Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ARTS 3

UNANG MARKAHAN

Pangalan ng Bata: _______________Baitang: _____________


Seksyon: _________________________Petsa: _______________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Pagguhit ng Halaman, Bulaklak, o Puno na Nagpapakita ng


Iba’t Ibang Tekstura at Hugis ng Bawat Bahagi Gamit ang Lapis
o Itim na Krayola o Bolpen.

Panimula (Susing Konsepto)


Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na iyong
nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay kadalasang simple ngunit
maganda. Samantalang sa pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at
nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o paksa at
nangangailangan ng maraming biswal na detalye.

Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa ng mga


sketches. Ang sketch ay hindi konkretong likhang sining. Kulang ito
sa detalye at kulay. Ito ay nagsisilbing gabay ng isang pintor upang
makabuo ng isang kongkretong likhang-sining.

Halimbawa ng sketch ng halaman, puno at bulaklak

halaman bulaklak

puno puno
Kasanayang Pampagkatuto o Kompetensi

Nakaguguhit ng halaman, bulaklak, o puno na


nagpapakita ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat bahagi gamit
ang lapis o itim na krayola o bolpen.
(A3PR-Ig)

Gawain 1:
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang Tama kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap at Mali naman kung hindi wasto.

_________1. Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na


iyong makikita sa paligid.

_________2. Ang mga guhit na ito ay kadalasang simple ngunit


maganda.
_________3. Sa pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at
nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o paksa at
nangangailangan ng maraming biswal na detalye.

_________4. Ang sketch ay konkretong likhang sining.


_________5. Ito ay nagsisilbing gabay ng isang pintor upang
makabuo ng isang kongkretong likhang-sining.

Gawain 2:

Panuto: Sundin ang mga sumusunod na pamamaraan sa ibaba.

Kagamitan: lapis, bond paper, itim na krayola at bolpen.


Pamamaraan:

1. Humanap sa iyong paligid ng isang halaman, bulaklak o puno na


gusto mong iguhit.
2. Iguhit at ipinta ang mga detalye nito gamit ang lapis o itim na
krayola o bolpen.

3. Ipakita ang tekstura gamit ang cross hatch lines.

4. Panatilihing maayos at malinis ang iyong likhang sining.


5. Lagyan ito ng pamagat.
6. Markahan ang iyong ginawa gamit ang pamantayan sa ibaba.
Gawin ito sa sagutang papel.
Rubriks
Pamantayan Kitang- Kita Hindi kita
kita (3) (2) (1)
1. Nakaguhit ba ako ng puno
bulaklak at halaman?
2. Naipakita ko ba ang tekstura
gamit ang cross hatch lines?
3. Naipakita ko ba ang aking sariling
istilo sa pagguhit o pagpipinta?
4. Natapos ko ba sa takdang oras ang
aking likhang sining?
5. Nakaramdam ba ako ng
pagmamalaki sa aking ginawang
likhang sining?
Iskor

Gawain 3
Panuto: Kopyahin ang tsart sa iyong sagutang papel. Gumuhit ng
masayang mukha () kung ang iyong sagot ay oo at malungkot na
mukha () kung hindi..

Pamantayan
1. Gumuhit ng isang likas na bagay tulad ng
halaman, bulaklak o puno na makikita sa iyong
paligid.
2. Naipakita ang mga detalye ng likhang sining.
3. Naipakita ang tekstura at hugis sa likhang sining.
4. Gumamit ng lapis o itim na krayola o bolpen.
5. Nakagawa nang maayos at malinis
Mga Sanggunian:

Music Arts Physical Education and Health(MAPEH)


Kagamitan ng Mag-aaral pahina 130-132

Music Arts Physical Education and Health


Teacher’s Guide page

https://www.google.com/search?
q=sketch+of+a+plant+using+ballpen+or+pencil&sxsrf=ALeKk02tHSMi7KybtCl5t5MsBpS-
mBhEwA:1596942510884&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=f4uA7UnZ1sRheM
%252ChrDCeQHWGJpchM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRTkomMYUcmcJPwwzhZVpOt4B2Eng&sa=X&ved=2ahUKEwim1dm4ko3rAhWOwJQKHXArCAgQ9QE
wAnoECAkQGg&biw=1350&bih=575#imgrc=MP92riiyM6RcRM

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1.Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
Gawain 2
Ang likhang sining ay magmumula sa batang mag-aaral.
Mamarkahan din niya ang kaniyang sarili ginawa gamit ang
pamantayan na nakaatala sa ibaba ng gawain.

Gawain 3

Inaasahang sagot ng mga bata.

1.

2.

3.
4.

5.

Inihanda ni:

RAQUEL R. ALAORIA
Guro III

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please


include this in All Learning Activity Sheets

You might also like