Banga Bangka Boxer Codex Baybayin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

Republika ng Pilipinas

POLIKTENIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


San Pedro, Laguna Campus

Modyul 2

Barangay: 16th-Century Philippine


Culture and Society
ni William Henry Scott
(Bangka; Bangkay; Boxer Codex at Baybayin)

Prop. Sheila Mae C. Intoy


sheilamaeintoy@gmail.com
Kagawaran ng Filipinolohiya | Kolehiyo ng Arte at Literatura
Pangkalahatang Ideya
Ang Barangay ay ika-9 na imprenta magmula Hahatiin ang lekturang ito sa dalawang modyul;
nuong 1994. Compilation ito ng mga tala nina ang ikalawang modyul ay tungkol sa (1) Balangai
Blair & Robertson (The Philippine Islands 1493-
1898) na naglalaman ng personal account ni at iba pang mga Bangka; (2) Mga Banga at
Antonio Pigafetta (tiga-tala ni Magellan); Miguel Bangkay; (3) Boxer Codex; (4) Baybayin.
de Loarca (Relacion, 1582); Juan Placencia Samantalang ang ikatlong modyul ay (1) Mga
(Treatises on Custom Law and Religious
Practices, 1589); Pedro Chirino ( Relacion, 1604); Dekorasyon sa Katawan; (2) Medisina at
Antonio de Morga (Sucesos, chap. 8, 1609). Paniniwala; (3) Musika; (4) Lipunan.
Isinama rin dito ang ilan sa mga account na
naitala ng mga ipinadalang ekspedisyon sa Sa modyul na ito, pahapyaw nating titingnan ang
Pilipinas (Loaysa (Mindanao), Saavedra mga tala tungkol sa ating mga ninuno at sipatin
(Saranggani), Villalobos (Saranggani, Mindanao, ang kanilang sining, agham, karunungan at
Leyte), Legazpi (naitatag ang kolonyang Espanya
sa Pilipinas) at ang hindi nailathalang Historia de marami pang kalinangang-bayan. Sa dulog ng
las Islas e Indios de Bisayas ni Francisco Alcina. Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar na
Sa madaling sabi, itinuturing itong isa sa bibliya natutuhan natin sa Modyul 1, gagamitin natin
ng mga nag-aaral ng kasaysayan, arkeyolohiya at itong gabay upang pahalagahan ang gawi ng
antropolohiya. Naglalaman ito ng mga mga proto-Pilipino. Maglalakbay tayo pabalik
deksripisyon, mga termino, paniniwala at gawi
ng ating mga ninuno bago ang hispanasyon. simula sa taong 1493!
Layunin Balangkas at
Nilalaman ng Modyul
A. Matukoy ang iba’t ibang ambag ng mga 1. Pangkahalatang Ideya
proto-Pilipino sa kalinangang-bayan.
2. Layunin
B. Malaman ang mga tala ng iba’t ibang
dayuhan tungkol sa Pilipinas at lentehan 3. Balangkas at Nilalaman ng
gamit ang Pantayong Pananaw.
Modyul
C. Magamit ang lekturang ito upang mag-
iwan ng aral sa mga estudyante sa 4. Lektura
pamamagitan ng pagbibigay respeto sa
mga katutubong Pilipino sa kasalukuyan. 5. Gawain / Pagtatasa 1&2
Lektura 1

Barangay: 16th-Century Philippine Culture and


Society ni William Henry Scott
(Bangka; Bangkay; Boxer Codex at Baybayin)
Talakay ng Modyul 2

Boxer Codex
Bangka

Baybayin
Mga Banga
at Bangkay

I-click ang ibabang bahagi ng numero upang pumunta sa link.


I. Bangka

Etimolohiya ng Barangay

Balangai o Balanghai ang unang katutubong


salitang naitala ng Italyanong si Pigafetta sa
pagdating nina Magellan1 sa Pilipinas.
Namangha ang mga dayuhan sa tatag at tayog ng
bangkang ito na lulan ng mga tao.
Lulan ng mga sasakyang pandagat ang maraming
bilang ng mga tao na pinamumunuan ng isang
chieftain. Dito nakuha ang kasalukuyang
kontesto ng Barangay o Baranggay na tumutukoy
sa midyum unit ng organisasyong politikal sa
Pilipinas.

