Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Epekto ng Paggamit ng Tiktok sa Pagpapaunlad ng Self-Esteem

ng mga Kababaihang Estudyanteng nasa ika-10 Baitang ng

Gat Andres Bonifacio High School: Taong-Aralan

2021-2022

Tesis na Iniharap sa

Kagawaran ng Senior High School klaster

Klaster ng Wika at Komunikasyon Asia Pacific College

Bilang Pagtugon sa Kahingian Pagtatamo

Ng Digring Senior High School

Ni:

Barua, Mac Lawrence B

2021
2
3

Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERTURA

Ang pananaliksik na ito ay nag lalalyon na mag-karoon ng mas malawak na kaalaman

patungkol sa paksa. Sa pagtupad ng pananaliksik na ito, sa maraming oras na ginamit ng mga

mananaliksik sinikip nitong nakalap ang ibat ibang pag-aaral at literature, pang banyaga at local.

at pag-aaral na maaaring konektado sa paksang Paggamit ng Tiktok sa Pagpapaunlad ng

SelfEsteem ng mga Kababaihang Estudyanteng nasa ika-10 Baitang ng GABHS:Taong-Aralan

2021-2022.

Banyagang Pag-aaral

Sa paksang patungkol Signs of Low and high Self-esteem ng CIH (Center of


Integrated Healthcare), nagsasaad ito na ang pag kakaroon ng kakulangan ng tiwala,

Negatibong perspektiba sa buhay, Pagkakaroon perpektong pag-uugali, Pagsisi sa paguugali o

kilos, Takot sa pagkuha ng angkop na mga panganib, Damdamin ng pagiging hindi minamahal

at hindi malulutas, Pag-asa sa iba na gumawa ng mga desisyon, Takot sa pagiging

kinutya,Nabaluktot view ng sarili at ng iba pa ay isang senyales ng pagkakaroon ng Low-Self

Esteem. Ayon sa pag-aaral nina Charles G. Curie, M.A., A.C.S.W at Bernard S. Arons, M.D

(n.d) na patungkol sa Building Self-esteem A SelfHelp Guide na-tritrigger ang Low self-esteem

pag-trinato ang isang tao ay trinato ng masama sa kasalukuyan o sa nakaraan at sa

pamamagitan ng Self-Judgement sa isang tao. Gayunpaman ang pagkakaroon ng Low

Selfesteem ay kadikit sa pagkakaroon ng depression, anxiety at iba pa. Sa pag-aaral nina

Charles G. Curie, M.A., A.C.S.W at Bernard S. Arons, M.D ay mayroong inirekuminda upang

mapataas ang Self-Esteem ng isang tao.

Isa sa mga inerekuminda nito ay ang “Pay attention to your own needs and wants” ang

pag tukoy sa ating sariling kagustuhan at pangagailangan ay nakakatulong upang ma-satisfy

ang ating sarili. Sunod dito ay ang “Take very good care of yourself”. Isa sa mga pinaka
4

importanteng gawin upang paunlarin ang Self-esteem, kumbaga ito ang magiging “base

upgrade” ng iyong sarili. Ang pag-aalaga sa iyong sarili ay makakatulong upang mabawasaan

o maalis ang mga sumusunod: anxiety and depression, stress, improve concentration, minimize

frustration and anger, increase happiness, improve energy at iba pa. Isa sa mga gawain upang

alagaan ang sarili ay ang pagkain ng masustansyang pagkain, pageehersisyo, paglilinis sa sarili

at ang pag aliw sa sarili tulad ng paglalaro at pagpapasaya sa sarili. Isa din ang pagsalin ng

negatibong pananaw sa iyong sarili patungo positibong pananaw. Hindi maiiwasang magkaroon

ng negatibong pananaw sa ating sarili na nag sasanhi ng low self-esteem Ayon kila Charles G.

