Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent

RADIO-BASED INSTRUCTION (RBI)


TOPIC: MGA SALIK NA MAY KINALAMAN SA KLIMA NG BANSA

SCRIPTWRITER: LUELIA P. BAGASOL

OBJECTIVE/S: Pagkatapos mapakinggan ang episode na ito, ang mga mag-aaral sa Ikaapat na
Baitang ay inaasahang mailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas: Heograpiyang
Pantao, populasyon, agrikultura at industya.
TIME: 30 minutes

SESSION 1
1 PROGRAM ID

2. MUSIC/SFX

3 INTRO/OPENING SPIEL : Magandang araw minamahal naming mag-aaral ng ikaapat

baitang, mga magulang ,kapatid o tagapag-alaga!

4 Magkasama nating pag-aaralan ngayon ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa.

5 Kakailanganin ang modyul at ang unang Activity Sheet ninyo, thermometer, bolpen at notbuk

sa Araling Panlipunan.

6 Handa na ba kayo? Lahat ba ay may pamaypay o kaya’y electric fan? Ano ang mararamdaman

7 kung nakapatay ang electric fan at nasa loob kayo ng bahay? Tama, mainit at maalinsangan.

8 Yong may thermometer tingnan ang temperatura sa loob ng bahay. Itala sa notbuk. Pagkatapos ,

9 pumunta sa labas yong lugar na naaarawan, kunin ang temperatura. Alin ang mas mataas ang

10 temperatura? Ano ang ibig sabihin kung mas mataas ang temperatura? Tama, mas mainit at

maalinsangan

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent
11 Bakit nakakaranas ng ating bansa ng ganitong kalagayan ng panahon? Kung matatandaan ninyo

12 ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. Ibig sabihin direktang nasisinagan ng araw ang ating

bansa.

13 Gayunpaman,nakakaranas din tayo ng malamig na klima. Ito ay dahil sa simoy ng hanging

14 dumarating sa bansa at ang kataasan ng isang lugar.

15 May iba pang salik na nakakaapekto sa klima. Ano ano ang mga ito? Sa inyong modyul, mababasa

16 ninyo na ang temperatura , climate change, kataasan ng lugar, hanging moonsoon at dami ng

17 ulan ay mga iba pang salik na nakaka-apekto sa klima.

18 Paano natin mailalarawan ang bawat salik?Ang temperatura ay tumutukoy sa init o lamig sa isang

lugar.

19 Climate change ang tawag sa di-pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan na makapagpabago sa

20 komposisyon ng atmospera . Isang halimbawa dito ang tagtuyot o mas kilala sa tawag na El

Nino.(Ninyo)

21 Ang altitud o kataasan ng lugar ay nakaka apekto sa klima. Mas malamig sa lugar na matataas

katulad sa Baguio at Tagaytay.

22 May hanging monsoon din tayong tinatawag. Matutukoy ba ninyo ang mga ito? Ano ang

pagkakaiba nila?

23 Magaling. Ang hanging monsoon ay mga hanging dumarating sa ating bansa. Tingnan ang

24 larawan sa modyul.Saang direksiyon nanggagaling ang hangin?Tumpak! Nanggagaling ito sa

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent
25 hilangang Silangan. Hanging Amihan ang tawag natin sa malamig na hamgin na dumarating sa

Pilipinas.

26 Tingnan ulit ang modyul. Saang direksiyon nanggagaling ang hangin? Tama sa Timog-Kanluran.

27 Ang mainit na hangin na dumarating sa bansa ay hanging habagat. Ang dalawang uri ng hanging

28 monsoon ay pawang nakapagdadala ng ulan sa ating bansa. Ang dami ng ulang tinatanggap ng

29 isang lugar ay iba-iba.

30 Kaya pa ba? (PAUSE). Ngayon buklatin na ang ibinigay na mga gawain mula sa

31 inyong guro at dumako tayo sa Unang Activity Sheet.

32 Sunding mabuti ang panuto. At tiyaking sasagutan lahat ang mga pagsasanay.Bibigyan

33 ko kayo ng limang minutos para tapusi ang unang gawain.

34 Ayan oras na naman ng ating pagpapaalam. Pero bago yan nais kong mamyang gabi pag-aralan

35 ang mapang pangklima na matatagpyan sa modyul.

36 Ako ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling Panlipunan, Ginang

37 Luelia P. Bagasol

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent
SESSION 2

1 PROGRAM ID

2 MUSIC/SFX

3 INTRO/OPENING SPIEL : Magandang araw minamahal naming mag-aaral ng ikaapat

4 baitang. Magkasama tayong maglakbay sa pag-aaral ng pangklimang mapa ng Pilipinas.

5 Nakahanda na ba ang iyong mapang pangklima?(PAUSE) Bago niyan gusto kong makinig muna

tayo sa isang balita.

