto.

ILDEFONSO SANTOS

Si Ildefonso Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong 23
Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.

Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang
makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa
niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon
na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.

Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika, siya
ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio
Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.

Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano.
Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa
mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at
karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong
Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat
tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.

Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura
noong taong 2000.

BUOD SA ISA SA KANYANG MGA AKDA


Sa Tabi ng Dagat
Ildefonso Santos

Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan.

Ang tulang ito ay nagpapahiwatig ng tibay at pundasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Ito
nagpapahayag sa mga taong nais ng lumagay sa tahimik o mag-asawa sa madaling salita, kailangan
maging handa sa papasukin responsibilidad na kaakibat ng pag-aasawa sapagkat dito masusubok ng mga
balakid ang tibay ng pagmamahalan ng dalawang tao. Pagsubok na maaaring magpatumba sa
pagmamahalan dahil sa buhay hindi puro ginhawa lamang, nariyan ang hirap sakripisyo, pasakit at mga
konsekwensyang susukat sa tibay ng relasyon. Kapag nanghihina ang isa kailangan akayin ng isa o bigyan
ng lakas para magpatuloy, pupunan ng bawat isa yung kakulangan para hanggang sa pagtanda kayo pa
rin ang magkasama at masasabig nalagpasan at naging matibay kayo sa mga pagsubok na inyong
pinagdaanan.

You might also like