Student Handbook Mercedes High School

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
MERCEDES HIGH SCHOOL
Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte
___________________________________________________________________

HANDBOOK
Ng
Mag - aaral

1
Department of Education
Vision
We dream of Filipinos who passionately love their country and whose values and
competencies enable them to realize their full potential and contribute meaningfully
to building the nation.
As a learner - centered public institution, the Department of Education continuously
improves itself to better serve its stakeholders.

Mission
To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture -
based, and complete basic education where:
 Student learn in a child-friendly, gender-sensitive, safe, and motivating
environment.
 Teachers facilitate learning and constantly nurture every learner.
 Administrators and staff, as stewards of the institution, ensure an enabling
and supportive environment for effective learning to happen.
 Family, community, and other stakeholders are actively engaged and
share responsibility for developing life-long learning.

Core Values
Maka Diyos
Makatao
Makakalikasan
Makabansa

2
RASYONALI:

Ang Handbook ng Mag-aaral na ito ay naglalaman ng mga panuntunan,


patakaran at mga alituntunin na magsisilbing gabay ng lahat ng mag-aaral na napiling
gugulin ang kanilang Edukasyong Pansekondarya (JHS o SHS) sa MERCEDES HIGH
SCHOOL.

Ang mga nasasaad sa Handbook na ito ay iniayon at ikinonteksto ng mga


kinatawan ng Mag-aaral, Magulang, Guro, Barangay o LGU at ng Punong Guro mula
sa ibat ibang ipinalabas na mga Kautusan at Memorandum ng Kagawaran ng
Edukasyon (DepEd). Iniangkop din ang ilang bahagi nito sa kasalukuyang Panahon
ng Pandemya.

Idinisenyo din ang materyal na ito upang magkaroon ng katahimikan,


pagkakaunawaan, pagkakaisa, katatagan, at kaayusan ng mga mag-aaral tungo sa
pagpapakita ng respeto at pagtanggap sa kanilang pagkakaiba-iba.
___________________________________________________________________

Ang Handbook ng Mag-aaral na ito ay pag-aari ni:

2x2
________________________ ___________________
Picture Pangalan ng Mag-aaral Lagda ng Mag-aaral

Taong Pampaaralan Grado at Seksyon Pangalan ng Tagapayo


2020 - 2021
2021 - 2022
2022 - 2023
2024 - 2025
2025 - 2026
2026 - 2027
2027 - 2028
2028 - 2029
2029 - 2030

3
Kautusan at Panuntunan ng Mercedes High School (MHS)
para sa Kaayusan, Katahimikan at Pagkakaisa ng mga
Mag-aaral

Artikulo 1
Panuntunan sa Pagpapatala

Seksyon 1. Mga Dokumentong Kailangan

a. Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng mga pamantayan ng


pagiging karapat-dapat at mga kinakailangan sa minimum na dokumento para sa
bawat pangunahing antas ng grado:

Grado Mga pamantayan upang Tanggapin Mga Kinakailangang


ang Mag-aaral Dokumento
 SF9 Grade 6
(formerly Form 138)
Nakapagtapos ng Grade 6  Birth Certificate (PSA
kung posible)
Grade 7  Good Moral
Certificate
 Resulta ng PEPT o
PEPT Passer or A&E Test (ALS) A&E Test
Passer  Birth Certificate (PSA
kung posible)
 SF9 Grade 6
(formerly Form 138)
Nakapagtapos ng Grade 10  Birth Certificate (PSA
kung posible)
Grade 11  Good Moral
Certificate
 Resulta ng PEPT o
PEPT Passer or A&E Test (ALS) A&E Test
Passer  Birth Certificate (PSA
kung posible)

b. Kung walang maipakitang PSA Birth Certificate sa panahon ng pagpapatala,


ang magulang o tagapag-alaga ay maaring magbigay ng Birth Certificate galing sa
local civil registrar o barangay certification na naglalaman ng pangunahing
impormasyon ng bata kagaya nang:
 Pangalan ng Bata (First name, Middle name, Last name)
 Pangalan ng Magulang
 Taon ng Kapanganakan
 Kasarian
c. Ang mag-aaral galing sa pribado o pampublikong paaralan sa Pilipinas na
nais lumipat ay maaaring ipasa ang kard / SF9 (formerly Form 138) o sulat na
nagpapatunay nang huling baiting na natapos ng mag-aaral. Ito ay kailangang may
lagda ng registrar ng paaralang pinanggalingan. (Refer to DO 54, s. 2016)

4
d. Ang maagang pagpapatala ng papasok na Grade 7 at Grade 11 sa mga
pampublikong paaralan ay isinasagawa mula sa huling Sabado ng Enero hanggang
sa huling Biyernes ng Pebrero ng bawat taon o ayon sa ipinalabas na kautusan. Ang
papasok na Grade 8-10, at Grade 12 ay itinuturing na pre-registered.

