Ikalawang Markahan Filipino 7 Pangalan: _________________ Pangkat at Seksyon: ______________
A. Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit
ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso. a. hatinggabi c. madaling araw b. katanghaliang tapat d. papalubog na ang araw 2. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit sa mga hayop. a. kampilan c. pana b. pagkain d. patibong 3. Isang matabang usa ang kanyang nadale. a. nadaanan c. naisama b. nahuli d. nakita 4. Sa halip na kumibo ay nag-isip na lang ng ibang paraan ang babae. a. humuni c. magsalita b. kumilos d. umawit 5. Gayon na lamang ang kanyang panggigilalas sa nakitang kakaiba. a. pagkaasiwa c. pagkalungkot b. pagkagulat d. pananabik
B. Panuto: Piliian sa Hanay B ang kasalungat na kahulugan ng salitang
may salungguhit sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A B
1. Tumingala siya at nakita ang nakasabit
2. Kitang-kita sa kanya ang pagiging tuso. c. mabuti
3. Matabang usa ang nahuli sa bitag. d. natutuwa 4. Sinolo ng lalaki ang biyayang natanggap e. yumuko 5. Nagdaramdam siya sa ginagawang pagtrato ng kanyang asawa Consuelo National High School Ikalawang Markahan Filipino 7
Panuto: Mayroon ka na bang napasyalang lugar na matatagpuan dito sa
Rehiyon CARAGA? Kung mayroon, gumupit mula sa magazine o diyaryo ng larawan nito at idikit sa kahon sa ibaba. Sumulat ng isang paglalarawan sa iyong paglalakbay sa nasabing lugar. Maaaring ito ay tungkol sa masasayang pangyayari at karanasan mo sa lugar na ito, mga produkto, magagandang tanawin at uri ng pamumuhay at kaugalian ng mga taong naninirahan dito. Kung wala naman ay magsaliksik gamit ang internet at pumili ng isang lugar na matatagpuan dito sa Rehiyon CARAGA na umakit sa iyong paningin. Magsulat ng dalawa hanggang tatlong talata tungkol sa lugar na ito mula sa iyong nasaliksik. Bigyan ito ng pamagat at sa pagsusulat, gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng katotohanan.
Gumupit ng larawan ng napiling lugar sa Rehiyon CARAGA at idikit sa kahong ito