Curie, M.A., A.C.S.W at Bernard S. Arons, M.D isa sa mga kadalasang halimbawa ng mga

negatibong pananaw sa sarili ay ang pagsabi ng “hindi ko kaya”, “talo nanaman ako”, at marami

pang iba. Bagamat hindi maiiwasang sabihin ito sa iyong sarili, maaring hasaan ang iyon sarili

na palitan ang mga negatibong pananaw patungo sa positibong pananaw. Imbis na sabihin mo

sa iyong sarili na “hindi mo kaya” palitan mo to ng “kakayanin ko to” at imbis na sabihin na “talo

nanaman ako” ang sabihin ay mananalo din ako. Napaka laki ng magiging epekto ng pagsalin

ng negatibong pananaw patungo sa positibong pananaw, tulad ng pagkakaroon ng Positive

thinking na makakatulong upang mabago ang negatibong pananaw sa sarili na makaka apekto

sa pagbaba ng Self-Esteem.

Sa patuloy na pananaliksik, ayon sa nasaliksik patungkol sa self-esteem, mayroong


tatlong ibigsabihin ang Self-Esteem, isa sa ibigsabihin ng self-esteem ay ang Global
SelfEsteem, Karaniwan, ang mga katagang "Self-Esteem" ay tumutukoy sa katangiang
naglalarawan sa nadarama ng mga tao tungkol sa kanilang sarili sa pangkalahatan.at ang
pangalawa namang kahulugan ng Self-Esteem ay ang “Self-Evaluation” ito ay tinukoy o
sinasabing bilang isang pansariling ebalwasyon ng isang tao patungkol sa kanyang pansariling
gawain o abilidad. Dito kinikwestyon ang ang mga lahat ng ginagawa ng isang tao kung tama o
mali ang nagawa nito.
Ang panghuling ibigsabihin ng Self-Esteem ay ang “Feelings of Self-Worth”, ito ay tinutukoy
bilang Ang mga katagang "pagpapahalaga sa sarili" ay ginagamit upang ilarawan ang mga
karanasan sa damdamin.Lalo na yaong mga bunga ng isang kanais-nais o di-kanais-nais na
5

kaganapan. Ito ang tinutukoy ng mga tao.kapag pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa
positibo o negatibong sitwasyon na nakapalakas o nakapipinsala sa pagpapahalaga nila sa
sarili.

Lokal na Pag-aaral
Ayon sa artikulo ng Canua noong 2018 na pinamagatang "Ang labis na paggamit ng
social media ay maaaring humantong sa 'depresyon'", batay sa isang pag-aaral na pinangunahan
ng University of Pittsburgh Media Research Center, Kilala bilang teknolohiya at kalusugan ng
mga computer sa pag-uugali ng tao, ang sobrang pagkahumaling sa mga social media platform
ay humahantong sa Depresyon at pagkabalisa sa mga kabataan. Ayon kay
Canua (2018) “Isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit nagdudulot ng depression ang social
media ay dahil sa dala nitong ‘standards’ o pamantayan. Pangunahing pamantayan na itinuturo
ng social media ay ang ‘beauty standards’ at ‘social standards. Matapos mag-post, ang dami ng
likes, comments at followers ang magtatakda ang self-confidence at kasikatan ng isang tao.”.

Sa patuloy na pananaliksik may nabasa ang mga mananaliksik na isinulat ni Dahn Y.


Omang na may pinamagatang. “Mabuting Epekto Ng Social Media Sa Mga Mag-aaral”, ayon dito,
“Gamit ang internet, maraming mga bagay ang aking natutunang gawin, tulad na lamang ang
paggawa ng iba’t ibang proyekto sa paaralan na maaring hindi o mahirap hanapin sa libro ang
mga pamamaraan. Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng
komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang tao na
naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang Google ang
pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon
na iyong kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects at iba pa.” at ayon pa
dito, “Dahil ng advance technology ang mga impormasyon ay madali ng makapasok sa internet.
Sa loob ng ilang segundo milyon-milyong impormasyon ang nadadagdag sa internet. Dito
madaling manaliksik ng walang sinasayang na oras. Impormasyon na magkakasama na, mga
nakaayos at nakahanda na para sa mga taong kakailanganin ng tulong katulad naming mga mag-
aaral. Kung hindi ka talaga matuto kahit na pinanuod mo na makakapagpaturo ka naman sa
kapwa mo mag-aaral sa pamamagitan ng social media. May mga proyekto na katulong mo ang
iyong mga ka-grupo at napapadali ng social media ang paguusap niyo para mapadali ang
paggawa nito.”.
Bukod sa mga kagandahang epekto ng Social media sa kabataan, marami ding
nnegatibong epekto ang social media, ayon kay Jayson Rivera taong 2016, “dahil nagiging uso
na ang social media kailangan nilang makiuso at gumawa nang account dito. Marami din ang
6