Artikulo 2
Pagkakakilanlan
(Tamang Kasuotang Pampaaralan, School ID, Gupit ng Buhok at Iba pa)

Seksyon 1. Tamang Kasuotang Pampaaralan- “ayon sa DO 65, s.2010, ang


pagsusuot ng uniporme ay hindi na hinihigpitan o kinakailangan sa mga
pampublikong paaralan. Subalit ang mga mag-aaral na mayroong nakagawiang
uniporme ay pinapayagan na gamitin ang mga ito upang maiwasan ang
karagdagang gastusin ukol sa pagbili ng kasuotan sa pagpasok.” Subalit ayon
sa naitakda at napagkasunduan ng mga magulang at paaralan para na din sa
pagkakakilanlan at masigurado ang seguridad ng mga mag-aaral, nagtakda ng
tamang kasuotang paaralan ang Mercedes High School na nasasaad sa ibaba.

a. Babae - Ang tamang kasuotang pampaaralan ng mga babae ay batay sa


itinakda at nakagawaing kasuotan para sa Junior High School (JHS) at Senior High
School (SHS).
Junior High School (JHS) Senior High School (SHS)
 Puti na Blusa Puti na Blusa
 Checkered Gray na Palda Checkered Gray na Skirt
 Checkered Tie Gray Tie
 Puti na medyas Puti na medyas
 Itim na Sapatos Itim na Sapatos
Maari lamang magsuot ng puting t-shirt o may tatak na kaugnay sa paaralan sa
araw ng Biyernes.
b. Lalaki - Ang tamang kasuotang pampaaralan ng mga lalaki ay batay din sa
itinakda at nakagawiang kasuotan para sa Junior High School (JHS) at Senior High
School (SHS).
 Puti na Polo Shirt (may puting pang-ilalim, may kulay ay di maaari)
 Gray na Pantalon
 Itim na Sapatos
 Puti na Medyas
Maari lamang magsuot ng puting t-shirt o may tatak na kaugnay sa paaralan sa
araw ng Biyernes.
c. Ang JHS at SHS ay maaari lamang magsuot ng kasuotang pang-PE at pang-
TVE sa araw na itinakda. Ang araw ng Miyerkules ay magsisilbing wash day.
d. Ang pagsusuot ng sombrero, panyo o bandana sa loob ng silid-aralan ay
mahigpit na ipinagbabawal.
e. Hindi ipinahihintulot sa lalaki at babae ang pagsusuot ng uniporme na hindi
ayon sa kanyang kasarian.
f. Subalit ang paggamit o pagsusuot ng mga bagay o kasuotan na may
kinalaman sa aspetong kultural at relihiyon ay iginagalang at pinahihintulutan ayon sa
umiiral na kautusan ng DepEd.

5
Seksyon 2. School ID

a. Ang ID ay libreng ibinibigay ng paaralan sa pagpapatala ng mag-aaral (DO


65, s. 2010). Subalit kapag ito ay nawala sa loob ng parehong Taong Panuruan,
kailangang magpagawa ulit ang mag-aaral at ang kabayarang nauukol dito ay kanya
nang responsibilidad.
b. Ito ay dapat laging suot at gamit ng mag-aaral habang nasa loob ng paaralan.
c. Hindi ito maaaring ipagamit o ipahiram sa iba.
d. Kung siya ay lilipat ng paaralan, kailangan niyang isauli ang kanyang ID
kasabay ng mga aklat at iba pang gamit na ipinahiram ng paaralan.

Seksyon 3. Tamang Gupit at Pag-aayos ng Sarili

a. Lalaki - Ang naaayong gupit ng buhok ay "2 x 3" at walang mahaba sa gitna
o harap. Iwasan at hindi papayagan ang pagpapalagay ng kung anu anong desenyo
kagaya ng ekis at iba pa. Ang pagpapakulay ng buhok sa artipisyal na paraan ay hindi
din pinapahintulutan. Hindi pinahihintulutan ang paggamit at pagsusuot ng hikaw o
pagkaroon ng butas sa tainga, ilong, kilay, at dila o alin mang bahagi ng katawan
gayundin ang pagpapalagay ng tattoo.

b. Babae - Ang tamang kaayusan ng buhok sa babae ay hindi nito natatakpan


ang mukha. Katulad sa mga kalalakihan, hindi din pinapahintulutan ang pagpapalagay
ng kahit anong desenyo tulad ng ekis at iba. Hindi rin pinahihintulutan ang artipisyal
na pagpapakulay ng buhok, paglalagay ng make- up (eyeliner, lipsticks) at ang
maarteng pag-ahit o pagguhit sa kilay ay hindi ipinahihintulot ganun din ang
paglalagay ng kulay sa mga kuko at pagpapalagay ng tatak o tattoo sa kahit saang
parte ng katawan. Isang pares na hikaw lang ang pinapayagan na isuot o gamitin at
ito ay sa tenga ah hindi sa kung saang bahagi ng katawan.