6 PLAY RECORDED WEATHER NEWS.

7 Ano ano ang panahon ng mga lugar na binanggit sa balita? Bakit mahalaga na malaman ang

8 panahon ng isang lugar? Siyempre ito ay mahalaga para makapaghanda sa nararapat na gawin.

9 Isuot at ihahandang pagkain.

10 Ngayon, ilabas ang modyul at tingnan ang mapang pangklima sa pahina ____. Ilarawan nga ang

11 mapa? Tama! Ang mga lugar ay may iba’t ibang kulay at may mga lugar na magkakatulad ang

12 kulay.Ano ang pananda ng mga kulay sa iba’t ibang lugar sa mapa? Magaling! ang bawat kulay ay

13 sumasagisag ng uri ng klima mayroon sa ating bansa.

14 Kung gayun ilang uri ang klima ng Pilipinas? Eksakto ! Apat na uri ang klima ng bansa.

15.Sabihin niyo nga ang paglalarawan sa bawat uri? O sige sabay tayo. Unang uri-kalahating taon na

16 tag-araw at kalahating taon na tag-ulan. Ikalawang uri-umuulan sa buong taon.

17 Ikatlong uri-maulan at may maikling panahon ng tag-araw.

18 Ikaapat na uri-pantay-pantay ang dami at pagbabahagi ng ulan sa buong taon.

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent
19 Tingnan mabuti ang mapa. Magbigay ng lugar na nakakaranas sa unang uri? Tama ang Kanluran

at Hilagang Luzon.

20 Ano pa?Magaling! kasama din ang Negros, Palawan, Mindanao at Occidental Mindoro sa unang

uri.

21 Aling mga lugar ang nakakaranas ng ikalawang uri? Tumpak! Catanduanes, Albay, Sorsogon,

22 Leyte, , Samar, camarines Sur at Norte,Quezon at Silangang Mindanao.

23 Anong uri ng klima ang nararanasan ng Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Masbate,Cebu, at

24 Romblon? Pak na pak----ikatlong uri.

25 Aling mga lugar ang may pantay-pantay ang dami ng ulan sa buong taon? Magaling! Ang mga

26 lugar na nakakaranas ng ikaapat na uri ay Batanes, Bohol,ilang bahagi ng Mindoro,Marinduque

27 ilang bahagi ng Mindanao, Albay at Camarines Sur.

28 Napagod ba kayo sa ating paglalakbay? Alalahanin nating na may apat na uri ng klima ang ating

29 bansa. Unang uri ay nakakaranas ng tuyot. Ikalawang uri ay maulan sa buong taon. Ikatlong uri

30 hindi tiyak ang paanahon at ikaapat na uri ay nakararanas ng pantay pantay na pag-ulan.

31 CLOSING SPIEL : O mga bata(PAUSE), wala na tayong oras. Sa Araling Panlipunan tayo ay

maglakbay, mawili at

32 matuto. Sama sama ulit tayo bukas paalam.

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent

SESSION 3

1 PROGRAM ID

2 MUSIC/SFX

3 INTRO/OPENING SPIEL : Magandang araw. Ako’y nagagagalak na muli kayong makasama

4 upang ipagpatuloy ang ating pag-aaral at pagtatalakay sa mapang pangklima.

5 Kakailanganin ninyo ang modyul kung saan makikita ang mapa. Ihanda rin ang Activity

6 Sheet at bolpen. Handa na ba kayo? Tayo ay maglalaro ngayon. Tawagin natin ang larong

7 ito ng IN o OUT. Gamitin ang mga kamay sa pagtukoy kung anong uri ng klima

8 mayroon ang mga lugar na aking sasabihin . Kung tama ang sagot siyempre ikaw ay IN

9 kung tatlo (3) na ang hindi mo nakuha ikaw ay OUT na .Sa palagay ko nakahanda na

10 ang lahat. Tingnan mabuti ang mapa . Ilocos ang tamang sagot ay unang uri.

11 wow! Lahat yata ay IN. Kanlurang bahagi ng Camarines Sur ikaapat na uri. Okay lang

12 yan kung hindi mo nakuha ang tamang sagot. Ngayon alam mo na. Catanduanes-

13 ikalawang uri. Quezon- ikalawang uri ulit. Isabela- ikatlong uri. O makinig mabuti at

14 tingnan sa mapa ang lugar na aking sasabihin. Metro Manila-unang uri.Aha halos lahat

15 ay IN! Di bale IN o OUT basta ikaw ay natuto panalo ka pa rin.

16 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent
17 Ngayon handang handa na kayong gawin ang ikalawang Activity Sheet. Maglabas ang

bolpen at ikalawang gawain.

18 Basahing at unawaing mabuti ang panuto at maingat na sagutan ang bawat pagsubok .

19 Bibigyan ko kayo ng pitong minutos na isagawa ang Activity Sheet.

20 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

21. Wala na tayong oras mga bata, Sama sama ulit tayo bukas.

22.Sa Araling Panlipunan tayo’y maglakbay, mawili at matuto.

