Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Justin Carl N.

Encio

10-Gentleness

“Sampung Taon Mula Ngayon”


Madalas kong sinusubukang tignan ang aking sarili kung ano kaya ang aking pamumuhay sampung taon
mula ngayon, pero sa totoo lang, nakakatakot ding isipin na sa paglipas ng isang dekada ako'y dalawang
pu't anim na taong gulang na at tapos na ang aking kabataan."Kamusta na kaya ang aking pamilya
paglipas ng sampung taon?", "Makakapagtapos kaya ako ng pag-aaral?" Ito ang madalas nating naiisip,
walang sinuman sa atin ang may kakayahang malaman kung ano ang mga mangyayari sa mga susunod
na mga taon, ngunit lahat tayo ay may kanya kanyang pangarap na nagbibigay lakas sa atin upang
makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang mga nais natin sa buhay. Ako, sampung taon mula ngayon,
ano-ano kaya ang nagbago sa buhay ko sa panahong iyon?

Nakikita ko ang aking sarili na nagmamadaling umaapak sa hagdan patungo sa entablado habang
pinapahiran ang mga luha ng aking mga magulang at inilalabas sa aking bibig ang mga salitang... "
Mommy, Daddy, Graduate na ako!" "Isa na akong Engineer!" Nakikita ko rin na unti-unti nang natutupad
ang aking mga pangarap at naibibigay ko na ang mga kagustuhan ng aking pamilya: Ang pagpapatayo ng
bagong bahay, pagpunta sa iba't ibang mga lugar ; Japan, korea, at marami pang iba.Subalit hindi
naiaalis sa aking isipan na may mga bagay na maaring mawala, mga bagong bagay na darating at mga
panahong kailangang masaktan, pero ito lamang ay isang pagsubok ng buhay na susubuking lagpasan,
mga bagay na lalong magpapaangat sa ating buhay.

Sa kabila ng lahat ng ito ay marami pa ring posibilidad ang maaring maganap sa aking buhay dahil na
lamang cguro'y bata pa ako at magiba pa ang pananaw ko sa buhay, ngunit mahalaga na mayroon
tayong pangarap sa buhay upang sa gayon ay magkaroon tayo ng motibasyon para bumangon sa mga
pagsusubok ng ating kinabukasan. Hindi ko naman hinahangad ng sobra-sobrang kayamanan sa buhay.
Ang nais ko lamang ay makatulong sa aking pamilya at makasama sila ng masaya, mapayapa, at sama-
sama. Para sa akin ito ang aking pinakamahalagang pangarap hindi lamang sa loob ng sampung taon,
kundi isang pangarap na dapat kong makamit sa buong buhay ko.

You might also like