Artikulo 3
Pagpasok sa Paaralan

Seksyon 1. Pagdalo sa Flag Ceremony at Pagpasok sa Klase

a. Ang Mercedes High School ay mayroong sampung (10) asignatura kung


saan ang teknikal/bokasyonal na asignatura ay kabilang dahil sa pagiging
teknikal/bokasyonal na paaralan nito. Kaya ang tatlumpong (30) oras sa loob ng
isang(1) linggo ang kailangang pasukan ng bawat mag-aaral.
b. Ang mga mag-aaral ay dapat na dumalo sa pagtataas ng Watawat mula
Lunes hanggang Biyernes tuwing ika- 7:15 ng umaga at sa pagbababa ng Watawat
tuwing ika-5:00 ng hapon tuwing Biyernes.
c. Ang pormal na klase ay magsisimula ng 7:30 ng umaga hanggang 11:45 ng
tanghali para sa umaga at 1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon para sa hapon.
d. Ang pananatili sa loob ng paaralan pagkatapos ng klase (5:00 ng hapon) ay
hindi pinapayagan. Kinakailangan ang pahintulot ng tagapayo at punong-guro para
manatili sa loob ng paaralan ng lagpas sa oras ng uwian.
e. Sa mga programa at gawaing pampaaralan, inaasahan ang pagpapanatili ng
kaayusan at kapayapaan sa lahat ng pagkakataon.

6
f. Ang pagsunod sa ipinapatupad ng Tagapagbantay ng Paaralan ay
inaasahan. Ang pagsuway, pagbabanta at hindi paggalang ay maituturing na
paglabag.
g. Ang pagbibigay-galang sa lahat ng guro, empleyado/kawani ng paaralan at
mga panauhin ay inaasahan sa lahat ng pagkakataon.

Seksyon 2. Pamantayan sa Pagiging Huli sa Pagpasok

a. Pagiging huli sa pagdalo sa Flag Ceremony - magiging huli sa pagdalo ang


mag-aaral sa Flag Ceremony kapag hindi na niya naabutan ang pag-awit ng Lupang
Hinirang at ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas.

b. Pagiging huli sa pagpasok sa klase - magiging huli sa pagpasok sa klase


ang mag-aaral kapag nakapalipas na ang 15 minuto mula ng magsimula ang klase.
Sa umaga magsisimula ng 8:00 at 1:00 naman sa hapon.

Seksyon 3. Mga Pamantayan kung Lumiban ang Mag-aaral


a. Isa (1) – tatlong (3) araw na pagliban - Dapat ay magpadala ng excuse letter
na nagsasaad ng dahilan ng pagliban at ito ay may lagda ng magulang o lihitimong
nangangalaga sa bata o guardian.
b. Apat (4) – siyam (9) na araw na pagliban - Dapat ay kasama ng bata ang
magulang o lihitimong tagapangalaga sa kanya (guardian) sa pagpasok sa paaralan
upang makausap ng tagapayo hinggil sa dahilan ng pagliban nito ng matagal.
c. Sampung (10) araw o higit pa na pagliban - ipapatawag ang magulang o
guardian at kakausapin ng tagapayo. Tatanggapin ang bata pagkatapos sumulat ng
pangako na nagpapahayag ng interes sa pagpasok at ibibigay ang sulat sa tagapayo
at ipapaalam din sa guidance counselor/coordinator. Ang magulang o guardian ay
gagawa din ng sulat na tutulong sila sa pagmonitor sa mga mag-aaral sa pagpasok
sa paaralan.
d. Dalawampung porseyentong (20%) pagliban sa bilang ng araw pampaaralan
– maaari nang ibilang sa drop/NLS ang mag-aaral.

Seksyon 4. Truancy o Pagkakalat/Paglalaboy sa Loob/Liblib na bahagi ng


Paaralan o Pag-istambay sa Kantina (Canteen) sa Oras ng Klase

a. Kapag ang mag-aaral ay nasa labas ng silid aralan sa oras ng klase na


walang sapat na dahilan.
b. Kapag ang mag-aaral ay hindi agad bumalik sa klase kung pinahintulutan o
pinayagan ng guro na lumabas ng kaunting minuto.

7
Artikulo 4
Pamantayan sa Pagamit at Pangangalaga ng Kagamitan at
Pasilidad ng Paaralan

Seksyon 1. Pangangalaga at Pagpapanatili ng Pisikal Kaayusan ng Paaralan

Bilang pagsunod ng paaralan sa “Ecological Solid Waste Management Act” ang


mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Hindi gagamit ng anumang uri ng single-use material tulad ng plastic, styro
at mga kalahalintulad nito.
b. Magdadala ng sariling inuman or water tumbler at kagamitan sa pagkain.
c. Anumang basura na madala ng bata sa paaralan ay responsibilidad niyang
iuwi sa kanilang tahanan.
Seksyon 2. Pangangalaga ng Iba’t-ibang Pasilidad at Pag-aari ng Paaralan

a. Wastong paggamit at pangangalaga ng hand-washing and drinking facilities


b. Wastong paggamit at pangangalaga ng palikuran o Comfort Room
c. Wastong paggamit at pangangalaga ng laboratory facility, tools and
equipments
d. Wastong paggamit at pangangalaga ng mga aklat, SLMs na ipinahiram ng
paaralan
e. Wastong paggamit at pangangalaga ng mga upuan, lamesa at lahat ng
kahalintulad na kagamitan sa loob at labas ng silid-aralan
f. Wastong pangangalaga at pag-iingat ng mga halaman, iba’t-ibang uri ng
pananim at gulay sa loob ng paaralan