1. Hindi nadiskubre ni Magellan ang Pilipinas, bago pa ipinanganak si Magellan, umusbong na ang kapuluan. Mas naayon ang salitang natagpuan.
2. Ang nasa larawan ay nadiskubreng Balangai sa Butuan. Tinawag itong Butuan Mother Boat.
KARAKOA
(sa ortograpiyang Espanyol- Caracoa o Corcoa )

• Visayan War ship


• Assembled without nails
(dahil kakalangawin ang bangka).
Jointing woods Technique
• Faster than a Spanish galleon
• The karakoa carries two or three
bamboo tripod masts with a large
rectangular sail made of woven
gaong, buri, or nipa fiber. The
masts can be taken down to
reduce wind resistance.
Ang mga bangkang ito ay arkeolohikal na
patunay ng isang sopistikadong teknolohiya at
kulturang maritima sa kapuluang ito. Matitibay,
matutulin at hinahangaan ang mga bangkang
nagmula sa Pilipinas. At tulad nang natagpuan sa
Butuan, pinagbuklod lamang ang mga ito, hindi
ng mga pako, kundi ng mga “woden pegs.”

Patunay na tayo ay mga mahuhusay na


manlalakbay sa dagat o voyagers!
II. Banga at mga Bangkay

Ang mga sinaunang Austronesyano ay sinasabing


naglilibing sa banga, at may dalawang uri ng
paglilibing sila na ginagawa sa mga unang
libingang banga (primary burial jar) kung saan
inililibing ang buong katawan ng taong kamamatay
pa lamang, at sa mga pangalawang libingang
banga (secondary burial jar) kung saan naman ang
nililibing ay mga buto na lamang.
Maitum Jar Sa dagat nagdaraan ang kaluluwa patungo sa kabilang
buhay kaya kung mapapansin, hindi lang ito nasasalamin
sa Bangang Manunggul ng Palawan kundi sa mga
kabaong na hugis bangka sa Sagada at sa nahukay na
mga libingan sa lupa may disenyong mga bato na
nagbubuong hugis bangka sa Batanes (Chua, 2012).

Manunggul Jar
Natagpuan sa isang kweba ng Ayub
sa Maitum, Saranggani Province.
Secondary Burial Jar.
Sipi kay Chua (2012):
Naniniwala ang ating mga ninuno na ang tao ay binubuo ng panlabas at panloob. Ang panlabas ay ang
katawan habang ang panloob ay may dalawang bahagi—ang life force na tinatawag na “ginhawa” na
nakalulan sa bituka, at ang “kaluluwa” na nakalulan sa utak na siyang nagbibigay ng buhay, pag-iisip at
pagkukusa sa tao. Sa sikolohiyang Pilipino, magkakaroon lamang ng ginhawa ang tao (kumportableng
buhay, magandang kalusugan o pakiramdam, kapayapaan ng isip, at pagkain) kung ang tao ay may
matuwid at mabuting kaluluwa o malinis na kalooban. Ang kabaligtaran nito ay ang pagkakaroon ng
masamang haling o masamang kaluluwa at maitim na kalooban. Sa paniniwala rin ng marami sa ating
mga ninuno, ang kaluluwa ay maaaring magbalik sa lupa upang bantayan ang kanilang mga susunod na
salinlahi. Magiging mga “anito” sila na mananahan sa kalikasan, sa mga bundok, mga ilog, sa lupa at mga
bato, at sa mga puno (Salazar 1982 83-92; Covar 1992, 9-12; Maceda 1998, 77-94). Kaya naman kung
mapapansin, bagama’t aakalaing dalawang kaluluwa lamang ang nasa disenyo ng banga, mayroon
ringmukha ang banga. Ang bangka na yari sa punong kahoy ay mayroon ring kaluluwa. At ang sasakyang
pandagat ay mayroon ding kaluluwa (Abrera 2005, 35-36). Sa pagtuturo ng kahulugang antropolohikal ng
Manunggul Jar, maaari itanghal ang mga values natin nang pagkakaroon ng mabuting kaluluwa at
paggalang sa kalikasan na may buhay at kaluluwa rin at hindi lamang dapat gamitin ng walang
patumangga para sa sariling kapakinabangan.
Oton gold-death mask

Sa paniniwalang pumapasok ang mga


masasamang espiritu sa mga butas ng
katawan (kadalasang mata at ilong),
tinatapalan ng gold sheets ang bahaging ito.
Natagpuan ito sa Oton, Iloilo at tinatayang
mula 1300-1400 AD.
Saan napupunta ang mga namatay?

