Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

COLEGIO DE SANTA CATALINA DE ALEJANDRIA

PAGBASA (Pagbasa at Pagsulat)


Ikalawang Semestre A.T. 2021- 2022 PRELIMINARYONG
PASULIT

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang pinakawastong


sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot sa malinis na bond paper o kaya ay
yellow pad paper.
1. Ang pinakaunang alpabeto ng ating lahi ay tinatawag na _____________.
A. Alibata C. Abecedario
B. Abakada D. Baybayin
2. Ang pinakaunang alpabeto ay may ________ titik.
A. 20 C. 28
B. 17 D. 27
3. ___________ ang tawag sa wika ng mga katutubo bago masakop ng bansang
Espanya.
A. Katutubo C. Anak-dagat
B. Baybayin D. Tagalog
4. Sa panahon ng pananakop ng Amerikano ___________ ang ginamit na wikang
opisyal ng pamahalaan.
A. Katutubo C. Espanyol
B. Ingles D. Niponggo
5.-6. Sa panahon ng pananakop ng Hapon namayani ang mga wikang _____ at ____
bilang wikang opisyal ng pamahalaan.
A. Espanyol C. Tagalog
B. Ingles D. Niponggo
7. Ang wikang _____ ang napagkaisahang magiging batayan ng pagbuo ng wikang
magbubuklod sa buong bansa.
A. Ingles C. Tagalog
B. Pilipino D. Filipino
8. Ang _________ ay isang behikulo ng pagpapaabot ng komunikasyon upang
magkaroon ng unawaan ang mga tao.
A. mensahe C. talastas
B. wika D. komunikasyon
9. Si pangulong _________ ang nagsulong sa pagkakaroon ng isang wikang katutubo
na magbubuklod sa bawat Pilipinas.
A. Pang. Quezon C. Pang. Magsaysay
B. Pang. Macapagal D. Pang. Osmena
10. Si pangulong ________ ang nagpatiuna sa pagdiriwang ng Linggo ng wika mula
Marso 29 hanggang Abril 4.
A. Pang. Quezon C. Pang. Magsaysay
B. Pang. Macapagal D. Pang. Osmena
11. Ang pangulong __________ ang nagsaad nag kautusang ang pambansang awit ng
Pilipinas ay dapat na awitin sa titik Pilipino.
A. Pang. Quezon C.Pang. Magsaysay
C. Pang. Macapagal D. Pang Osmena

1
Inihanda ni: Gng. Arlyn R. Montenegro
COLEGIO DE SANTA CATALINA DE ALEJANDRIA
PAGBASA (Pagbasa at Pagsulat)
Ikalawang Semestre A.T. 2021- 2022 PRELIMINARYONG
PASULIT

12. Ang pangulong __________ang nagtalaga sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga


edipisyo sa tanggapan ng pamahalaan.
A. Pang. Marcos C. Pang. Quezon
B. Pang Estrada D. Pang. Ramos
13. Ang kauna-unahang pangulong gumamit ng wikang Pilipino sa panunumpa bilang
pangulo ng bansa.
A. Pang. Marcos C. Pang. Quezon
B. Pang. Estrada D. Pang Ramos
14. Ang panulong __________ ang natatanging pangulo na gumamit ng purong
Ingles sa kaniyang panunumpa bilang pangulo.
A. Pang. Corazon Aquino C. Pang. Arroyo
B. Pang Estrada D. Pang. Marcos
15. Ang pangulong __________ ang ikalawang pangulong gumamit ng wikang
pambansa sa inagurasyon ng panunumpa bilang pangulo ng bansa.
A. Pang. Corazon Aquino C. Pang. Arroyo
B. Pang. Estrada D. Pang. Marcos
16. Ang pangulong __________ ay kinilalang “ Ama ng Wikang Pambansa”.
A. Pang. Aguinaldo C. Pang. Quezon
B. Pang. Estrada D. Pang. Marcos
17. Ang pangulong __________ ang kauna-unahang pangulo na nagtalaga sa wikang
Tagalog bilang wikang opisyal ng pamahalaan.
A. Pang. Estrada C. Pang. Quezon
B. Pang. Aguinaldo D. Pang. Marcos
18. Si _________ ang hinirang na kauna-unahang Tagapangulo ng Surian ng Wikang
Pambansa.
A. Jaime C. De Veyra C. Cecilio Lopez
B. Zoilo Hilario B. Santiago Fonacier
19.-20. Sa panahon ng pananakop ng Hapon tanging mga wikang ________ at
________ ang ipinagamit sa pagtuturo sa mga paaralan.

B.Basahin ang mga pahayag at suriin kung ito ay tama o mali. Kung tama ang pahayag
isulat ang salitang Tama kung mali ang pahayag ayusin upang maging tama ang pahayag.

1. Ayon kay Padre Chirino wala tayong sariling panitikan bago tayo sakupin ng mga Kastila.

2. Alibata ang tawag sa alpabeto ng mga Espanyol ay may 17 itong titik.

3. Sa panahon ng pananakop ng Amerikano lumaganap ang “ Colonial Mentality” dahil sa


labis na pagpapahalaga sa kulturang Amerikano.

4. Hindi napatunayang mahina at may kakulangan ang wikang Ingles bilang wikang panturo
kaya ginamit ang Bernakular na wika sa pagtuturo ng primary.

5. Ang alibata ay tagapagbadya ng mga nasulat na kaisipan ng mga ninunong Pilipino.

2
Inihanda ni: Gng. Arlyn R. Montenegro
COLEGIO DE SANTA CATALINA DE ALEJANDRIA
PAGBASA (Pagbasa at Pagsulat)
Ikalawang Semestre A.T. 2021- 2022 PRELIMINARYONG
PASULIT

6. Ang mga prayleng Kastila ay naatasang mag-aral sa mga katutubong wika ng ating bansa.

7. Ang wika ay hindi maituturing na status symbol ng bansang nagsasarili.

8. Ayon sa teorya ng mga dalubhasa, walang kabuluhan ang wika sa ugnayang pantao.

9. Ang autograph o larawang guhit ay nabuo upang magkaroon ng istandard sa larawan


bilang representasyon ng mga bagay na nais ipahayag.

10. Sa panahon ng Rennaissance umunlad ang pagtuklas ng printing press o limbagan.

11. Sa panahong Romano lumabas ang Pigeon Carrier sa pagpapadala ng mensahe.

12. Ang kuryente o elektrisidad ay nagpatindi sa pagpapabilis ng komunikasyon sa panahon


ng Rebolusyong Industriyal.

13. Taong 1937 naimbento ang telegram, sinundan ng Code Signal noong 1876.

14. Ang kompyuter ay kagamitang elektronik na tumatanggap ng lipon o set o kakipilan ng


mga instruksiyon o programa.

15. Sa American Survey napatunayan na 100% na ginagamit ang kompyuter sa gawaing


pang-eskuwela.

16. Kung gaano kabilis ang pagsulong ng teknolohiya kasabay din na umunlad ang ating
wika.

17. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino ang wika ay isang instrumento rin sa pagtatago at
pagsisiswalat ng katotohanan.

18. Ayon kay Randy S. David kailanman ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang
wika.

19. Ayon kay Whitehead, konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan
ang wika .

20. Ayon kay San Buenaventura, ang Wika ay isang taguan, imbakan o deposito ng
kaalaman ng isang bansa.

Pagpalain Nawa kayo at gabayan ng Poong Maykapal!

3
Inihanda ni: Gng. Arlyn R. Montenegro

You might also like