Artikulo 5
Gabay sa Pagmamarka

Seksyon 1. Basehan ng Pagmamarka

a. Ang pagmamarka sa mag-aaral ay base sa patakaran na ipinatupad ng


Department of Education (DepEd) sa lahat ng pampublikong paaralan sa
Sekondarya. (DepEd Order No. 8, s. 2015).
b. Sa Panahon ng Pandemya (Deped Order 031, s. 2020).
b.1 Pagkuha at Pagsauli ng mga SLMs/LAS
b.1.1. Ang pinahihintulutan sa pagkuha at pagsauli ng SLMs/LAS
ng mga mag-aaral na ang edad ay mababa sa 15 o sa
itatakda ng IATF ay ang magulang at tagapangalaga na
nasa tamang edad.
b.1.2. Lahat ng mga mag-aaaaral ng nasa edad 15 pataas at
nasa itinakda ng IATF ay pinahihintulutan sa pagkuha at
pagsauli ng SLMs/LAS.
b.1.3. Ang pagkuha at pagsauli ng Parallel Test/Performance
Assessment ng mga mag-aaral na ang edad ay mababa sa
15 o sa itatakda ng IATF ay ang magulang at
tagapangalaga na nasa tamang edad.

8
b.1.4. Lahat ng mga mag-aaaaral ng nasa edad 15 pataas at
nasa itinakda ng IATF ay pinahihintulutan sa pagkuha at
pagsauli ng Parallel Test/Performance Assessment.
b.1.5. Ang pagsunod sa pagkuha at pagsauli ng mga
SLMs/LAS/Paralle Test/Performance Task sa itinakdang
araw ng kinauukulan o alinsunod sa AWA (Alternative Work
Arrangement) ng mga guro.
b.1.6. Ang pagsunod sa itinakdang Weekly Home Learning Plan
ng paaralan.
b.1.7. Inaasahan ang pakikiumisa ng mag-aaral at magulang sa
iginagawad na intervention/home visitation ng mga guro
higit sa lahat sa mga mag-aaral na maaring hindi umabot
sa pamantayan.

Seksyon 2. Batayan sa Pagpasa

a. Upang makapasa ang mag-aaral, kailangang makakuha siya sa pinal na


markahan ng 75% o mas mataas pa sa lahat ng kanyang asignatura. Kailangan din
na ang kanyang pagliban sa klase ay hindi aabot sa 20% ng kabuuang bilang ng
pagpasok sa loob ng isang Taong Panuruan.
b. Ang pagkakuha ng mag-aaral ng mas mababa sa 75% sa pinal na markahan
sa anumang asignatura ay nangangahulugang hindi umabot sa pamantayan ng
pagmamarka. Kailangang mag-remedial ang bata sa isa o dalawang asignaturang
hindi pinasahan upang siya ay makapasa at tumuntong sa sunod na baitang.
c. Ang mga mag-aaral na hindi umabot sa pamantayan ng pagmamarka ay
bibigyan ng sapat na panahon ng kanilang guro para sa remediation at ang mag-aaral
ay inaasahang makikipagtulungan sa gawaing ito.
d. Kapag ang mag-aaral ay hindi umabot sa pamantayan sa tatlo (3) o higit
pang asignatura sa pinal na markahan, siya ay mananatili sa kasalukuyan niyang
baitang.

Seksyon 3. Batayan sa Pagpili ng Katangi-tanging Mag-aaral

a. Ang gagamiting batayan sa pagpili ng mga mag-aaral may karangalan ay


base sa DepEd Order No. 36, s. 2016.

b. Sa bawat markahan ay magbibigay ng pagkilala sa mga mag-aaral na


nagkamit ng karangalan. Ito ay gaganapin sa bawat klase o klasrum.

c. Sa pagtatapos ng klase, pangkalahatan ang pagkilala sa mga mag-aaral na


nagkamit ng karangalan mula Grade 7 – Grade 9 sa bulwagan ng paaralan, hiwalay
na petsa o araw ang para sa Moving Up ng Grade 10 gayundin ang Pagtatapos sa
Sekondarya ng mga Grade 12.

9
Artikulo 6
Patakaran sa Paggamit ng Cellphone at iba Pang-Electronics
Device/Gadget sa Loob ng Silid Aralan

Seksyon 1. Paggamit ng Cellphone at Iba pang Device/Gadget

a. Ang lahat ng mag-aaral ay hindi pinahihintulutang gumamit ng cellphone at


iba pang gadget (headphone, Ipod, MP3, tablet, etc.) sa loob ng silid-aralan maliban
na lamang kung ito ay magsisilbing kagamitan sa tinatalakay na aralin.
b. Hindi pinapayagan o ipinahihintulot ang pag-chacharge ng cellphone at iba
pang nasabing gadgets sa loob ng silid-aralan.
c. Ang tagapayo o guro ay may karapatang pansamantalang mangalaga ng
nasabing cellphone o ano mang gadget kapag ito ay walang pahintulot na gimitin sa
panahon ng pagtuturo.