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent
SESSION 4

1 PROGRAM ID

2. MUSIC/SFX

3 INTRO/OPENING SPIEL : Isang mapalang umaga mga bata. Isantabi muna ang modyul at

4 Activity Sheet ngayong araw. Ang kailangan ninyo ay malinis na papel at bolpen.

5. Kayo ay magsusulat ng isang sanaysay sa kahalagahan ng klima.

6. Natatandaan nyo pa ba ang tamang pagsulat ng sanaysay? Sa anong titik nagsisimula ang

7 mahahalagang salita sa pamagat? Ano ang gagawin sa unang pangungusap?

8. Narito ang mga Kriterya sa paggawa ng sanaysay.

RUBRIC FOR ASSESSMENT


Maikling Sanaysay
Krayterya Bahagdan

Nilalaman 40%
Kaugnayan sa Paksa/Aralin 30%
Orihinal 20%
Paggamit ng Salita 10%

Kabuuan 100%

8. Bago kayo mag-umpisang sumulat pakinggan muna ang diyalogo upang magkaroon kayo ng

9 kongkretong ideya sa kahalagahan ng klima.

10 RECORDED DIALOGUE tungkol sa kahalagahan ng klima.

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent
11 Siguradong handang handa na kayong gumawa ng inyong sanaysay. Bibigyan ko kayo ng sampung

12 minuto upang tapusin ito. At lahat ng inyong mga ginawa sa linggong ito ay kukunin ko sa umaga

13 ng Sabado o hapon ng Biyernes sa inyong bahay.

14 Kung mayroon kayong katanungan , malaya kayong kumunsulta sa inyong adviser upang

15 maliwanagan o masagot ang inyong haka haka at katanungan.

16 Dito nagtatapos ang ating oras sa asignaturang ito. Sa Araling Panlipunan, sama sama tayong

17 maglakbay, mawili at matuto.

18 Muli ito ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling

Panlipunan, Gng. Luelia P. Bagasol

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent
SESSION 5

1 PROGRAM ID

2. MUSIC/SFX

3 INTRO/OPENING SPIEL : Isang mapalang araw mga bata.Magpasalamat tayo sa Panginoong

4 Diyos dahil matatapos na naman ang isang linggong ating pglalakbay sa Araling Panlipunan.

5 Tayo ay magbabalik tanaw ng kaunti sa ating aralin bago sagutan ang lingguhang pagsubok.

6 Ano ang kaibahan ng panahon at klima? Ang panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng

kapaligiran. Klima naman ang tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon. Ang klima ay mas

matagal na kalagayan ng isang lugar.

7 Ano ano ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa? Ang mga salik na may kinalaman sa

klima ayang kinalalagyan ng bansa sa mundo(ang pagiging tropikal nito), temperatura, hanging

monsoon, kataasan ng lugar, climate change, at dami ng ulan sa lugar.

8 Ano ang kaibahan ng hanging habagat sa hanging amihan?Amihan ang tawag sa malamig na

hangin buhat sa hilagang-silangan. Habagat ang tawag sa mainit na hanging nagmumula sa timog-

kanluran.

9 Paano mo ilalarawan ang apat na uri ng klima? Unang uri-kalahating taon na tag-araw at

kalahating taon na tag-ulan.

10 Ikalawang uri-umuulan sa buong taon.

11 Ikatlong uri-maulan at may maikling panahon ng tag-araw.

12 Ikaapat na uri-pantay-pantay ang dami at pagbabahagi ng ulan sa buong taon.

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent

13 Aling mga lugar ang may klima sa unang uri? Negros, Palawan, Mindanao at Occidental Mindoro ,

Batangas, Cavite, Metro Manila , Ilocos.

14 Ikalawang uri? Catanduanes, Albay, Sorsogon, Leyte, , Samar, camarines Sur at Norte,

Quezon at Silangang Mindanao.

15 Ikatlong uri? Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Masbate,Cebu, at Romblon

16 At ikaapat na uri? Batanes, Bohol,ilang bahagi ng Mindoro,Marinduque ilang bahagi ng

Mindanao, Albay at Camarines Sur.

17 Ayan handang handa na kayo sa lingguhang pagsusulit.

18.Ilabas ang ikatlong Activity Sheet. Basahin at unawaing mabuti. Sagutin ang mga katanungan.

19.Bibigyan ko kayo ng labin limang minuto upang isagawa ang pagsusulit. Dyan kayo magsusulat sa

Activity Sheet. Huwag kalimutang isulat ang inyong pangalan sa itaas ng Activity Sheet.

20. MUSIC/SFX

21 CLOSING SPIEL : Hanggang sa muli nating pagsasama. Paalam.

Prepared by:

LUELIA P. BAGASOL

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte


Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Office of the Schools Division Superintendent

Prepared by:

______________________________________

RBDejolde , EPS RBI SDO-Ilocos Norte

You might also like