nagkakapikunan dito dahil sa mga pinopost nila na hindi nagugustuhan nang iba, madalas itong
humahantong sa batuhan ng mga mararahas at hindi kanais nais na salita Minsan naman ay
nagiging masyadong mapanghusga ang mga kabataan ngayon marahil na din sa mga nakikita
nila sa social media na kalayaan sa pagpapahayag kahit nakakasakit na tayo. Isa pa sa mga
masasamang epekto nito ay ang pagbawas ng produktibidad ng mga kabataan, ang sobrang
pagkahumaling dito ay nakakabawas ng oras ng mga kabataan sa mas importanteng bagay na
mas dapat pagbuhusan ng pansin.

Banyagang Literatura

Ayon sa video ng Psych2go namakikita sa youtube, mayroong walong senyales ang pag
kakaroon ng “Low Self-Esteem”. Ayon dito ang walong senyales ng Low Self-Esteem ay ang mga:
“Sense of self-doubt, you are overly apologetic, you put the blame on others, you have bad
posture, you’ve developed bad habits, You downplay your achievements, You have a negative
self-image and You strive for perfectionism”. Ito ang walong senyales ng pagkakaroon ng Low
Self-Esteem. Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng mas malalim na eksplenasyon sa unang
tatlong senyales ng Low Self-Esteem. Ang isa sa mga senyales ng pagkakaroon ng Low
Selfesteem ay ang pagkakaroon ng duda sa iyong sarili, Ayon kay Lawrence Yeo taong 2020,
“kaya tayo nag kakaroon ng alinlangan sa ating sarili ay dahil nabubuhay tayo sa isang mundo
kung saan inihahambing natin ang sarili nating pag-unlad laban sa pag-unlad ng iba. Tuwing
magdududa tayo sa ating sarili, ang talagang pinag-aalinlanganan natin ay ang kakayahan nating
tugunan ang mga inaasahan natin.”. at ang sunod na senyales ay ang pagiging overapologetic
ayon kay Devrupa Rakshit taong 2020, “Because human behavior is interdependent, people
apologize when they have breached someone’s trust, or wronged them in any manner, with the
objective of restoring their relationship. When one breaks a rule of social conduct, a subsequent
apology re-establishes the rule by acknowledging that it was broken and rebuilds trust in the
individual wronged that the apologizer won’t repeat their mistake again. Moreover, by validating
the feelings of the person one wronged, an apology also shows care.” At ang ikatlong senyales
ng mababang Self-Esteem ay ang “You strive for perfectionism” ayon kay Mel
Schwartz, ang rason baket tayo nag hahabol para sa perfection ay. “we strive toward being perfect
to compensate for a sense of inadequacy. People who want to be perfect usually have an
exaggerated sense of their own shortcomings. They typically received messages earlier in life that
they weren't good enough. So they decided that only by being perfect would they be beyond
reproach. Perfectionists tend to think that other people are somehow better or superior to them,
so they need to be without flaw just to catch up.”
7

Ayon sa isinulat ni Courtney E. Ackerman na may pinamagatang “What is Self-Esteem?


A Psychologist Explains”. Ayon dito may iba pang paraan upang ma-boost ang Self-Esteem, isa
pang paraan upang ma-boost ang Self-Esteem ay ang Meditation ayon dito,” Besides clinical
interventions, there are also things people can do on their own to boost their self-esteem. One of
these methods is meditation—yes, you can add yet another benefit of meditation to the list!
However, not only can we develop self-esteem through meditation, but we also gain some other
important benefits.”. Dagdag pa dito, ayon naman kay Andy Puddicombe taong 2015, “When we
meditate, we cultivate our ability to let go and to keep our thoughts and feelings in perspective.
We learn to simply observe instead of actively participate in every little experience that pops into
our head. In other words, we are “loosening the grip we have on our sense of self” (Puddicombe,
2015). While this may sound counterintuitive to developing and maintaining a positive sense of
self, it is actually a great way to approach it. Through meditation, we gain the ability to become
aware of our inner experiences without over-identifying with them, letting our thoughts pass by
without judgment or a strong emotional response.”