Artikulo 7
Mga Patakaran at Alituntunin ng Paaralan, hinggil sa mga Paglabag
at Karampatang Aksyon/Pagdisiplina

Seksyon 1. Mga Bahagyang Paglabag o (Minor Offense)

a. madalas pagiging huli sa pagdalo sa Flag Ceremony.


b. madalas na pagiging huli sa klase.
c. labis na pag-iingay sa loob at labas ng silid-aralan.
d. pagkakaroon ng hikaw sa lalaki, maling gupit ng buhok, paglalagay ng make-
up sa pagpasok, pagkakaroon ng kulay sa kuko, maarteng pag-ahit o pagguhit ng
kilay, pagpapalagay ng tattoo, paglalagay ng artipisyal na kulay sa buhok at
pagkakaroon ng hikaw sa dila, kilay at iba pa.
e. pagpapakita ng di-magandang asal kung may programa, palatuntunan,
asembleya, o mga espirituwal na gawain o pagtitipon.
f. pagtalon sa bakod upang makapasok o makalabas sa paaralan.
g. hindi pagpasok o pagtakas sa ibang klase (cutting classes).
h. truancy o pagkakalat/paglalaboy/ pagtatambay sa loob ng paaralan.
i. pagkakalat ng basura.
j. paggamit ng cellphone o anumang electronic device/gadget sa loob ng klase
na hindi ipinahihintulot at pagcha-charge ng nasabing mga cellphone o gadget/device.
k. paggamit nang walang pahintulot ng gamit ng paaralan.
l. hindi maayos na paggamit ng palikuran at iba pang kagamitan ng paaralan.
m. pagkawala o pagsira ng Student Handbook na ito.
n. Pag-ihi, Pagdura at Pagsinga sa hindi tamang lugar.
o. iba pang kahalintulad na o paglabag.

Seksyon 2. Mga Pangunahing /Paglabag (Major Offense)

a. pagmumura, paggamit ng malalaswa at mapang-lait na pananalita.


b. hindi paggalang sa awtoridad sa paaralan, gaya ng guro at iba pang kawani
ng paaralan.
c. pandaraya/pangongopya at pagpapakopya/paggawa at paggamit ng kodigo
sa mga pagsusulit.

10
d. pagpalsipika ng pirma ng magulang/guardian o guro.
e. pagsisinungaling na naglalayong manloko ng guro o kapwa mag aral.
f. pagbabago ng nakatala sa kard at iba pang record ng paaralan.
g. paghahamon/pakikipagsuntukan/pakikipagsabunutan at iba pang uri ng
pakikipag-away.
h. pagsusugal (laro na may pustahan o perang taya).
i. panunukso/paggatong/panunulsol para magkaroon ng away.
j. lantarang pagpapakita ng pagsuyo/paglalambing sa katipan gaya ng
paghahawakan ng kamay, pagyayapusan o paghahalikan.
k. malaswang tawag o text sa cellphone na naglalayong manakot o mambastos
ng guro at kapwa mag-aaral.
l. pagdadala o panonood ng malaswang material o panoorin sa paaralan.
m. malaswang gawa, kilos o pananalita sa harapan man o sa Social Media.
n. pag-upload ng anumang palabas, video, o mga mensahe na nakakasira sa
paaralan.
o. paninira ng gamit o pag-aari ng paaralan at pagsusulat sa mga ito o
"vandalism".
p. mga iba't ibang klase ng pambubuli (bullying) sa loob at labas ng paaralan
gaya ng mga sumusunod:
1. pagpilit at pananakot sa kaklase o kamag-aral na gumawa ng bagay
na di niya gusto.
2. pagsusulat o pagpost ng masasakit na salita o nakakasirang - puri at
ikakalat sa iba para manghiya.
3. pagkakalat ng tsismis, panunukso o pambabansag.
4. pangingikil ng pera o pangongotong.
5. pauli-ulit na pagkuha ng gamit/ pagkain ng kaklase o kamag-aral nang
walang pahintulot.
6. paulit-ulit na pagtatago o pagsira ng gamit o anumang bagay o
pagkain ng kaklase o kamag-aral.
7. pagmamallit at pagpapahiya sa mga napapabilang sa LGBT (lesbian,
gay, bisexual, transgender) at gayun din sa mga napapabilang sa ibang relihiyon,
kulay at lahi.
q. pagdadala ng anumang armas o bagay na maaaring makasakit o
makamatay.
r. pagpasok ng nakainom o pagdadala ng alak sa paaralan.
s. paninigarilyo o pagdadala ng sigarilyo o “Vape” sa loob ng paaralan.
t. paghingi ng donasyon o kontribusyon gamit ang pangalan ng paaralan.
u. pagnanakaw.
v. Iba pang kahalintulad na o paglabag.

Seksyon 3. Mga Mabigat na / Paglabag (Serious Offense) na Ginawa sa loob at


labas ng Paaralan

a. Napatunayan kasapi ng gang, fraternity, sorority o mga grupo na hindi


kinikilala o pinahihintulutan ng paaralan at sumali sa Initiation rites ng mga ito.
b. Intensyonal na pakikipagsuntukan, pakikipagrambulan, pakikipag basag-ulo
na nagbunga ng malubhang "physical injury o kamatayan.
c. Pag-aabusong seksuwal, exhibitionist o pagpapakita ng ari at mga klase ng
pambubugaw o trafficking.
d. Pagnanakaw/pagsunog ng mga pag-aari/kagamitan ng paaralan.

