Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF BUTUAN CITY

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Quarter 3 Week 2
Espiritwalidad At Pananampalataya

Pangalan: __________________________________ Taon at Pangkat: __________

Guro sa EsP:________________________________ Petsa:_____________________

Layunin:
1. Napapangatwiran na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa
kapwa. (EsP10PB-IIIb-9.3 )
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang
pagmamahal sa Diyos. (EsP10PB-IIIb-9.4 )

Bahaging Oras: Dalawang oras

Mga Susing Konsepto:
• Bilang pinakaespesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa
panawagan ng Diyos na mahalin natin ang lahat ng kaniyang nilikha
lalo’t higit ang ating kapuwa.
• Ayon sa dalawang pinakamahalagang utos: Ibigin mo ang Diyos nang
buong isip, puso, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng
iyong sarili ( Juan 4:20 )
• Ang pagmamahal sa ating kapuwa ay tulad na rin ng pagmamahal
natin sa Diyos. ( Matt.19:16-22 )
• Ang magmahal na walang hinihintay na anumang kapalit kahit na
nahihirapan o nagsasakripisyo ay isang tunay na pagmamahal. Ito
ang ipinapakitang pagmamahal ni Mother Teresa- isang pagmamahal
na ang hinahanap ay makita ang Diyos sa piling ng kapuwang
pinaglilingkuran.
• Masasabi lamang ng tao na siya ay nagmamamahal sa Diyos kung
nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa. Hindi ito madali, ngunit isa
itong hamon para sa lahat dahil kung anuman ang ginawa natin sa
ating kapuwa ay sa Diyos natin ginagawa.
Gawain 1: Bilang Ako!
Kagamitan: Bolpen
Panuto: Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat kolum at bigyan ng
paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum. Sagutin ito ng
may katapatan. Isulat ang kasagutan sa ibaba.

Paminsan-
Palaging minsang Hindi Paliwanag
ginagawa ginagawa ginagawa
1.Pagdarasal bago
at pagkatapos
kumain.
2.Pagdarasal bago
matulog at
pagkagising sa
umaga
3.Pagbabasa ng
Bibliya/Pag-aaral
ng salita ng Diyos
4.Pagsisimba/Pag-
samba
5.Pagtulong sa
kapuwa na
nangangailangan
6.Pananahimik o
personal na
pagninilay

Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Magbigay ng mga pagkakataon kung saan ang pagmamahal ng

Diyos ay nakakatulong sa iyong buhay. Patunayan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2: My Personal Daily Log

Kagamitan: Bolpen at “long bondpaper”
Panuto:
1. Gumawa ng Personal Daily Log ( Pansariling Pang-araw-araw na
Talahanayan ) na may kinalaman sa pagpapaunlad ng
pananampalataya at espiritwalidad para sa susunod na Linggo.
2. Itala rito kung nagpapakita ng mabuting ugnayan sa Diyos at kapwa.
3. Ipakita at ipabasa ito sa iyong mga magulang. Bigyan sila ng
pagkakataon na makapagbigay ng payo o komento sa iyong ginawa.
Anyayahan sila na ito ay lagdaan.
4. Gawin ng may kalinisan, lagyan ng disenyo at kulay.

My Personal Daily Log

Komento at
Mga Araw Ugnayan sa Ugnayan sa Mga Patunay Lagda ng
Diyos Kapwa Magulang

LUNES

MARTES

MIYERKULES

HUWEBES

BIYERNES

SABADO

LINGGO

RUBRIC SA PAGGAWA NG PERSONAL DAILY LOG

10 PUNTOS 7 PUNTOS 3 PUNTOS
1.Nakagawa ng personal Nakagawa ng Nakagawa ng personal Nakagawa ng
daily log at nakaisip ng personal daily log daily log ngunit hindi personal daily log
sariling pamagat nito na at nilagyan ito ng nalagyan ng sariling ngunit hindi ito
may kinalaman sa sariling pamagat. pamagat. natapos.
pagpapaunlad ng
pananampalataya at
pagmamahal sa Diyos at
sa kapwa
2.Nakapagtala ng mga Nakapagtala ng Nakapagtala ng Hindi nakumpleto
mabubuting Gawain sa mabubuting mabubuting Gawain ang gawain
Diyos at Kapuwa Gawain sa Diyos at sa Diyos ngunit hindi
kapuwa sa loob ng nakapagtala ng
dalawang Linggo Gawain sa kapuwa
3.Nakapagpakita ng May naipakitang May naipakitang Walang
patunay sa mga ginawa. dokumento ng mga dokumento ng mga maipakitang
ginawa at ginawa ngunit hindi dokumento
naipresenta ito ng gaanong malinis ang
may kalinisan. pagkakapresenta nito.

4.Nabibigyan ng kulay at May kalinisan, Hindi masyadong Hindi malinis,

buhay ang gawain. disenyo at kulay malinis ang gawa, walang disenyo at
ang gawain. disenyo at kulay ang kulay ang gawain.
gawain.

Tanong:
1. Base sa iyong nagawang personal log, paano mo ito maipalalago o
maipapaunlad bilang isang estudyante?
________________________________________________________________________

Pagninilay:
Kagamitan: Bolpen
Panuto: Sagutin ang gabay na tanong para sa iyong pagninilay. Isulat
ang iyong kasagutan sa ibaba.

• Balikan ang iyong naging ugnayan sa Diyos at kapuwa. Paano mo

ito mapalalago at mapapalalim gamit ang iyong bagong kaalaman
at reyalisasyon na iyong natutuhan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay ng Mag-aaral, Modyul 12 –

Espiritwalidad at Pananampalataya, Unang Edisyon 2015, pahina 239 -253.

Inihanda ni: Nera B. Bocala

School/Station: Tungao National High School
Division: Butuan City
Email address: nera.bocala@deped.gov.ph

Mga Tagasuri:

1. Amelita M. Aquino, SSHT-V

2. Lilibeth Y. Bunghanoy, MT-I

3. Delia L. Royo, SST-III

4. Chi-a T. Sumanoy, SST-III

Address: Rosal Street, Brgy. Dagohoy, 8600 Butuan City, Philippines

Telephone No.: (085) 341-0022
Email: depedbutuan.it@gmail.com
Website: depedbutuancity.wordpress.com

You might also like