Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KRITISISMO

Ako si Daniela T. Prado, isang mag-aaral sa institusyon ng STI College-Caloocan na nasa


ikaapat na taon na sa kolehiyo at kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor in Science in
Tourism Management. Isa sa aming asignatura ang Panitikang Pilipino kung saan ito ay
nagsisilbng batayan sa aming kaalaman ukol sa anyo ng panitikan na mayroon ang ating
bansa mula noong panahon hanggang sa kasalukuyan. Gayunpaman, ang aming huling
proyekto na gagawin para sa huling semestre na ito ay ang paggawa ng tula at kritisismo na
naaayon sa ibinigay sa aming paksa patungkol sa Teoryang Peminismo o tumutukoy sa
prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng
mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Ang paksang ito ay isa lamang sa tatlong
paksang pinagpilian ng aming klase kabilang na ang Teoryang Marxism at Teoryang Psycho-
Analysis.
Isa ang tula sa masining na anyo ng panitikan na ginagamit upang magpahayag ng damdamin
gamit ang malayang pagsulat. May iba’t-ibang uri ang tula, tulad ng Tulang Liriko, Pandulaan,
Pasalaysay, at Patnigan, ang apat na ito ay nagsisilbing pangtukoy sa nais iparating na
damdamin ng isang tula. Maraming bagay din ang dapat isinasaalang-alang sa paggawa ng
isang tula, isa na rito ang paggawa ng isang natatanging pamagat na naaayon sa iyong
magiging paksa. Tulad na lamang ng aking nabuong tula na tungkol sa Teoryang Peminismo.
Ang pagsulat ng tula na patungkol sa Teoryang Peminismo ay magsisilbing isang pagmulat sa
mga tao, lalong-lalo na sa mga kababaihan kung ano ang naging kalagayan nila sa kamay ng
kalalakihan noong unang panahon. Kung paano sila inabuso at inapi upang mapasailalim sila
sa kapangyarihan ng mga lalaking ayaw magpadaig sa kakayahan na itinataglay ng mga babae.
Isa din sa dahilan ng tula na ito ay ang pagbibigay halaga sa kakayahan ng mga kababaihan
upang mapigilan ang maling pagtrato sa mga kababaihan, at upang maiwasan nadin ang
pagkakaroon ng stereotyping o tumutukoy sa pare-parehong pagkakakilanlan sa isang bagay o
taong may partikular na katangian base sa ilang paniniwala. Pagpigil sa diskriminasyon din
ang isang bagay na nais iparating ng tulang ito, dahil sa kasalukuyang panahon ay atin pading
nararansan ang ganitong pagtingin hindi lang mula sa mga kalalakihan ngunit pati nadin sa
mga nakakatanda.
Hinggil sa Teoryang Peminismo, ito ay patungkol sa isang layunin na nagpapatupad ng
karapatan ng kababaihan tulad ng aking naisaad sa unang talata. Ang teoryang ito ay
nagsasaad lamang na nagkaroon ng hindi pagkapantay-pantay na trato noon sa mga
kababaihan. Ngunit ayon sa aking naging pananaliksik, mula sa isang artikulong aking nabasa,
noon pa man ay mataas na ang pagtingin ng mg aunnag Pilipino sa mga kababaihan. Ito ay
kinikilala sa batas ng isang barangay na ang kakayahan ng babae ay may pagkakapantay sa
kakayahan ng mga lalaki. Malaki din ang respeto nila sa mga babae dahil ito ay may
kakayahang mag-angkin ng ari-arian, may kakayahang mamuno, at mas malaki ang karapatan.
Subalit sa panahon natin ngayon, madami ng nagbago sa pagtingin ng mga tao sa mga
kababaihan, kinikilala na tayo ngayon bilang isang mahina, mahinhin, walang lakas ng loob,
at walang napapatutunguhan kung wala ang gabay ng kalalakihan. Ngunit sa kabila ng
pagkakakilanlan na ito madami pa ding tao ang nakakasaksi sa kaatapangan, katalinuhan, at
kakaibang kakayahan mayroon ang mga kababaihan. Tulad na lamang ng kakayahang
magbigay buhay, kakayahang magtaguyod ng kanyang mga anak, at kakayahang mag-alaga.

REPERENSIYA:

https://prezi.com/1kiwy1kphuie/teoryang-feminismo/
https://noypi.com.ph/tula/
https://www.slideshare.net/cherondina/babae-sa-sinaunang-panahon

You might also like