11
e. Paggawa ng anumang gawain na makakasira sa pangalan o reputasyon ng
paaralan gaya ng kasiraang-puri (scandal), pagnanakaw (theft, shoplifting) at iba pang
masasamang gawain.
f. Pagbebenta o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamut sa loob at labas ng
paaralan gaya ng marijuana, shabu, cocaine, ecstasy at iba pang katulad nito.
g. Iba pang kahalintulad na o paglabag.

Seksyon 4. Paraan ng Pagdisiplina at Karampatang Aksyon

Ang mga simpleng /paglabag ay maaari nang lutasin ng guro o tagapayo,


subalit nararapat na ipaalam din sa magulang o guardian ng mag-aaral upang mas
epektibo itong magabayan.
Ang mga hindi na simpleng paglabag ay kailangan nang maipaabot at
mairekord sa tanggapan ng Prefect of Discipline at sa PunongGuro kung
kinakailangan.

a. Para sa mga Bahagyang /Paglabag (Minor Offense)

1. Sa unang paglabag - Ang mag-aaral ay pagsasabihan ng kanyang


tagapayo o ng kanyang guro (warning) na hindi na niya ito dapat pang ulitin.
2. Sa ikalawang paglabag - Ang mag-aaral ay pagsasabihang muli ng
kanyang tagapayo o ng nakakaalam na guro. Ang Ikalawang paglabag ay isusulat na
ng tagapayo o ng guro sa Student Handbook ng mag-aaral.
3. Sa ikatlong paglabag - Ang mag-aaral ay ipatatawag na ang
magulang. Isusulat mull ang paglabag sa kanyang Student Handbook Ang mag-aaral
ay hindi na puwedeng pumasok hangga't hindi nakakausap ang magulang/guardian.
a.1. Sa madalas na pagiging huli sa Flag Ceremony -
a.1.1. Isa(1) hanggang apat(4) na beses - Pagsasabihan
ang mag-aaral ng tagapayo. Ang pagiging
huli ay isusulat ng tagapayo/guro sa Student
Handbook.
a.1.2. Lima(5) hanggang siyam(9) na beses - Ipapatawag
ang magulang/guardian ng mag-aaral at ang
mag-aaral ay kailangan ng mag-community
service tuwing 8:30 - 9:30 ng umaga.
(Tingnan ang listahan ng community
service).
a.1.3. Sampu(10) beses pataaas - Ipapatawag ang
magulang/guardian ng mag-aaral at
kailangan ng magcommunity service ang
mag-aaral ng 2 oras sa maghapon.
a.2. Sa madalas na pagiging huli sa klase -
a.2.1. Isa(1) hanggang apat(4) na beses - Pagsasabihan
ang mag aaral ng kanyang tagapayo o
guro. Ang pagiging huli ay isusulat ng
tagapayo/guro sa Student handbook.

12
a.2.2. Lima(5) hanggang siyam(9) na beses - Ipapatawag
ang magulang/guardian ng mag-aaral at
ang mag-aaral ay kailangan ng mag-
community service mula 4:00 5:00 ng
hapon tuwing siya ay mahuhuli sa
pagpasok.
a.2.3. Sampu(10) beses pataas - Ipapatawag ang
magulang/guardian ng mag-aaral at ang
mag-aaral ay kallangan ng mag-community
service ng isang(1) linggo tuwing 4:00-5:00
ng hapon.
a.3. Sa paggamit ng Cellphone at iba pang Electronic Device/Gadget
sa Loob ng Silid Aralan.
a.3.1. Unang Paglabag – ito ay ibabalik ng Tagapayo/
Guro pagkatapos ng klase.
a.3.2. Pangalawang Paglabag – makuukuha lamang ng
mag-aaral ang cellphone o gadget
pagkatapos ng buong klase sa
umaga/hapon (kung umaga/hapon ito
nakuha).
a.3.3. Pangatlong Paglabag – Ipapatawag ang
magulang/guardian ng mag-aaral.

b. Para sa Mabigat na /Paglabag (Major Offense)

1. Sa unang paglabag - Magkakaroon ng masusing imbestigasyon


kasama ang mag-aaral, tagapayo, mga pangunahing testigo, ang Guldance
Counselor at ang Prefect of Discipline. Kapag napatunayang nagkasala, ipapatawag
ang magulang o guardian ng mag-aaral. Dito ay irerekord na sa Logbook ng Prefect
of Discipline ang o paglabag na ginawa at papatawan ng tatlong(3) oras na school
community service o "behavioral intervention/modification". Kallangang makausap ng
Guidance Counselor ang mag-aaral bago ito pumasok sa klase.
2. Sa ikalawang paglabag - Ang mag-aaral ay ipapatawag muli ang
magulang. Muling irerekord ang ginawang o paglabag. Pagkatapos nito ay papatawan
ang mag-aaral ng limang(5) oras na school community service o "behavioral
intervention/modification". Kailangan muling makausap ng Guidance Counselor ang
mag-aaral bago ito pumasok sa klase.
3. Sa ikatlong paglabag - Ang mag-aaral ay kakausapin kaharap ng
Child Protection Committee (CPC), kasama ang kanyang magulang o
guardian/tagapangalaga at ang kanyang tagapayo. Dahil sa ang o paglabag na
ginawa ay naulit na ng tatlong beses ang mag-aaral ay papatawan na ng isang araw
na community service o "behavioral intervention/modification". Gagawa na ang mag-
aaral katuwang ang magulang o guardian/tagapangalaga ng kasulatan na kapag
naulit pang muli ang nasabing , ang nasambit na mag-aaral ay kusa nang lilipat ng
ibang paaralan dahil hindi nakakatulong ang paaralan upang ang nasabing mag-aaral
ay madisplina.

