Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagdisenyo at Paglikha ng Daphnia Magna Filtration System

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagdisenyo at paglikha ng Daphnia Magna Filtration System (DMFS).
Hinangad sa pag-aaral na ito na makapaghatid ng alternatibo at abot-kayang pamamaraan ng pag-resiklo at paglinis
ng tubig sa mga lugar sa Pilipinas na nakararanas ng kakulangan ng suplay ng tubig sa tulong ng Dapnia magna na
may kakayahang salain ang bakterya, lumot, at mga inorganic particles na matatagpuan sa maruming tubig. Saklaw
ng pag-aaral ang paghahanap ng mura at angkop na materyales para sa paglikha ng DMFS at suriin ang physico-
chemical at microbiological properties ng mga nakalap na sampol ng tubig na ginamit sa paglalaba at tubig-ulan, at
kapag ito naman ay naisala na ng Daphnia Magna Filtration System. Nalimita ang pag-aaral sa pagsusuri ng pH
level, conductivity, hardness, at temperatura ng tubig para sa physicochemical properties, at kultibasyon naman ng
bakterya na matatagpuan sa tubig para sa microbiological properties. Ang instrumentong ginamit sa pagsuri ng
physico-chemical properties ng tubig ay papel na litmus sa pagtukoy ng pH level nito, at TDS&EC Meter naman
ang ginamit sa pagsuri ng conductivity, hardness, at temperatura ng tubig. Ginamit sa pagsuri ng microbiological
properties ang platong agar para sa kultibasyon ng bakteryang nasa tubig. Inaasahan sa pag-aaral na ito makalikha
ng Daphnia Magna Filtration System na gumagana nang may kahusayan sa pagsasala na makapagsusuplay ng tubig
na malinis at ligtas para sa pagkonsumo ng tao. Iminumungkahi sa papel ang patuloy na pakikilahok sa mga
hakbanging naglalayong makaambag upang suportahan ang pagkakaroon ng malinis at sapat na mapagkukunan ng
tubig na isang pangunahing pangangailangan para sa kaligtasan, kapakanan, panlipunan at pang-ekonomiyang
pagsulong ng Pilipinas.

BIONOTE

Si Juan Reyes ay nagtapos ng elementarya at junior high school sa Immaculate Heart of Mary School at
nakatanggap ng mataas na karangalan. Sa kasalukuyan, siya ay nasa ikalabindalawang baitang ng senior high school
sa Colegio San Agustin – Biñan, kumukuha ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics strand.

Isa siyang kontribyutor ng pananaliksik na pinamagatang “Pagdisenyo at Paglikha ng Daphnia Magna Filtration
System,” na naglalayong magresiklo at makapaghatid ng tubig na malinis at ligtas para sa pagkonsumo ng tao sa
abot-kayang pamamaraan. Marami siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa junior high school, gaya ng
IHMS Oral Interpretation Contest, IHMS Science Quiz Bee, at IHMS Essay Writing Contest, at nakatanggap ng
pangunahing parangal mula sa mga ito. Siya ay naging Vice President for Internal Affairs ng Supreme Student
Government ng paaralang Immaculate Heart of Mary School. Siya rin ay aktibong nakilahok sa Community
Nutrition Outreach Program ng kanyang paaralan noong junior high school. Nangangarap siyang makapag-aral ng
kolehiyo sa Polytechnic University of the Philippines, makapagtapos sa kursong BS in Nutrition and Dietetics, at
maging isang Rehistradong Nutritionist-Dietitian.

You might also like