Sa mitolohiyang Bagobo, ang


mga namamatay na sanggol
ay inaalagaan muna ni
Mebuyan (Babaeng Diyos sa
Underworld). Pinasususo
niya ito hanggang sa lumaki,
maging malusog at handa na
sa paglalakbay sa kabilang
mundo.
Ito ay Hanging coffin sa Sagada, Mountain Province sa
Hilagang Luzon. Ang ritwal na ito ay isinasagawa sa loob ng
2,000 taon. Kapag mas mataas ang kabaong, mas malapit
ang tiyansa na makapunta sa langit. Kaya’t hirap
mapuntahan ang ibang kabaong dahil sa matarik na daan.
Panag-apoy ang katumbas ng All-saints day sa wikang
Kankanaey.
Maging sa kamatayan, ay nakaugnay ang Sama-
Bajaw sa buhay sa dagat. May isang isla na
pinaglalagakan ng kanilang mga labi. Maging ang
hugis ng kanilang puntod ay bangka. Sa mga muslim
na Bajaw, nakaharap ang tila-taong pigura sa
direksyon papuntang Mecca.

Ang buhay ng mga Sama-Bajaw ay nakadepende sa


tubig kaya’t tinagurian silang Sea Gypsie / Sea Nomad.
Sa isang artikulo ng National Geographic (Gibbens,
2018), sa free diving, kayang tumagal ng 13 minutes sa
lalim na 200 talampakan ng mga Bajaw. Nadiskubre
din na through genetic mutation, nakatulong ang
paglaki ng kanilang pali (spleen). Ang pali ang nagho-
hold sa oxygenated red blood cells na siyang kailangan
upang magkaroon ng mas maraming oxygen sa
katawan na required sa pagsisid.
III Boxer Codex Ang Boxer Codex ay isang manuskrito na
isinulat c. 1595 na naglalaman ng mga
ilustrasyon ng iba’t ibang pangkat-etniko
hanggang sa panahon ng (panimula)
hispanization sa Pilipinas at iba pang
Silangang-bahagi ng Asya.

Pinaniniwalaang pagmamay-ari ito ni


Luis Pérez das Mariñas, anak ng
Gobernador Heneral Gómez Pérez das
Mariñas, na napatay noong 1593 ng mga
Sangleys (Mga tsinong naninirahan sa Pil.)

Taong 1947 nang mapasakamay kay Prof.


Charles Ralf Boxer at pagmamay-ari ng
Lilly Library at Indiana University.
Boxer Codex: Tagalog Social Organization

Maginoo (Royal) Maginoo (Royal) Alipin


Boxer Codex: Bisayan Social Organization

Kadatuan (Royal) Kadatuan (Royal) Timawa (Noble)


Boxer Codex: Bisayan Social Organization

Pintados (Warrior) Timawa o Tumao (Noble) Timawa o Tumao (Noble)


Cagayan Princess Noble Cagayan Warrior Zambal warrior (Zambales)
Zambales warrior and Negritos / Ayta Chinese couple (Sangley)
hunting
Chinese Generals living in Philippines A Thai (Siamese) Couple
Manila Galleon
IV. Baybayin Dagdag pa, maraming mga iskolar na Pilipino ang dini-
decipher ang kahulugan ng mga karakter na ito.

Isa pang patunay na advance ang ating 1. Wangis ng Taklubo ni Bonifacio Comandante (2019)-
kaalaman sa pagsulat ay Baybayin (Tagalog). Sa kaniyang disertasyon, inahain niyang ang ilan sa mga
Taliwas sa inaakala ng karamihan na ang karakter ng Baybayin ay nagmula sa hugis ng mga
Baybayin ay Alibata, walang patunay na Taklobo.
Alibata ang tawag sa mga pigurang ito. Isa
lamang itong haka-haka ng isang iskolar na
inakalang mala-Arabik ang itsura ng mga
larawan.

Itinuturing ito alpasilabaryo dahil ang bawat


silaba ay tinutumbasan ng titik. Nakatutuwa
ring malaman na kahit karakter sa Baybayin
ay nakakabit pa rin sa kalikasan.
2. Ramon Guillermo- isinakontektso ang bawat hugis sa danas-Filipino.

Itsurang Payong. Ang ‘Na’ ay sumisimbolo sa ‘Nanay.’ Katulad ng


Na mga Payong, ang mga Ina ay nag-aalaga at kumakanlong sa
kaniyang anak.
Itsurang Suso. Kumakatawan sa bahagi ng babae na
Ba nagpapanatili ng lusog at lakas ng isang sanggol.

Itsurang Kalasag. Ang ‘Ma’ ay kumakatawan sa pagiging malakas


Ma ng isang lalaki.

Itsurang Bahag. Kumakatawan ang ‘La’ sa Lalaki.