13
c. Para sa Mabigat na /Paglabag (Serious Offense) na Ginawa sa Loob at
Labas ng Paaralan

Pagkatapos ng masusing imbestigasyon at napatunayang nagkasala ang mag-


aaral na sangkot ay kakausapin na kaharap ang Child Protection Committee (CPC),
kasama ang kanyang magulang o guardian/tagapangalaga at ang kanyang tagapayo.
Siya ay awtomatikong irerekomenda sa Schools Division Superintendent (SDS) para
bigyan nang naaayon at karampatang pagdisiplina.

Artikulo 8
Hinaing ng mga Mag-aaral

Seksyon 1. Hinaing Laban sa Kapwa Mag-aaral

a. Ang reklamo ay maaaring derektang ipaalam sa guro/kinauukulan o sa


pamamagitan ng sulat na may pagkakakilanlan.
b. Ang reklamo ay maaaring ipaalam sa mga kinauukulan:
1. Mga guro
2. Tagapayo
3. Prefect of Discipline / Tagapagpatupad ng Disiplina
4. Guidance Counselor / Tagapamatnubay
5. School Principal / Punung-guro

Seksyon 2. Hinaing Laban sa/mga Guro

a. Ang reklamo ay maaaring derektang ipaalam sa kinauukulan o sa


pamamagitan ng sulat na may pagkakakilanlan.
b. Ang reklamo ay maaaring ipaabot sa mga kinauukulan:
1. Grievance Committee Chairman
2. School Principal / Punong-guro
Seksyon 3. Hinaing Laban sa Anumang Uri ng Karahasan, Pang-aabusong
Sekswal, Emosyonal, at Pisikal.
a. Ang hinaing tungkol sa pang-aabuso ay bibigyang pansin maging sa loob
at labas ng paaralan, o tirahan at nangyari, maaaring sabihin ng mga mag-
aaral ang kanyang naranasang pang-aabuso sa;
b. Kinakailangang ang mag-aaral ay magsabi lamang ng imporamasyong
pawang katotohanan lamang nang sa gayun ay mas madali silang
matulungan at maiwasan ang pagkasira ng reputasyon ng bawat taong
sangkot sa pagrereklamo habang ito ay hindi pa napapatunayan.
c. Ang naturang hinaing ay kinakailangang ipaalam ng paaralan sa
kinauukulan o sa DSWD upang mabigyan ng tamang proseso at mas
epektibong pamamaraan ang tulong na maibigay sa mg-aaral.
d. Ang anumang hinaing laban sa karahasan o pang-aabuso na isinangguni
sa guro Principal, Guidance Counselor o taong ninanais ng mag-aaral na
makatulong sa kanya ay pananatilihing “Confidential” para sa kanyanvg
proteksyon, maliban lamang kung ito ay hinihingi, iniuutos at kinakailangan
sabihin sa korte.

14
Seksyon 4. Sulat ng Hinaing na Walang Pagkakakilanlan ay Hindi
Bibigyang-pansin.

Artikulo 9
Tagapagpatupad ng Kasulatan

Seksyon 1. Mga Tagapagpatupad


a. Kaguruan o sinumang kawani ng paaralan na nakasaksi ng
paglabag.
b. Tagapayo
c. Prefect of Discipline / Tagapagpatupad ng Disiplina
d. Guidance Counselor / Tagapamatnubay
e. School Principal / Punong-guro

Seksyon 2. Bumubuo ng Komitiba ng Pagdidisiplina


a. School Principal / Punong-guro - bilang Tagapangulo ng Lupon
b. Mga Miyembro
1. SSG President
2. Tagapayo
3. Prefect of Discipline / Tagapagpatupad ng Disiplina
4. Guidance Counselor / Tagapamatnubay

Seksyon 3. Bumubuo ng Child Protection Committee


a. SSG President
b. GPTA President
c. Punong Barangay
d. Faculty President
e. Prefect of Discipline
f. Guidance Counselor
g. School Principal

Seksyon 4. Bumubuo ng Grievance Committee


a. Faculty Secretary
b. Faculty President
c. Prefect of Discipline
d. Guidance Counselor
e. School Principal

Seksyon 5. Pagbibigay ng Desisyon

a. Ang mga nakasaad na pahayg at regulasyon sat untuning ito ay dapat


na pagbatayan ng lupon ng pagdidisiplina sa pagsasagawa ng imbestigasyon at
pagpapasya.

b. Ang mga magulang o tagapangalaga ay dapat na padalhan ng sulat


tungkol sa ginawang paglabag ng kanilang anak.

c. Ang pasya ng lupon ay pinal, hindi mababago at kailangang ipatupad


pagkatapos na magawa ang buod ng imbistigasyon. Nararapat bigyan ng kopya ng

15
pasya ang mag-aaral/naglabag, magulang o guardian / tagapangalaga,
nagreklamo, Pangulo ng lupon at ang Punong-guro ng paaralan.

