Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Saint Joseph Institute of Technology

Montilla Boulevard, Butuan City

GRADUATE SCHOOL

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Piling Larang-Akademik


(Pakitang-Turo sa Ma Fil 103- Paghahanda at Ebalwasyon ng
Kagamitang Pilipino)

I. Pamantayang Nilalaman: Nakapaglalahad ng sariling opinyon sa piling kabanata ng


nobela batay sa pananaw/ teoryang pampanitikan na angkop dito gamit ang grapikong
presentasyon.

II. Pamantayan sa Pagganap: Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa binasang boud


ng isang nobela gamit ang graphic organizer at Venn diagram.

Mga Kasanayang Pagkatuto/ Layunin:


a. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan
na angkop dito F10PB-IIIh-i-85
b. Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela. F10PD-IIIh-i-79
c. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian
ng bansang Africa at/o Persia. F10EP-IIf -32

II. Paksa: Nobela


Sanggunian: FILIPINO 10 PANITIKANG PANDAIGDIG Modyul para
sa mga Mag-aaral

Kagamitan: Mga Paperstrips, Hand-outs, Manila Papers, Marker, Laptop, LCD Projectors.

III. Pamamaraan (4’As)

1. Panimula/ Balik-aral (Activity)


Panalangin at pampasigla
Pagpapakilala sa mga layunin.
Maikling pagtatalakay (tanong-sagot) sa paksang tinalakay.

2. Pagganyak (Activity)

Basahin ang buod ng nobelang paglisan, (maari ka ring pumuli ng nobelang gusto mo)
suriin kung anong   teorya na pampanitikan ang angkop dito.  Gamit ang
grapikong presentasyon ibigay ang iyong sariling opinyon batay sa teoryang ginamit dito.
.

Opinyon

Paglisan
Opinyon Opinyon
Teoryang
Pampanitikan

Opinyon
3. Daloy ng Pagtuturo (Analysis)

Magkakaroon ng pangkatang-gawain. Gamit ang 3R’s Read, React, Reenact, isagawa ang
sumusunod na sitwasyon mula sa iskrip ng, “Ang Munting Prinsesa”. Sa bahagi ng
REENACT maaring sumulat ng maikling iskrip sa halip na isasadula.

Miss Minchin: (matalas) Anong kawawa?


Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay
ampunan, baka akala mo. Hindi ko na
problema iyon…Alam mo na mang
nakasangla sa bangko ang eskwelahang
ito…baon na baon na tayo sa utang kay
Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo,
Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung
bakit namatay ang ama ni Sarah?

1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah.


Read _________________
React _____________________________________________
Reenact (Sumulat ng iskrip)

2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah


Read ________________
React _____________________________________________
Reenact (Sumulat ng iskrip)

3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama


Read ________________
React _____________________________________________
Reenact (Sumulat ng iskrip)

Itataya ito batay sa sumusunod na RUBRIK:

KAWASTUAN
Wasto at angkop na gamit ng gramatika 10 
puntos
KAANGKUPAN
Totoo at angkop ang nabuong 10 
reaksiyon puntos
KABUUAN 20 
puntos

4. Pagsasanay (Abstraction)

Isulat ng pasalaysay ang estilo o pamamaraan ni Shaira Mella- Salvador sa


pagsulat ng “SARAH, ANG MUNTING PRINSESA” sa pamamagitan ng pagsagot
sa sumusunod na tanong. Maaring mapanood ang pelikula
sa  https://www.youtube.com/watch?v=cSpxVSTQj9A.

Rubrik sa pagtataya:

Kriterya Natatangi Katamtama Di-gaanong mahusay


(5 puntos) n ( 1 puntos)
(3 puntos)
Kawastuhan
Tamang gamit ng pang-
ugnay
Presentasyon ng mga ideya
5. Pagpapalawig/ Pagpapayaman (Abstraction)
Naitala at nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia gamit ang Venn Diagram.

Panuto:   Gamit ang Venn diagram, ano-ano ang mga magagandang katangian ng
bansang Africa at Persia?
AFRICA
PERSIA

IV. Ebalwasyon (Application)

Nakagawa ng isang puppet na gumagalaw na sumisimbolo sa magagandang katangian ng


bansang Africa at/o Persia.

Panuto:    Sundin ang mga hakbang na nasa ibaba para makagawa  ng sariling puppet  na 
gumagalaw.

Paano gumawa ng puppet na gumagalaw?


1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang stockings na binalumbon
at tinali sa mga hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit.
5. Lagyang ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo
sa pinag-ekis na patpat. Maari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng patpat.
6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan
maaari itong talian.

Rubrik sa pagtataya:

Nasunod nang tama ang mga 10   


hakbang puntos
Masining na pagkagawa 5    puntos
Kabuuan 15   
puntos

Maaring mapanood sa https://www.youtube.com/watch?v=dDLxGq_o5hE kung paano


gumawa ng gumagalaw na puppet.
Inihanda ni:

Mike Vergara-Patrona

You might also like