La

Naglalarawan sa hangin o hininga. Senyales ng buhay ang isang


Ha nilalang.
BAYBAYIN 101
A LA WA

E/I MA YA

O/U NA
Tatlo lamang ang patinig sa
Baybayin dahil malayang
BA NGA nagpapalitan ang E/I & O/U.
Gayundin ang kaso sa katinig na
Da at Ra. Saka lamang ito
KA PA
naghiwalay at dumami ang titik
nang pakialaman ng mga
DA/ SA Espanyol ang ating ortograpiya.
RA
Walang titik C, Z, X, J, F at Q dahil
GA TA ito ay hiram sa Espanyol.
Alituntunin sa pagsulat ng Baybayin
A. Ang bawat pigura ay may katumbas na tunog /A/. D. Kung nais tanggalin ang patinig /A/. Maglagay ng
Awtomatik na kapag iginuhit halimbawa ang ekis x sa ibaba ng pigura. Maaari ding krus +
ang basa rito ay /Na/. Ganun din sa ibang katinig.
(ipinalit ito ng mga Kastila dahil mas malapit sa
B. Kung nais patunugin sa E/I. Maglagay ng tuldok imahe ng Katolisismo).
o kuwit sa itaas ng pigura.

N B L
NE/NI BE/BI LE/LI E. Tandaan na binabaybay muna ang mga salita
C. Kung nais patunugin sa O/U. Maglagay ng tuldok bago isalin sa Baybayin. Sa kaso ng Ingles,
o kuwit sa ibaba ng pigura. Ibabaybay (spell) ito sa tunog-Pilipino.
Hal. Maricel- Ang titik c ay mapapalitan ng s.

NO/NU BO/BU LO/LU /Ma-ri-se-l/


Ngayon, subukan mong magsulat ng Baybayin. ☺

1. Haraya
2. Padayon
3. Mula sa iyo, para sa bayan.
4. Bumabangon ang mga Babaylan.
5. Buhay na may ginahawa at dangal.
Gawain/Pagtatasa 1

Balikan ang Slide 6.


Ano ang ibig sabihin nito? I-pm sa iyong guro ang sagot.
Gawain/Pagtatasa 2

“Before the coming of the Spaniards, as we have hinted, the Philippines were backward in civilization as
compared with most of the rest of the Far East…. The Filipinos were still but partly removed from the
primitive stages of culture…. They had no elaborate political organization…..” (Latourette 1964, 287)
sinipi kay Chua, (2012)

TANONG: Sinulat ito ng isang dayuhang iskolar na hanggang ngayon’y ang akdang ito ay nabibili sa sikat na
bookstore. Sang-ayon ka ba sa mga ideyang nakalahad?

A. Ipaliwanag ang iyong sagot.


B. Sumagot sa pinakakomportableng wika,
Filipino man o Ingles o halo.
C. I-send sa anumang available na option.
C.1 Text message
C.2 Personal Message sa messenger
C.3 Email
D. Format
Pangalan, Kurso at Seksyon> Module 2> Paliwanag
Mahusay! Ngayong natapos mo na ang Modyul 2. Ito ang premyong trivia para sa’yo. ☺

Meaning: Refers to a time so long ago, that nobody


remembers anymore.
Origin: By the 1950s, the decade of the 1900s was
considered a long time ago. When people wanted to
refer to an event in the forgotten past, they reckoned
that it happened sometime in the 1900s,
hence “nineteen kopong-kopong.”

“Kopong” is an Indonesian word that was also used in the


Philippines, meaning “no content, empty”—thus, zilch or
zero, as in 19 zero-zero!
“Yung damit na suot mo…parang sa panahon pa ng
kopong-kopong!”

Mula sa: Alvina, C., & Sta. Maria, F. (1989). Halupi: Essays on Philippine Culture (pp. 48, 291). Quezon City: Capitol Publishing House.
Sanggunian:

Chua, M. C. B. (2012). Banga, bangka, bangkay!!!: Isang panukalang gamit ng Arkeolohiya sa pagtuturo ng araling
panlipunan at kasaysayan ng Pilipinas. Pamantasang De La Salle: Manila.

Comandante, B. (2019). Baybayin: Sinaunang sulat Pilipino. Glad Tidings Publishing Inc. Cainta, Rizal.

Gibbens, S. (2018). 'Sea nomads' are first known humans genetically adapted to diving. National Geographic.
Retrieved from https://www.nationalgeographic.com/news/2018/04/bajau-sea-nomads-free-
diving-spleen-science/

Scott, W. H. (1994). Baranggay: Sixteenth-century Philippines culture and society. Ateneo De Manila
University Press: Quezon City.

You might also like