Seksyon 6. Ang Handbook ng Mag-aaral na ito ay sinang – ayunan at pinagtibay,


araw ng Lunes, ika-26 ng Abril, 2021, sa Mercedes High School, Del
Rosario, Mercedes, Camarines Norte ng pamunuan ng Child Protection
Committee (CPC) na binubuo ng mga sumusunod:

______________________________ ______________________________
JERICSON L. DAIZ ELENA C. FAJARDO
President, Supreme Student Government MHS – GPTA President
(School Year 2020 – 2021) (School Year 2020 – 2021)

______________________________ ______________________________
JOEL A. VARGAS HON. LOLITA A. ECHANO
MHS Faculty President Punong Barangay – Del Rosario
(School Year 2020 – 2021)

_______________________________ ______________________________
LOLOMODING, JR. C. AHMAD YOLANDA V. BOLOCON
Prefect of Discipline Guidance Counselor

________________________________
MARCELINO A. ORTUA, EdD
School Principal II

Pinagtibay:

_________________________________
NYMPHA D. GUEMO
Schools Division Superintendent

16
__________________________________________________________________

Mga Pinagbatayan:

 Deped Order 065, s. 2010- General Guidelines on the Opening of Classes,


Including Collection of School Contributions, Enrolment, Students Uniforms
and Release of MOOE

 DepEd Order No. 40, s. 2012 - DepEd Child Protection Policy

 Republic Act 10627 - Anti-Bullying Act of 2013 and Its IRR (Implementing
Rules and Regulations) on sexual orientation and gender identity

 Republic Act 7610 The Special Protection for a Child Against Abuse,
Exploitation and Discrimination Act DepEd Book of Rules 2007 • DepEd
Service Manual Child and Welfare Code of the Philippines

 DepEd Order No. 3, s. 2018 - Basic Education Enrollment Policy

 DepEd Order No. 8, s. 2015- Policy Guidelines on Classroom Assessment for


the K to 12 Basic Education Program

 DepEd Order No. 36, s. 2016- Policy Guidelines on Awards and Recognition
for the K to 12 Basic Education Program

 Deped Order 030, s. 2020- Interim Guidelines for Assessment and Grading in
Light of the Basic Education Learning Continuity Plan

17
KASUNDUAN
Pagkatapos kong mabasa at mabatid ang laman nitong Student Handbook ng
Mercedes High School, ako ay nangangako na susunod nang walang pasubali sa mga
panuntunan at pagdisiplinang nakasaad dito.

_____________________________
Kumpletong Pangalan ng Mag-aaral

____________________________
Lagda ng Mag-aaral

______________________________
Petsa ng makuha ang Student Handbook

SERTIPIKASYON GALING SA MAGULANG O GUARDIAN


Ito ay nagpapatunay na kami, ___________________________________ at
_________________________________________ tatay/nanay, magulang o
guardian/ tagapangalaga ni __________________________________ ay nabasa at
naunawaan ang mga kautusan at panuntunan ng Mercedes High School para sa
pagdisiplina ng mga mag aaral. Kami ay nangangakong makikiisa at susuporta sa
paaralan sa pagdisiplina ng aming anak/inaalagaan o binabantayang mag-aaral.

_____________________________ _________________________
Pangalan ng Ama (print) Lagda ng Ama

_____________________________ _________________________
Pangalan ng Ina (print) Lagda ng Ina

_____________________________ _________________________
Pangalan ng Tagapangalaga/Guardian. Lagda ng Tagapangalaga/Guardian

Petsa ng Paglagda: ____________________ Contact No: __________________

18
MGA KARAPATAN NG BAWAT BATANG MAG-AARAL

1. Karapatang marinig at magsalita. Bilang isang mag-aaral, karapatan niyang


makinig sa aral ng isang guro. May karapatan din siyang magsalita kung anuman ang
kanyang hinaing o problema sa paaralan.

2. Karapatang matuto. Nasa loob siya ng paaralan kaya mayroon siyang


karapatang matuto at malinang ang angking talino.

3. Karapatang matuto ng mabuting ugali at magandang asal.

4. Ang mga batang "gifted" ay may karapatang mabigyan ng oportunidad para


mapaunlad ang kanyang espesyal na galing at kakayahan.

5. Ang mga batang "emotionally disturbed" at "socially mal-adjusted" ay may


karapatang tratuhin sila nang may pang-unawa at malasakit.

6. Karapatang magkaroon ng proteksyon laban sa eksploytasyon, maling


impluwensiya, karahasan at iba pang kondisyon na magsasaalang-alang sa kanyang
kalusugan, pag-iisip, damdamin at sa buo niyang pagkatao.

7. Karapatang pangalagaan, asikasuhin at proteksyunan ng pamahalaan lalo


na kung ang kanyang mga magulang ay may kakulangan o walang kakayahan na
matugunan ang kanyang pangangailangan bilang bata.

19
ANECDOTAL RECORD NG MAG-AARAL
Petsa o Paglabag Bilang / Pagdidisiplinang Pirma ng
Beses Ginawa/Aksyon Tagapayo o
Guro

20
Petsa o Paglabag Bilang / Pagdidisiplinang Pirma ng
Beses Ginawa/Aksyon Tagapayo o
Guro

21

You might also like