Lokal na Literatura

Ang pagkakaroon ng mataas na kompyansa sa sarili ay isang magandang senyales na


nagkakaroon ito High Self-Esteem. Ayon kay Kimson Tan (2020, October 7), isang aktor ng
GMA, “I think vlogging is a steppingstone para mas maging komportable ka sa kamera, mas
maging confident ka sa sarili mo.” Dagdag pa saan nya sa kanyang interview, “Minsan kasi kapag
nagba-vlog ka, may mga bagay na hindi mo akalain na kaya mong gawin, na kaya mo pala. May
mga bagay na dati akala mo hindi s'ya para sa 'yo pero kapag ginagawa mo na
[palagi] mawawala 'yung hiya mo,”. Ayon dito ang pagharap sa kamera ay nagiging malaking
parte ng pagkakaroon o pagbuo ng kanyang kompyansa sa sarili, nagpapakita lamang ito na ang
pagpasok o pag-gamit ng vlogging ay nag bibigay kompyansa sa isang tao upang magkaroon ng
mas mataas na Self-esteem. Ayon kay Cristobal Gomez (2021, February 12),” It’s important to
sound confident and natural when you are vlogging. It can take a lot of practice, but don’t worry –
it will get easier as you do it more often. Rather than trying to memorize what you are going to
say, use a list of ideas that you can glance at to jog your memory. Know your facts and opinions,
and then talk to the camera as if it were a friend. Remember, you’ll need to talk alone for a minute
in the Speaking part of your exams. A minute can feel like a long time at first. This type of practice
is an excellent way to improve your fluency and will really build your confidence.”
8

Hindi maiiwasan ngayon ang pagkakaroon ng mga “bashers” sa kahit anong social media
website, hindi natin maiiwasan magkaroon ito ng negatibong komento sa ating post sa kahit
anong social media website, tulad ni Klea Pineda isang aktress ng GMA, batid nito na mahirap
magkaroon ng mga bashers dahil nakakawala daw ito ng confidence at Self-Esteem. ayon kay
Klea Pineda (2021, October 7), “Ang hirap sa totoo lang na makabasa ng ganun," she said.
"Humahanap sila ng butas para hilahin pababa 'yung kapwa babae nila or kapwa tao nila. Bakit
hindi na lang tayo maging masaya para sa isa't isa?" dagdag pa nya sa kanyang interview ay
ang, “"Nitong mga nakaraang months, nawala 'yung parang self-esteem, self-confidence, nawala
'yun, nawala 'yun sa akin”. Hindi talaga maiiwasang mag karoon ng masasamang komento galling
sa ibat ibang tao, ayon sa artikulong patungkol sa Social Media: 7 Ways to
Handle a Negative Comment na isinulat ni Doell (2013, November 15). “When faced with a
negative comment, don't consider it a reflection on you personally or on your business. Avoid
being defensive when handling the comment. A defensive reaction from you can quickly escalate
the issue. It's best to be accommodating, polite and truly listen to the person complaining.”
Inirekomenda nito ang tamang pagtugon sa mga masamang komento sa social media.
Sintesis ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa patuloy na pag-usbong ng maraming social media site, hindi maiiwasang mag karoon
ng koneksyon ang isang mag-aaral sa isang papular na social media site. Dahil dito nagkakaroon
ng negatibo at positibong epekto ang social media sa buhay ng isang mag-aaral. Isa sa mga
positibong epekto nito ay ang pagkakaroon ng mas mabilis na access sa mga pangangailangan,
lalo na’t pag ito ay patungkol sa pag aaral.
Isa ang Tiktok sa mga umuusbong na social media site sa panahon ngayon. Hindi na
makakapagtaka kapag ang isang studyante ay mayroon nito. Dahil ito ay ang napapanahong uso.
Ang titktok ay nagiging pahayagan na kung saan libre mong maipapahayag ang iyong sarili sa
kahit anong klaseng pagpapahayag, tulad ng pag-sayaw, pag-kanta, pag-arte at marami pang
iba. Ang pag gamit nito ay nagkakaroon ng malayang paglalahad ng iyong sarili na maaring
makita ng maraming tao, ngunit maari mo namang itong gawing pribadong video, na kung saan
ikaw lang makaka kita nito.
Dahil libre mo itong magagamit upang maipahayag ang iyong sarili magkakaroon ka ng
mas mataas na Self-Esteem na kung saan magagamit mo ito sa pang araw-araw na
pangangailangan lalo na sa mga estudyante. Nagagamit ang self-esteem upang magkaroon ng
malusog na mental health at kagalingan, Ang pagpapamalas ng iyong sarili sa publiko o
pribadong pahayagan, ay nakakatulong upang mapataas ang iyong self-confidence dahil malaya
9

mong gawin ang iyong gusto. Ngunit nagkakaroon lamang ito ng limita kapag lumabag ka sa
batas na binabatid bago mo gamitin ang app na ito o mas tinatawag na “Accept Terms and

Condition”

Sa pagkakaroon ng social media, hindi maiiwasang magkaroon ng mga negatibong


komento galling sa ibat ibang tao na nakakita ng iyong gawa. Kaya dapat tayong matuto kung
papaano mahawakan ang gantong pangyayari, kapag ito ay hindi na solusyonan o bagat ikaw ay
nagpaapekto dito, maaring itong maka sira sa iyong Self-Confidence na nakaka apekto sa
SelfEsteem ng tao. Mayroong mga senyales kapag ang tao ay mayroong mababang Self-Esteen
na kung saan ay hindi dapat mangyari ngunit hindi ito maiiwasan, mayroong walong senyales
ang isang tao na nagkakaroon ito ng maababang pagtingin sa kanyang sarili. Ang mga
sumusunod ay ang mga senyales ng Low Self Esteem: Sense of self-doubt, you are overly
apologetic, you put the blame on others, you have bad posture, you’ve developed bad habits,
you downplay your achievements, you have a negative self-image at ang You strive for
perfectionism.
Ngunit mayroon nang mga inirerekumenda na kung saan natin maiiwasan ang
pagtutungo ng ating Self-Esteem sa mababang estado. Mayroong 10 paraan kung saan natin o
paano natin papalakasin ang ating ang kumpyansa sa sarili na nagkakaroon ng magandang
epekto sa pagkakaroon ng High Self-Esteem. Ito ay ang mga sumusunod na paraan: Ipagdasal
na matutuhan kung paano haharapin nang matagumpay ang iyong kalagayan, Mag-isip ng
positibo,Pangalagaan ang iyong katawan, Kumain ng masusustansyang pagkain at
magehersisyo, Matulog nang sapat.Maging mabait, Magpasalamat, Purihin ang iyong sarili kapag
may nagagawa kang mabuti at nagsisikap kang gawin ang isang bagay,Mag-ayos ng
gamit,Gumawa ng isang listahan ng iyong mga kalakasan at talento.
Konklusyon, maraming mga social media cite ang nagagamit ng mga kabataan na
maaring makaapekto sa kanilang pag-aaral, maari din maapektuhan nito ang kani kanilang Self
Esteem na kung saan nagkakaroon ng malaking parte sa kanilang buhay. Ang pagkakaroon ng
mataas na Self-Esteem ay makakatulong sa pang araw araw bilang isang tao. Ngunit di natin
maiiwasan makasalamuha ng mga masasamang komento sa ibat ibang tao, bagamat samut sari
ang mga masasamang komento meron din naman mga positibong komento na makakatulong sa
iyong pagpapalog ng Self-Esteem. Kung lamang ang mga negatibong epekto maaring gamitin
referensya ang isinaad ng mga mananaliksik na tulong upang ma-handle ang mga negatibong
komento.
10
11

You might also like